Home / Romance / THE WILDEST DECEPTION / Chapter 4- Yes finally!

Share

Chapter 4- Yes finally!

last update Last Updated: 2023-11-05 17:22:03

“Bakit mo naman tinanggihan si Ate Danica, Ate?” hindi makapaniwalang tanong ni Cherry sa nakatatandang kapatid.

“Okay naman na. Maghahanap na lang daw silang mag-asawa ng ibang surrogate,” tugon ni Cleo.

“Hindi naman sa pinipilit kita, Ate, pero sayang din naman iyong perang ibabayad sa iyo ni Ate Danica. Naaawa na kasi ako sa iyo. Halos makuba ka na sa pagtatrabaho para maigapang ang pag-aaral ko. Nandiyan na ang oportunidad, kusa nang lumalapit sa iyo, oh!”

“Hindi naman ako nagrereklamo, eh,” tugon ni Cleo. “Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo. Kaunting panahon na lang naman. Kaunting sakripisyo na lang. Huwag mo akong kaawaan. Dapat gawin mo akong inspirasyon para matapos ka nang hindi ka magaya sa akin. Para din naman sa iyo ang pagsusumikap ko.”

“Alam ko,” mahinahong wika ni Cherry. “Ginagawa ko rin naman ang part ko. Ayaw kong ma-disappoint ka sa akin. Magtatapos ako at tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin. Ang sa akin lang, paano ka, Ate?”

Bumuntong-hininga si Cleo. “Okay lang ako,” maikli niyang tugon.

“Sinasabi mong okay ka, pero iba ang nakikita ko. Malungkot ka. Ayaw kong nakikita kang ganiyan, Ate. At sigurado akong hindi gusto ni Keith na makita kang ganiyan kung nabuhay lang siya.” Keith ang pangalan ng yumaong anak ni Cleo. “Kaya kung ako sa iyo, Ate, tanggapin mo na lang ang alok ni Ate Danica. Tapos kunin mo iyong pera. Pagkatapos, ipatayo mo iyong business na gusto mo. Sarili mo naman ang pagtuonan mo ng pansin. Hindi mo na ako kailangang alalahanin kapag nakatapos ako, Ate…”

Buong maghapong tumakbo sa isipan ni Cleo ang mga sinabing iyon ng kapatid. Nang araw na iyon ay nagpasiya siyang dalawin ang puntod ng anak na isang beses niya lamang dinalaw mula nang mawala ito.

“KUMUSTA, Keith, anak ko?” nangingilid ang mga luhang wika niya habang hinahaplos ang nakatitik na letra ng pangalan ng kaniyang anak sa lapida nito. “Pasensya ka na at ngayon lang ulit dumalaw ang nanay. Miss na miss na kita.” Doon na tuluyang umagos ang nga luha niya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na nasundan pa noon ang pagdalaw niya sa anak. Iniwasan niyang muling manariwa ang sakit ng pagkawala nito.

Sinubukan niyang magpatuloy sa buhay para kay Cherry. Ginawa niyang abala ang sarili sa paghahanapbuhay upang hindi na masyadong isipin si Keith. Ngunit ang pagbabalik ni Danica sa buhay niya ay parang asin na ibinuhos sa sugat niyang hindi pa naghihilom.

Hindi pa siya handang magkaanak noon, pero dahil bunga iyon ng pagmamahalan nila ng kaniyang kasintahan ay malugod niyang tinanggap ang buhay na unti-unting nabuo sa kaniyang sinapupunan. Akala niya ay nagsisimula na siya ng pinakamasayang kabanata ng kaniyang buhay, bagkus simula pala ng pinakamadilim na kabanata na hiniling niyang sana’y isang bangungot lamang. Bigla na lamang siyang iniwan ng kasintahan na hindi man lang nito nalalaman na siya ay nagdadalang-tao. Halos gumuho man ang kaniyang mundo sa pag-iwan sa kaniya ng una at tanging lalaking kaniyang minahal ay pinilit niyang magpakatatag para sa magiging anak niya.

Isinilang niya si Keith. Muli siyang umasa sa isang magandang kabanata ng buhay, ngunit padilim lang nang padilim ang bawat pahina ng kaniyang buhay. Nagkasakit si Keith ng pulmonya at dahil sa hirap ng buhay nila noon ay hindi niya ito kaagad naipagamot. Pumanaw ang bata at naiwan siyang durog na durog.

Habang patuloy ang pagbuhos ng kaniyang luha ay napansin ni Cleo ang isang puting paru-paro na dumapo sa puntod ni Keith. Napaawang ang kaniyang mga labi nang lumipad ito patungo sa kaniya at dumapo sa kaniyang balikat. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya ay biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Cherry na hindi gusto ni Keith na makita siyang malungkot.

Inilapit niya ang kaniyang hintuturo sa paru-paro at dumapo ito roon. Napangiti siya. Pinahid niya ang kaniyang mga luha.

“Tatlong taon…” usal niya. Muli siyang tumingin sa lapida ng anak. “Sapat na siguro ang tatlong taon para sa pagluluksa ko.” Muli siyang ngumiti. “Nagpapasalamat ako sa Diyos na ipinahiram ka niya sa akin kahit saglit lang. Walang makapapantay sa kaligayahan na naramdaman ko noong unang beses kitang nasilayan at nahawakan, anak. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko sa kabila ng lahat ng sakit na pinagdaanan ko. Handa akong pagdaanan ulit ang mga iyon kung may pagkakataon lang na makita at mahagkan kita ulit.”

Muling bumagsak ang kaniyang mga luha. “Mahal na mahal kita, Keith, anak. Nandito ka palagi sa puso ng nanay. Salamat. Salamat…” Pagkawika ay lumipad ang paru-paro at naglaho na ito sa hangin. Ngumiti siya at napagtantong bigay iyong senyales ng kaniyang anak upang tuluyan na siyang umusad mula sa pagkawala nito.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone upang tawagan si Danica. “Payag na ako,” wika niya habang nakangiti.

Nanlaki ang mga mata ni Danica sa narinig. Naramdaman na niya ang ibig sabihin no’n, ngunit gusto niyang makasiguro. “Payag ka nang ano?” aniya.

“Payag na akong dalhin ang magiging anak mo,” tugon ni Cleo.

Sa sobrang tuwa ay hindi kaagad nakapagsalita si Danica. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin. “What made you change your mind?” tanong niya.

“Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, handa na akong ibigay sa best friend ko ang pinakamagandang regalo na pwede kong maibigay sa kaniya. At iyon ay ang anak na inaasam niya.” Bumagsak ang mga luha ni Cleo. Ngayon pa lang ay masayang-masaya na siya para sa kaibigan.

“Oh my God, Cleo! Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya. Baka kapag tumalon ako, lumampas ako ng langit.” She giggled. “I’ll call my husband. Sigurado akong kapag nalaman niyang pumayag ka na, kaagad siyang magbo-book ng flight papunta rito. Excited na rin akong makilala mo ang asawa ko. Sigurado akong magugustuhan mo siya.”

“Oo naman. Nakikita ko naman kung gaano ka kasaya. Ibig sabihin no’n, matinong lalaki ang nakatuluyan mo. Kaya sigurado akong magugustuhan ko siya. Excited na rin akong makilala siya,” tugon ni Cleo.

“Give me a moment,” ani Danica. “I can’t contain my happiness. I’ll call you back, okay? Thank you so much, Cleo! What would I do without you?”

“That’s what friends are for, ‘di ba?” nakangiting tugon ni Cleo.

Doon na muna natapos ang kanilang pag-uusap. Humugot ng hangin sa kaniyang baga si Cleo at ibinuga iyon habang nakapikit. Mas lalong gumaan ang pakiramdam niya. That only means that she is doing the right thing. Tutuparin niya ang pangarap ng matalik niyang kaibigan…

Related chapters

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 5 - Liquor and Delusions

    “Come on, Cleopatra, drink!” wika ni Danica. “Hindi nga ako umiinom,” mariing wika ni Cleo. “Amoy pa lang ng alak, nasusuka na ako. Ano pa kung iinumin ko?”“Please! For me?” Namilog ang mga mata ni Danica at ilang beses iyong ikinurap-kurap.“Hindi mo ako makukuha sa ganiyan,” natatawang tugon ni Cleo.“Hanggang ngayon, KJ ka pa rin. That’s what I hate about you.”“Hanggang ngayon, mapilit ka pa rin,” ganti naman ni Cleo. “That’s what I hate about you.”Umikot ang mga mata ni Danica. “Of course! We’re celebrating! Valid reason naman para pilitin kita, ano!” Naghalukipkip si Danica. “Magtatampo ako sa iyo kapag hindi mo ako pinagbigyan. Hahayaan mo bang malasing ako nang mag-isa? Besides, kapag nagsimula na ang surrogacy process, hindi ka na pwedeng uminom. You owe this to me.”“Baka nakakalimutan mong darating ang asawa mo mamaya. Nakakahiya naman kung maaabutan niya akong lasing.”“Don’t worry, alam niyang umiinom tayong dalawa ngayon. Kaya sige na please, makisama ka na. Uminom ka

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 1- Reunited

    Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa dumarating ang hinihintay ni Cleo sa coffee shop kung saan nila napagkasunduang magkita. She feels anxious. And at the same time, excited. Sampung taon niya ring hindi nakita ang kaniyang kababata at best friend na si Danica. Sabay silang nakapagtapos ng highschool noon. Hindi na siya nakapagkolehiyo, samantalang si Danica ay sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang ni Danica ang nagpaaral sa kaniya mula elementarya hanggang matapos siya sa high school, ngunit dahil sa ginawa ng kaniyang ama ay nadamay siya at nawalan ng scholarship sa kolehiyo. Labindalawang taon nang nagtatrabaho bilang family driver ng mga Lim ang kaniyang ama. Nagnakaw ito ng malaking halaga mula sa mga magulang ni Danica at tumakas ito. Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit ng kaniyang ama ang dangal nito sa salapi. Nadungisan ng kasalanan nito pati ang kaniyang pagkatao. Dahil sa ginawa nito, nasira ang kaniyang kinabukasan. Balita niya ay isa nang succe

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 2- The offer

    "Eh, ikaw, kumusta ka na? Magkwento ka naman. Balita ko, may pangalan ka na sa Amerika."Kinilig si Danica sa narinig. "Hmm... Medyo," aniya. "May sarili na rin akong clothing line, at may mga ilang celebrities na akong dinamitan," proud na proud niyang wika. Kitang-kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkamangha. "In the works na ang pinapatayo kong buotique dito sa Pinas. In fact, I am planning to stay here for good."Nagningning ang mga mata ni Cleo sa narinig. "Talaga? Dito ka na ulit titira?" excited niyang wika.Tumango si Danica. "Matagal ko itong pinag-isipan. Though maganda sa ibang bansa, mas gusto ko pa rin dito. Sabi nga nila, iba kapag nasa sarili mong bayan ka. Kaya if ever you're interested, pwede kang magtrabaho sa akin kapag natapos na ang boutique ko."Napangiti si Cleo. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa fashion fashion na iyan," tugon niya."Tinatanggihan mo na naman ako?" disappointed na wika ni Danica. "Tanggap ko pa na ayaw mong tanggapin ang alok kong pa

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 3- Unexpected revelation

    Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”“What is it then?”“Nakahanap na ako ng surrogate.”Napanganga si Fr

    Last Updated : 2023-11-05

Latest chapter

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 5 - Liquor and Delusions

    “Come on, Cleopatra, drink!” wika ni Danica. “Hindi nga ako umiinom,” mariing wika ni Cleo. “Amoy pa lang ng alak, nasusuka na ako. Ano pa kung iinumin ko?”“Please! For me?” Namilog ang mga mata ni Danica at ilang beses iyong ikinurap-kurap.“Hindi mo ako makukuha sa ganiyan,” natatawang tugon ni Cleo.“Hanggang ngayon, KJ ka pa rin. That’s what I hate about you.”“Hanggang ngayon, mapilit ka pa rin,” ganti naman ni Cleo. “That’s what I hate about you.”Umikot ang mga mata ni Danica. “Of course! We’re celebrating! Valid reason naman para pilitin kita, ano!” Naghalukipkip si Danica. “Magtatampo ako sa iyo kapag hindi mo ako pinagbigyan. Hahayaan mo bang malasing ako nang mag-isa? Besides, kapag nagsimula na ang surrogacy process, hindi ka na pwedeng uminom. You owe this to me.”“Baka nakakalimutan mong darating ang asawa mo mamaya. Nakakahiya naman kung maaabutan niya akong lasing.”“Don’t worry, alam niyang umiinom tayong dalawa ngayon. Kaya sige na please, makisama ka na. Uminom ka

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 4- Yes finally!

    “Bakit mo naman tinanggihan si Ate Danica, Ate?” hindi makapaniwalang tanong ni Cherry sa nakatatandang kapatid.“Okay naman na. Maghahanap na lang daw silang mag-asawa ng ibang surrogate,” tugon ni Cleo.“Hindi naman sa pinipilit kita, Ate, pero sayang din naman iyong perang ibabayad sa iyo ni Ate Danica. Naaawa na kasi ako sa iyo. Halos makuba ka na sa pagtatrabaho para maigapang ang pag-aaral ko. Nandiyan na ang oportunidad, kusa nang lumalapit sa iyo, oh!”“Hindi naman ako nagrereklamo, eh,” tugon ni Cleo. “Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo. Kaunting panahon na lang naman. Kaunting sakripisyo na lang. Huwag mo akong kaawaan. Dapat gawin mo akong inspirasyon para matapos ka nang hindi ka magaya sa akin. Para din naman sa iyo ang pagsusumikap ko.”“Alam ko,” mahinahong wika ni Cherry. “Ginagawa ko rin naman ang part ko. Ayaw kong ma-disappoint ka sa akin. Magtatapos ako at tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin. Ang sa akin lang, paano ka, Ate?”Bumuntong-hininga si Cleo. “Ok

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 3- Unexpected revelation

    Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”“What is it then?”“Nakahanap na ako ng surrogate.”Napanganga si Fr

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 2- The offer

    "Eh, ikaw, kumusta ka na? Magkwento ka naman. Balita ko, may pangalan ka na sa Amerika."Kinilig si Danica sa narinig. "Hmm... Medyo," aniya. "May sarili na rin akong clothing line, at may mga ilang celebrities na akong dinamitan," proud na proud niyang wika. Kitang-kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkamangha. "In the works na ang pinapatayo kong buotique dito sa Pinas. In fact, I am planning to stay here for good."Nagningning ang mga mata ni Cleo sa narinig. "Talaga? Dito ka na ulit titira?" excited niyang wika.Tumango si Danica. "Matagal ko itong pinag-isipan. Though maganda sa ibang bansa, mas gusto ko pa rin dito. Sabi nga nila, iba kapag nasa sarili mong bayan ka. Kaya if ever you're interested, pwede kang magtrabaho sa akin kapag natapos na ang boutique ko."Napangiti si Cleo. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa fashion fashion na iyan," tugon niya."Tinatanggihan mo na naman ako?" disappointed na wika ni Danica. "Tanggap ko pa na ayaw mong tanggapin ang alok kong pa

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 1- Reunited

    Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa dumarating ang hinihintay ni Cleo sa coffee shop kung saan nila napagkasunduang magkita. She feels anxious. And at the same time, excited. Sampung taon niya ring hindi nakita ang kaniyang kababata at best friend na si Danica. Sabay silang nakapagtapos ng highschool noon. Hindi na siya nakapagkolehiyo, samantalang si Danica ay sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang ni Danica ang nagpaaral sa kaniya mula elementarya hanggang matapos siya sa high school, ngunit dahil sa ginawa ng kaniyang ama ay nadamay siya at nawalan ng scholarship sa kolehiyo. Labindalawang taon nang nagtatrabaho bilang family driver ng mga Lim ang kaniyang ama. Nagnakaw ito ng malaking halaga mula sa mga magulang ni Danica at tumakas ito. Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit ng kaniyang ama ang dangal nito sa salapi. Nadungisan ng kasalanan nito pati ang kaniyang pagkatao. Dahil sa ginawa nito, nasira ang kaniyang kinabukasan. Balita niya ay isa nang succe

DMCA.com Protection Status