Ngumiti si Luke, pinipilit na pakalmahin ang asawa. "Hindi tayo pabigat, Ana. Kaibigan ko siya at alam niya ang sitwasyon natin. Hindi ko hahayaang malagay kayo ni Anabella sa panganib. Hindi ko rin hahayaang maulit pa ang nangyari kagabi."Napatingin si Belle sa kanilang natutulog na anak. Sa kabila ng lahat ng kaguluhan, si Anabella ay payapang natutulog sa kama, walang kamalay-malay sa panganib na kanilang kinakaharap."Luke..." mahina niyang sabi habang niyakap muli ang asawa. "Salamat. Alam kong ginagawa mo ang lahat para sa amin. Pero sana matapos na ito. Ayoko nang makita kang nahihirapan."Hinawakan ni Luke ang mukha ni Belle at marahang hinalikan ang kanyang noo. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo, mahal. Magtiwala ka lang. Ligtas tayo hangga’t magkasama tayo."Sa gabing iyon, kahit punung-puno ng kaba ang kanilang puso, ang yakap ni Luke at Belle ay tila nagsilbing sandata laban sa mga banta ng mundo. Sa bawat yakap at salita ng pagmamahal, nahanap nila ang lakas para harapi
Kinabukasan, tumawag ang adopted parents ni Belle na American na sina Clyde at Sophia Smith. "Hey sweetie, how have you been? Your mom and I miss you so much," saad ni Clyde. "Dad, I am okay. How about you? Are you okay now? If you’re not feeling well, let me know so that I can refer you to my colleague, Dad," pag-aalala na sabi ni Belle na tinuring na tunay na magulang ang adopted parents at mahal na mahal niya ito. "Sweetie, when are you coming home? I miss you so much. Your dad and I are okay, you don’t have to worry. Please be careful out there, and I hope you find out who the culprit is that killed your twin; more importantly, your safety is paramount." Napabuntong-hininga si Belle habang kausap ang kanyang adopted parents sa telepono. Ramdam niya ang pagmamahal at pag-aalala nila sa kanya kahit malayo siya. Tumigil siya sandali bago sumagot, pilit pinapakalma ang kanyang boses."Dad, Mom, I promise I’ll visit soon. I miss you both so much too," sagot ni Belle habang pilit itinat
Nang lapitan na siya ni Luke para yakapin, bigla na lang umiyak si baby Anabella sa kabilang kwarto. Ang pag-iyak ng bata ay nagdulot ng kaba kay Belle. Agad siyang kumilos, nagmadaling tumakbo patungo sa kwarto ng bata."Anabella, baby, what’s wrong?" tanong ni Belle, puno ng pag-aalala. Binuksan niya ang pinto nang dahan-dahan, ang kaba sa kanyang dibdib ay mas malakas kaysa kanina. Nilapitan niya ang crib at nakita niyang si Anabella ay umiiyak nang malakas. Ang kanyang maliliit na mga kamay ay nakataas, tila naghahanap ng yakap.Agad niyang kinarga ang bata at niyakap nang mahigpit. "Shh, baby, it’s okay, Mama’s here," bulong niya habang marahang hinihele si Anabella. Habang nararamdaman niya ang init ng katawan ng bata at ang maliliit nitong bisig na kumakapit sa kanya, bahagyang nabawasan ang bigat ng kanyang kalooban.Hindi niya maiwasang mapangiti nang kaunti habang pinapakalma ang bata. Ang inosenteng pagmumukha ni Anabella ay nagsilbing paalala na kahit gaano kabigat ang mga
Isa pang litrato ang kanyang tiningnan—ang larawan ni Luke sa kanyang kasal. Nakatingin ito kay Ana nang may pagmamahal, isang tingin na kailanman ay hindi niya naranasan mula rito. Humigpit ang hawak ni Shiela sa litrato, at sa isang iglap ay inihagis niya ito sa pader. "Hindi siya ang nararapat para sa'yo, Luke. Ako ang dapat na nasa tabi mo. Ako!" sigaw niya, habang bumagsak ang baso ng alak mula sa kanyang kamay at nabasag sa sahig.Lumapit siya sa mesa kung saan nakalagay ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito, at mula rito ay kinuha ang isang bagay—isang lumang kwintas na ibinigay sa kanya ni Luke noong high school pa sila. "Ikaw ang nagbigay sa akin ng pag-asa noon, Luke. Hindi mo ba naalala? Sinabi mo sa akin na ako ang espesyal sa puso mo." Ang tinig niya ay nanginginig, isang pinaghalong lungkot at galit ang bumalot sa kanya.Habang tumutungga ng alak, bumuo ng isang plano si Shiela sa kanyang isipan. "Kung hindi kita makuha nang maayos, mapipilitan akong kunin ka kahi
Kinabukasan, habang tahimik na kumakain ng almusal sina Belle at Luke, nagdesisyon si Belle na basagin ang katahimikan. "Mahal, kailangan natin mag-grocery mamaya. Wala na ring diapers si Anabella," sabi niya habang nilalaro ang baso ng orange juice sa kanyang mga kamay. Nagtama ang kanilang mga mata, at tumango si Luke, tila nag-iisip pa rin ng malalim."Oo, Ana. Mamaya pagkatapos ng meeting ko sa opisina, mag-stop tayo sa grocery," sagot ni Luke, sabay subo ng kanyang pagkain. "Ayoko naman na maubusan si Anabella ng kailangan niya."Habang nag-uusap sila, nakaupo si Shiela sa kabilang dulo ng mesa. Nakikinig siya nang mabuti habang dahan-dahang nilalaro ang kanyang kutsara, ngunit ang mukha niya’y puno ng ngiting hindi kayang basahin. Sa kanyang isipan, iniisip niya ang susunod na hakbang."Mag-grocery kayo, ha?" singit ni Shiela, na may mapanuksong ngiti. "Baka gusto niyong isama na rin ako. Para makatulong naman."Nagkatinginan si Belle at Luke. "Ah, mukhang hindi na siguro kailan
"Luke, hindi mo naiintindihan. Kung mawala si Ana, magiging malaya ka. Magiging malaya tayo. Kaya kong ibigay sa’yo ang lahat, ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng kahit sino!"Tila nawalan na ng pasensya si Luke. "Shiela, tigilan mo na ito! Ayokong mas lalong mawala ang respeto ko sa’yo! Kung talagang mahal mo ako bilang pamilya, hihinto ka na. Hindi kailanman mangyayari ang iniisip mo!"Sa puntong iyon, hindi na napigilan ni Shiela ang kanyang emosyon. Napaupo siya sa sahig ng grocery store, hawak ang ulo, habang umiiyak nang malakas. "Hindi mo naiintindihan, Luke. Hindi mo naiintindihan kung gaano kasakit na makita kang masaya sa piling ng iba. Hindi mo alam kung gaano kabigat ang pakiramdam na malaman na kahit kailan, hindi ako magiging sapat para sa’yo."Habang nakatitig si Luke kay Shiela, isang halo ng galit, awa, at pagkabigo ang makikita sa kanyang mukha. Tumalikod siya, pilit iniipon ang sarili, bago muling nagsalita. "Shiela, ito na ang huling beses na pag-uusapan nati
Nang makita ang ekspresyon ni Belle, agad niyang nilapitan ito. "Ana," tawag niya, ang boses niya’y puno ng pag-aalala. "Narinig mo ba ang nangyari?"Nagkunwaring naguluhan si Belle habang iniwas ang tingin, pilit na pinipigilang lumuha. "Ano iyon, Luke? May pinag-usapan ba kayo ni Shiela?" tanong niya, pilit na binibigkas ang mga salita sa kabila ng bigat sa kanyang dibdib.Agad namang umayos si Luke, tila nag-iisip ng paraan para mapagaan ang sitwasyon. "Wala, Ana. Nag-uusap lang kami tungkol sa gatas ni Anabella," mabilis niyang sagot, pilit na ngumingiti kahit halatang may tensyon.Sumabay naman si Shiela sa palabas ni Luke, agad na nagkunwari rin. "Oo nga, Ana," sabi nito, habang kunwaring abala sa pagtitingin ng mga gatas sa baby section. "Kasi lumalaki na rin si Anabella, baka kailangan na nating palitan ang gatas niya ng mas angkop para sa edad niya."Bahagyang natigilan si Belle, ngunit pinilit niyang panatilihing kalmado ang ekspresyon niya. "Ganun ba? Mabuti naman at pinag-
Habang nakaupo sa sala, tahimik na nag-iisip si Luke. Hawak niya ang isang baso ng tubig, ngunit hindi niya magawang uminom. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Shiela noong bata pa sila. Noon, inakala niyang ang pagtatapat nito ng “crush” sa kanya ay simpleng ihip ng kabataan—isang bagay na maaaring kalimutan habang tumatanda. Ngunit ngayon, malinaw na hindi na iyon simpleng paghanga.“Bakit hindi siya nagbabago?” tanong niya sa sarili, habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana. “Sa tagal ng panahon, hindi niya ba natutunang tanggapin na magkapatid kami, kahit hindi man kami magkadugo? Pamilya ang turing ko sa kanya. Paano niya nagawang ilagay ang ganitong bigat sa pagitan namin?”Sinubukan niyang balikan ang mga alaala nila noong bata pa sila. Napabuntong-hininga siya habang naiisip ang masayang mga tagpo—si Shiela, laging masayahin, laging sumusunod sa kanya saanman siya magpunta. “Kuya Luke, balang araw gusto kong maging tulad mo. Gu
Napatingin si Belle kay Luke habang mahigpit pa rin siyang nakakapit sa lalaki. Pinipilit niyang isiksik sa isip na wala siyang dapat ipag-alala, na siya ngayon ang si Ana—ang asawa ni Luke, ang ina ng kanilang anak. Ngunit ang boses ni Shiela ay patuloy na bumubulong sa kanyang isipan."Akin lang si Luke, Ana, at bilang na ang araw mo."Hindi. Hindi niya maaaring hayaan si Shiela na sirain ang lahat. Hindi siya papayag na maagaw si Luke sa kanya.Kinabukasan, habang inihahanda ni Belle ang almusal, abala si Luke sa paglalaro kay Anabella sa sala. Natatawa siya habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Anabella na walang sawang hinahabol ang amang tila sinusulit ang bawat sandali kasama ang anak.Ngunit ang katahimikan ng umaga ay agad na nagulo nang tumunog ang doorbell.Nag-freeze si Belle. Bigla siyang nakaramdam ng malamig na pakiramdam na gumapang sa kanyang katawan."Love, ako na ang titingin," sabi ni Luke habang papalapit sa pinto.Agad siyang tumayo. "No! Ako na!"Ngunit huli na. B
Natahimik si Sara. Pakiramdam niya, bumaligtad ang mundo niya sa narinig."May taong gustong burahin ang alaala ko?" mahina niyang ulit, nanginginig ang boses. "Ibig sabihin… hindi ito aksidente? May gumawa nito sa akin… sinadya nila?"Halos hindi siya makahinga sa bigat ng rebelasyong iyon.Lumapit si Adrian at marahang hinawakan ang kanyang mga kamay. "Sara, alam kong mahirap tanggapin, pero… may posibilidad na may gustong gumawa ng masama sa'yo. Baka delikado kung ipagpipilitan mong hanapin ang sagot ngayon."Tumayo si Sara, pilit nilalabanan ang takot. "Pero paano ako mabubuhay nang hindi ko alam ang buong katotohanan? Hindi ko matanggap na may mga alaala akong hindi ko maalala, Adrian. At ngayon, nalaman ko pang may taong gustong gawin ito sa akin?"Napayuko si Adrian. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na mas mahalaga ngayon ang kaligtasan niya kaysa sa katotohanan.Biglang nag-ring ang cellphone ni Adrian. Glenda.Agad niyang sinagot ang tawag. "Glenda, ano pa ang
Mabilis ang tibok ng puso ni Belle habang nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Mahimbing na natutulog si Luke sa tabi niya, ang braso nito’y mahigpit na nakayakap sa kanya, parang ayaw siyang pakawalan. Samantalang si Anabella naman ay nakapulupot sa kanya sa kabila, tila ayaw ding mahiwalay sa kanya.Pero sa kabila ng init ng yakap ng kanyang pamilya, ramdam ni Belle ang malamig na takot na lumulukob sa kanya.Hanggang kailan ko kaya itatago ang katotohanan?Pinisil niya ang sariling palad. Wala na siyang ibang pagpipilian. Pinili na niyang gampanan ang buhay ni Ana habang buhay. Para sa anak niya. Para kay Luke.Pero paano kung isang araw, bumalik si Shiela? Paano kung matuklasan ni Luke ang totoo?Biglang gumalaw si Luke at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. "Mmm... Love?"Napalunok si Belle at mabilis na ngumiti, pilit na itinatago ang kaba. "Hmm?"Hinalikan ni Luke ang gilid ng kanyang ulo bago bumulong. "Paano kung baby boy ang baby natin?""H-Ha?"Umupo si Luke at masuyong
Samantala sa kabilang dako..Nagising si Belle sa tunog ng mga tinig mula sa sala. Bumangon siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa hagdan. Pagtingin niya sa ibaba, naroon sina Nenita at Philipp, ang mga magulang ni Luke—masaya silang nakangiti habang kausap ang kanilang anak."Buntis na si Ana!" masayang balita ni Luke sa kanila.Halos manlambot ang tuhod ni Belle."Talaga, anak?" Halos lumundag sa tuwa si Nenita, ang ina ni Luke. "Magkakaapo ulit kami!"Niyakap siya nito nang mahigpit pagkalapit niya sa kanila. Napatingin siya kay Philipp, na kahit seryoso ang mukha ay hindi maitago ang ningning sa mata."Napakagandang balita nito," sabi ni Philipp. "Anabella will have a little sibling soon."Napakagat-labi si Belle. Lahat sila, masaya. Lahat sila, naniniwala na siya si Ana.At siya? Isang kasinungalingan.Sa hapunan, hindi mapigilan ni Nenita ang mapangiti habang sinasandukan ng pagkain si Belle."Kailangan mong kumain ng mabuti, Ana. Kailangan ni baby ng sapat na nutrisyon," a
Sa kabilang dako ..Sa tunay na Ana. Pumunta sina Sara at Adrian kinabukasan sa St.Lukes Hospital."Miss Sara, sigurado ka bang handa ka sa maaaring resulta ng tests?" tanong ng doktor habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.Napatingin si Sara kay Adrian, na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Halata ang tensyon sa kanyang mukha."Handa ba talaga ako?" bulong niya sa sarili, pero pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses. "Opo, Doc. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Nagbuntong-hininga si Adrian at marahang hinawakan ang kamay ni Sara."Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan," mahina niyang sabi.Tumango ang doktor. "Sige, magsisimula na tayo. Ipapasok ka namin sa MRI room para masuri ang utak mo. Huwag kang mag-alala, wala itong sakit."Pinilit ngumiti ni Sara pero sa loob-loob niya, hindi niya maalis ang pakiramdam na may mas masakit pang darating.MRI RoomHabang nakahiga sa loob ng makina, naramdaman ni Sara ang bilis ng tibok ng kanyang puso."Bakit parang kinak
Pagkarating nila sa bahay, agad silang sinalubong ni baby Anabella na magdadalawang taon na, kasunod ang yaya na nag-aalaga sa kanya. Masaya itong tumakbo patungo kay Belle, iniwan ang hawak-hawak na laruan.“Mommy!” Masayang sigaw ng bata habang nakangiti nang malapad.Mabilis na pinunasan ni Belle ang kanyang mga mata bago siya lumuhod upang yakapin ang bata. Dapat akong maging masaya… pinilit niyang sabihin sa sarili.“Baby…” mahina niyang bulong habang mahigpit na niyakap ang anak ni Ana.Niyakap siya ni Anabella nang mahigpit, parang takot na mawala siya. “Miss na miss na kita, Mommy. Huwag ka nang aalis, ha?”Muling kumirot ang puso ni Belle. Paano kung isang araw, kailangan ko talagang umalis?Narinig niya ang mahinang tikhim ni Luke sa tabi nila. “Baby, dito na lang si Mommy. At may good news kami sa iyo.”Napatingin si Anabella kay Luke. “Anong good news, Daddy?” bulol nitong sabi.Hinaplos ni Luke ang buhok ng anak. “Magiging ate ka na!”Nanlaki ang mga mata ng bata at saka
Sa kabilang dako patuloy parin pagpapanggap ni Belle bilang Ana.Sa loob ng sasakyan, mahigpit na hinawakan ni Belle ang kanyang tiyan habang tahimik na nakatingin sa bintana. Ramdam niya ang malalakas na tibok ng kanyang puso habang binabaybay nila ni Luke ang daan papunta sa ospital para sa kanyang prenatal checkup.Nagdesisyon na siya.Hindi na siya aatras.Pipiliin niyang manatili bilang Ana—kahit na ang buong buhay niya ay magiging isang malaking kasinungalingan.“Love, okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang hawak ang manibela. Napatingin siya rito, at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.Ngumiti siya ng pilit. “Oo naman, Luke. Medyo kinakabahan lang siguro sa checkup.”Ngumiti rin si Luke at hinawakan saglit ang kanyang kamay. “Wala kang dapat ipag-alala. Nandito lang ako, okay?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Belle ang mga salitang iyon habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ni Luke. Ramdam niya ang init at tibay ng mga daliri nito, isang bagay na
Sa gabing iyon, hindi nakatulog si Sara.Sa gabing iyon, hindi rin siya sigurado kung ano ang mas matimbang—ang puso niyang bumibilis ang tibok dahil sa kaba, o ang isip niyang naguguluhan sa katotohanang hindi niya matanggap.Ang isang bagay lang na sigurado siya…Kailangan niyang malaman ang totoo.Kinabukasan."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Sara?"Napalingon si Sara kay Aling Glenda na nakatayo sa may pintuan ng bahay. Kita sa mukha ng matanda ang pinaghalong lungkot at takot. Halos magdamag itong hindi nakatulog, hindi mapakali, at ngayon, habang nag-eempake si Sara, parang pinipigilan nitong umiyak.Napangiti si Sara, pero bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. "Mama Glenda, kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ko na kayang mabuhay na may tanong sa sarili ko.""Pero paano kung masaktan ka lang, anak?" Napakapit nang mahigpit si Aling Glenda sa gilid ng pinto. "Paano kung ang katotohanang hinahanap mo ay mas magdala lang ng sakit sa puso mo?"Napahinto si Sara. Toto
Samantala sa tunay na Ana..Sa loob ng maliit na tindahan ni Aling Glenda, nananatili ang tensyon sa pagitan ng tatlong tao—si Sara, si Adrian, at si Aling Glenda. May mga bagay na pilit na itinatago, at may mga alaala na gustong ipaglaban. Pero sino ang talo at sino ang panalo sa katotohanan?"Sara, hindi mo kailangang gawin ‘to," pakiusap ni Aling Glenda habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sara."Mama Glenda… hindi ko na po kaya," nanginginig ang boses ni Sara, halatang punong-puno na ang isip niya. "Araw-araw akong may bangungot. Hindi ako matahimik. Hindi ko alam kung sino ako, at parang may kulang sa sarili ko. Hindi ko na kayang mabuhay sa kasinungalingan!""Hindi kasinungalingan ‘to, anak!" galit na sabi ni Aling Glenda. "Ang buhay mo ngayon, totoo ‘to! Hindi ba sapat ‘yun? Hindi ba sapat na may pamilya kang nagmamahal sa’yo rito?"Nagpantig ang tainga ni Adrian sa sinabi ng matanda."Aling Glenda, pamilya nga siya sa inyo, pero paano kung may pamilya siyang naghahanap sa kan