Para sa kanila, isang tahimik at maayos na gabi ang lumipas. Si Belle, bagama’t pagod mula sa mga nangyari noong araw na iyon, ay mahimbing na natutulog sa tabi ni Luke. Ang mga kamay nila’y magkahawak habang ang liwanag ng buwan ay sumisilip sa bintana, tila nagsasabing ligtas sila sa isa’t isa. Si Anabella naman ay mahimbing na natutulog sa kanyang crib, walang kamalay-malay sa panganib na unti-unting lumalapit sa kanilang mundo.Ngunit sa kabilang kwarto, si Sheila ay gising pa rin. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama, mariing nakatitig sa laptop screen kung saan nakalista ang mga pangalan ng kanyang mga tauhan. Sa tabi nito, ang litrato nina Luke at Belle ay nakapatong, may mga marka ng galit na ginuhit gamit ang pulang tinta sa mukha ni Belle.“Hindi ito matatapos nang ganito,” bulong niya sa sarili, ang boses ay puno ng poot. “Ang lahat ng ginawa ko, ang lahat ng mga plano ko, hindi ko hahayaang masayang. Luke ay para sa akin, at wala nang makakapigil sa akin para makuha siya.
Habang si Sheila ay abala sa paggawa ng mga plano, si Hector, ang lihim na tauhan na na-recruit ni Luke upang magmanman kay Sheila, ay nagtipon na ng sapat na ebidensya laban dito. Sa loob ng van, tinititigan niya ang mga video at audio recordings na naglalaman ng mga patunay ng bawat banta at lihim na operasyon ni Sheila.“Mukhang ito na ang katapusan mo, Sheila,” bulong ni Hector habang pinapanood ang footage kung saan hayagang nag-utos si Sheila ng malisyosong plano laban kay Belle.Sa kabilang banda, si Belle, na nagtatago ng kanyang sariling misyon, ay hindi alam na may isa pang nagmamasid sa lahat ng nangyayari sa mansyon. Sa likod ng kanyang pagpapanggap bilang Ana, patuloy niyang sinusubaybayan ang mga kilos ni Sheila at ng iba pang tao sa bahay.Huminga nang malalim si Hector, ang mga kamay niya’y mahigpit na nakakapit sa edge ng lamesang nasa loob ng van. Alam niyang konti na lang at makakagawa na siya ng hakbang para tuluyan nang mahinto si Sheila. Nasa tamang direksyon siy
Sa labas ng bahay nina Luke at Belle. Madilim ang gabi, at tanging ilaw ng buwan ang nagbibigay liwanag sa tahimik na paligid. Ngunit ang katahimikan ay tila puno ng tensyon. Ang mga tauhan ni Sheila ay isa-isang nagsidating, maingat na kumikilos at nagtatago sa mga anino. Dalawa sa kanila ang nakapwesto malapit sa gate, habang ang iba ay nasa likod ng mga punong nakapalibot sa bahay. “Siguraduhin ninyong walang makakahalata,” mahinang sabi ng lider ng grupo, si Pedro. “Huwag kayong gagalaw hangga’t hindi ko sinasabi. Kapag nagising ang mga tao sa loob, lagot tayong lahat.” Ang bawat tauhan ay armado ng mga baril at radios, handang sumalakay sa isang utos ni Sheila. Ngunit kahit pa maingat ang kanilang kilos, hindi nila alam na sila mismo ang minamanmanan. Sa van ni Hector. Sa di kalayuan, mula sa kanyang van, hindi iniwan ni Hector ang kanyang monitor. Ang mga camera na inilagay niya sa paligid ng bahay nina Luke at Belle ay malinaw na nagpapakita ng kilos ng mga tauhan ni Shei
Pagkatapos ng kaguluhan, tahimik na bumalik si Luke sa kusina, hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Malalim ang iniisip niya habang ang tanawin ng gabing nagdaang kaguluhan ay naglalaro sa kanyang isipan. Alam niyang hindi pa tapos ang lahat, at gusto niyang malaman kung sino talaga ang may pakana ng lahat ng ito. Sa kabilang banda, naririnig niya mula sa sala ang masayang pagtawa ni Anabella habang inaaliw siya ni Ana.Ilang saglit pa, lumapit si Luke kay Ana, nag-aalangan ngunit determinadong alamin ang totoo. “Mahal,” sabi niya, habang pinagmamasdan si Ana na binabantayan ang kanilang anak. “Kilala mo pala si Hector? Yung inspector ng pulis.”Bahagyang nagulat si Ana ngunit pinilit maging kalmado. “Oo, mahal,” sagot niya, iniwas ang tingin kay Luke upang maitago ang tensyon sa kanyang mga mata. “Naalala mo yung muntik na tayong mapahamak papunta sa immunization ni Anabella? Napagdesisyunan kong mag-hire ng private investigator. Naisip kong mas mabuting may magbantay sa atin. Nag
"As soon as possible," mabilis na sagot ni Sheila. "Gawin mo nang lahat ng kailangan mong gawin, pero siguraduhin mong malinis. Ayoko ng ebidensiyang magtuturo sa akin.""Deal," sagot ni Edward. "Ibibigay ko ang presyo sa susunod na tawag. At tandaan mo, Sheila, walang urungan 'to. Kapag nagsimula na tayo, wala nang atrasan.""Walang atrasan," sagot ni Sheila, ang boses niya'y puno ng galit at determinasyon.Pinatay ni Sheila ang telepono at saglit na napabuntong-hininga. Sa galit at inis, iniikot niya ang bracelet sa kanyang pulso, ang mga mata'y nag-aapoy habang iniisip ang bawat detalye ng kanyang plano. Ngunit bago pa siya tuluyang huminahon, kinuha niyang muli ang telepono at tumawag sa tauhan niyang pumalpak sa huling trabaho.Nag-ring ang linya ng ilang beses bago ito sinagot ng halatang nag-aatubili at takot na tauhan."Ma’am Sheila," mahinang bati ng lalaki, bahagyang nanginginig ang boses."Huwag mo akong 'ma’am-ma’am!' Anong klaseng kapalpakan ang ginawa mo?" sigaw ni Sheil
Ngumiti si Luke, pinipilit na pakalmahin ang asawa. "Hindi tayo pabigat, Ana. Kaibigan ko siya at alam niya ang sitwasyon natin. Hindi ko hahayaang malagay kayo ni Anabella sa panganib. Hindi ko rin hahayaang maulit pa ang nangyari kagabi."Napatingin si Belle sa kanilang natutulog na anak. Sa kabila ng lahat ng kaguluhan, si Anabella ay payapang natutulog sa kama, walang kamalay-malay sa panganib na kanilang kinakaharap."Luke..." mahina niyang sabi habang niyakap muli ang asawa. "Salamat. Alam kong ginagawa mo ang lahat para sa amin. Pero sana matapos na ito. Ayoko nang makita kang nahihirapan."Hinawakan ni Luke ang mukha ni Belle at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo, mahal. Magtiwala ka lang. Ligtas tayo hangga’t magkasama tayo."Sa gabing iyon, kahit punung-puno ng kaba ang kanilang puso, ang yakap ni Luke at Belle ay tila nagsilbing sandata laban sa mga banta ng mundo. Sa bawat yakap at salita ng pagmamahal, nahanap nila ang lakas para harapi
Kinabukasan, tumawag ang adopted parents ni Belle na American na sina Clyde at Sophia Smith. "Hey sweetie, how have you been? Your mom and I miss you so much," saad ni Clyde. "Dad, I am okay. How about you? Are you okay now? If you’re not feeling well, let me know so that I can refer you to my colleague, Dad," pag-aalala na sabi ni Belle na tinuring na tunay na magulang ang adopted parents at mahal na mahal niya ito. "Sweetie, when are you coming home? I miss you so much. Your dad and I are okay, you don’t have to worry. Please be careful out there, and I hope you find out who the culprit is that killed your twin; more importantly, your safety is paramount." Napabuntong-hininga si Belle habang kausap ang kanyang adopted parents sa telepono. Ramdam niya ang pagmamahal at pag-aalala nila sa kanya kahit malayo siya. Tumigil siya sandali bago sumagot, pilit pinapakalma ang kanyang boses."Dad, Mom, I promise I’ll visit soon. I miss you both so much too," sagot ni Belle habang pilit itinat
Nang lapitan na siya ni Luke para yakapin, bigla na lang umiyak si baby Anabella sa kabilang kwarto. Ang pag-iyak ng bata ay nagdulot ng kaba kay Belle. Agad siyang kumilos, nagmadaling tumakbo patungo sa kwarto ng bata."Anabella, baby, what’s wrong?" tanong ni Belle, puno ng pag-aalala. Binuksan niya ang pinto nang dahan-dahan, ang kaba sa kanyang dibdib ay mas malakas kaysa kanina. Nilapitan niya ang crib at nakita niyang si Anabella ay umiiyak nang malakas. Ang kanyang maliliit na mga kamay ay nakataas, tila naghahanap ng yakap.Agad niyang kinarga ang bata at niyakap nang mahigpit. "Shh, baby, it’s okay, Mama’s here," bulong niya habang marahang hinihele si Anabella. Habang nararamdaman niya ang init ng katawan ng bata at ang maliliit nitong bisig na kumakapit sa kanya, bahagyang nabawasan ang bigat ng kanyang kalooban.Hindi niya maiwasang mapangiti nang kaunti habang pinapakalma ang bata. Ang inosenteng pagmumukha ni Anabella ay nagsilbing paalala na kahit gaano kabigat ang mga
Naglakad si Shiela patungo sa kanila, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabighani at pagtataka. "Luke," tawag niya, ang boses ay medyo mataas kaysa karaniwan, "Bakit kayo nandito? Ano bang meron sa lugar na 'to?"Napatingin si Belle kay Shiela, at agad niyang naramdaman ang tensyon na parang may pader na bumangon sa pagitan nila. Si Luke naman ay medyo nagulat, ngunit hindi na ito nagbigay ng sagot agad. Sa halip, dahan-dahan niyang iniiwas ang kanyang tingin kay Ana at tumingin kay Shiela."Shiela," sabi ni Luke, "bakit andito ka? May kailangan ka ba? Namamasyal lang kami sa garden ni Ana." "Wala lang, gusto ko rin magpahangin at nakita ko kayo kaya sinundan ko kayo. Masama ba?" pabirong sabi ni Shiela. "Hindi naman masama, Shiela. Nagbonding moments lang kami ni Luke. Nagulat kami ng bigla kang sumulpot na para kang kapote," sarkastikong sabi ni Belle. "Parang hindi ka na nasanay sa akin, Ana," sarkastikong sagot nito."Syempre naman, Shiela," sagot ni Belle, ang mga mata niya ay n
Tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahinang ugong ng electric fan ang maririnig sa kwarto ni Belle. Nakaupo siya sa gilid ng kama, pilit nilalabanan ang bigat ng kanyang emosyon. Sa kanyang mga kamay ay ang lumang diary ni Ana—ang natatanging alaala ng kanyang kakambal. Binuksan niya ito, at agad na tumambad ang pamilyar na sulat-kamay ni Ana. Ang bawat pahina ay tila isang patalim na tumutusok sa kanyang puso, bawat salita'y nag-iiwan ng masakit na bakas sa kanyang konsensya."Luke ang mundo ko. Siya ang lahat ng lakas ko, kahit pa minsan hindi niya ito napapansin," nabasa niya. Napapikit si Belle, pilit pinipigil ang pagpatak ng luha. Ngunit hindi niya napigilan ang bahagyang paghikbi nang basahin ang susunod na linya:"Kahit anong mangyari, gusto kong ipaglaban ang pagmamahalan namin. Hindi ko kayang mabuhay nang wala si Luke."Hindi niya malaman kung paano ipoproseso ang lahat ng ito. Sa bawat salaysay ni Ana, parang mas nadarama niya ang bigat ng pagmamahal ng kakambal para kay
Kinabukasan, isang umaga na puno ng tamis ang bumungad kay Ana. Habang bumababa siya mula sa kwarto, naamoy niya ang mabangong halimuyak ng itlog na niluluto, sinamahan pa ng tunog ng kawali at tunog ng kutsarang tumatama sa pinggan. Sa kusina, abala si Luke, suot ang kanyang simpleng grey na t-shirt at itim na pajama, habang maingat niyang iniikot ang pancake sa kawali."Ana, good morning!" bati ni Luke, may ngiti sa kanyang labi. Hindi ito ang madalas na asal ng binata, kaya't laking gulat ni Ana nang makita itong nag-aayos ng pagkain sa mesa. May dalawang tasa ng kape na nakalagay, kasama ang tinapay, itlog, at bacon na maayos na nakasalansan sa plato."Luke, ikaw? Nagluto? Sigurado ka bang wala kang lagnat?" biro ni Ana, ngunit halatang natutuwa sa ginawa ng binata.Ngumiti si Luke at itinuro ang upuan sa tapat niya. "Hindi naman masamang magsimula ng araw na maayos, di ba? Kain na tayo."Habang tahimik silang kumakain, hindi maalis ni Ana ang kilig sa kanyang mukha. Hindi niya in
Habang naglalakbay ang oras, narinig niya ang mga malumanay na hakbang ni Shiela papasok sa kwarto. Dala-dala ang isang tasa ng kape, at ang bawat kilos nito ay may kasamang kabigatan, alam niyang may nangyayaring hindi maipaliwanag. Sumunod na naglalakad si Shiela palapit sa kanya. Ang mga mata ni Luke ay hindi siya tinitignan, bagkus ay nakatutok pa rin sa kanyang mga ginagawa. Ngunit ramdam na ramdam ni Shiela ang bigat ng katahimikan na pumapagitna sa kanila.Shiela: (Malamig na boses, may mahinhing ngiti) I brought you coffee... Thought you might need some.Mabilis niyang iniabot ang tasa kay Luke. Ngunit ang mga mata ni Luke ay hindi gumalaw. Nanatili siyang nakatingin sa kanyang laptop, parang hindi nakikinig sa mga salitang iyon ni Shiela. Ang presensya nito ay parang mabigat na ulap na hindi matanggal, at ramdam na ramdam ni Shiela ang paglayo ni Luke mula sa kanya. Ang kape ay nasa kanyang kamay, ngunit parang hindi na ito kailangan. Nag-aalangan siyang magtakda ng kahit isa
Nararamdaman ni Belle ang bigat ng bawat hakbang habang naglalakad siya sa kanyang kwarto. Ang narinig niyang pagtatapat ni Shiela tungkol kay Luke ay tila matalim na punyal na tumama sa kanyang dibdib na paulit ulit na lumalaro sa kanyang isipan. Habang binabalikan ang narinig, ang boses ni Shiela ay paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan, ang bawat salita’y nag-iiwan ng bakas ng alinlangan at takot.Sa loob ng kwarto, naupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone na tila bigat ng mundo ang dala. Sa kabila ng pagmamahal niya kay Luke, hindi niya magawang balewalain ang nalaman tungkol sa tunay na motibo ni Shiela sa pagpatay kay Ana. Hindi ito simpleng away o galit lamang; ito’y pag-ibig na naging lason, na nag-udyok kay Shiela na gawin ang pinakamadilim na hakbang.Napagpasyahan niyang tawagan si Hector, ang pribadong detektib na hinire niya upang alamin ang katotohanan. Sa unang ring pa lamang, sinagot ito ni Hector."Belle, anong nangyari? May bago ka bang nalaman?" tanong
Pagkatapos ng tawag, napaupo si Shiela sa gilid ng kama, ang kanyang mga kamay mahigpit na nakatikom. Ang katahimikan ng kwarto ay tila tumutunog sa bawat tibok ng kanyang puso. Hindi maikakaila ang galit sa kanyang malamlam ngunit nanlilisik na mga mata. Nang muling mapako ang tingin niya sa kawalan, para siyang isang bagyong nagbabantang sumambulat anumang oras. "Ang pagtakas niyo ay isang malaking pagkakamali," bulong niya sa sarili, ang bawat salita puno ng galit. "Tomas, Rico, Mario... Hindi niyo alam kung anong nilalaro niyo. Kapag nahanap ko kayo, wala nang makakapigil sa akin." Samantala, sina Tomas, Rico, at Mario ay pilit na hinahanap ang kanilang susunod na hakbang. Ang dilim ng gabi ay parang walang katapusang bangungot, bawat tunog ng kanilang yapak sa masikip na eskinita ay tila tumatama sa kanilang konsensya. "Rico, bilisan mo!" sigaw ni Tomas habang hinihila ang kaibigan. "Hindi ito ang oras para magpahinga!" "Hindi ba't sinabi mong magpapahinga muna tayo?" sin
Sa bawat hakbang, tila mas lalo silang hinihigpitan ng dilim. Ang bawat ingay ng yapak, bawat ihip ng malamig na hangin, at ang bawat tunog ng malayong makina ay parang mga hudyat ng kamatayan na nakaamba sa kanila. Hindi nila magawang huminga nang maluwag; para bang kahit ang hangin ay nagiging pabigat sa kanilang bawat hakbang. Ngunit sa kabila ng lahat, walang naglakas-loob na umatras. Ang desisyon nilang tumalikod sa utos ni Shiela ay isang desisyong pinanday ng takot, galit, at muling pagbangon.“Rico,” mariing bulong ni Tomas habang sinusulyapan ang paligid. “Kung hindi ka sigurado, sabihin mo na ngayon. Dahil kapag nahuli tayo, hindi tayo makakalabas ng buhay.”Tila napako si Rico sa kanyang kinatatayuan. Halata sa kanyang mukha ang magkahalong guilt at takot. “Sigurado ako,” sagot niya, ngunit tila mas para sa sarili niya ang mga salitang iyon. Mahigpit ang hawak niya sa baril na tila bigat ng kanyang konsensya. “Hindi ko na kayang gumawa ng masama para kay Shiela. Pero… paano
Madilim ang paligid habang mabilis na naglalakad sina Tomas at Mario sa makipot na eskinita. Ang bawat yapak nila’y parang dumadagundong sa tahimik na gabi. Tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay gabay sa kanilang daan. Halata ang kaba sa mukha ni Mario habang palinga-linga ito, waring naghahanap ng anino ng panganib."Umalis na tayo, Mario," sabi ni Tomas, mahigpit na hinawakan ang braso ng kaibigan. "Kung magtatagal pa tayo dito, baka pati tayo madamay. Hindi natin pwedeng ilagay ang buhay natin sa peligro.""Hindi mo ba naiisip si Rico?" tanong ni Mario, halatang nag-aalala. "Paano kung bumalik siya? Hindi ba niya tayo mahahanap? Alam niyang hindi natin kayang tapusin ang ganitong klaseng gawain."Napabuntong-hininga si Tomas. Nilingon niya si Mario, halata ang bigat ng desisyon sa kanyang mga mata. "Kung gusto mong mahuli at makulong, sige, magpaiwan ka. Pero ako, Mario? Hindi ko kayang hayaan na mauwi sa wala ang desisyon nating ito. Hayaan mo na si Rico. Pinili niyang sundin si
Madilim ang paligid, tanging ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay liwanag. Si Belle ay nakaupo sa rocking chair, hawak ang natutulog na si Baby Annabella. Sa kabilang bahagi ng bahay, naririnig ang mahinang tunog ng mga papel na binubuklat ni Luke sa study room.Belle (mahina, halos pabulong habang pinapatulog si Annabella):"Anak, patawarin mo si Tita Belle. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Pero kailangan kong gawin ito para sa'yo... para sa atin."Tinitigan niya ang inosenteng mukha ng bata, tila may bigat sa kanyang dibdib.Tumunog ang cellphone ni Belle. Agad niyang sinilip ito at sinagot nang walang ingay.Belle (mahina ang boses):"Hector, anong balita? May nakikita ka pa bang mga tauhan ni Shiela sa paligid?"Hector (sa kabilang linya, seryoso ang tono):"Belle, andito pa rin sila. Tatlong lalaki ang nakapuwesto sa labas ng bakod. Mukhang nagmamatyag. Pero hindi sila basta-basta kikilos. Malinis ang galaw nila, parang mga propesyonal."Belle (napatingin sa natutulog na bata,