Habang binabaybay ni Sheila ang pasilyo patungo sa kanyang silid, ang bawat hakbang ay tila nagpapalakas ng kanyang determinasyon. Ang galit na nararamdaman niya ay hindi na maitatago—ito ay nagiging apoy na nagpapainit sa kanyang obsesyon. Sa kanyang isipan, malinaw ang layunin: si Ana ay kailangang mawala, at kailangang mapunta sa kanya si Luke. Pagpasok niya sa kanyang kwarto, mabilis niyang ini-lock ang pinto. Hinugot niya mula sa ilalim ng kama ang isang kahon na puno ng mga litrato nina Ana, Luke, at Anabella. Isa-isa niyang inilabas ang mga ito, at itinapon ang mga larawang may mukha ni Ana. Kinuha niya ang gunting at walang pakundangang pinagpuputol ang mga ito, habang ang mga labi niya ay bumubulong ng mga salitang hindi maintindihan."Hindi na magtatagal," sabi niya sa sarili habang ang kanyang mga mata ay naglalagablab sa galit. "Hindi na magtatagal, Ana. Mawawala ka na rin sa wakas."Muli niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. “Kumilos na k
Araw ng Linggo, isang tahimik at maaraw na umaga sa mansyon ng Villa, nang biglang dumating ang mag-asawang sina Belinda at Romeo Diosdado, ang mga nag-ampon kay Ana. Nang marinig nila mula kay Luke na buhay si Ana, halos hindi sila makapaniwala. Ang balitang iyon ang nagbigay ng lakas kay Romeo para agad gumaling mula sa kanyang sakit sa puso, na dati’y akala nila’y dulot ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Ana. Pagpasok pa lamang nila sa mansyon, agad na napatigil si Belle sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mag-asawa. Ngunit alam niyang kailangang ituloy ang pagpapanggap bilang si Ana. Kahit paano, kailangang maitaguyod ang pekeng katauhan na nilikha niya para sa kanyang misyon.“Ma, Pa, buti nakarating kayo,” masayang bati ni Belle, pilit na pinipigilan ang pag-aalinlangan sa kanyang puso. Lumapit siya sa kanila at yumakap, tila tunay na anak na nasabik sa muling pagkikita.“Anak…” nanginginig ang tinig ni Belinda habang ang mga luha’y sunod-sunod na pumat
“Hindi ko pa tiyak ang lahat ng detalye, pero sigurado akong mas magiging mapanganib ito kaysa dati. Kailangan nating makahanap ng ebidensya laban sa kanya bago pa huli ang lahat.”Tumango si Belle, ang determinasyon sa kanyang puso ay muling nag-alab. Alam niyang hindi siya maaaring magpatalo. Ang lahat ng ito ay ginagawa niya hindi lang para kay Ana, kundi para rin sa mga taong mahal niya.Samantala, sa madilim na kwarto ni Sheila, tanging ang ilaw ng isang lampshade ang nagbibigay liwanag. Nakatitig siya sa kanyang repleksyon sa salamin, ang mga mata’y nag-aalab sa galit. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, ngunit bawat paghinga ay tila lalong nagpapakulo ng kanyang damdamin. “Lahat ng plano ko, sinisira ng babaeng ‘yan,” bulong niya habang pinipigilan ang nanginginig na mga kamay. Napalakas ang boses niya habang tumataas ang emosyon. “Bakit malapusa ang buhay ng babaeng ito? Lahat na lang umaayon sa kanya. Ako dapat ang kasama ni Luke! Bakit dumating ka ulit sa buhay namin?!”
Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang saya at pagmamahal na matagal nilang hinintay mula nang mabawi nila ang kanilang “anak” at ang apo. “Baby Anabella, halika dito!” tawag ni Romeo habang iniikot ang bata sa ere, dahilan upang humalakhak si Anabella. Napakalambing ng boses nito, na parang binawi ang mga taon ng lungkot at sakit na pinagdaanan nila bilang magulang.Nakangiting pinapanood ni Belle ang eksena mula sa gilid, hawak-hawak ang isang tasa ng kape. Sa kabila ng lahat, nararamdaman niyang kahit papaano, nagagawa niyang gawing buo muli ang pamilyang nawala sa trahedya. Ngunit alam niyang pansamantala lamang ang kapayapang ito; malayo pa ang laban laban kay Sheila.Lumapit si Belinda sa kanya habang buhat-buhat si Anabella. “Anak, kami na ang bahala kay baby Anabella,” sabi ni Belinda, bakas ang excitement sa kanyang mukha. “Mag-date muna kayo ni Luke. Matagal na rin kayong hindi nagkakaroon ng oras para sa isa’t isa, hindi ba?” “Ma, nakakahiya naman. Baka mapagod kayo kay An
Sa di kalayuan, hindi nila alam na ang panganib ay dahan-dahang lumalapit na sa kanila.Ngunit sa likod ng kanyang ngiti ay nagtatago ang matinding kaba. Alam niyang ang laban na kanyang hinaharap ay hindi basta-basta. Ang banta ni Sheila ay hindi kailanman mawawala hangga’t hindi niya ito tuluyang natatapos.“Salamat, Luke,” sagot ni Belle, pilit na ngumingiti. “Hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung wala ka.”Hinaplos ni Luke ang kanyang pisngi at ngumiti. “Wala kang dapat ipag-alala, mahal. Hindi kita iiwan.”Habang yakap-yakap siya ni Luke, pilit na pinapalakas ni Belle ang kanyang loob. Kailangan niyang maging matatag. Para sa kanyang sarili, para kay Ana, at higit sa lahat, para kay Anabella.Ngunit sa di kalayuan, sa likod ng katahimikan ng gabing iyon, may isang pares ng mga mata na nakamasid mula sa dilim. Hindi nila alam na ang panganib ay dahan-dahang lumalapit na sa kanila.Sa labas ng bakuran, nakatayo si Sheila, nakasandal sa pader habang tinititigan ang maliwanag na
Ngunit bago pa man makaalis ang mga lalaki, mabilis na lumapit si Hector at pinigilan sila. “Hindi kayo aalis hanggang hindi ko nalalaman kung sino kayo,” sabi niya, sabay labas ng kanyang badge bilang private investigator. "Anong meron po, sir?" tanong ni Luke kay Hector. "Ah sir, itong mga tao na ito ay may atraso sa akin. Huwag kayo mag-alala, ako na ang bahala sa mga taong ito," paliwanag ni Hector kay Luke at tumingin kay Belle na nagsasabing siya na ang bahala. Nagpatuloy na pumunta sa kanilang kotse at mamasyal pa sina Luke at Ana. Samantala, habang hawak ni Hector ang dalawang tao na posibleng inutusan ni Shiela, nakatakas ito sa tulong ng isang kasamahan nito na nasa sasakyan, at biglang tinulak si Hector at tumakbo palabas ang dalawa. Habang hinahabol ni Hector ay tumawag siya ng backup na pulis kasi namukhaan niya ang isang suspek sa on the run list. Hinabol ito ni Hector at nagkapalitan ng putok ng baril sa pagitan nilang dalawa, at nadaplisan si Hector at tuluyan nang na
Sa bawat hakbang, sa bawat titig, at sa bawat salita, ang tensyon sa pagitan nina Belle at Sheila ay lalo lamang tumitindi. Ang kanilang mundong puno ng kasinungalingan ay tila isang manipis na salamin—anumang sandali ay maaari itong mabasag.Kinabukasn.Tahimik na nagtuloy ang almusal. Si Belle ay pilit na nagpapanggap na kalmado habang si Sheila ay naglalabas ng mga ngiti na tila ba may alam siyang hindi alam ng iba. Napansin ito ni Luke at nagtanong, “Sheila, mukhang masaya ka ngayon. May magandang balita ba?” Ngumiti si Sheila nang may bahid ng pagkaplastik. “Wala naman, kuya. Natutuwa lang akong magkasama-sama tayong lahat. Parang ang saya lang ng pamilya natin, hindi ba?” Habang nagsasalita si Sheila, ramdam ni Belle ang tila panunukso sa boses nito. Napatingin siya kay Luke, na hindi naman napansin ang kakaibang tono ni Sheila. Sa kaloob-looban ni Belle, alam niyang ito ay isang laro ng kaplastikan at banta na lamang sa kanya. “Magandang pakinggan 'yan, Sheila,” sagot ni Lu
Maagang nagising si Belle. Habang tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na si Anabella, hindi niya maiwasang maluha. Ang musmos na batang ito ang natitirang koneksyon niya sa yumaong kakambal niyang si Ana. Ito ang dahilan kung bakit kailangang protektahan niya ang pamangkin sa lahat ng paraan.Habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Anabella, lumapit si Luke at niyakap siya mula sa likod. “Hon, handa ka na ba? Kailangan natin siyang dalhin sa hospital para sa immunization niya. Mas mabuti nang maaga tayo para hindi tayo maabutan ng maraming tao,” malambing na sabi nito.Napatingin si Belle kay Luke, pilit na pinipigil ang kaba. “Oo, hon. Pero hindi ba pwedeng ikaw na lang ang magdala kay Anabella? Alam mo naman… masyado akong nag-aalala. Paano kung may mangyari sa labas?”Hinaplos ni Luke ang pisngi niya. “Walang mangyayari, Ana. Kasama mo ako. Wala tayong dapat ipag-alala. Anabella ang priority natin ngayon, kaya magtiwala ka, okay?”Ngumiti si Belle, ngunit halata ang bahagyang ten
Samantala sa kabilang dako sa tunay na Ana..Sa gabing iyon, hindi umaasa si Sara na magaganap ang isang bagong simula. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatingin sa kisame, ang isip abala. Ang mga huling sandali nila ni Adrian sa tabi ng dagat, ang mga salitang binitiwan niya, ang paghalik—lahat iyon ay tila isang panaginip na ayaw niyang magising mula. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ang puso niya ay naguguluhan. Magtitiwala ba siya ulit sa lalaki na minsan nang nagbigay sa kanya ng sakit? O ito na ba ang pagkakataon na dapat niyang kalimutan ang lahat at magpatuloy mag-isa?Ang takot na magkamali ulit ay sumasakal sa kanya. Pero sa bawat pagtulo ng mga luha na nagpatagilid sa kanyang mga mata, parang may humihikbi sa loob niya na naglalakas-loob.Samantala, sa labas ng bahay, si Adrian ay nakaupo sa isang papag na walang kibo.Hindi siya nakauwi kagabi. Iniisip niyang maaaring magising si Sara at hindi na siya papansinin. Kaya nanatili na lang siya sa labas, nakatago sa dilim ng
Muling bumagsak ang katahimikan sa pagitan nila. Sa di kalayuan, rinig pa rin ang masayang hiyawan ng mga bisita sa party ni Anabella, pero sa loob ng hardin kung saan sila nakatayo ni Luke, parang ibang mundo ang bumalot sa kanila—isang mundo ng pagdududa, sakit, at isang lihim na pilit niyang pinanghahawakan.Naramdaman ni Belle ang malamig na simoy ng hangin, pero ang mas matindi niyang nararamdaman ay ang nagbabagang titig ni Luke na parang pilit siyang binabasa.“Kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako kayang pagtiwalaan?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang tanong na iyon.Hindi ba niya talaga kayang pagtiwalaan si Luke?O takot lang siyang mawala ang lahat sa oras na malaman nito ang totoo?Pinilit niyang ngumiti, kahit ramdam niya ang pagkaputla ng kanyang mga labi. “Luke… hindi sa wala akong tiwala sa’yo.”“Kung gano’n, ano?” May bahagyang pait sa boses nito.Nag-aalangan siyang tumingin sa kanya. “Mahalaga ka sa akin. Mahal kita.”Nakita niyang nagbago ang ekspresyon
Sa gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Sara, si Vanessa naman ay gising na gising hindi lang dahil sa pait ng pagkatalo kundi dahil sa ideyang unti-unti nang nabubuo sa kanyang isipan.Kasama niya si Paul sa isang pribadong lounge ng resort, malayo sa iba pang mga bisita. Sa harapan nila, may bote ng mamahaling alak at isang tray ng magagarang pagkain, pero hindi iyon ang pakay nila.Paul: "Vanessa, kung gusto mong bumalik sa buhay ni Adrian, kailangan mong maging matalino. Hindi pwedeng bara-bara lang."Vanessa: "Anong plano mo?"Paul: "Hindi sapat ang kagandahan mo para bumalik siya sa’yo. Kailangan mong ipakita sa kanya na ikaw ang mas bagay sa kanya mas classy, mas ka-level niya, at higit sa lahat, ikaw ang babaeng hindi niya kayang bitawan."Napakagat-labi si Vanessa. Alam niyang totoo ang sinasabi ni Paul.Paul: "Swerte ka, Vanessa. May isang malaking event sa resort na ito bukas—isang grandeng charity gala. At alam mo kung sino ang guest of honor?"Vanessa: "Sino?"Pa
Samantala sa tunay na Ana na ngayon ay si Sara.Ramdam ni Sara ang kaba sa kanyang dibdib habang nakatitig kay Vanessa. Hindi niya alam kung anong sasabihin nito, pero ang paraan ng pagkakatitig nito kay Adrian—may kumpiyansa, may pangangailangan—ay sapat nang dahilan para magduda siya."Ano'ng kailangan mong sabihin, Vanessa?" tanong ni Adrian, halatang nagtataka.Lumingon si Vanessa kay Sara bago muling binalik ang tingin kay Adrian. "Pwede ba tayong mag-usap? Nang tayong dalawa lang?"Napatingin si Sara kay Adrian, hinihintay kung ano ang gagawin nito.Pero hindi siya binigo ni Adrian. Hinawakan nito ang kamay niya at mariing sinabi, "Kahit anong sasabihin mo, Vanessa, pwedeng sabihin mo rin sa harap ni Sara."Halos hindi maipinta ang mukha ni Vanessa. Halatang hindi niya inaasahang tatanggi si Adrian."Adrian," may bahagyang pakiusap sa tono ni Vanessa. "Hindi ito isang bagay na pwedeng marinig ng iba.""Si Sara ay hindi ‘iba’ sa akin," madiin na tugon ni Adrian. "Ano man ang sasa
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T
Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri
KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a