Home / Romance / THE WILDEST DECEPTION / Chapter 1- Reunited

Share

THE WILDEST DECEPTION
THE WILDEST DECEPTION
Author: Samantha Emanuelle

Chapter 1- Reunited

last update Last Updated: 2023-11-05 17:11:15

Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa dumarating ang hinihintay ni Cleo sa coffee shop kung saan nila napagkasunduang magkita. She feels anxious. And at the same time, excited. Sampung taon niya ring hindi nakita ang kaniyang kababata at best friend na si Danica. Sabay silang nakapagtapos ng highschool noon. Hindi na siya nakapagkolehiyo, samantalang si Danica ay sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang ni Danica ang nagpaaral sa kaniya mula elementarya hanggang matapos siya sa high school, ngunit dahil sa ginawa ng kaniyang ama ay nadamay siya at nawalan ng scholarship sa kolehiyo.

Labindalawang taon nang nagtatrabaho bilang family driver ng mga Lim ang kaniyang ama. Nagnakaw ito ng malaking halaga mula sa mga magulang ni Danica at tumakas ito. Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit ng kaniyang ama ang dangal nito sa salapi. Nadungisan ng kasalanan nito pati ang kaniyang pagkatao. Dahil sa ginawa nito, nasira ang kaniyang kinabukasan.

Balita niya ay isa nang successful fashion designer si Danica habang siya ay isang hamak na waitress lamang sa isang resto bar. Hindi niya nga alam kung paano haharapin si Danica. Pero alam niya namang hindi nito mamaliitin ang trabaho niya, at lalong lalo nang hindi siya nito huhusgahan.

Tumayo siya at humarap sa salamin na nakadikit sa dingding ng coffee shop. Tiningnan niya ang sarili. Suot niya pa ang uniporme niya bilang waitress. Huminga siya nang malalim at nginitian ang sariling repleksiyon.

Nagpasya siyang lumabas upang tumingin-tingin at baka nasa labas na ang kaniyang hinihintay nang hindi sinasadyang mabangga niya ang isang babaeng matangkad, maputi, balingkinitan ang katawan, at nakasuot pa ng shades.

"Aray! Bulag ka ba?" naiiritang wika ng babae.

"Sorry ho! Sorry ho, Ma'am!" ani Cleo. "Hindi ko ho sinasadya. Pasensiya na po." Makailang beses siyang yumuko.

Inalis ng babae ang shades nito. "Next time, huwag kang tatanga-tanga. Dapat in-anticipate mo na na may makakasalubong ka dahil for God's sake, this is the entrance! Hindi ka rito dapat dumaan kundi sa exit. Goodness gracious!"

Saka lamang napagtanto ni Cleo na lumabas nga siya sa entrance. Nakamot niya ang batok. Nagsalubong ang mga kilay niya nang matitigan ang babaeng nakabanggaan. Sampung taon na ang lumipas ngunit hindi niya maaaring makalimutan ang mukha ng matalik niyang kaibigan. "Danica?!" bulalas niya. Ang babae naman ang nagsalubong ang mga kilay.

"Do I know you?" mataray na usisa nito sa kaniya.

"Danica, ako ito, si Cleo!" tugon niya.

"Cleo as in Cleopatra De Jesus?" kunot ang noong anang babae na parang hindi makapaniwala.

"Ako nga! Pero hinaan mo naman ang boses mo. Alam mo namang ayaw kong naririnig na binibigkas nang buo ang pangalan ko," natatawang pabulong na wika ni Cleo sabay linga sa paligid.

Nalaglag ang panga ni Danica. Natakpan niya ang bibig at napatili siya. "Cleopatra! Ikaw nga! Nakakainis ka naman! Ba't hindi mo naman sinabi kaagad? Kung anu-ano na tuloy ang nasabi ko sa iyo," nahihiyang wika niya.

"Eh, paano ako makakapagsabi? Parang armalite iyang bibig mo."

Tinitigan nila ang isa't isa at sabay silang napatili. Kasunod niyon ay isang napakahigpit na yakap.

"Oh my God, Cleo! I missed you so much!" naluluhang wika ni Danica.

"Na-miss din kita," tugon ni Cleo.

Ngumiti si Danica. Pinagmasdan niya nang maigi si Cleo. "Pero ano ang nangyari sa'yo? You look..." Hindi niya mabigkas ang nais sabihin.

"Manang? Losyang?" nangingiting wika ni Cleo.

Nagkibit-balikat si Danica. "Hindi ganiyang itsura ang in-expect ko. Cleo, you used to be pretty like me!" aniya.

Natawa si Cleo dahil mukhang alalang-alala si Danica sa kaniya dahil sa itsura niya. "Hindi na mahalaga sa akin ang itsura ko. Ang mahalaga, humihinga ako at nakaka-survive araw-araw," tugon niya. Kinuha niya ang kamay ni Danica. "Sa loob na tayo magkumustahan," aniya.

"Oh, kumusta ka na nga ba?" tanong ni Danica nang makaupo na sila.

"Heto, gano'n pa rin. Kung ano ako noong umalis ka, gano'n pa rin ako ngayon. Walang progress," matamlay na tugon ni Cleo.

Nalungkot si Danica para sa kaibigan. "Nanghihinayang ako sa iyo, Cleo. Sa ating dalawa, ikaw iyong matalino. Hindi ko matanggap na ganito ang nangyari sa iyo." Nailing siya. "Minsan tuloy, hindi ko maiwasang isipin na may kasalanan din ako kung bakit nagkaganiyan ang buhay mo. Dapat mas ipinaglaban pa kita noon kayna Mommy at Daddy. Hindi mo naman kasalanan ang kasalanan ng tatay mo. Hindi ka dapat nadamay."

"Nangyari na ang nangyari. Siguro ito lang talaga ang kapalaran ko." Bumagsak ang mga balikat ni Cleo.

Napabuntong-hininga si Danica. "Ang tatay mo, nasaan siya?" usisa niya.

"Hindi ko na siya nakita simula no'ng araw na nawala siya. At sa totoo lang, wala na akong pakialam sa kaniya. Ayaw ko nang bumalik pa siya sa buhay namin ni Cherry." Si Cherry ang nag-iisa at nakababata niyang kapatid.

Napabuntong-hininga si Danica. "Naiintindihan kita. Maski naman ako, galit din sa tatay mo sa ginawa niya. Hindi dahil sa nagnakaw siya sa Mommy at Daddy, kundi dahil sa epekto ng ginawa niya sa inyong magkapatid. Paano niya kayo natiis nang ganito knowing na siya na lang ang magulang ninyo?" Muli siyang nagbuntong-hininga. "By the way, kumusta na si Cherry?"

"Ayon, pinapaaral ko. Siya ang pinaglalanan ko sa lahat ng pagod at pagsasakripisyo ko. Kahit siya man lang, may marating sa buhay. Hindi ko hahayaang magaya siya sa akin," tugon ni Cleo.

"Hindi pa naman huli ang lahat, Cleo. Bata ka pa. Pwede ka pa rin namang mag-aral."

"Wala na iyon sa isip ko. Si Cherry na lang talaga ang mahalaga sa akin." Kinuha ni Danica ang kamay niya.

"Papag-aralin kita," ani Danica.

Ngumiti si Cleo at napabuntong-hininga. "Ano ka ba? Huwag na," aniya. "Hindi na nga ako interesado. Mas gusto ko pang magkaroon ng sariling business. Mas praktikal iyon sa panahon ngayon kaysa gumugol ng ilang taon sa college."

"Mas maganda pa rin kung may matapos ka."

"Huwag na. Nakakahiya na nga sa iyo, mas lalo pa sa mga magulang mo. Sigurado akong hindi matutuwa ang mga iyon kapag nalaman nila iyang plano mo."

"Hindi naman nila kailangang malaman."

"Maglilihim ka sa kanila, gano'n?" Umiling si Cleo.

"Kung ayaw mo lang naman sabihin ko sa kanila."

"Huwag na. Sapat na ang ginawa ng tatay ko noon."

"Naka-move on na kami, Cleo. I'm sure, napatawad na nina Mommy at Daddy ang tatay mo. At sigurado rin ako na kapag sinabi kong nagkita tayong dalawa, gugustuhin din nilang makita ka."

Ngumiti si Cleo. Siya naman ang kumuha sa kamay ng kaibigan. "Hindi na, Danica," aniya. "Mag-focus na lang ako kay Cherry. Third year college na rin siya. Hindi na rin magtatagal, ga-graduate na rin ako sa pagpapaaral sa kaniya. Pagkatapos no'n, dalawa na kaming magtutulungan sa buhay. Makakahinga na rin ako."

Napabuntong hininga si Danica. "Ikaw ang bahala. Pero kung sakaling magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Okay?"

"Hindi na magbabago ang isip ko," mabilis na tugon ni Cleo. "Danica, huwag ka sanang mao-offend pero sanay na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayaw kong umaasa sa ibang tao. Ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob lalo na sa iyo at sa mga magulang mo," aniya.

Tumango si Danica. "Naiintindihan kita," aniya. Nginitian niya ang kaibigan. "But just in case magbago ang isip mo, please know that my offer stands."

Tumango si Cleo. "Salamat," aniya.

Related chapters

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 2- The offer

    "Eh, ikaw, kumusta ka na? Magkwento ka naman. Balita ko, may pangalan ka na sa Amerika."Kinilig si Danica sa narinig. "Hmm... Medyo," aniya. "May sarili na rin akong clothing line, at may mga ilang celebrities na akong dinamitan," proud na proud niyang wika. Kitang-kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkamangha. "In the works na ang pinapatayo kong buotique dito sa Pinas. In fact, I am planning to stay here for good."Nagningning ang mga mata ni Cleo sa narinig. "Talaga? Dito ka na ulit titira?" excited niyang wika.Tumango si Danica. "Matagal ko itong pinag-isipan. Though maganda sa ibang bansa, mas gusto ko pa rin dito. Sabi nga nila, iba kapag nasa sarili mong bayan ka. Kaya if ever you're interested, pwede kang magtrabaho sa akin kapag natapos na ang boutique ko."Napangiti si Cleo. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa fashion fashion na iyan," tugon niya."Tinatanggihan mo na naman ako?" disappointed na wika ni Danica. "Tanggap ko pa na ayaw mong tanggapin ang alok kong pa

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 3- Unexpected revelation

    Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”“What is it then?”“Nakahanap na ako ng surrogate.”Napanganga si Fr

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 4- Yes finally!

    “Bakit mo naman tinanggihan si Ate Danica, Ate?” hindi makapaniwalang tanong ni Cherry sa nakatatandang kapatid.“Okay naman na. Maghahanap na lang daw silang mag-asawa ng ibang surrogate,” tugon ni Cleo.“Hindi naman sa pinipilit kita, Ate, pero sayang din naman iyong perang ibabayad sa iyo ni Ate Danica. Naaawa na kasi ako sa iyo. Halos makuba ka na sa pagtatrabaho para maigapang ang pag-aaral ko. Nandiyan na ang oportunidad, kusa nang lumalapit sa iyo, oh!”“Hindi naman ako nagrereklamo, eh,” tugon ni Cleo. “Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo. Kaunting panahon na lang naman. Kaunting sakripisyo na lang. Huwag mo akong kaawaan. Dapat gawin mo akong inspirasyon para matapos ka nang hindi ka magaya sa akin. Para din naman sa iyo ang pagsusumikap ko.”“Alam ko,” mahinahong wika ni Cherry. “Ginagawa ko rin naman ang part ko. Ayaw kong ma-disappoint ka sa akin. Magtatapos ako at tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin. Ang sa akin lang, paano ka, Ate?”Bumuntong-hininga si Cleo. “Ok

    Last Updated : 2023-11-05
  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 5 - Liquor and Delusions

    “Come on, Cleopatra, drink!” wika ni Danica. “Hindi nga ako umiinom,” mariing wika ni Cleo. “Amoy pa lang ng alak, nasusuka na ako. Ano pa kung iinumin ko?”“Please! For me?” Namilog ang mga mata ni Danica at ilang beses iyong ikinurap-kurap.“Hindi mo ako makukuha sa ganiyan,” natatawang tugon ni Cleo.“Hanggang ngayon, KJ ka pa rin. That’s what I hate about you.”“Hanggang ngayon, mapilit ka pa rin,” ganti naman ni Cleo. “That’s what I hate about you.”Umikot ang mga mata ni Danica. “Of course! We’re celebrating! Valid reason naman para pilitin kita, ano!” Naghalukipkip si Danica. “Magtatampo ako sa iyo kapag hindi mo ako pinagbigyan. Hahayaan mo bang malasing ako nang mag-isa? Besides, kapag nagsimula na ang surrogacy process, hindi ka na pwedeng uminom. You owe this to me.”“Baka nakakalimutan mong darating ang asawa mo mamaya. Nakakahiya naman kung maaabutan niya akong lasing.”“Don’t worry, alam niyang umiinom tayong dalawa ngayon. Kaya sige na please, makisama ka na. Uminom ka

    Last Updated : 2023-11-05

Latest chapter

  • THE WILDEST DECEPTION    Chapter 1- Reunited

    Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa dumarating ang hinihintay ni Cleo sa coffee shop kung saan nila napagkasunduang magkita. She feels anxious. And at the same time, excited. Sampung taon niya ring hindi nakita ang kaniyang kababata at best friend na si Danica. Sabay silang nakapagtapos ng highschool noon. Hindi na siya nakapagkolehiyo, samantalang si Danica ay sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang ni Danica ang nagpaaral sa kaniya mula elementarya hanggang matapos siya sa high school, ngunit dahil sa ginawa ng kaniyang ama ay nadamay siya at nawalan ng scholarship sa kolehiyo. Labindalawang taon nang nagtatrabaho bilang family driver ng mga Lim ang kaniyang ama. Nagnakaw ito ng malaking halaga mula sa mga magulang ni Danica at tumakas ito. Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit ng kaniyang ama ang dangal nito sa salapi. Nadungisan ng kasalanan nito pati ang kaniyang pagkatao. Dahil sa ginawa nito, nasira ang kaniyang kinabukasan. Balita niya ay isa nang succe

DMCA.com Protection Status