Walang ibang iniisip ang pamilya Miranda kundi ang kapakanan nila. Ayaw na nilang malagay ulit sa kahihiyan ang pamilya nila nang dahil kay Zack. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinasabing kasintahan ni Kier ay ang babaeng nais nilang layuan ni Zack.“Tapos ka na ba?” malamig na tanong ni Zack sa katulong nila.Hindi na muling nagsalita ang babae hanggang sa nawala na sa kanyang harapan ang senyorito. Mabilis na bumalik si Zack sa ospital para dalawin na ang kanyang anak.Nang makita niya si Zayn ay kaagad na gumaan ang loob niya. Medyo humupa na ang galit na nararamdaman niya. Lalo na nakikita niya ang kanyang anak na maganang kumain ng gulay at humihigop ng sabaw.Naglakad siya papunta sa dalawang tao at umupo siya sa tabi ng doktor. Hindi niya namalayan na natulala na pala siya sa dati niyang asawa. Nang lumingon si Selina sa kanya at bigla siyang napalunok.“Bakit ka nakatingin kay Dok Enna, daddy?” nagtataka na tanong ni Zayn sa kanyang ama.“Kumusta ang tulog mo?” tano
Kahit pa ano ang gawin ni Selina ay hindi siya makaalis sa bisig ng lalaki. Masyado itong malakas lalo pa nakaramdam na naman siya ng sakit ng pisilin nito ang baywang niya.“Gusto mong malaman kung paano ulit maging madumi sa kama ko?” may diin na tanong ni Zack.“Matagal na tayong tapos!” sigaw ni Selina.“Tapos? At sino ang nagsabi sa ‘yo na tapos na tayo? Umalis ka lang ng bansa pero huwag mong kalimutan na naging akin ka. Nais mo bang maramdaman ulit ang pakiramdam na kasama ako?”“Matagal na tayong tapos kaya bitiwan mo na ako! Ano ba?!” galit na bulalas ni Selina.“Tang*na mo!” sigaw niya ngunit hindi siya pinapansin ni Zack. Mas lalo pa itong nagpumilit na halikan siya.Nagpupumiglas siya, pinapalo niya ang braso ni Zack ngunit nagawa pa rin ng lalaki na matanggal ang kanyang damit sa kanyang katawan. Kaagad namang tinakpan ni Selina ang kanyang expose na katawan sa lalaki.Nakatingin naman si Zack sa namumula na mga mata ni Selina.“Ilang taon na tayong magkatabi sa iisang ka
“Hindi mo kailangan na sumagot ngayon. Pag-isipan mo muna ng mabuti. Pero sinisigurado ko sa ‘yo na kaya ko rin gawin ang lahat ng hilingin mo sa akin.” saad ni Kier.Kahit pa na iyon ang narinig ni Selina ay hindi pa rin siya umaasa sa salita ng lalaki. Ayaw niya itong kausap kaya naman walang nagawa si Kier kundi ang lisanin ang opisina ng babae.Kaysa tumunganga sa kanyang opisina ay bumalik na lang si Selina sa VIP room. Habang naglalakad siya ay iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Zack. ang tungkol sa business trip nito at mawawala ito ng ilang araw.Pagpasok niya sa VIP room ay nakaupo lang si Zayn sa kama nito. Napansin niya na para bang may iniisip ito kaya naman naglakad siya palapit sa bata at umupio sa tabi nito.“Zayn, gusto mo bang pumunta sa bahay namin?” tanong niya sa bata.“Puwede po ba?”“Oo namn, pero dapat secret lang natin.” sagot niya sa bata.“Okay po,” masaya na sambit ni Zayn.Dahil sa naging sagot ng bata ay sobrang saya ng puso ni Selina. Ngunit hindi niya i
“Bakit mo sinasabi ‘yan?” Natatakot na tanong ni Zayn sa kanyang kapatid.“Hindi mo kilala ang daddy mo, hindi mo alam ang ginawa niya kaya mas mabuti na sa amin ka na lang kaysa sa daddy mo. Kapag nagkaroon siya ng babae ay talagang itatapon ka niya. Sa amin ka na lang dahil mamahalin ka namin.” Dagdag pa ni Tristan.Ang mga salitang ito ang nagbigay ng takot sa puso ni Zayn.Alam ni Tristan na walang balak ang masama niyang ama na sabihin sa kanyang kapatid ang tungkol sa kanyang ina. Ang tungkol sa dati niyang asawa na pinabayaan niya. Kahit pa gaano ka ayaw o galit niya sa kanyang ama ay hindi niya ito kayang banggitin sa kanyang kapatid.Dahil isang malupit na lalaki ang kanyang ama. Mas nais niya na sa ganitong paraan ay masasabi niya na piliin nito ang kanilang ina. Malakas ang loob niya dahil nais niyang makasama ang kanyang kapatid.“Ayaw mo ba sa mommy ko?” Naiinip na tanong ni Tristan dahil nakita niya na nag-iisip na si Zayn at ang tagal nito.“Mahal ko si Dok Enna,” namum
Dahan-dahan na lumingon si Selina at nakita niya ang nagmamadaling likod ni Zack. nagtataka siya kung bakit ito umuwi ngayon? Ano ba ang dahilan kaya ito umuwi ng maaga? Ang alam niya ay mahalaga ang business trip nito.“May problema po ba?” tanong ni Zayn kay Selina.“Wala naman, tara na.” nakangiti na sagot niya.“Paano po si daddy?” “Busy siya kaya tayo na lang muna. Hinihintay ka na ni Tristan at Trina sa loob ng airplane. Miss mo na silang kalaro diba?” tanong niya sa bata.“Mauuna na lang po ba tayo?”“Opo, kaya tara na.” saad ni Selina.“Susunod po si daddy diba?”“Opo, kailangan lang niyang tapusin ang trabaho niya.” nakangiti pa na saad ni Selina kaya tumango na lang ang bata.“Okay,” sambit ni Zayn at sumama na siya kay Selina.Ito ang unang beses ni Zayn na sasakay sa eroplano kaya natatakot siya. Ang bilis ng t*bok ng puso niya sa takot. Kaya naman ay mas humigpit ang kapit niya kay Selina dahil ayaw niyang mawala.“Kuya, dumating na ‘yung kamukha mo.” saad ni Trina.“Ah,
Matiyaga silang naghihintay sa pag-alis ng eroplano. Kinakabahan si Zayn dahil baka hindi na niya makita ang kanyang ama. Ngunit hindi rin siya nangahas na magtanong. Nakatingin naman si Selina sa kanyang anak. Iniisip niya na kapag nalaman ng kanyang anak ang totoo ay baka malungkot ito. Lalo na buong buhay nito ay puro kasinungalingan na nilikha ni Zack. Ngunit umaasa pa rin siya na sa kanyang pagmamahal ay magbabago sa lahat dahil naniniwala siya na mas mabibigyan niya ng pagmamahal ang anak niya.Habang nakatingin siya sa kanyang tatlong anak na naglalaro ay punong-puno ang puso ni Selina. Habang abala siya sa kanyang mga anak ay hindi man lang niya namalayan na may tumatawag pala sa kanyang phone.Nang isa-isa ng mga crew ang bawat pasahero na i-check. Naramdaman naman ni Selina na nagba-vibrate ang kanyang phone nang silipin niya ito ay nakita niya ang pangalan ni Zack. Mabilis niyang i-off kanyang phone. Wala siyang balak na sagutin ang anumang tawag nito. Inayos na lang niya a
Nagtataka ang mga tao habang nakatingin sa bintana ng eroplano. May mga dumating na mga shuttle na may sakay na mga tauhan na aakyat sa bawat eroplano. Nakasuot ng suit ang mga ito at isa-isa ng bumaba sa shuttle.Si Josh naman ay nakatingin rin sa labas ng bintana. Nagtataka siya dahil sa tagal na niyang bumabyahe ay ngayon lang ito nangyari. Iniisip niya kung ano ba ang mayroon. May emergency ba kaya nagkakagulo ang lahat. Hanggang sa nahagip ng mga mata niya si Zack.“Siya ba ‘yon?” wala sa sarili na tanong niya.“Siya nga,” sambit niya.“Bakit nandito pa rin tayo?! Ano ba ang nangyayari?” natataranta na tanong ni Selina.“Ano na? Wala ba kayong balak na umalis?!” naiinis na tanong ni Selina kaya may lumapit na sa kanya na crew.“Ma’am, huminahon lang po kayo.” saad ng FA.Ngunit hindi kaya ni Selina na maging kalmado lalo na nandito na si Zack. Hindi siya puwedeng makita o mahanap ng lalaki. Hindi puwede, hindi niya hahayaan.“Ilang beses ba dapat tingnan ang passport namin?” naiir
“Z–Zack?” nauutal na sambit ni Selina habang nakatingin sa nag-aapoy na mga mata ng lalaki.Hindi niya alam kung ilang beses na ba siyang napalunok. Hindi niya kayang kumilos sa kinatatayuan niya. Ang bilis rin ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa mga mata nito.“Tatakbo ka? Saan?” tiim bagang na tanong nito sa kanya.“H–Hindi ko siya ibibigay sa ‘yo!” mas humigpit ang kapit niya kay Zayn. umatras siya ngunit lumalapit sa kanya si Zack.Halos hindi na niya maayos ang pag-atras niya sa takot na saktan sila ni Zack. Na baka saktan nito ang anak nila.“Ang lakas ng loob mo na itakas ang anak ko. Akin siya,” nakangiti ngunit nakakatakot ang mukha nito.“Hindi niya kailangan ang tulad mo!” galit na sigaw ni Selina.“Akin na ang anak ko,” utos ni Zack.“No! Hindi!” sigaw niya.“Baka nakalimutan mo kung sino ka. You’re nothing! Kaya ibigay mo na ang anak ko,” malapit ng maubos ang pasensya ni Zack.Kaagad na namulta ang mukha ni Selina sa kanyang narinig. Masakit marinig na wala lang p