Share

CHAPTER 86

Author: ARICIA PISCES-95
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Z–Zack?” nauutal na sambit ni Selina habang nakatingin sa nag-aapoy na mga mata ng lalaki.

Hindi niya alam kung ilang beses na ba siyang napalunok. Hindi niya kayang kumilos sa kinatatayuan niya. Ang bilis rin ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa mga mata nito.

“Tatakbo ka? Saan?” tiim bagang na tanong nito sa kanya.

“H–Hindi ko siya ibibigay sa ‘yo!” mas humigpit ang kapit niya kay Zayn. umatras siya ngunit lumalapit sa kanya si Zack.

Halos hindi na niya maayos ang pag-atras niya sa takot na saktan sila ni Zack. Na baka saktan nito ang anak nila.

“Ang lakas ng loob mo na itakas ang anak ko. Akin siya,” nakangiti ngunit nakakatakot ang mukha nito.

“Hindi niya kailangan ang tulad mo!” galit na sigaw ni Selina.

“Akin na ang anak ko,” utos ni Zack.

“No! Hindi!” sigaw niya.

“Baka nakalimutan mo kung sino ka. You’re nothing! Kaya ibigay mo na ang anak ko,” malapit ng maubos ang pasensya ni Zack.

Kaagad na namulta ang mukha ni Selina sa kanyang narinig. Masakit marinig na wala lang p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
naku Tristan mapahamak ka
goodnovel comment avatar
Aryros Cahilig
kainis kainis tlga
goodnovel comment avatar
Zayn Jarviz Sevilla
kailangan kaya ang next update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 87

    Biglang sumakit ang ulo ni Josh sa pagtakbo ng kanyang pamangkin. Mas lalo siyang na-stress nang magkaroon ng kaguluhan sa labas kaya nagkagulo na ang mga pasahero. Mabilis siyang lumabas para hanapin ang kanyang pamangkin. Kailangan rin niyang iligtas ang kanyang kapatid.“Padaan po,” sambit ni Tristan habang sumisiksik sa mga tao.Nang tuluyan siyang makaalis sa maraming tao ay nakita ng dalawang mata niya ang masamang lalaki na buhat ang kanyang ina. Gustuhin man niyang tumakbo papunta sa kanyang mommy ay naipit na naman siya ng ilang pasahero kaya napaupo na lang siya sa sahig at umiyak.“Mommy,” mahina na sambit niya kaya may nakapansin sa kanya na isang lalaki.“Nasaan ang mommy mo? Sino ang mommy mo?” tanong ng lalaki sa kanya.Hanggang sa nagbubulungan na ang mga tao sa paligid. Ngunit walang balak si Tristan na kunin ang atensyon ng mga tao kaya naman lakas loob siyang tumayo at mabilis na tumakbo palabas sa eroplano.“Mommy!” narinig ni Selina ang boses ng kanyang anak ngunit

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 88

    Nang tumakbo si Tristan ay tumakbo rin si Trina at sa ibang direksyon naman siya. Hindi na tuloy alam ni Josh kung sino ba ang hahabulin niya dahil sa katigasan ng ulo ng mga pamangkin niya.Pero mas pinili niyang unahin si Tristan dahil kilala niya ito at alam niya kung ano ang kayang gawin ng batang ito. Mas pinangunahan siya ng takot na makilala ito ni Zack. Hindi siya gaanong nag-aalala kay Trina dahil hindi naman ito kamukha ng kambal kaya mas safe ito. Nag -kot-ikot siya para hanapin ang mga ito. Nakita niya ang isang staff na may nakatayong bata sa tabi nito. Ang buong akala niya ay si Trina ito ngunit hindi pala. Tinanong rin siya ng staff ngunit wala siyang maibigay na sagot sa babae.Walang ibang choice kundi i-panawagan na ang pagkawala ni Trina dahil natatakot na siya na mawala ito. Malaki ang tiwala ng kanyang kapatid sa kanya kaya siya ang nag-aalaga sa mga pamangkin niya pero ngayon ay naging pabaya siya at hindi man lang niya nabantayan ang mga ito.Natigilan si Selin

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 89

    “Masakit po ang paa ko.” umiiyak na sambit ng bata na nakaupo pa rin sa sahig.May kung anong awa na naramdaman si Zack para sa bata. Lalo na nakatingin siya sa cute na mukha nito na punong-puno ng luha. Biglang lumambot ang kanyang puso habang nakatingin sa bata. Para itong cute na manika kahit pa umiiyak ito. Nakatali ang buhok nito at nakasuot ng isang cute pink dress na talagang bumagay sa kulay ng balat nito na maputi.May kung anong saya sa puso niya na hindi niya matukoy. Ayaw niyang nakikita ang luha sa mga mata nito. Bumaba siya para tingnan ang paa ng bata. “Saan ang masakit? Dito ba?” tanong niya sa batang babae at hinawakan niya ang paa nito.Napansin niya na na-sprain ang paa nito na isa sa dahilan kaya hindi ito makatayo. Sa ngayon ay may mga dumadaan na rin na mga tao sa paligid ngunit wala namang pakialam ang mga ito. Marahil ay hindi naman nila kilala ang batang ito.Hindi sumagot ang bata at nakatingin lang ito kay Zack“Puwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 90

    Sobrang kinakabahan na si Selina at hindi na niya alam ang dapat niyang gawin. Hindi talaga niya puwedeng sunduin ang anak niya dahil masisira ang lahat ng pinaghirapan niya kung makukuha lang ito ng dati niyang asawa.“Miss, hindi mo ba susunduin ang anak mo doon? Kasi kung kami ang kukuha sa kanya ay baka hindi siya sumama sa amin,” tanong ng staff kay Selina.Wala ng choice si Selina kundi tawagan ang kanyang kaibigan na si Venny. Ito na lang ang iniisip niyang paraan para makuha ang anak niya sa clinic.“Walang dapat makaalam na anak ko siya,” sambit ni Selina sa kanyang kaibigan.“Bakit naman?” nagtataka na tanong ni Venny.“Dahil hindi naman dapat niya malaman. Alam mo naman na galit siya sa akin diba?”“Okay, ako na ang bahala.” sambit ni Venny.“Thank you,” pasasalamat ni Selina sa kanyang kaibigan.Mabilis naman na pumunta si Venny sa clinic para puntahan ang anak ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam ang buong kwento pero wala siyang balak na alamin dahil alam niya na persona

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 91

    Pagkalabas ni Zack sa loob ng clinic ay hindi siya makapaniwala sa ginawa ng batang babae na iyon. Para sa kanya ay ito na ang pinakamatalinong bata na nakilala niya. Hindi niya inaasahan na maiisahan siya nito. Naawa siya sa bata kaya niya ito tinulungan ngunit pinalabas lang nito na masama siyang tao.Pero hindi rin niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi ngumiti kapag naalala niya ang cute na mukha ni Corn. Nagtataka talaga siya kung bakit corn? Nauubusan na ba ng pangalan ang anak.Pero kahit medyo weird ang pangalan nito ay masasabi niya na pinalaki itong matalino na bata. Sa ilang minuto lang ay nawalan siya ng sampung libo dahil sa batang iyon. Pero iniisip niya ang paa nito. Mukhang totoo talaga na nasaktan ito at hindi lang ito basta-basta nag-inarte.Pilit niyang winawaksi sa kanyang isipan ang tungkol sa batang ito. Dahil ayaw niya maalala pa. Naroon na ang tiyahin nito kaya hindi na dapat siya nag-aalala pa. Binilisan na lang niya ang lakad niya papunta sa kanyang anak.

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 92

    “Saan mo ba ako dadalhin?” galit na tanong ni Selina kay Zack.“You don’t have to know, wala kang karapatan na magtanong.” sagot ng lalaki habang karga na parang sako ng bigas ang ex-wife niya.“Ano ba?! Ibaba mo nga ako!” nagpupumiglas na sigaw ni Selina pero bingi ang lalaking ito.Habang naghihintay siya kanina sa paglabas ni Trina at Venny ay nahuli siya ni Zack. Kaya ito siya ngayon buhat ng lalaki at balak dalhin sa kung saan. Nag-aalala siya sa kanyang mga anak ngunit wala siyang lakas para makawala sa masamang lalaki. Bigla na lang kasi siyang hinuli ni Zack. Naghabulan pa sila at nahuli siya nito kanina.“Zack! Ano ba?!” sigaw niya pero walang pakialam ang lalaki.Pabalibag siyang pinasok ng lalaki sa loob ng kotse. Pumasok ito sa driver seat. Balak sana niyang lumabas pero may nakabantay na tauhan niya sa labas ng pinto. “Pakawalan mo nga ako! Ano pa ba ang gusto mo sa akin?” sigaw niya sa lalaki.“Puwede ba tumahimik ka! Kanina ka pa sigaw ng sigaw! Naririndi na ang tainga

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 93

    Hindi namalayan ni Selina na nakatulog pala siya. Nang magising siya ay nasa malamig pa rin siyang sahig nakahiga. Madilim ang buong paligid kaya tumayo siya para hanapin ang switch ng ilaw. Kabisado na niya ang buong silid kaya hindi na siya nahihirapan pa.Nang mabuksan niya ang ilaw ay bumungad sa kanya ang dati nilang silid na mag-asawa. May kung anong kumurot sa puso niya habang nakatingin siya sa bawat sulok ng silid na ito. Muling bumalik sa alaala ni Selina ang mga araw na masaya sila ni Zack.Ang mga araw na kasama niya ito sa silid na ito. Ang mga araw na pinaniwala siya ng lalaking iyon na siya ang mahal nito. Ang buong akala niya na nagmamahalan sila at magsasama habang buhay. Ang picture frame noong kasal nila ay nakasabit pa rin sa pader kung saan niya ito nilagay noon.Nakangiti siya sa picture at ganun rin ang asawa niya. Pero ano nga ba ang nangyari? Bakit sa isang iglap ay nagbago ang lahat? Bakit siya sinaktan ni Zack? Ano ba ang ginawa niya sa lalaki para saktan si

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 94

    Hindi alam ni Zack kung ilang beses ba siyang nagmura sa sobrang inis niya. Nawalan na rin siyang kumain kaya pinaligpit na niya ang pagkain sa mga katulong niya. Nawalan na rin siya ng gana na pumasok sa opisina niya dahil sa ginagawa ng anak niya.Ilang beses niyang hinilot ang sintido para pakalmahin ang sarili. Dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang magawa niya na pagsisihan niya. Ayaw ni Zack na dumating ang araw na ‘yon. Ayaw niyang magalit sa kanya ang anak niya. Kaya hahayaan niya muna ito. Siguro ay nagtatampo lang ito sa kanya.“Sir, ito na po ang kape niyo.” saad ng katulong.“Kumain na ba si Selina?” seryoso na tanong ni Zack ng hindi man lang inaalis ang mga mata sa papeles na binabasa niya.“Hindi po niya ginalaw ang pagkain niya.” sagot ng katulong.Nang dahil sa kanyang narinig ay mabilis na tumayo si Zack para puntahan ang kanyang dating asawa. Kaagad niyang binuksan ang pinto at nakita niya na nakaupo ito sa may tabi ng bintana. Hindi nito namalayan na pumasok na p

Latest chapter

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 107

    “Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 106

    “Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 105

    “What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 104

    “Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 103

    Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 102

    “Tell me, bakit po may picture na kasama mo si Dok Enna?” tanong ni Tristan kay Zack.“This is nothing,” tiim bagang na tanong ni Zack.“Really? Hanggang kailan mo ba siya itatanggi?”“What are you talking about?” “Akala mo ba talaga ay tanga ako, daddy? Dahil ba bata lang ako kaya ganyan ka sa akin. Mabuting tao siya pero nasaan na siya? Saan mo na naman siya tinapon? Iyan na lang ba ang alam mong gawin? Ang itapon na lang siya palagi. Kapag hindi mo pa rin siya pinalabas sa kung saan mo siya tinago ay ako na ang hahanap sa kanya at iiwanan kita. Sasama ako sa kanya,” sabi niya bago siya lumabas sa opisina ng lalaki.Galit si Tristan sa kanyang ama. Ang demonyong lalaki sa paningin niya. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanyang mommy lalo na sa kanila ng mga kapatid niya. Ang nais niyang matulog sa tabi nito ay hindi na niya ginawa. Mas pinili na lang niyang sa silid ni Zayn matulog.“Zayn,” narinig niya na tawag nito pero mas pinili niya na magpanggap na tulog. Wala siy

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 101

    Ilang sandali pa ay may narinig siya na tunog ng sasakyan kaya napahinga siya ng malalim. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa paghaharap nila ni Zack. Hanggang sa bumukas na ang main door at pumasok na ito. Walang emosyon siyang nakatingin sa lalaki.Napansin ito ni Zack kaya siya nagtataka ngunit bigla na lang ngumiti si Tristan at mabilis na tumakbo papunta sa lalaki.“Daddy!” masigla nitong bigkas at mabilis na nagpa-karga sa kanyang ama.Napangiti naman si Zack dahil ang lambing ng kanyang anak. Ito kasi ang unang beses na sinalubong siya ni Zayn ng ganito. Ang buong akala niya ay namamalikmata lang siya kanina na masama ang tingin nito sa kanya ngunit hindi naman pala dahil nakangiti ito ngayon at hinalikan pa siya nito sa pisngi.“It’s late na kaya bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya sa kanyang anak.“Hindi pa po ako inaantok, daddy. Hinintay po kita kasi gusto ko po sabay tayong kumain. Ikaw po ba ay kumain na?” tanong ni Tristan kay Zack.“Hindi pa nga eh, eat na tayo.”

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 100

    “Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit

  • THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS    CHAPTER 99

    “Posible ba ‘yun?” tanong ni Zayn.“Magkamukha tayong dalawa at hindi nila malalaman. Kung sakaling papayag ka ay kailangan mong umuwi sa bahay namin. Pero maiiwan ako dito,” sabi ni Tristan sa kanya.Matalinong bata si Tristan. Ginagamit niya ang kanyang utak para makita at mahanap niya ang kanyang ina. Wala siyang balak na sumuko lalo na narito na siya sa loob.“Ano, papayag ka na ba?” tanong niya kay Zayn.“Hindi ba tayo mahuhuli?” “Kung sasabihin mo sa kanila na ikaw si Zayn ay sigurado ako na malalaman nila. Pero kung mananahimik ka at magpapanggap na ako ay hindi nila malalaman.” sagot ni Tristan sa kanyang kapatid.“Sige, payag na ako. Basta ipangako mo sa akin na mahahanap mo si Dok Enna. Make sure na safe siya para pagbalik ko ay makasama ko siya. Sorry, alam ko na kasalanan ito ng daddy ko. Patawarin mo rin ako kung wala akong nagawa para iligtas siya. Pangako, gagawin ko ang lahat para magampanan ko ng maayos ang katauhan mo.”“Aasahan kita. Magtulungan tayo para makita na

DMCA.com Protection Status