"Eh, ikaw, kumusta ka na? Magkwento ka naman. Balita ko, may pangalan ka na sa Amerika."
Kinilig si Danica sa narinig. "Hmm... Medyo," aniya. "May sarili na rin akong clothing line, at may mga ilang celebrities na akong dinamitan," proud na proud niyang wika. Kitang-kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkamangha. "In the works na ang pinapatayo kong buotique dito sa Pinas. In fact, I am planning to stay here for good."Nagningning ang mga mata ni Cleo sa narinig. "Talaga? Dito ka na ulit titira?" excited niyang wika.Tumango si Danica. "Matagal ko itong pinag-isipan. Though maganda sa ibang bansa, mas gusto ko pa rin dito. Sabi nga nila, iba kapag nasa sarili mong bayan ka. Kaya if ever you're interested, pwede kang magtrabaho sa akin kapag natapos na ang boutique ko."Napangiti si Cleo. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa fashion fashion na iyan," tugon niya."Tinatanggihan mo na naman ako?" disappointed na wika ni Danica. "Tanggap ko pa na ayaw mong tanggapin ang alok kong pagpapaaral sa iyo. But for God's sake, itong alok kong pagtratrabaho mo sa akin, how could you say no? Pwede kitang gawing assistant ko. I believe mas okay ang work na iyon kaysa work mo ngayon."Napabuntong hininga si Cleo. "Pag-iisipan ko. Matagal pa naman iyon," aniya."Ano nga ba ang work mo ngayon?" Mataman niyang pinagmasdan ang kaibigan. Cleo is wearing a black polo and black skirt."Waitress," tugon ni Cleo."Saan?""Sa isang resto bar.""Mukha ka pang puyat.""Hindi pa ako natutulog. Kadalasan, alas singko ng umaga kami natatapos sa trabaho dahil marami pa kaming ginagawa pagkatapos ng duty namin.""I see. Sana pag-isipan mo talaga nang maigi ang alok kong trabaho sa iyo. Huwag mo nang isipin sina Mommy at Daddy. Hindi sila kokontra. And if ever man na kumontra sila, wala na silang magagawa dahil matanda na ako. Ako na ang nagdedesisyon para sa sarili kong buhay. And if I want you in it, you will be in it."Isang maikling katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Naputol iyon nang tumunog ang cellphone ni Danica. Sinagot niya iyon. "Hey, Hon! Yes, Hon! Okay... Don't worry... I'll call you when I get home... Bye! I love you!" Then she ended the call."Boyfriend mo?" kinikilig na usisa ni Cleo."Asawa," nakangiting tugon ni Danica.Napanganga si Cleo. "May asawa ka na?!" bulalas niya."Yup! We're two years married." She proudly showed her wedding ring."Wow! May anak na kayo?"Bumagsak ang sulok ng mga labi ni Danica. Matamlay siyang umiling. "Hindi ko mabibigyan ng anak ang asawa ko, Cleo. Baog ako. I tried many treatments, but nothing worked for me. And having a surrogate is the last resort for us to have a baby.”Umawang ang mga labi ni Cleo. Nakaramdam siya ng pagkahabag sa kaibigan."Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito," wika pa ni Danica. "Maghahanap kami ng asawa ko ng surrogate. Ang gusto kasi naming mag-asawa, pinay lang din ang magdadala ng anak namin. Pero ang surrogacy process, gagawin sa US.""Surrogate?" kunot ang noong wika ni Cleo."Surrogate. Siya ang magbubuntis para sa akin since hindi ko magagawa iyon dahil nga sa baog ako. The surrogate will get pregnant through in vitro fertilization or IVF. Egg cell niya at sperm cell ng asawa ko ang gagamitin para makabuo ng embryo. And then, the embryo will be implanted in her uterus. Dadalhin niya lang sa sinapupunan niya at iluluwal sa mundo ang magiging baby namin ng asawa ko."Tumango si Cleo. Kahit papaano ay lumuwag ang kaniyang pakiramdam. Sa kabila ng kondisyon ni Danica ay pwede pa rin naman pala itong magkaanak. Salamat sa agham.Danica sighed. "How I wish na sa akin manggagaling ang egg cell para ako pa rin ang maging biological mom ng magiging anak ko. But my egg cells are too unhealthy." When she looked at Cleo, she saw pity in her eyes. "Ano ka ba? Don't be sad for me. Ang mahalaga sa akin, ako ang kakagisnang ina ng baby. I will be the one to raise him or her. DNA ng asawa ko ang mananalaytay sa kaniya, kaya ako ang ina niya. I need to do this. Kaysa naman dumating sa point na maghanap ng ibang babae ang asawa ko dahil hindi ko maibigay ang gusto niya, ‘di ba? Iniisip ko pa lang, parang makakapatay na ako ng tao."Naging seryoso ang rehistro ng mukha ni Danica. Pagkaraan ay tumawa siya. "Just kidding!" aniya. "Alam kong hindi gagawin sa akin iyon ng asawa ko. Hindi na siya makakahanap ng kagaya ko, 'no!" She flipped her hair.Ngumiti si Cleo. "Masaya ako para sa iyo," wika niya. Nagulat siya nang bigla na lamang mapatitig sa kaniya si Danica. Napakunot ang noo niya. "May dumi ba sa mukha ko?" aniya.Ngumiti si Danica kasabay ng pagningning ng mga mata nito. Kinuha nito ang mga kamay ni Cleo. "Ikaw! Ikaw ang sagot sa problema namin ng asawa ko.”“Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” nagugulumihanang tanong ni Cleo.“Ikaw ang magdadala ng magiging anak ko," tugon ni Danica kasabay ng pagbagsak ng mga luha nito.Nalaglag ang panga ni Cleo sa narinig."A-ako?" aniya sabay turo sa sarili."Yes, you. Why not? Hindi ko na pala kailangang lumayo. Nandiyan ka na."Natawa si Cleo. "Danica, kaibigan kita, at sobrang na-miss kita. Gustong-gusto kong mag-bonding tayo ulit, pero hindi sa paraang iniisip mo," aniya.Bumagsak ang mga balikat ni Danica. "You're saying no to me again. Nakakatampo ka na, Cleopatra, ha," anito"Hindi kasi biro ang hinihingi mo sa akin, Danica.""Babayaran kita, Cleo. Babayaran kita ng halagang mag-aahon sa iyo sa kung ano man ang kinasasadlakan mo ngayon." Huminga ito nang malalim. "Dalawang milyon, Cleo kapalit ng pagdadala mo sa magiging anak ko."Muling nalaglag ang panga ni Cleo sa narinig. "Dalawang milyon?" hindi makapaniwalang wika niya."Yes, you heard me right. Dalawang milyon. Handa akong dagdagan pa iyon dahil kaibigan kita. Pumayag ka lang, dodoblehin ko o titriplehin pa nga." Muli nitong kinuha ang mga kamay ng kaibigan. "Please, Cleo, be our surrogate."Napakamot sa batok si Cleo kasabay ng malalim na buntong-hininga."Ayaw mo no'n? Mas lalong magiging malalim ang pagkakaibigan natin dahil dadalhin mo ang anak ko," wika pa ni Danica. She paused and shrugged her shoulders. "Mas magiging katanggap-tanggap para sa akin na sa iyo manggagaling ang egg cell kaysa ibang babae dahil ikaw ang best friend ko." Nagbuntong-hininga siya. "Please, Cleo, at least pag-isipan mo man lang."Napabuntong-hininga rin si Cleo, at tumango siya pagkaraan.Nagningning ang mga mata ni Danica. "Oo na ba ang ibig sabihin ng pagtango mo?" aniya."Pag-iisipan ko," matamlay na tugon ni Cleo. Bumagsak ang mga balikat ni Danica sa disappointment. "Pero ang mabuti pa, huwag ka nang umasa."Danica rolled her eyes. "Yes, but please, think about it. This is a very big opportunity for you Cleo. Higit sa lahat, matutulungan natin ang isa't isa. Wouldn't it be nice? Imagine, bibigyan mo ng anak ang best friend mo. Mabibigyan mo ako ng chance para maging isang ina. After all the success in my career, iyan na lang ang inaasam ko. Ipagkakait mo ba sa akin iyon?" Her eyes teared up."Pag-iisapan ko," ulit na wika ni Cleo.Tumango na lamang si Danica at pinilit na ngumiti. Naiintindihan din naman niya ang kaibigan. Hindi nga naman simpleng pabor ang kaniyang hinihingi. Sa ngayon, sapat na munang pag-iisipan ito ni Cleo.Pagkatapos ng maikli pang kumustahan, nagpasya rin silang maghiwalay at magkita na lamang sa ibang araw.Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”“What is it then?”“Nakahanap na ako ng surrogate.”Napanganga si Fr
“Bakit mo naman tinanggihan si Ate Danica, Ate?” hindi makapaniwalang tanong ni Cherry sa nakatatandang kapatid.“Okay naman na. Maghahanap na lang daw silang mag-asawa ng ibang surrogate,” tugon ni Cleo.“Hindi naman sa pinipilit kita, Ate, pero sayang din naman iyong perang ibabayad sa iyo ni Ate Danica. Naaawa na kasi ako sa iyo. Halos makuba ka na sa pagtatrabaho para maigapang ang pag-aaral ko. Nandiyan na ang oportunidad, kusa nang lumalapit sa iyo, oh!”“Hindi naman ako nagrereklamo, eh,” tugon ni Cleo. “Masaya ako sa ginagawa ko para sa iyo. Kaunting panahon na lang naman. Kaunting sakripisyo na lang. Huwag mo akong kaawaan. Dapat gawin mo akong inspirasyon para matapos ka nang hindi ka magaya sa akin. Para din naman sa iyo ang pagsusumikap ko.”“Alam ko,” mahinahong wika ni Cherry. “Ginagawa ko rin naman ang part ko. Ayaw kong ma-disappoint ka sa akin. Magtatapos ako at tutuparin ko ang pangarap mo para sa akin. Ang sa akin lang, paano ka, Ate?”Bumuntong-hininga si Cleo. “Ok
“Come on, Cleopatra, drink!” wika ni Danica. “Hindi nga ako umiinom,” mariing wika ni Cleo. “Amoy pa lang ng alak, nasusuka na ako. Ano pa kung iinumin ko?”“Please! For me?” Namilog ang mga mata ni Danica at ilang beses iyong ikinurap-kurap.“Hindi mo ako makukuha sa ganiyan,” natatawang tugon ni Cleo.“Hanggang ngayon, KJ ka pa rin. That’s what I hate about you.”“Hanggang ngayon, mapilit ka pa rin,” ganti naman ni Cleo. “That’s what I hate about you.”Umikot ang mga mata ni Danica. “Of course! We’re celebrating! Valid reason naman para pilitin kita, ano!” Naghalukipkip si Danica. “Magtatampo ako sa iyo kapag hindi mo ako pinagbigyan. Hahayaan mo bang malasing ako nang mag-isa? Besides, kapag nagsimula na ang surrogacy process, hindi ka na pwedeng uminom. You owe this to me.”“Baka nakakalimutan mong darating ang asawa mo mamaya. Nakakahiya naman kung maaabutan niya akong lasing.”“Don’t worry, alam niyang umiinom tayong dalawa ngayon. Kaya sige na please, makisama ka na. Uminom ka
Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa dumarating ang hinihintay ni Cleo sa coffee shop kung saan nila napagkasunduang magkita. She feels anxious. And at the same time, excited. Sampung taon niya ring hindi nakita ang kaniyang kababata at best friend na si Danica. Sabay silang nakapagtapos ng highschool noon. Hindi na siya nakapagkolehiyo, samantalang si Danica ay sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. Ang mga magulang ni Danica ang nagpaaral sa kaniya mula elementarya hanggang matapos siya sa high school, ngunit dahil sa ginawa ng kaniyang ama ay nadamay siya at nawalan ng scholarship sa kolehiyo. Labindalawang taon nang nagtatrabaho bilang family driver ng mga Lim ang kaniyang ama. Nagnakaw ito ng malaking halaga mula sa mga magulang ni Danica at tumakas ito. Hindi siya makapaniwalang ipinagpalit ng kaniyang ama ang dangal nito sa salapi. Nadungisan ng kasalanan nito pati ang kaniyang pagkatao. Dahil sa ginawa nito, nasira ang kaniyang kinabukasan. Balita niya ay isa nang succe

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”“What is it then?”“Nakahanap na ako ng surrogate.”Napanganga si Fr
"Eh, ikaw, kumusta ka na? Magkwento ka naman. Balita ko, may pangalan ka na sa Amerika."Kinilig si Danica sa narinig. "Hmm... Medyo," aniya. "May sarili na rin akong clothing line, at may mga ilang celebrities na akong dinamitan," proud na proud niyang wika. Kitang-kita naman niya sa mukha ng kaibigan ang pagkamangha. "In the works na ang pinapatayo kong buotique dito sa Pinas. In fact, I am planning to stay here for good."Nagningning ang mga mata ni Cleo sa narinig. "Talaga? Dito ka na ulit titira?" excited niyang wika.Tumango si Danica. "Matagal ko itong pinag-isipan. Though maganda sa ibang bansa, mas gusto ko pa rin dito. Sabi nga nila, iba kapag nasa sarili mong bayan ka. Kaya if ever you're interested, pwede kang magtrabaho sa akin kapag natapos na ang boutique ko."Napangiti si Cleo. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa fashion fashion na iyan," tugon niya."Tinatanggihan mo na naman ako?" disappointed na wika ni Danica. "Tanggap ko pa na ayaw mong tanggapin ang alok kong pa