Home / Romance / THE WILDEST DECEPTION / Chapter 5 - Liquor and Delusions

Share

Chapter 5 - Liquor and Delusions

last update Last Updated: 2023-11-05 17:23:11

“Come on, Cleopatra, drink!” wika ni Danica.

“Hindi nga ako umiinom,” mariing wika ni Cleo. “Amoy pa lang ng alak, nasusuka na ako. Ano pa kung iinumin ko?”

“Please! For me?” Namilog ang mga mata ni Danica at ilang beses iyong ikinurap-kurap.

“Hindi mo ako makukuha sa ganiyan,” natatawang tugon ni Cleo.

“Hanggang ngayon, KJ ka pa rin. That’s what I hate about you.”

“Hanggang ngayon, mapilit ka pa rin,” ganti naman ni Cleo. “That’s what I hate about you.”

Umikot ang mga mata ni Danica. “Of course! We’re celebrating! Valid reason naman para pilitin kita, ano!” Naghalukipkip si Danica. “Magtatampo ako sa iyo kapag hindi mo ako pinagbigyan. Hahayaan mo bang malasing ako nang mag-isa? Besides, kapag nagsimula na ang surrogacy process, hindi ka na pwedeng uminom. You owe this to me.”

“Baka nakakalimutan mong darating ang asawa mo mamaya. Nakakahiya naman kung maaabutan niya akong lasing.”

“Don’t worry, alam niyang umiinom tayong dalawa ngayon. Kaya sige na please, makisama ka na. Uminom ka na. Cheers!”

“Ni hindi mo pa nga sinasabi sa akin kung ano ang pangalan ng asawa mo. Ni picture niya ayaw mong ipakita sa akin.”

“Mas maganda na wala kang idea para mas ma-excite ka. Besides, malapit mo na siyang makita. Ilang oras na lang.” Muling itinaas ni Danica ang hawak na baso. “Come on, Cleopatra, cheers!” anito.

Umikot ang mga mata ni Cleo kasabay ng isang buntong-hininga. Hanggang ngayon ay mahilig pa rin talaga si Danica sa surpresa. Ano pa nga ba ang magagawa niya kundi pagbigyan ang matalik na kaibigan? Ngayon lang naman ito nagyayang uminom. “Cheers!” matamlay niyang tugon kasabay ng isang pilit na ngiti. Pakiramdam niya ay lumunok siya ng tinunaw na apdo sa pait niyon. Pinagtawanan siya ni Danica dahil hindi maipinta ang lukot niyang mukha.

Akala niya ay mauuna siyang malasing kaysa kay Danica, pero nauna itong bumagsak sa kaniya. Ito naman ang kaniyang pinagtawanan. “Ang lakas ng loob magyayang uminom, hindi naman pala kaya,” aniya. Natatawa niyang nilapitan ang kaibigan at inalalayan ito patayo upang dalhin sa kwarto nito.

“Ano ba, Cleopatra, hindi pa tayo tapos uminom!” ani Danica na hindi na halos maimulat ang mga mata.

“Tumigil ka na, Danica. Kapag ako ang pinagalitan ng asawa mo, kukurutin talaga kita sa hita.”

Natawa si Danica sa sinabi niya. “Mabait ang asawa ko, Cleopatra. Eh, hindi nga marunong magalit iyon,” anito.

“Tumigil ka na nga sa kakatawag sa akin ng Cleopatra,” saway ni Cleo sa kaibigan.

“Whatever, Cleopatra!” Nag-loser sign pa si Danica at humalakhak. Umikot na lamang ang mga mata ni Cleo sa pagkaasar.

Nang masigurong maayos na ang pagkakahiga ni Danica ay lumabas na ng kwarto nito si Cleo. Bumalik siya sa pwesto nila kanina. Kinuha niya ang bote ng iniinom nilang alak. May natira pa roon. In fairness, napagtanto niyang hindi naman pala gano’n kasama ang epekto ng alak— hindi kasing-sama ng lasa nito. Pakiramdam niya ay bahagya nang namamanhid ang katawan niya. Nakakasurpresa na gusto niya ang pakiramdam na iyon.

Nagpasya siyang inumin ang natirang alak. Ilang saglit pa ay nakaramdam na siya ng pagkahilo. Napasandal na lamang siya sa sofa habang sapo ang ulo. Nang mahuhulog na sana siya sa pagkatulog ay narinig niya ang pagtunog ng doorbell sa unit na kinaroroonan nila. Pinilit niyang tumayo kahit umiikot ang kaniyang paningin. “Saglit!” wika niya. Sigurado siyang ang asawa na ni Danica iyon. Ayaw na niyang isturbuhin pa ang kaibigan sa tulog nito kaya siya na ang magbubukas ng pinto.

Susuray-suray siyang naglakad patungo sa pintuan. Naduduling na siya pero napindot niya ang tamang passcode sa door lock. Pagkatapos ay pinihit niya ang doorknob.

“Sorry, nalasing kami ni Danica. Nasa kwarto na siya nagpapahinga,” wika niya pagkabukas ng pinto. Wala siyang lakas ng loob na mag-angat ng tingin sa asawa ng kaibigan dahil sa nararamdamang hiya sa paglalasing. “Ahm… Uuwi na lang siguro ako,” aniya pa. “May taxi pa naman siguro. Pakisabi na lang kay Danica, umuwi ako.”

“Cleo?” anang boses na ang tono ay puno ng pagtataka.

Natigilan si Cleo nang marinig ang boses na iyon. Ilang taon ring hindi niya iyon naririnig, pero hinding-hindi niya makakalimutan ang may-ari ng boses na iyon.

Kumabog ang kaniyang puso at sumikip ang paghinga niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin habang tahimik na nananalangin na sana nagkakamali lamang siya ng hinala. Ngunit para siyang binuhusan ng isang baldeng yelo nang matunghayan ang mukha ng lalaking tumawag sa kaniyang pangalan. “Franco?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Kinusot niya ang kaniyang mga mata. Baka dulot lang ito ng kalasingan niya. Nagbaba siya ng tingin at natawa. “Sorry! Lasing lang talaga ako. Kung anu-ano—” Nailing siya. “Kung sinu-sino tuloy ang nakikita ko,” aniya. “Aalis na ako. Nakakahiya naman sa iyo. Napagkakamalan kitang kung sino. Nakakahiya rin kay Danica. Babalik na lang ako bukas.” Iniwasan niya ang tumingin sa mukha ng lalaki.

“Cleo, please!”

Muling nayanig ang mundo ng dalaga sa narinig. Natatakot man ay muli siyang nag-angat ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata.

“Ako ‘to…” usal ni Franco. Puno ng pagsusumamo ang mga mata nito.

Nangilid ang mga luha ni Cleo. “Franco?” nanginginig ang mga labing bigkas niya sa pangalan nito. Tatlong taon niya ring hindi nakikita ang lalaking nang-iwan sa kaniya nang walang paalam.

Nakita niya rin ang pangingilid ng mga luha ni Franco, ngunit hindi ito nagsasalita.

Ilang taon niya ring inisip na kapag nagkita sila ni Franco ay sasampalin niya ito nang ubod lakas para sa ginawa nitong pang-iiwan sa kaniya sa ere, ngunit ngayon na nasa harapan na niya ito ay parang nawalan siya bigla ng lakas.

“Cleo…” muling banggit ni Franco sa pangalan niya.

Umiling si Cleo nang maraming beses. Sinampal din niya ang kaniyang sarili. Hindi kaya nananaginip siya at binabangungot? Hindi niya kayang tanggapin ang nakikita. Muli niyang nilakasan ang loob upang tingnan si Franco. Nagbabakasali siyang naglaho na ito at panaginip nga lang ang lahat o ‘di kaya’y bunga ng halusinasyon. Ngunit naroroon pa rin si Franco, nakatitig sa kaniya habang lumuluha.

“Hindi ka totoo. Wala ka rito. Matagal ka nang wala,” mariin niyang wika.

Ngumiti si Franco habang patuloy ang pagluha. “Akala ko hindi na ulit kita makikita,” wika nito.

Umiling muli si Cleo na ayaw pa ring maniwala sa nakikita at naririnig. “Alam mo, hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo rito. Pero kung ako man ang pakay mo, umalis ka na lang dahil wala kang mapapala sa akin. Matagal ka nang patay sa puso’t isip ko!”

Bigla siyang natigilan nang maalalang ang asawa ni Danica ang tanging taong inaasahan niyang dadating doon sa gabing iyon. Tumahip ang dibdib niya sa matinding kaba. Napatingin siya sa kamay ni Franco. Mayro’n itong singsing sa palasingsingan nito, palatandaan na ito ay kasal na.

Nanginig ang bawat hibla ng kaniyang laman. Nag-angat siya ng tingin kay Franco. “Ikaw?” aniya. “Ikaw ang asawa ni Danica?”

Parang muli siyang binuhusan ng malamig na tubig sa napagtanto. Umiling siya. “Isa ‘tong pagkakamali,” wika niya. “Hindi ako dapat nandito. Kailangan ko nang umalis,” aniya. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto, ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay nahawakan na nang mahigpit ni Franco ang kaniyang braso. Hinatak siya nito at bago pa man niya maibuka ang bibig ay naselyuhan na ito nang mariin na halik ni Franco.

Ibinuhos niya ang buo niyang lakakas upang marahas na maitulak so Franco. “Ano ba?!!” sigaw niya. Ngunit hindi nagpatinag si Franco. Muli siya nitong hinalikan. Mas madiin ngayon at mas agresibo.

Sinubukan niya muling itulak si Franco hanggang sa mapagod siya. Pumikit siya. Sumuko na siya dahil ang puso na niya ang kusang bumigay. Tinanggap niya na lamang na isang panaginip lang ang nangyayari.

Nakakalasing ang alak, ngunit mas nakakalasing ang halik ni Franco na ilang taon din niyang pinangulilaan. Nang sandaling iyon ay tuluyan na siyang nakalimot. Tuluyan na siyang nagpaubaya. Hindi na siya nagtangkang imulat pa ang mga mata. Kung nananaginip nga siya ay hiling niyang hindi na magising pa.

Hindi niya alam kung papaano ngunit namalayan niya na lamang ang pagdantal ng kaniyang likuran sa isang malambot na kama. Namamanhid ang katawan niya dahil sa epekto ng alak, ngunit hindi niyon maparam ang kirot sa kaniyang puso. “Bakit mo ako iniwan?” biglang tanong niya sa pagitan ng mga halik ni Franco. Doon na niya binuksan ang kaniyang mga mata na tigmak ng luha. Doon niya nasilayan nang maigi ang mukha ng lalaking kailanman ay hindi nawaglit sa kaniyang puso’t isipan.

“Patawarin mo ako, Cleo. Hindi ko ginustong iwan ka. Hindi ka kailanman nawala sa isip ko. Patawarin mo ako kung nawalan ako ng pag-asa na magkikita pa tayong muli. Pero nandito na ako ngayon,” tugon ni Franco.

“Pero—” Hindi na naituloy ni Cleo ang sasabihin nang muling angkinin ni Franco ang kaniyang labi. Muli siyang tinakasan ng lakas upang patigilin ito dahil mas nangibabaw ang pangungulila niya. Pinili niyang kalimutan ang lahat ng sakit na dulot ng pag-iwan sa kaniya nito noon, at pagkatapos ng maraming taon ay muli niyang ipinaglaloob ang sarili niya rito…

Related chapters

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 1- Reunited

    Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa dumarating ang hinihintay ni Cleo sa coffee shop kung saan nila napagkasunduang magkita. She feels anxious. And at the same time, excited. Sampung taon niya ring hindi nakita ang kaniyang kababata at best friend na si Danica. Sabay silang nakapagtapos ng highschool noon. Hindi na siya nakapagkolehiyo, samantalang si Danica ay sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang ni Danica ang nagpaaral sa kaniya mula elementarya hanggang matapos siya sa high school, ngunit dahil sa ginawa ng kaniyang ama ay nadamay siya at nawalan ng scholarship sa kolehiyo. Labindalawang taon nang nagtatrabaho bilang family driver ng mga Lim ang kaniyang ama. Nagnakaw ito ng malaking halaga mula sa mga magulang ni Danica at tumakas ito. Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit ng kaniyang ama ang dangal nito sa salapi. Nadungisan ng kasalanan nito pati ang kaniyang pagkatao. Dahil sa ginawa nito, nasira ang kaniyang kinabukasan. Balita niya ay isa nang succe

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 2- The offer

    "Eh, ikaw, kumusta ka na? Magkwento ka naman. Balita ko, may pangalan ka na sa Amerika."Kinilig si Danica sa narinig. "Hmm... Medyo," aniya. "May sarili na rin akong clothing line, at may mga ilang celebrities na akong dinamitan," proud na proud niyang wika. Kitang-kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkamangha. "In the works na ang pinapatayo kong buotique dito sa Pinas. In fact, I am planning to stay here for good."Nagningning ang mga mata ni Cleo sa narinig. "Talaga? Dito ka na ulit titira?" excited niyang wika.Tumango si Danica. "Matagal ko itong pinag-isipan. Though maganda sa ibang bansa, mas gusto ko pa rin dito. Sabi nga nila, iba kapag nasa sarili mong bayan ka. Kaya if ever you're interested, pwede kang magtrabaho sa akin kapag natapos na ang boutique ko."Napangiti si Cleo. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa fashion fashion na iyan," tugon niya."Tinatanggihan mo na naman ako?" disappointed na wika ni Danica. "Tanggap ko pa na ayaw mong tanggapin ang alok kong pa

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 3- Unexpected revelation

    Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”“What is it then?”“Nakahanap na ako ng surrogate.”Napanganga si Fr

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 4- Yes finally!

    “Bakit mo naman tinanggihan si Ate Danica, Ate?” hindi makapaniwalang tanong ni Cherry sa nakatatandang kapatid.“Okay naman na. Maghahanap na lang daw silang mag-asawa ng ibang surrogate,” tugon ni Cleo.“Hindi naman sa pinipilit kita, Ate, pero sayang din naman iyong perang ibabayad sa iyo ni Ate Danica. Naaawa na kasi ako sa iyo. Halos makuba ka na sa pagtatrabaho para maigapang ang pag-aaral ko. Nandiyan na ang oportunidad, kusa nang lumalapit sa iyo, oh!”“Hindi naman ako nagrereklamo, eh,” tugon ni Cleo. “Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo. Kaunting panahon na lang naman. Kaunting sakripisyo na lang. Huwag mo akong kaawaan. Dapat gawin mo akong inspirasyon para matapos ka nang hindi ka magaya sa akin. Para din naman sa iyo ang pagsusumikap ko.”“Alam ko,” mahinahong wika ni Cherry. “Ginagawa ko rin naman ang part ko. Ayaw kong ma-disappoint ka sa akin. Magtatapos ako at tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin. Ang sa akin lang, paano ka, Ate?”Bumuntong-hininga si Cleo. “Ok

    Last Updated : 2023-11-05

Latest chapter

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 5 - Liquor and Delusions

    “Come on, Cleopatra, drink!” wika ni Danica. “Hindi nga ako umiinom,” mariing wika ni Cleo. “Amoy pa lang ng alak, nasusuka na ako. Ano pa kung iinumin ko?”“Please! For me?” Namilog ang mga mata ni Danica at ilang beses iyong ikinurap-kurap.“Hindi mo ako makukuha sa ganiyan,” natatawang tugon ni Cleo.“Hanggang ngayon, KJ ka pa rin. That’s what I hate about you.”“Hanggang ngayon, mapilit ka pa rin,” ganti naman ni Cleo. “That’s what I hate about you.”Umikot ang mga mata ni Danica. “Of course! We’re celebrating! Valid reason naman para pilitin kita, ano!” Naghalukipkip si Danica. “Magtatampo ako sa iyo kapag hindi mo ako pinagbigyan. Hahayaan mo bang malasing ako nang mag-isa? Besides, kapag nagsimula na ang surrogacy process, hindi ka na pwedeng uminom. You owe this to me.”“Baka nakakalimutan mong darating ang asawa mo mamaya. Nakakahiya naman kung maaabutan niya akong lasing.”“Don’t worry, alam niyang umiinom tayong dalawa ngayon. Kaya sige na please, makisama ka na. Uminom ka

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 4- Yes finally!

    “Bakit mo naman tinanggihan si Ate Danica, Ate?” hindi makapaniwalang tanong ni Cherry sa nakatatandang kapatid.“Okay naman na. Maghahanap na lang daw silang mag-asawa ng ibang surrogate,” tugon ni Cleo.“Hindi naman sa pinipilit kita, Ate, pero sayang din naman iyong perang ibabayad sa iyo ni Ate Danica. Naaawa na kasi ako sa iyo. Halos makuba ka na sa pagtatrabaho para maigapang ang pag-aaral ko. Nandiyan na ang oportunidad, kusa nang lumalapit sa iyo, oh!”“Hindi naman ako nagrereklamo, eh,” tugon ni Cleo. “Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo. Kaunting panahon na lang naman. Kaunting sakripisyo na lang. Huwag mo akong kaawaan. Dapat gawin mo akong inspirasyon para matapos ka nang hindi ka magaya sa akin. Para din naman sa iyo ang pagsusumikap ko.”“Alam ko,” mahinahong wika ni Cherry. “Ginagawa ko rin naman ang part ko. Ayaw kong ma-disappoint ka sa akin. Magtatapos ako at tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin. Ang sa akin lang, paano ka, Ate?”Bumuntong-hininga si Cleo. “Ok

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 3- Unexpected revelation

    Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”“What is it then?”“Nakahanap na ako ng surrogate.”Napanganga si Fr

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 2- The offer

    "Eh, ikaw, kumusta ka na? Magkwento ka naman. Balita ko, may pangalan ka na sa Amerika."Kinilig si Danica sa narinig. "Hmm... Medyo," aniya. "May sarili na rin akong clothing line, at may mga ilang celebrities na akong dinamitan," proud na proud niyang wika. Kitang-kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkamangha. "In the works na ang pinapatayo kong buotique dito sa Pinas. In fact, I am planning to stay here for good."Nagningning ang mga mata ni Cleo sa narinig. "Talaga? Dito ka na ulit titira?" excited niyang wika.Tumango si Danica. "Matagal ko itong pinag-isipan. Though maganda sa ibang bansa, mas gusto ko pa rin dito. Sabi nga nila, iba kapag nasa sarili mong bayan ka. Kaya if ever you're interested, pwede kang magtrabaho sa akin kapag natapos na ang boutique ko."Napangiti si Cleo. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa fashion fashion na iyan," tugon niya."Tinatanggihan mo na naman ako?" disappointed na wika ni Danica. "Tanggap ko pa na ayaw mong tanggapin ang alok kong pa

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 1- Reunited

    Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa dumarating ang hinihintay ni Cleo sa coffee shop kung saan nila napagkasunduang magkita. She feels anxious. And at the same time, excited. Sampung taon niya ring hindi nakita ang kaniyang kababata at best friend na si Danica. Sabay silang nakapagtapos ng highschool noon. Hindi na siya nakapagkolehiyo, samantalang si Danica ay sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang ni Danica ang nagpaaral sa kaniya mula elementarya hanggang matapos siya sa high school, ngunit dahil sa ginawa ng kaniyang ama ay nadamay siya at nawalan ng scholarship sa kolehiyo. Labindalawang taon nang nagtatrabaho bilang family driver ng mga Lim ang kaniyang ama. Nagnakaw ito ng malaking halaga mula sa mga magulang ni Danica at tumakas ito. Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit ng kaniyang ama ang dangal nito sa salapi. Nadungisan ng kasalanan nito pati ang kaniyang pagkatao. Dahil sa ginawa nito, nasira ang kaniyang kinabukasan. Balita niya ay isa nang succe

DMCA.com Protection Status