“Hindi mo kailangan na sumagot ngayon. Pag-isipan mo muna ng mabuti. Pero sinisigurado ko sa ‘yo na kaya ko rin gawin ang lahat ng hilingin mo sa akin.” saad ni Kier.Kahit pa na iyon ang narinig ni Selina ay hindi pa rin siya umaasa sa salita ng lalaki. Ayaw niya itong kausap kaya naman walang nagawa si Kier kundi ang lisanin ang opisina ng babae.Kaysa tumunganga sa kanyang opisina ay bumalik na lang si Selina sa VIP room. Habang naglalakad siya ay iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Zack. ang tungkol sa business trip nito at mawawala ito ng ilang araw.Pagpasok niya sa VIP room ay nakaupo lang si Zayn sa kama nito. Napansin niya na para bang may iniisip ito kaya naman naglakad siya palapit sa bata at umupio sa tabi nito.“Zayn, gusto mo bang pumunta sa bahay namin?” tanong niya sa bata.“Puwede po ba?”“Oo namn, pero dapat secret lang natin.” sagot niya sa bata.“Okay po,” masaya na sambit ni Zayn.Dahil sa naging sagot ng bata ay sobrang saya ng puso ni Selina. Ngunit hindi niya i
“Bakit mo sinasabi ‘yan?” Natatakot na tanong ni Zayn sa kanyang kapatid.“Hindi mo kilala ang daddy mo, hindi mo alam ang ginawa niya kaya mas mabuti na sa amin ka na lang kaysa sa daddy mo. Kapag nagkaroon siya ng babae ay talagang itatapon ka niya. Sa amin ka na lang dahil mamahalin ka namin.” Dagdag pa ni Tristan.Ang mga salitang ito ang nagbigay ng takot sa puso ni Zayn.Alam ni Tristan na walang balak ang masama niyang ama na sabihin sa kanyang kapatid ang tungkol sa kanyang ina. Ang tungkol sa dati niyang asawa na pinabayaan niya. Kahit pa gaano ka ayaw o galit niya sa kanyang ama ay hindi niya ito kayang banggitin sa kanyang kapatid.Dahil isang malupit na lalaki ang kanyang ama. Mas nais niya na sa ganitong paraan ay masasabi niya na piliin nito ang kanilang ina. Malakas ang loob niya dahil nais niyang makasama ang kanyang kapatid.“Ayaw mo ba sa mommy ko?” Naiinip na tanong ni Tristan dahil nakita niya na nag-iisip na si Zayn at ang tagal nito.“Mahal ko si Dok Enna,” namum
Dahan-dahan na lumingon si Selina at nakita niya ang nagmamadaling likod ni Zack. nagtataka siya kung bakit ito umuwi ngayon? Ano ba ang dahilan kaya ito umuwi ng maaga? Ang alam niya ay mahalaga ang business trip nito.“May problema po ba?” tanong ni Zayn kay Selina.“Wala naman, tara na.” nakangiti na sagot niya.“Paano po si daddy?” “Busy siya kaya tayo na lang muna. Hinihintay ka na ni Tristan at Trina sa loob ng airplane. Miss mo na silang kalaro diba?” tanong niya sa bata.“Mauuna na lang po ba tayo?”“Opo, kaya tara na.” saad ni Selina.“Susunod po si daddy diba?”“Opo, kailangan lang niyang tapusin ang trabaho niya.” nakangiti pa na saad ni Selina kaya tumango na lang ang bata.“Okay,” sambit ni Zayn at sumama na siya kay Selina.Ito ang unang beses ni Zayn na sasakay sa eroplano kaya natatakot siya. Ang bilis ng t*bok ng puso niya sa takot. Kaya naman ay mas humigpit ang kapit niya kay Selina dahil ayaw niyang mawala.“Kuya, dumating na ‘yung kamukha mo.” saad ni Trina.“Ah,
Matiyaga silang naghihintay sa pag-alis ng eroplano. Kinakabahan si Zayn dahil baka hindi na niya makita ang kanyang ama. Ngunit hindi rin siya nangahas na magtanong. Nakatingin naman si Selina sa kanyang anak. Iniisip niya na kapag nalaman ng kanyang anak ang totoo ay baka malungkot ito. Lalo na buong buhay nito ay puro kasinungalingan na nilikha ni Zack. Ngunit umaasa pa rin siya na sa kanyang pagmamahal ay magbabago sa lahat dahil naniniwala siya na mas mabibigyan niya ng pagmamahal ang anak niya.Habang nakatingin siya sa kanyang tatlong anak na naglalaro ay punong-puno ang puso ni Selina. Habang abala siya sa kanyang mga anak ay hindi man lang niya namalayan na may tumatawag pala sa kanyang phone.Nang isa-isa ng mga crew ang bawat pasahero na i-check. Naramdaman naman ni Selina na nagba-vibrate ang kanyang phone nang silipin niya ito ay nakita niya ang pangalan ni Zack. Mabilis niyang i-off kanyang phone. Wala siyang balak na sagutin ang anumang tawag nito. Inayos na lang niya a
Nagtataka ang mga tao habang nakatingin sa bintana ng eroplano. May mga dumating na mga shuttle na may sakay na mga tauhan na aakyat sa bawat eroplano. Nakasuot ng suit ang mga ito at isa-isa ng bumaba sa shuttle.Si Josh naman ay nakatingin rin sa labas ng bintana. Nagtataka siya dahil sa tagal na niyang bumabyahe ay ngayon lang ito nangyari. Iniisip niya kung ano ba ang mayroon. May emergency ba kaya nagkakagulo ang lahat. Hanggang sa nahagip ng mga mata niya si Zack.“Siya ba ‘yon?” wala sa sarili na tanong niya.“Siya nga,” sambit niya.“Bakit nandito pa rin tayo?! Ano ba ang nangyayari?” natataranta na tanong ni Selina.“Ano na? Wala ba kayong balak na umalis?!” naiinis na tanong ni Selina kaya may lumapit na sa kanya na crew.“Ma’am, huminahon lang po kayo.” saad ng FA.Ngunit hindi kaya ni Selina na maging kalmado lalo na nandito na si Zack. Hindi siya puwedeng makita o mahanap ng lalaki. Hindi puwede, hindi niya hahayaan.“Ilang beses ba dapat tingnan ang passport namin?” naiir
“Z–Zack?” nauutal na sambit ni Selina habang nakatingin sa nag-aapoy na mga mata ng lalaki.Hindi niya alam kung ilang beses na ba siyang napalunok. Hindi niya kayang kumilos sa kinatatayuan niya. Ang bilis rin ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa mga mata nito.“Tatakbo ka? Saan?” tiim bagang na tanong nito sa kanya.“H–Hindi ko siya ibibigay sa ‘yo!” mas humigpit ang kapit niya kay Zayn. umatras siya ngunit lumalapit sa kanya si Zack.Halos hindi na niya maayos ang pag-atras niya sa takot na saktan sila ni Zack. Na baka saktan nito ang anak nila.“Ang lakas ng loob mo na itakas ang anak ko. Akin siya,” nakangiti ngunit nakakatakot ang mukha nito.“Hindi niya kailangan ang tulad mo!” galit na sigaw ni Selina.“Akin na ang anak ko,” utos ni Zack.“No! Hindi!” sigaw niya.“Baka nakalimutan mo kung sino ka. You’re nothing! Kaya ibigay mo na ang anak ko,” malapit ng maubos ang pasensya ni Zack.Kaagad na namulta ang mukha ni Selina sa kanyang narinig. Masakit marinig na wala lang p
Biglang sumakit ang ulo ni Josh sa pagtakbo ng kanyang pamangkin. Mas lalo siyang na-stress nang magkaroon ng kaguluhan sa labas kaya nagkagulo na ang mga pasahero. Mabilis siyang lumabas para hanapin ang kanyang pamangkin. Kailangan rin niyang iligtas ang kanyang kapatid.“Padaan po,” sambit ni Tristan habang sumisiksik sa mga tao.Nang tuluyan siyang makaalis sa maraming tao ay nakita ng dalawang mata niya ang masamang lalaki na buhat ang kanyang ina. Gustuhin man niyang tumakbo papunta sa kanyang mommy ay naipit na naman siya ng ilang pasahero kaya napaupo na lang siya sa sahig at umiyak.“Mommy,” mahina na sambit niya kaya may nakapansin sa kanya na isang lalaki.“Nasaan ang mommy mo? Sino ang mommy mo?” tanong ng lalaki sa kanya.Hanggang sa nagbubulungan na ang mga tao sa paligid. Ngunit walang balak si Tristan na kunin ang atensyon ng mga tao kaya naman lakas loob siyang tumayo at mabilis na tumakbo palabas sa eroplano.“Mommy!” narinig ni Selina ang boses ng kanyang anak ngunit
Nang tumakbo si Tristan ay tumakbo rin si Trina at sa ibang direksyon naman siya. Hindi na tuloy alam ni Josh kung sino ba ang hahabulin niya dahil sa katigasan ng ulo ng mga pamangkin niya.Pero mas pinili niyang unahin si Tristan dahil kilala niya ito at alam niya kung ano ang kayang gawin ng batang ito. Mas pinangunahan siya ng takot na makilala ito ni Zack. Hindi siya gaanong nag-aalala kay Trina dahil hindi naman ito kamukha ng kambal kaya mas safe ito. Nag -kot-ikot siya para hanapin ang mga ito. Nakita niya ang isang staff na may nakatayong bata sa tabi nito. Ang buong akala niya ay si Trina ito ngunit hindi pala. Tinanong rin siya ng staff ngunit wala siyang maibigay na sagot sa babae.Walang ibang choice kundi i-panawagan na ang pagkawala ni Trina dahil natatakot na siya na mawala ito. Malaki ang tiwala ng kanyang kapatid sa kanya kaya siya ang nag-aalaga sa mga pamangkin niya pero ngayon ay naging pabaya siya at hindi man lang niya nabantayan ang mga ito.Natigilan si Selin
“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
“Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy
Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”
“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit
“Posible ba ‘yun?” tanong ni Zayn.“Magkamukha tayong dalawa at hindi nila malalaman. Kung sakaling papayag ka ay kailangan mong umuwi sa bahay namin. Pero maiiwan ako dito,” sabi ni Tristan sa kanya.Matalinong bata si Tristan. Ginagamit niya ang kanyang utak para makita at mahanap niya ang kanyang ina. Wala siyang balak na sumuko lalo na narito na siya sa loob.“Ano, papayag ka na ba?” tanong niya kay Zayn.“Hindi ba tayo mahuhuli?” “Kung sasabihin mo sa kanila na ikaw si Zayn ay sigurado ako na malalaman nila. Pero kung mananahimik ka at magpapanggap na ako ay hindi nila malalaman.” sagot ni Tristan sa kanyang kapatid.“Sige, payag na ako. Basta ipangako mo sa akin na mahahanap mo si Dok Enna. Make sure na safe siya para pagbalik ko ay makasama ko siya. Sorry, alam ko na kasalanan ito ng daddy ko. Patawarin mo rin ako kung wala akong nagawa para iligtas siya. Pangako, gagawin ko ang lahat para magampanan ko ng maayos ang katauhan mo.”“Aasahan kita. Magtulungan tayo para makita na