Sa bawat hakbang, sa bawat titig, at sa bawat salita, ang tensyon sa pagitan nina Belle at Sheila ay lalo lamang tumitindi. Ang kanilang mundong puno ng kasinungalingan ay tila isang manipis na salamin—anumang sandali ay maaari itong mabasag.Kinabukasn.Tahimik na nagtuloy ang almusal. Si Belle ay pilit na nagpapanggap na kalmado habang si Sheila ay naglalabas ng mga ngiti na tila ba may alam siyang hindi alam ng iba. Napansin ito ni Luke at nagtanong, “Sheila, mukhang masaya ka ngayon. May magandang balita ba?” Ngumiti si Sheila nang may bahid ng pagkaplastik. “Wala naman, kuya. Natutuwa lang akong magkasama-sama tayong lahat. Parang ang saya lang ng pamilya natin, hindi ba?” Habang nagsasalita si Sheila, ramdam ni Belle ang tila panunukso sa boses nito. Napatingin siya kay Luke, na hindi naman napansin ang kakaibang tono ni Sheila. Sa kaloob-looban ni Belle, alam niyang ito ay isang laro ng kaplastikan at banta na lamang sa kanya. “Magandang pakinggan 'yan, Sheila,” sagot ni Lu
Maagang nagising si Belle. Habang tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na si Anabella, hindi niya maiwasang maluha. Ang musmos na batang ito ang natitirang koneksyon niya sa yumaong kakambal niyang si Ana. Ito ang dahilan kung bakit kailangang protektahan niya ang pamangkin sa lahat ng paraan.Habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Anabella, lumapit si Luke at niyakap siya mula sa likod. “Hon, handa ka na ba? Kailangan natin siyang dalhin sa hospital para sa immunization niya. Mas mabuti nang maaga tayo para hindi tayo maabutan ng maraming tao,” malambing na sabi nito.Napatingin si Belle kay Luke, pilit na pinipigil ang kaba. “Oo, hon. Pero hindi ba pwedeng ikaw na lang ang magdala kay Anabella? Alam mo naman… masyado akong nag-aalala. Paano kung may mangyari sa labas?”Hinaplos ni Luke ang pisngi niya. “Walang mangyayari, Ana. Kasama mo ako. Wala tayong dapat ipag-alala. Anabella ang priority natin ngayon, kaya magtiwala ka, okay?”Ngumiti si Belle, ngunit halata ang bahagyang ten
Pagkatapos ng check-up, habang papalabas sila ng ospital, napansin nilang muli ang SUV na nakaparada malapit sa exit. Mabilis na kinuha ni Luke si Anabella mula sa stroller at binilisan ang lakad papunta sa kotse.“Luke, narito na naman sila,” bulong ni Belle, halos mabaliw sa kaba. “Anong gagawin natin?”“Sumakay ka na sa kotse, Ana. Ako ang bahala,” sagot ni Luke, pilit na pinapanatili ang pagiging kalmado.Habang paalis na sila, muling sumunod ang SUV. Sa pagkakataong ito, alam na ni Luke na seryoso ang sitwasyon. Tumawag siya sa pulis habang nagmamaneho. “May sumusunod sa amin. Isang itim na SUV. Mukhang delikado sila. Kailangan namin ng tulong.”Habang kausap ni Luke ang pulis, napansin ni Belle na bumibilis ang takbo ng SUV. “Luke, bilisan mo! Parang gusto nilang habulin tayo!”Sa mga sandaling iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Belle. Ang bawat kurba ng kalsada, ang bawat liko, tila lahat ay naging labanan ng buhay at kamatayan. Ngunit nanatili si Luke sa kontrol, ginamit ang ka
Pagkatapos ng nakakakabang insidente sa daan, tahimik na bumaba ng sasakyan sina Belle, Luke, at Anabella. Si Anabella ay payapang natutulog sa kanyang stroller, walang kamalay-malay sa panganib na kanilang hinarap. Napakapit si Belle sa braso ni Luke, habang patuloy pa ring nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. Pagpasok nila sa bahay, sinalubong agad sila ni Sheila na kunwari’y puno ng pag-aalala. Ang kanyang mata ay tila nangingilid sa emosyon, ngunit ang bawat galaw nito ay may bahid ng pagsisinungaling.“Ana! Luke! Ano’ng nangyari? Narinig ko sa balita na may engkwentro sa daan. Kasama ba kayo doon? Ligtas ba kayo? Paano si Anabella?” tanong ni Sheila habang nagmamadaling lumapit sa kanila.Napatingin si Belle kay Sheila, pilit na hinahanap ang anumang bakas ng sinseridad sa mukha nito. Ngunit sa halip, naramdaman niya ang malamig na aura na tila nagkukubli ng mas malalim na motibo. Alam ni Belle na ang nakikita niyang pag-aalala ni Sheila ay hindi tunay.“Walang dapat ikabaha
Ngumiti si Luke at mas hinigpitan pa ang yakap kay Belle. “Magkasama tayo sa laban na ito, Ana. Hindi kita iiwan.”Habang magkahawak ang kamay nina Belle at Luke sa kabilang kwarto, si Sheila naman ay nagkukulong sa sarili niyang mundo. Yakap-yakap niya ang isang lumang jacket ni Luke, ang pabango nito ay tila nagdadala sa kanya pabalik sa mga panahong malapit sila. Sa kanyang kama, may nakadikit na mga litrato ni Luke sa pader—mga larawang lihim niyang tinipon sa loob ng maraming taon. Tinitigan niya ang isa sa mga litrato, ang mga mata niya ay puno ng pagka-obsessed. Hinaplos niya ang mukha ni Luke sa litrato na parang tunay na tao itong kaharap niya.“Mahal kita, Luke,” bulong niya habang tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. “Kaya kong ibigay ang higit pa sa pagmamahal na binibigay ni Ana. Bakit hindi mo makita ‘yon? Bakit siya pa? Hindi siya nararapat sa'yo. Ako ang nararapat sa'yo.”Hinaplos niya ang pader na puno ng litrato ni Luke at ngumiti nang may halong poot at pagmama
Habang nakahiga si Belle, lumapit si Luke sa kanya, may kakaibang kinang sa kanyang mga mata. “Magiging maayos din lahat mahal kong Belle,magtiwala ka lang?” tanong niya, ang kanyang tinig ay mababa ngunit puno ng lambing.Ngumiti si Belle, tumango, at tumingin sa kanya. “Oo. Sana maging maayos ang lahat Luke, ayoko may mangyaring masama sa anak natin.”Biglang yumuko si Luke, at bago pa makapag-react si Belle, marahan niyang ibinaba ang kanyang labi sa kanya. Una, magaan at puno ng pagmamahal ang halik, ngunit naramdaman ni Belle ang unti-unting paglalim nito—parang ang bawat halik ay isang pagsasalin ng damdamin mula kay Luke patungo sa kanya.Ang kanyang puso ay bumilis, tila sumasabay sa tibok ng puso ni Luke na ramdam niya sa kanilang lapit. Ang kanyang katawan ay tumensyon sa pananabik, at ang init na nagmumula sa kanilang koneksyon ay tila lumalaganap sa buong silid."Jasmine," bulong ni Luke habang hinahaplos ang kanyang pisngi, ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal at p
Naghalikan sila ng masidhi habang pinabilis niya ang kanyang ritmo, at naramdaman ni Belle na nagsisimula nang magpayanig ang kanyang katawan. Pinutol niya ang halik at sinimulang kagatin ang kanyang leeg habang mas pinabilis ang pag-ulos sa kanya. Hinugot niya nang buo at tinukso siya, at pagkatapos ay biglang ibinaon ang sarili nang buo sa kanya muli. Si Belle ay nagsimulang sumigaw sa sarap habang nararamdaman niyang muling umabot ang kanyang katawan sa isa pang orgasmo.Humigop si Luke ng magaspang na hininga at sinubukang pigilin ang kanyang pulsing titi. Matagal na niyang hinintay ang sandaling ito at hindi pa siya handang payagan ang kanyang katawan na makamit ang paglabas na matagal nang inaasam. "Tumingin ka sa akin, aking mahal," bulong niya, ang boses ay puno ng pagnanasa. Muli siyang nagsimula sa pag-ulos, dahan-dahan, pinapayagan si Belle na malasahan ang bawat pulgada niya habang ang kanilang mga mata ay nananatiling nakatuon sa isa't isa sa isang matinding titigan.Si B
Habang ang katahimikan ng gabi ay unti-unting bumalot sa mansyon, isang nakakabagabag na tahimik na galaw ang naganap sa madilim na pasilyo. Si Sheila, na nakadikit ang tenga sa pintuan ng kwarto nina Luke at Belle, ay halos hindi humihinga habang nakikinig sa kanilang masuyong pag-uusap at mas maiinit na sandali.Ang bawat bulong ng pagmamahal, ang bawat halakhak at pag-ungol ng kasiyahan, ay parang punyal na tumatarak sa kanyang puso. Hindi niya matiis ang naririnig. Ang mga mata niya ay nanlilisik sa galit at panibugho. Habang pinapanood ang sariling repleksyon sa salamin sa tabi ng pinto, nakita niya ang isang babaeng wasak sa kanyang obsesyon."Luke... mahal kita," narinig niyang mahinang sabi ni Ana."Luke..." bulong niya sa sarili, halos hindi marinig dahil sa nanginginig niyang boses. “Paano mo nagagawang mahalin siya ng ganito? Hindi mo ba nakikita na ako ang mas nararapat para sa’yo? Ako ang tunay na nagmamahal sa’yo, hindi siya!”"At mas mahal kita, Ana," sagot ni Luke, ang
Napatingin si Belle kay Luke habang mahigpit pa rin siyang nakakapit sa lalaki. Pinipilit niyang isiksik sa isip na wala siyang dapat ipag-alala, na siya ngayon ang si Ana—ang asawa ni Luke, ang ina ng kanilang anak. Ngunit ang boses ni Shiela ay patuloy na bumubulong sa kanyang isipan."Akin lang si Luke, Ana, at bilang na ang araw mo."Hindi. Hindi niya maaaring hayaan si Shiela na sirain ang lahat. Hindi siya papayag na maagaw si Luke sa kanya.Kinabukasan, habang inihahanda ni Belle ang almusal, abala si Luke sa paglalaro kay Anabella sa sala. Natatawa siya habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Anabella na walang sawang hinahabol ang amang tila sinusulit ang bawat sandali kasama ang anak.Ngunit ang katahimikan ng umaga ay agad na nagulo nang tumunog ang doorbell.Nag-freeze si Belle. Bigla siyang nakaramdam ng malamig na pakiramdam na gumapang sa kanyang katawan."Love, ako na ang titingin," sabi ni Luke habang papalapit sa pinto.Agad siyang tumayo. "No! Ako na!"Ngunit huli na. B
Natahimik si Sara. Pakiramdam niya, bumaligtad ang mundo niya sa narinig."May taong gustong burahin ang alaala ko?" mahina niyang ulit, nanginginig ang boses. "Ibig sabihin… hindi ito aksidente? May gumawa nito sa akin… sinadya nila?"Halos hindi siya makahinga sa bigat ng rebelasyong iyon.Lumapit si Adrian at marahang hinawakan ang kanyang mga kamay. "Sara, alam kong mahirap tanggapin, pero… may posibilidad na may gustong gumawa ng masama sa'yo. Baka delikado kung ipagpipilitan mong hanapin ang sagot ngayon."Tumayo si Sara, pilit nilalabanan ang takot. "Pero paano ako mabubuhay nang hindi ko alam ang buong katotohanan? Hindi ko matanggap na may mga alaala akong hindi ko maalala, Adrian. At ngayon, nalaman ko pang may taong gustong gawin ito sa akin?"Napayuko si Adrian. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na mas mahalaga ngayon ang kaligtasan niya kaysa sa katotohanan.Biglang nag-ring ang cellphone ni Adrian. Glenda.Agad niyang sinagot ang tawag. "Glenda, ano pa ang
Mabilis ang tibok ng puso ni Belle habang nakahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Mahimbing na natutulog si Luke sa tabi niya, ang braso nito’y mahigpit na nakayakap sa kanya, parang ayaw siyang pakawalan. Samantalang si Anabella naman ay nakapulupot sa kanya sa kabila, tila ayaw ding mahiwalay sa kanya.Pero sa kabila ng init ng yakap ng kanyang pamilya, ramdam ni Belle ang malamig na takot na lumulukob sa kanya.Hanggang kailan ko kaya itatago ang katotohanan?Pinisil niya ang sariling palad. Wala na siyang ibang pagpipilian. Pinili na niyang gampanan ang buhay ni Ana habang buhay. Para sa anak niya. Para kay Luke.Pero paano kung isang araw, bumalik si Shiela? Paano kung matuklasan ni Luke ang totoo?Biglang gumalaw si Luke at idinikit ang mukha sa kanyang leeg. "Mmm... Love?"Napalunok si Belle at mabilis na ngumiti, pilit na itinatago ang kaba. "Hmm?"Hinalikan ni Luke ang gilid ng kanyang ulo bago bumulong. "Paano kung baby boy ang baby natin?""H-Ha?"Umupo si Luke at masuyong
Samantala sa kabilang dako..Nagising si Belle sa tunog ng mga tinig mula sa sala. Bumangon siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa hagdan. Pagtingin niya sa ibaba, naroon sina Nenita at Philipp, ang mga magulang ni Luke—masaya silang nakangiti habang kausap ang kanilang anak."Buntis na si Ana!" masayang balita ni Luke sa kanila.Halos manlambot ang tuhod ni Belle."Talaga, anak?" Halos lumundag sa tuwa si Nenita, ang ina ni Luke. "Magkakaapo ulit kami!"Niyakap siya nito nang mahigpit pagkalapit niya sa kanila. Napatingin siya kay Philipp, na kahit seryoso ang mukha ay hindi maitago ang ningning sa mata."Napakagandang balita nito," sabi ni Philipp. "Anabella will have a little sibling soon."Napakagat-labi si Belle. Lahat sila, masaya. Lahat sila, naniniwala na siya si Ana.At siya? Isang kasinungalingan.Sa hapunan, hindi mapigilan ni Nenita ang mapangiti habang sinasandukan ng pagkain si Belle."Kailangan mong kumain ng mabuti, Ana. Kailangan ni baby ng sapat na nutrisyon," a
Sa kabilang dako ..Sa tunay na Ana. Pumunta sina Sara at Adrian kinabukasan sa St.Lukes Hospital."Miss Sara, sigurado ka bang handa ka sa maaaring resulta ng tests?" tanong ng doktor habang nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.Napatingin si Sara kay Adrian, na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Halata ang tensyon sa kanyang mukha."Handa ba talaga ako?" bulong niya sa sarili, pero pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses. "Opo, Doc. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Nagbuntong-hininga si Adrian at marahang hinawakan ang kamay ni Sara."Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan," mahina niyang sabi.Tumango ang doktor. "Sige, magsisimula na tayo. Ipapasok ka namin sa MRI room para masuri ang utak mo. Huwag kang mag-alala, wala itong sakit."Pinilit ngumiti ni Sara pero sa loob-loob niya, hindi niya maalis ang pakiramdam na may mas masakit pang darating.MRI RoomHabang nakahiga sa loob ng makina, naramdaman ni Sara ang bilis ng tibok ng kanyang puso."Bakit parang kinak
Pagkarating nila sa bahay, agad silang sinalubong ni baby Anabella na magdadalawang taon na, kasunod ang yaya na nag-aalaga sa kanya. Masaya itong tumakbo patungo kay Belle, iniwan ang hawak-hawak na laruan.“Mommy!” Masayang sigaw ng bata habang nakangiti nang malapad.Mabilis na pinunasan ni Belle ang kanyang mga mata bago siya lumuhod upang yakapin ang bata. Dapat akong maging masaya… pinilit niyang sabihin sa sarili.“Baby…” mahina niyang bulong habang mahigpit na niyakap ang anak ni Ana.Niyakap siya ni Anabella nang mahigpit, parang takot na mawala siya. “Miss na miss na kita, Mommy. Huwag ka nang aalis, ha?”Muling kumirot ang puso ni Belle. Paano kung isang araw, kailangan ko talagang umalis?Narinig niya ang mahinang tikhim ni Luke sa tabi nila. “Baby, dito na lang si Mommy. At may good news kami sa iyo.”Napatingin si Anabella kay Luke. “Anong good news, Daddy?” bulol nitong sabi.Hinaplos ni Luke ang buhok ng anak. “Magiging ate ka na!”Nanlaki ang mga mata ng bata at saka
Sa kabilang dako patuloy parin pagpapanggap ni Belle bilang Ana.Sa loob ng sasakyan, mahigpit na hinawakan ni Belle ang kanyang tiyan habang tahimik na nakatingin sa bintana. Ramdam niya ang malalakas na tibok ng kanyang puso habang binabaybay nila ni Luke ang daan papunta sa ospital para sa kanyang prenatal checkup.Nagdesisyon na siya.Hindi na siya aatras.Pipiliin niyang manatili bilang Ana—kahit na ang buong buhay niya ay magiging isang malaking kasinungalingan.“Love, okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang hawak ang manibela. Napatingin siya rito, at kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.Ngumiti siya ng pilit. “Oo naman, Luke. Medyo kinakabahan lang siguro sa checkup.”Ngumiti rin si Luke at hinawakan saglit ang kanyang kamay. “Wala kang dapat ipag-alala. Nandito lang ako, okay?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Belle ang mga salitang iyon habang mahigpit siyang nakahawak sa kamay ni Luke. Ramdam niya ang init at tibay ng mga daliri nito, isang bagay na
Sa gabing iyon, hindi nakatulog si Sara.Sa gabing iyon, hindi rin siya sigurado kung ano ang mas matimbang—ang puso niyang bumibilis ang tibok dahil sa kaba, o ang isip niyang naguguluhan sa katotohanang hindi niya matanggap.Ang isang bagay lang na sigurado siya…Kailangan niyang malaman ang totoo.Kinabukasan."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Sara?"Napalingon si Sara kay Aling Glenda na nakatayo sa may pintuan ng bahay. Kita sa mukha ng matanda ang pinaghalong lungkot at takot. Halos magdamag itong hindi nakatulog, hindi mapakali, at ngayon, habang nag-eempake si Sara, parang pinipigilan nitong umiyak.Napangiti si Sara, pero bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. "Mama Glenda, kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ko na kayang mabuhay na may tanong sa sarili ko.""Pero paano kung masaktan ka lang, anak?" Napakapit nang mahigpit si Aling Glenda sa gilid ng pinto. "Paano kung ang katotohanang hinahanap mo ay mas magdala lang ng sakit sa puso mo?"Napahinto si Sara. Toto
Samantala sa tunay na Ana..Sa loob ng maliit na tindahan ni Aling Glenda, nananatili ang tensyon sa pagitan ng tatlong tao—si Sara, si Adrian, at si Aling Glenda. May mga bagay na pilit na itinatago, at may mga alaala na gustong ipaglaban. Pero sino ang talo at sino ang panalo sa katotohanan?"Sara, hindi mo kailangang gawin ‘to," pakiusap ni Aling Glenda habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sara."Mama Glenda… hindi ko na po kaya," nanginginig ang boses ni Sara, halatang punong-puno na ang isip niya. "Araw-araw akong may bangungot. Hindi ako matahimik. Hindi ko alam kung sino ako, at parang may kulang sa sarili ko. Hindi ko na kayang mabuhay sa kasinungalingan!""Hindi kasinungalingan ‘to, anak!" galit na sabi ni Aling Glenda. "Ang buhay mo ngayon, totoo ‘to! Hindi ba sapat ‘yun? Hindi ba sapat na may pamilya kang nagmamahal sa’yo rito?"Nagpantig ang tainga ni Adrian sa sinabi ng matanda."Aling Glenda, pamilya nga siya sa inyo, pero paano kung may pamilya siyang naghahanap sa kan