Pagkatapos ng kaguluhan, tahimik na bumalik si Luke sa kusina, hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Malalim ang iniisip niya habang ang tanawin ng gabing nagdaang kaguluhan ay naglalaro sa kanyang isipan. Alam niyang hindi pa tapos ang lahat, at gusto niyang malaman kung sino talaga ang may pakana ng lahat ng ito. Sa kabilang banda, naririnig niya mula sa sala ang masayang pagtawa ni Anabella habang inaaliw siya ni Ana.Ilang saglit pa, lumapit si Luke kay Ana, nag-aalangan ngunit determinadong alamin ang totoo. “Mahal,” sabi niya, habang pinagmamasdan si Ana na binabantayan ang kanilang anak. “Kilala mo pala si Hector? Yung inspector ng pulis.”Bahagyang nagulat si Ana ngunit pinilit maging kalmado. “Oo, mahal,” sagot niya, iniwas ang tingin kay Luke upang maitago ang tensyon sa kanyang mga mata. “Naalala mo yung muntik na tayong mapahamak papunta sa immunization ni Anabella? Napagdesisyunan kong mag-hire ng private investigator. Naisip kong mas mabuting may magbantay sa atin. Nag
"As soon as possible," mabilis na sagot ni Sheila. "Gawin mo nang lahat ng kailangan mong gawin, pero siguraduhin mong malinis. Ayoko ng ebidensiyang magtuturo sa akin.""Deal," sagot ni Edward. "Ibibigay ko ang presyo sa susunod na tawag. At tandaan mo, Sheila, walang urungan 'to. Kapag nagsimula na tayo, wala nang atrasan.""Walang atrasan," sagot ni Sheila, ang boses niya'y puno ng galit at determinasyon.Pinatay ni Sheila ang telepono at saglit na napabuntong-hininga. Sa galit at inis, iniikot niya ang bracelet sa kanyang pulso, ang mga mata'y nag-aapoy habang iniisip ang bawat detalye ng kanyang plano. Ngunit bago pa siya tuluyang huminahon, kinuha niyang muli ang telepono at tumawag sa tauhan niyang pumalpak sa huling trabaho.Nag-ring ang linya ng ilang beses bago ito sinagot ng halatang nag-aatubili at takot na tauhan."Ma’am Sheila," mahinang bati ng lalaki, bahagyang nanginginig ang boses."Huwag mo akong 'ma’am-ma’am!' Anong klaseng kapalpakan ang ginawa mo?" sigaw ni Sheil
Ngumiti si Luke, pinipilit na pakalmahin ang asawa. "Hindi tayo pabigat, Ana. Kaibigan ko siya at alam niya ang sitwasyon natin. Hindi ko hahayaang malagay kayo ni Anabella sa panganib. Hindi ko rin hahayaang maulit pa ang nangyari kagabi."Napatingin si Belle sa kanilang natutulog na anak. Sa kabila ng lahat ng kaguluhan, si Anabella ay payapang natutulog sa kama, walang kamalay-malay sa panganib na kanilang kinakaharap."Luke..." mahina niyang sabi habang niyakap muli ang asawa. "Salamat. Alam kong ginagawa mo ang lahat para sa amin. Pero sana matapos na ito. Ayoko nang makita kang nahihirapan."Hinawakan ni Luke ang mukha ni Belle at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo, mahal. Magtiwala ka lang. Ligtas tayo hangga’t magkasama tayo."Sa gabing iyon, kahit punung-puno ng kaba ang kanilang puso, ang yakap ni Luke at Belle ay tila nagsilbing sandata laban sa mga banta ng mundo. Sa bawat yakap at salita ng pagmamahal, nahanap nila ang lakas para harapi
Kinabukasan, tumawag ang adopted parents ni Belle na American na sina Clyde at Sophia Smith. "Hey sweetie, how have you been? Your mom and I miss you so much," saad ni Clyde. "Dad, I am okay. How about you? Are you okay now? If you’re not feeling well, let me know so that I can refer you to my colleague, Dad," pag-aalala na sabi ni Belle na tinuring na tunay na magulang ang adopted parents at mahal na mahal niya ito. "Sweetie, when are you coming home? I miss you so much. Your dad and I are okay, you don’t have to worry. Please be careful out there, and I hope you find out who the culprit is that killed your twin; more importantly, your safety is paramount." Napabuntong-hininga si Belle habang kausap ang kanyang adopted parents sa telepono. Ramdam niya ang pagmamahal at pag-aalala nila sa kanya kahit malayo siya. Tumigil siya sandali bago sumagot, pilit pinapakalma ang kanyang boses."Dad, Mom, I promise I’ll visit soon. I miss you both so much too," sagot ni Belle habang pilit itinat
Nang lapitan na siya ni Luke para yakapin, bigla na lang umiyak si baby Anabella sa kabilang kwarto. Ang pag-iyak ng bata ay nagdulot ng kaba kay Belle. Agad siyang kumilos, nagmadaling tumakbo patungo sa kwarto ng bata."Anabella, baby, what’s wrong?" tanong ni Belle, puno ng pag-aalala. Binuksan niya ang pinto nang dahan-dahan, ang kaba sa kanyang dibdib ay mas malakas kaysa kanina. Nilapitan niya ang crib at nakita niyang si Anabella ay umiiyak nang malakas. Ang kanyang maliliit na mga kamay ay nakataas, tila naghahanap ng yakap.Agad niyang kinarga ang bata at niyakap nang mahigpit. "Shh, baby, it’s okay, Mama’s here," bulong niya habang marahang hinihele si Anabella. Habang nararamdaman niya ang init ng katawan ng bata at ang maliliit nitong bisig na kumakapit sa kanya, bahagyang nabawasan ang bigat ng kanyang kalooban.Hindi niya maiwasang mapangiti nang kaunti habang pinapakalma ang bata. Ang inosenteng pagmumukha ni Anabella ay nagsilbing paalala na kahit gaano kabigat ang mga
Isa pang litrato ang kanyang tiningnan—ang larawan ni Luke sa kanyang kasal. Nakatingin ito kay Ana nang may pagmamahal, isang tingin na kailanman ay hindi niya naranasan mula rito. Humigpit ang hawak ni Shiela sa litrato, at sa isang iglap ay inihagis niya ito sa pader. "Hindi siya ang nararapat para sa'yo, Luke. Ako ang dapat na nasa tabi mo. Ako!" sigaw niya, habang bumagsak ang baso ng alak mula sa kanyang kamay at nabasag sa sahig.Lumapit siya sa mesa kung saan nakalagay ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito, at mula rito ay kinuha ang isang bagay—isang lumang kwintas na ibinigay sa kanya ni Luke noong high school pa sila. "Ikaw ang nagbigay sa akin ng pag-asa noon, Luke. Hindi mo ba naalala? Sinabi mo sa akin na ako ang espesyal sa puso mo." Ang tinig niya ay nanginginig, isang pinaghalong lungkot at galit ang bumalot sa kanya.Habang tumutungga ng alak, bumuo ng isang plano si Shiela sa kanyang isipan. "Kung hindi kita makuha nang maayos, mapipilitan akong kunin ka kahi
Kinabukasan, habang tahimik na kumakain ng almusal sina Belle at Luke, nagdesisyon si Belle na basagin ang katahimikan. "Mahal, kailangan natin mag-grocery mamaya. Wala na ring diapers si Anabella," sabi niya habang nilalaro ang baso ng orange juice sa kanyang mga kamay. Nagtama ang kanilang mga mata, at tumango si Luke, tila nag-iisip pa rin ng malalim."Oo, Ana. Mamaya pagkatapos ng meeting ko sa opisina, mag-stop tayo sa grocery," sagot ni Luke, sabay subo ng kanyang pagkain. "Ayoko naman na maubusan si Anabella ng kailangan niya."Habang nag-uusap sila, nakaupo si Shiela sa kabilang dulo ng mesa. Nakikinig siya nang mabuti habang dahan-dahang nilalaro ang kanyang kutsara, ngunit ang mukha niya’y puno ng ngiting hindi kayang basahin. Sa kanyang isipan, iniisip niya ang susunod na hakbang."Mag-grocery kayo, ha?" singit ni Shiela, na may mapanuksong ngiti. "Baka gusto niyong isama na rin ako. Para makatulong naman."Nagkatinginan si Belle at Luke. "Ah, mukhang hindi na siguro kailan
"Luke, hindi mo naiintindihan. Kung mawala si Ana, magiging malaya ka. Magiging malaya tayo. Kaya kong ibigay sa’yo ang lahat, ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng kahit sino!"Tila nawalan na ng pasensya si Luke. "Shiela, tigilan mo na ito! Ayokong mas lalong mawala ang respeto ko sa’yo! Kung talagang mahal mo ako bilang pamilya, hihinto ka na. Hindi kailanman mangyayari ang iniisip mo!"Sa puntong iyon, hindi na napigilan ni Shiela ang kanyang emosyon. Napaupo siya sa sahig ng grocery store, hawak ang ulo, habang umiiyak nang malakas. "Hindi mo naiintindihan, Luke. Hindi mo naiintindihan kung gaano kasakit na makita kang masaya sa piling ng iba. Hindi mo alam kung gaano kabigat ang pakiramdam na malaman na kahit kailan, hindi ako magiging sapat para sa’yo."Habang nakatitig si Luke kay Shiela, isang halo ng galit, awa, at pagkabigo ang makikita sa kanyang mukha. Tumalikod siya, pilit iniipon ang sarili, bago muling nagsalita. "Shiela, ito na ang huling beses na pag-uusapan nati
Samantala sa tunay na Ana na ngayon ay si Sara.Ramdam ni Sara ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig kay Vanessa. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito, pero ang paraan ng pagkakatitig nito kay Adrian—may kumpiyansa, may pangangailangan—ay sapat nang dahilan para magduda siya."Ano'ng kailangan mong sabihin, Vanessa?" tanong ni Adrian, halatang nagtataka.Lumingon si Vanessa kay Sara bago muling binalik ang tingin kay Adrian. "Pwede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang?"Napatingin si Sara kay Adrian, hinihintay kung ano ang gagawin nito.Pero hindi siya binigo ni Adrian. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing sinabi, "Kahit anong sasabihin mo, Vanessa, pwedeng sabihin mo rin sa harap ni Sara."Halos hindi maipinta ang mukha ni Vanessa. Halatang hindi niya inaasahang tatanggi si Adrian."Adrian," may bahagyang pakiusap sa tono ni Vanessa. "Hindi ito isang bagay na pwedeng marinig ng iba.""Si Sara ay hindi ‘iba’ sa akin," madiin na tugon ni Adrian. "Ano man ang sasa
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T
Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri
KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a
Saglit na natahimik si Adrian. Nagpukol siya ng tingin sa pool, pinagmamasdan ang kislap ng tubig sa ilalim ng buwan.Adrian: “Masakit ‘yun. Pero kung hindi niya ako pipiliin… tatanggapin ko.”Paul: “Wow. Sobrang lalim na ng tama mo, boss. Pero alam mo, feeling ko… ikaw pa rin ang pipiliin niya.”Napangiti si Adrian. “Sana nga.”Paul: “Kaya bukas, punta mo na agad! Baka naman isang beauty queen pa ang maunang umeksena diyan sa buhay mo.”Adrian: “Kahit sampung beauty queen pa ‘yan, si Sara lang ang gusto ko.”Paul: “O siya, sige na! Mukhang wala na akong magagawa sa’yo. Magpahinga ka na, para may energy kang mangulit bukas.”Tumayo si Adrian at tinapik sa balikat si Paul. “Salamat, bro.”Paul: “Walang anuman. Basta siguruhin mong hindi ka tatanggap ng ‘basted’ bilang sagot.”Natawa si Adrian. “Wala ‘yun sa vocabulary ko.”At sa isip niya, buo na ang pasya niya—bukas, babalik siya kay Sara. KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bu
Muling bumigat ang dibdib ni Sara. Tumayo siya nang mariin ang pagtapak sa sahig. “Hindi ko alam,” sagot niya bago lumabas ng bahay.Naiwan sina Nanay Glenda at Tatay Romero na nagkakatinginan. Napangiti si Nanay Glenda. “Mukhang may nahulog na talaga.”Sa Crystal Clear J ResortNapapaligiran si Adrian ng naggagandahang babae pero ni isa sa kanila, hindi niya magawang pagtuunan ng pansin.Lumapit sa kanya si Jas, ang matalik niyang kaibigan at kasosyo sa resort. “Boss, sigurado ka bang hindi ka pupunta kay Sara ngayon? Parang ang bigat ng loob mo.”Umiling siya. “Busy tayo ngayon, ‘di ba? Tsaka hindi naman ako pwedeng mawala sa event na ‘to.”Ngumiti si Jasendo at palihim na tinapik ang balikat niya. “O baka naman gusto mong marinig na hinanap ka niya?”Mabilis siyang tumingin sa kaibigan. “Hayup ka talaga, Jasendo.”Napatawa ito. “Aba, kita mo? Ikaw na nga ang nagsabi.”Pumikit si Adrian at marahang bumuntong-hininga. Kahapon lang, hawak niya ang kamay ni Sara, tila may pag-asa siyan
Bahagyang lumapit si Adrian kay Sara. "Handa akong tanggapin ang desisyon niya, basta alam kong nagawa ko ang lahat.""Parang pasado ka naman," sabi ni Tatay Romero na parang may iniisip.Ngumiti si Nanay Glenda. "Oo nga, parang gusto ko na ngang ipaubaya sa’yo ang anak namin.""Ano ba kayo, Nay, Tay! Parang ibinibigay n’yo na ako!" sigaw ni Sara, halatang nahiya.Tumawa si Adrian. "Salamat po, Nay, Tay. Pero si Sara pa rin ang magde-desisyon. Hindi ko siya mamadaliin. Handa akong maghintay."Tahimik lang si Sara. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga sinabi nito. Pero sa unang pagkakataon, hindi siya nakaramdam ng kaba. Sa halip, parang may mainit at komportableng pakiramdam na bumabalot sa kanya."Aba, mukhang wala nang matutulog sa gabi sa kakaisip nito," sabi ni Tatay Romero habang natatawa."Oo nga," segunda ni Nanay Glenda. "Baka mapuyat na naman ‘tong anak natin.""Tay, Nay, tama na nga!" reklamo ni Sara.Tumingin sa kanya si Adrian at ngumiti. "O siya, aalis na ako. S