bawi po ako sa update today. thank you po.
Nang tumakbo si Tristan ay tumakbo rin si Trina at sa ibang direksyon naman siya. Hindi na tuloy alam ni Josh kung sino ba ang hahabulin niya dahil sa katigasan ng ulo ng mga pamangkin niya.Pero mas pinili niyang unahin si Tristan dahil kilala niya ito at alam niya kung ano ang kayang gawin ng batang ito. Mas pinangunahan siya ng takot na makilala ito ni Zack. Hindi siya gaanong nag-aalala kay Trina dahil hindi naman ito kamukha ng kambal kaya mas safe ito. Nag -kot-ikot siya para hanapin ang mga ito. Nakita niya ang isang staff na may nakatayong bata sa tabi nito. Ang buong akala niya ay si Trina ito ngunit hindi pala. Tinanong rin siya ng staff ngunit wala siyang maibigay na sagot sa babae.Walang ibang choice kundi i-panawagan na ang pagkawala ni Trina dahil natatakot na siya na mawala ito. Malaki ang tiwala ng kanyang kapatid sa kanya kaya siya ang nag-aalaga sa mga pamangkin niya pero ngayon ay naging pabaya siya at hindi man lang niya nabantayan ang mga ito.Natigilan si Selin
“Masakit po ang paa ko.” umiiyak na sambit ng bata na nakaupo pa rin sa sahig.May kung anong awa na naramdaman si Zack para sa bata. Lalo na nakatingin siya sa cute na mukha nito na punong-puno ng luha. Biglang lumambot ang kanyang puso habang nakatingin sa bata. Para itong cute na manika kahit pa umiiyak ito. Nakatali ang buhok nito at nakasuot ng isang cute pink dress na talagang bumagay sa kulay ng balat nito na maputi.May kung anong saya sa puso niya na hindi niya matukoy. Ayaw niyang nakikita ang luha sa mga mata nito. Bumaba siya para tingnan ang paa ng bata. “Saan ang masakit? Dito ba?” tanong niya sa batang babae at hinawakan niya ang paa nito.Napansin niya na na-sprain ang paa nito na isa sa dahilan kaya hindi ito makatayo. Sa ngayon ay may mga dumadaan na rin na mga tao sa paligid ngunit wala namang pakialam ang mga ito. Marahil ay hindi naman nila kilala ang batang ito.Hindi sumagot ang bata at nakatingin lang ito kay Zack“Puwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang
Sobrang kinakabahan na si Selina at hindi na niya alam ang dapat niyang gawin. Hindi talaga niya puwedeng sunduin ang anak niya dahil masisira ang lahat ng pinaghirapan niya kung makukuha lang ito ng dati niyang asawa.“Miss, hindi mo ba susunduin ang anak mo doon? Kasi kung kami ang kukuha sa kanya ay baka hindi siya sumama sa amin,” tanong ng staff kay Selina.Wala ng choice si Selina kundi tawagan ang kanyang kaibigan na si Venny. Ito na lang ang iniisip niyang paraan para makuha ang anak niya sa clinic.“Walang dapat makaalam na anak ko siya,” sambit ni Selina sa kanyang kaibigan.“Bakit naman?” nagtataka na tanong ni Venny.“Dahil hindi naman dapat niya malaman. Alam mo naman na galit siya sa akin diba?”“Okay, ako na ang bahala.” sambit ni Venny.“Thank you,” pasasalamat ni Selina sa kanyang kaibigan.Mabilis naman na pumunta si Venny sa clinic para puntahan ang anak ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam ang buong kwento pero wala siyang balak na alamin dahil alam niya na persona
Pagkalabas ni Zack sa loob ng clinic ay hindi siya makapaniwala sa ginawa ng batang babae na iyon. Para sa kanya ay ito na ang pinakamatalinong bata na nakilala niya. Hindi niya inaasahan na maiisahan siya nito. Naawa siya sa bata kaya niya ito tinulungan ngunit pinalabas lang nito na masama siyang tao.Pero hindi rin niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi ngumiti kapag naalala niya ang cute na mukha ni Corn. Nagtataka talaga siya kung bakit corn? Nauubusan na ba ng pangalan ang anak.Pero kahit medyo weird ang pangalan nito ay masasabi niya na pinalaki itong matalino na bata. Sa ilang minuto lang ay nawalan siya ng sampung libo dahil sa batang iyon. Pero iniisip niya ang paa nito. Mukhang totoo talaga na nasaktan ito at hindi lang ito basta-basta nag-inarte.Pilit niyang winawaksi sa kanyang isipan ang tungkol sa batang ito. Dahil ayaw niya maalala pa. Naroon na ang tiyahin nito kaya hindi na dapat siya nag-aalala pa. Binilisan na lang niya ang lakad niya papunta sa kanyang anak.
“Hindi pa rin makontak ang asawa mo.” saad ng isang babae.Kanina pa tinatawagan si Zack ngunit hindi ito makontak. Ilang ulit na itong kinokontak ngunit wala pa rin. Nakapatay ang telepono nito na para bang ayaw nitong isturbohin siya.Para sa kanya ay ito ang lalaking mahal niya kaya hindi siya makapaniwala na wala itong puso.Nandito si Selina sa ospital at nakahiga siya ngayon sa birthing bed. Mahigpit na nakakapit sa bakal na nasa kanyang tabi. Namumutla na siya at namimilipit sa sakit habang narinig niya ang tao na nasa labas ng delivery room at nagsasabi sa doktor na nagsasabi na kailangan mabuhay ng bata. Na kailangan iligtas ang bata na nasa kanyang sinapupunan dahil ito ang tagapagmana ng mga Miranda.Habang nahihirapan siya ay bigla niyang naalala na ngayon pala, ngayon pala ang kasal ng ama ng kanyang anak. Ang kasal nito sa ibang babae. Sa babaeng sinasabi nito na mahal nito. Doble na ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang paghilab ng kanyang tiyan at pagdurugo ng kan
Ang ganda ng lakad ni Rena habang pababa sa may hagdan. Natatanaw niya ang mga tao sa baba. Ang mga bisita na naghihintay sa pagbaba ng nag-iisang anak ni Zack. Ngunit mula sa baba ay maririnig ang matinis na pag-iyak ni Zayn na pumukaw sa atensyon ng mga bisita na naroon.“Wala bang balak na tumigil sa pag-iyak ang batang ito? Sa totoo lang ay naiirita na tainga ko sa kanya. Wala siyang pagkakaiba sa tunay niyang ina. Nakakaubos siya ng pasensya. Isa rin siyang basura.” saad ni Wanda.“Mom, hindi mo dapat sinasabi ang mga kalokohan na iyan. Wala siyang kinalaman sa basurang ‘yon dahil anak siya ng kapatid ko. Si Zayn ay anak ng ate ko,” saad ni Rena sa kanyang ina.Kaagad namang natigilan si Wanda nang marealize niya na dapat hindi niya sinasabi ang mga ganoong salita. Kaagad siyang tumingin sa paligid at mabuti na lang ay walang nakarinig sa kanya. Ayaw rin naman niya na malaman ng ibang tao ang tunay na pagkatao ni Zayn. Dahil magiging katapusan ito ng pamilya nila. “Wala pa ba si
Napasinghap ang mga tao sa paligid. Hindi sila makapaniwala sa mga tinuran ni Selina. Hindi inaakala ng direktor na ganitong mga salita ang lalabas sa bibig ng isa sa mga mahusay nilang doktor. The highest paid doctor of this hospital is careless about her words.Kahit si Rena ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula sa mapangahas na babae. Hindi niya inakala na may naglalakas ng loob na kumalaban kay Zack.“Sino ka sa tingin mo para kausapin ng ganito si Mr. Zack? Hindi mo ba siya kilala? At bakit mo ba inaantala ang operasyon sa senyorito? Kapag may mangyari sa kanya ay hindi sapat ang buhay mo para maging kabayaran sa buhay niya.” matapang na saad ni Rena sa doktor.“Kung gusto mo ay ikaw na ang gumawa. Kung kaya mo lang naman.” kaagad naman na sagot ni Selina na may kasamang pang-uuyam.Hindi naman makapaniwala si Rena sa kanyang narinig kaya mabilis niyang hinawakan ang braso ni Zack.“Mr. Zack, narinig mo ba ang sinabi ng babaeng ito? Kapag may mangyari na masama kay Zayn ay
Ang bawat tao na nakaka-salubong ni Zack ay ramdam ang nakakatakot na aura nito. Para itong haring naglalakad sa kanyang kaharian. Nais niyang kausapin ang matapang na doktor na may lakas ng loob para kalabanin siya. Ang sinasabi nilang bagong doktor.Siya ay isang bagong batang doktor na kakarating lang sa bansa. Pero kahit pa gaano siya kagaling ay walang magtatanggol sa kanya. Lalo na tinanggihan niya noong una ang operasyon ng tagapagmana ng mga Miranda. Naging successful man ang operasyon ay hindi siya ipagtatanggol ng kahit na sino at kailangan niyang harapin ang ipapataw na parusa ni Zack. Ang taong walang pinapalampas.Walang pasabi na tinulak ni Zack ang pinto ng opisina ni Selena.“Sino po ang hinahanap niyo, Sir?” magalang na tanong ng nurse na naka-duty.“Where is Dra. Enna?” malamig pa rin ang paraan ng pagkakatanong nito.“Lumabas lang po siya sandali. Ano po pala ang kailangan niyo sa kanya?”Tahimik lang si Zack at hindi sinagot ang tanong sa kanya ng nurse. Nahagip ng