Ngunit bago pa man makaalis ang mga lalaki, mabilis na lumapit si Hector at pinigilan sila. “Hindi kayo aalis hanggang hindi ko nalalaman kung sino kayo,” sabi niya, sabay labas ng kanyang badge bilang private investigator. "Anong meron po, sir?" tanong ni Luke kay Hector. "Ah sir, itong mga tao na ito ay may atraso sa akin. Huwag kayo mag-alala, ako na ang bahala sa mga taong ito," paliwanag ni Hector kay Luke at tumingin kay Belle na nagsasabing siya na ang bahala. Nagpatuloy na pumunta sa kanilang kotse at mamasyal pa sina Luke at Ana. Samantala, habang hawak ni Hector ang dalawang tao na posibleng inutusan ni Shiela, nakatakas ito sa tulong ng isang kasamahan nito na nasa sasakyan, at biglang tinulak si Hector at tumakbo palabas ang dalawa. Habang hinahabol ni Hector ay tumawag siya ng backup na pulis kasi namukhaan niya ang isang suspek sa on the run list. Hinabol ito ni Hector at nagkapalitan ng putok ng baril sa pagitan nilang dalawa, at nadaplisan si Hector at tuluyan nang na
Sa bawat hakbang, sa bawat titig, at sa bawat salita, ang tensyon sa pagitan nina Belle at Sheila ay lalo lamang tumitindi. Ang kanilang mundong puno ng kasinungalingan ay tila isang manipis na salamin—anumang sandali ay maaari itong mabasag.Kinabukasn.Tahimik na nagtuloy ang almusal. Si Belle ay pilit na nagpapanggap na kalmado habang si Sheila ay naglalabas ng mga ngiti na tila ba may alam siyang hindi alam ng iba. Napansin ito ni Luke at nagtanong, “Sheila, mukhang masaya ka ngayon. May magandang balita ba?” Ngumiti si Sheila nang may bahid ng pagkaplastik. “Wala naman, kuya. Natutuwa lang akong magkasama-sama tayong lahat. Parang ang saya lang ng pamilya natin, hindi ba?” Habang nagsasalita si Sheila, ramdam ni Belle ang tila panunukso sa boses nito. Napatingin siya kay Luke, na hindi naman napansin ang kakaibang tono ni Sheila. Sa kaloob-looban ni Belle, alam niyang ito ay isang laro ng kaplastikan at banta na lamang sa kanya. “Magandang pakinggan 'yan, Sheila,” sagot ni Lu
Maagang nagising si Belle. Habang tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na si Anabella, hindi niya maiwasang maluha. Ang musmos na batang ito ang natitirang koneksyon niya sa yumaong kakambal niyang si Ana. Ito ang dahilan kung bakit kailangang protektahan niya ang pamangkin sa lahat ng paraan.Habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Anabella, lumapit si Luke at niyakap siya mula sa likod. “Hon, handa ka na ba? Kailangan natin siyang dalhin sa hospital para sa immunization niya. Mas mabuti nang maaga tayo para hindi tayo maabutan ng maraming tao,” malambing na sabi nito.Napatingin si Belle kay Luke, pilit na pinipigil ang kaba. “Oo, hon. Pero hindi ba pwedeng ikaw na lang ang magdala kay Anabella? Alam mo naman… masyado akong nag-aalala. Paano kung may mangyari sa labas?”Hinaplos ni Luke ang pisngi niya. “Walang mangyayari, Ana. Kasama mo ako. Wala tayong dapat ipag-alala. Anabella ang priority natin ngayon, kaya magtiwala ka, okay?”Ngumiti si Belle, ngunit halata ang bahagyang ten
Pagkatapos ng check-up, habang papalabas sila ng ospital, napansin nilang muli ang SUV na nakaparada malapit sa exit. Mabilis na kinuha ni Luke si Anabella mula sa stroller at binilisan ang lakad papunta sa kotse.“Luke, narito na naman sila,” bulong ni Belle, halos mabaliw sa kaba. “Anong gagawin natin?”“Sumakay ka na sa kotse, Ana. Ako ang bahala,” sagot ni Luke, pilit na pinapanatili ang pagiging kalmado.Habang paalis na sila, muling sumunod ang SUV. Sa pagkakataong ito, alam na ni Luke na seryoso ang sitwasyon. Tumawag siya sa pulis habang nagmamaneho. “May sumusunod sa amin. Isang itim na SUV. Mukhang delikado sila. Kailangan namin ng tulong.”Habang kausap ni Luke ang pulis, napansin ni Belle na bumibilis ang takbo ng SUV. “Luke, bilisan mo! Parang gusto nilang habulin tayo!”Sa mga sandaling iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Belle. Ang bawat kurba ng kalsada, ang bawat liko, tila lahat ay naging labanan ng buhay at kamatayan. Ngunit nanatili si Luke sa kontrol, ginamit ang ka
Pagkatapos ng nakakakabang insidente sa daan, tahimik na bumaba ng sasakyan sina Belle, Luke, at Anabella. Si Anabella ay payapang natutulog sa kanyang stroller, walang kamalay-malay sa panganib na kanilang hinarap. Napakapit si Belle sa braso ni Luke, habang patuloy pa ring nararamdaman ang kaba sa kanyang dibdib. Pagpasok nila sa bahay, sinalubong agad sila ni Sheila na kunwari’y puno ng pag-aalala. Ang kanyang mata ay tila nangingilid sa emosyon, ngunit ang bawat galaw nito ay may bahid ng pagsisinungaling.“Ana! Luke! Ano’ng nangyari? Narinig ko sa balita na may engkwentro sa daan. Kasama ba kayo doon? Ligtas ba kayo? Paano si Anabella?” tanong ni Sheila habang nagmamadaling lumapit sa kanila.Napatingin si Belle kay Sheila, pilit na hinahanap ang anumang bakas ng sinseridad sa mukha nito. Ngunit sa halip, naramdaman niya ang malamig na aura na tila nagkukubli ng mas malalim na motibo. Alam ni Belle na ang nakikita niyang pag-aalala ni Sheila ay hindi tunay.“Walang dapat ikabaha
Ngumiti si Luke at mas hinigpitan pa ang yakap kay Belle. “Magkasama tayo sa laban na ito, Ana. Hindi kita iiwan.”Habang magkahawak ang kamay nina Belle at Luke sa kabilang kwarto, si Sheila naman ay nagkukulong sa sarili niyang mundo. Yakap-yakap niya ang isang lumang jacket ni Luke, ang pabango nito ay tila nagdadala sa kanya pabalik sa mga panahong malapit sila. Sa kanyang kama, may nakadikit na mga litrato ni Luke sa pader—mga larawang lihim niyang tinipon sa loob ng maraming taon. Tinitigan niya ang isa sa mga litrato, ang mga mata niya ay puno ng pagka-obsessed. Hinaplos niya ang mukha ni Luke sa litrato na parang tunay na tao itong kaharap niya.“Mahal kita, Luke,” bulong niya habang tumutulo ang mga luha sa kanyang pisngi. “Kaya kong ibigay ang higit pa sa pagmamahal na binibigay ni Ana. Bakit hindi mo makita ‘yon? Bakit siya pa? Hindi siya nararapat sa'yo. Ako ang nararapat sa'yo.”Hinaplos niya ang pader na puno ng litrato ni Luke at ngumiti nang may halong poot at pagmama
Habang nakahiga si Belle, lumapit si Luke sa kanya, may kakaibang kinang sa kanyang mga mata. “Magiging maayos din lahat mahal kong Belle,magtiwala ka lang?” tanong niya, ang kanyang tinig ay mababa ngunit puno ng lambing.Ngumiti si Belle, tumango, at tumingin sa kanya. “Oo. Sana maging maayos ang lahat Luke, ayoko may mangyaring masama sa anak natin.”Biglang yumuko si Luke, at bago pa makapag-react si Belle, marahan niyang ibinaba ang kanyang labi sa kanya. Una, magaan at puno ng pagmamahal ang halik, ngunit naramdaman ni Belle ang unti-unting paglalim nito—parang ang bawat halik ay isang pagsasalin ng damdamin mula kay Luke patungo sa kanya.Ang kanyang puso ay bumilis, tila sumasabay sa tibok ng puso ni Luke na ramdam niya sa kanilang lapit. Ang kanyang katawan ay tumensyon sa pananabik, at ang init na nagmumula sa kanilang koneksyon ay tila lumalaganap sa buong silid."Jasmine," bulong ni Luke habang hinahaplos ang kanyang pisngi, ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal at p
Naghalikan sila ng masidhi habang pinabilis niya ang kanyang ritmo, at naramdaman ni Belle na nagsisimula nang magpayanig ang kanyang katawan. Pinutol niya ang halik at sinimulang kagatin ang kanyang leeg habang mas pinabilis ang pag-ulos sa kanya. Hinugot niya nang buo at tinukso siya, at pagkatapos ay biglang ibinaon ang sarili nang buo sa kanya muli. Si Belle ay nagsimulang sumigaw sa sarap habang nararamdaman niyang muling umabot ang kanyang katawan sa isa pang orgasmo.Humigop si Luke ng magaspang na hininga at sinubukang pigilin ang kanyang pulsing titi. Matagal na niyang hinintay ang sandaling ito at hindi pa siya handang payagan ang kanyang katawan na makamit ang paglabas na matagal nang inaasam. "Tumingin ka sa akin, aking mahal," bulong niya, ang boses ay puno ng pagnanasa. Muli siyang nagsimula sa pag-ulos, dahan-dahan, pinapayagan si Belle na malasahan ang bawat pulgada niya habang ang kanilang mga mata ay nananatiling nakatuon sa isa't isa sa isang matinding titigan.Si B
Tahimik lang si Belle habang nakaupo sa waiting area ng St. Therese Women’s Medical Center, nakahawak sa kanyang tiyan habang pinagmamasdan ang bawat segundo sa orasan. Sa tabi niya si Luke, tahimik din, ngunit hindi mapakali. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan, nanginginig ang tuhod, parang may bigat na hindi mailarawan.Hindi na sila gaanong nag-uusap mula noong gabing iyon—noong halos masira ang lahat dahil sa mga tanong at katotohanang gustong kumawala pero hindi niya kayang bitawan.“Mahal, ready ka na?” mahinang tanong ni Luke, pilit na bumubuo ng lakas ng loob. Hawak niya ang kamay ni Belle, pero malamig pa rin ang pagitan nilang dalawa.“Oo,” mahinang tugon ni Belle. “Ready na ako.”Pero hindi siya talaga handa. Hindi siya kailanman magiging handa. Hindi sa isang mundong hindi siya tunay na kabilang, hindi sa mundong ginagalawan niya sa katauhan ng isang taong wala na.“Misis Villa, kayo na po. Ultrasound room number three,” tawag ng nurse.Tumayo silang magkasabay, at kasab
Napatigil si Adrian. Parang binaril siya ng mga salitang iyon—hindi sa sakit, kundi sa gulat, sa tuwa, sa hindi niya maipaliwanag na pag-asa."Sara…" mahinang sabi niya, unti-unting lumalapit. "Ibig mong sabihin…?"Tumango si Sara, mabagal ngunit sigurado. "Hindi ko man maalala ang nakaraan, pero kapag naririnig ko ang boses mo, kapag nararamdaman ko ang presensya mo... may kung anong bahagi ng puso ko ang nagigising."Napasandal si Adrian sa pinakamalapit na poste, hawak ang dibdib niya na tila kinikiliti ng libu-libong damdaming matagal niyang kinulong."Alam mo bang… ilang beses na akong gustong sumuko?" bulong niya, halos hindi na marinig. "Gusto kong kalimutan ka rin. Gusto kong umalis, para hindi na ako umaasa. Pero hindi ko kaya. Kasi kahit galit ako sa sarili ko, kahit nagkasala ako noon, hindi nawala 'yung pagmamahal ko sa'yo, Sara."Tahimik silang dalawa. Wala nang ibang maririnig kundi ang hampas ng alon sa di kalayuan, at ang mahihinang hikbi ni Sara na pilit niyang pinipi
Nasa gilid si Sara, yakap ang sash na may pangalan niyang Sara Pamplana. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Ang mga kamay niya ay bahagyang nanginginig, ngunit sa puso niya, may kakaibang kapayapaan. May ginhawang hatid ang pagtanggap sa sarili, kahit pa may bahagi pa rin ng nakaraan ang nananatiling malabo.Biglang may humawak sa kanyang braso."Ikaw talaga ‘yan?" mahina ngunit punô ng pag-aalala ang tinig na lumapit sa kanya.Napalingon si Sara. Si Adrian.Napatigil siya. Hindi agad nakapagsalita. Ang lalaking ilang gabi niyang iniwasan sa isip, ngayong gabi, nasa harap niya. Hawak siya, parang ayaw na siyang pakawalan."Adrian?" tanong ni Sara, halos pabulong.Tumango si Adrian. Nanlalalim ang tingin. Parang sinisid ang kaluluwa niya sa bawat tingin."Kanina pa kita hinahanap. Nung naglakad ka sa entablado, parang bumalik lahat. Lahat ng alaala. Lahat ng damdamin. Sara... ang ganda-ganda mo."Napayuko si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak."Bakit k
Nasa gitna na ng entablado si Sara Pamplana. Ang mga spotlight ay tila apoy na nakatutok sa kanya, ngunit hindi siya natinag. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso, pero mas malakas ang paninindigang buo sa kanyang dibdib.Mula sa gilid ng stage, narinig niya ang boses ni Jamaica. “Go na, Sara!” sigaw nito habang ayos pa ang sash na may pangalan niya. “Lakasan mo loob mo. Alam mo kung bakit ka nandito.”Tumango si Sara. Pinunasan niya ang bahagyang pawis sa noo at dahan-dahang hinigpitan ang kapit sa kanyang damdamin. Huminga siya ng malalim, sabay lakad papunta sa gitna ng entablado. Kahit nanginginig ang tuhod niya, hindi siya natinag. Ang bawat hakbang ay para sa mga taong nagmahal sa kanya. Para kina Aling Glenda at Mang Romero—ang mga taong tinuring siyang tunay na anak kahit siya’y isang ulilang nawalan ng alaala.Sa likod ng mga kurtina, naririnig niya ang palakpakan at sigawan ng mga tao. Tumayo siya ng tuwid, itinaas ang noo. Ngayon, hindi na siya ang dating ta
“Mahal, kanina pa kita tinititigan. Hindi ka kumakain. Okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang pinagmamasdan si Belle na ilang beses nang tinikman ang sabaw pero hindi man lang nagalaw ang kanin.Napapitlag si Belle. “Ha? Ay... Oo naman. Nahilo lang siguro ako sandali.”“Sigurado ka? Pati si Mama tinatanong kung bakit parang lutang ka. Sabi niya, iba raw ang ngiti mo ngayon... parang pilit.”Napilitan siyang ngumiti. “Si Mama talaga, ang hilig magbiro. Alam mo namang mahina lang talaga ang katawan ko.”“Huwag mong gawing biro. Hindi yun biro, Ana. Kilala ka niya. Kilala rin kita. Alam kong may bumabagabag sa'yo.”Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya si Luke, ang lalaking unti-unting minahal niya sa katauhan ng ibang babae. Ang bigat sa dibdib.“Luke... hindi lahat ng nararamdaman ng tao kailangang sabihin agad-agad. Minsan kailangan muna natin ng oras para intindihin ang sarili.”“Pero bakit parang ang layo mo sa akin nitong mga araw na 'to? Hindi ko na maramdaman yung Ana na palag
Tumango si Sara at lumapit kay Jamaica. “Jamaica, paano ba ako magiging handa?” tanong ni Sara, nag-aalalang hindi pa rin siya handa sa susunod na pagsubok.“Wala kang dapat ipag-alala, Sara. Ang mahalaga ay hindi yung mga tanong, kundi kung paano mo ibabahagi ang iyong mensahe. Magsalita ka ng buo at tapat. Magtiwala ka sa iyong sarili.”Si Jamaica ay hindi tumigil sa pagbigay ng inspirasyon kay Sara. Nakikita niyang may potensyal siya. Masaya siyang makita ang ibang contestants na nag-eenjoy sa kanilang pagsasanay, ngunit hindi maiwasan ni Jamaica na tingnan si Vanessa na tila palaging handang mang-bully sa iba. Sa bawat hakbang ni Vanessa, para bang may hangarin itong sirain ang tiwala ni Sara, ngunit hindi na ito papayagan ni Sara.Habang nagtutulungan sila sa paghahanda, dumaan ang isang hapon at dumating na ang panahon para sa Q&A.Si Sara ay tumayo sa gitna ng stage, at ang kanyang mga mata ay tumingin sa mga tao sa paligid. Minsan, mahirap magtiwala sa sarili, pero naisip niya
Sa kabilang dako sa tunay na Ana.Sa bahay ni Sara, habang nag-aayos ng mga gamit sa sala...“Ate, halika na!” sigaw ni Nene mula sa kusina. “May bisita tayo!”Nagulat si Sara nang marinig ang pangalan ni Jamaica. Dumating na siya. Hindi na nga tumigil si Nene sa kakatawa, ang buong pamilya ay nakatingin na parang isang malaking kakatwang eksena ang mangyayari.“Jamaica? Ano'ng ginagawa mo dito?” tanong ni Sara habang inaayos ang mga gamit sa lamesa.“Sara,” ani Jamaica, sabay abot ng maliit na flyer na may nakalagay na “Summer Queen 2025 – Beauty Pageant.” “Sali ka na sa beauty competition. Alam kong kaya mo ito.”Napakunot ang noo ni Sara. “Beauty competition?”"Oo, Sara. Alam ko na hindi mo ito plano, pero ito ang pagkakataon para patunayan sa sarili mo na kaya mong magsikap para sa pangarap mo," sabi ni Jamaica, hindi tinatangi ang matinding lakas ng loob na ipinapakita."Pero… hindi ko kaya. Hindi ako ganun," sagot ni Sara, nahihirapan. “Hindi ako tulad nila. Hindi ko kayang magl
Samantala sa Mansion ng mga Villa.Hindi pa man lumilipas ang kaba sa dibdib niya mula sa pag-uusap nila ni Luke, biglang nag-ring ang doorbell.Nagkatinginan sila ni Luke bago ito tumayo upang buksan ang pinto.At sa pagbukas ng pinto, nanlamig ang katawan ni Belle.Si Philip.Ang ama ni Luke."Papa?" Gulat na sambit ni Luke."Magandang umaga, anak," sagot ni Philip. "Pasensya na sa abala, pero may kailangan akong pag-usapan kay Ana… nang sarilinan."Biglang bumigat ang paligid.Napatayo si Belle, agad na bumalik ang kaba sa dibdib niya.Napakunot-noo si Luke. "Bakit, Pa? May problema ba?""Wala, anak," sagot ng matanda. "Gusto ko lang makausap si Ana tungkol sa isang bagay na hindi pa niya nasasabi sa'yo."Namilog ang mga mata ni Belle.Alam na niya?!"Ano'ng ibig mong sabihin, Pa?" seryosong tanong ni Luke.Ngumiti si Philip, ngunit kita sa mga mata nito ang lalim ng iniisip. "Wag kang mag-alala, anak. Saglit lang kami ni Ana."Dahan-dahang lumapit si Belle, halos hindi makalakad n
Tahimik na lumabas si Sara sa bahay. Hindi siya lumingon. Hindi rin niya kayang marinig ang huling tawag ni Adrian sa kanyang pangalan. Bawat hakbang niya sa kalsada ay parang martilyong humahampas sa kanyang puso."Kung mahal mo ako, bakit mo ako laging pinapalayas sa puso mo?" bulong niya sa hangin, habang pinipilit itago ang mga luhang patuloy na umaagos.Samantala, si Adrian ay nanatili pa rin sa sala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ang mga salitang binitiwan ni Sara ay parang nag-iwan ng apoy sa dibdib niya. Gusto niyang habulin siya. Gusto niyang sumigaw, ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ito, pero hindi niya alam kung may karapatan pa ba siya.Lumipas ang mga oras.Maagang gumising si Sara kinabukasan. Kahit magaan na ang loob niya mula sa pag-uusap nila ni Adrian kagabi, may halo pa ring kaba sa kanyang dibdib. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, parang hirap pa rin siyang maniwala na totoo na—na may patutunguhan pa ang kwento nila.“Anak, halika na’t sumama k