Share

TWBS PART5

Author: SHADOWWRITES
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kinabukasan ay nagyayang mamasyal sa ilog si Annabel na kaagad namang pinaunlakan ng katipan. Magkahawak kamay silang naglalakad patungo roon habang masayang nagkukuwentuhan ukol sa kani-kanilang mundo. Ilang minuto pa ay may naramdaman si Kojin na kumakaluskos sa paligid nila. Hindi ito nagpahalata sa nobya at bagkus ay pinaupo muna niya ito sa isang malaking bato para kunwa'y makapagpahinga sandali. Nang makaupo ang dalaga ay nagulat pa ito nang biglang bumunot si Kojin ng espada at tumalon ng mataas patungo sa likuran ng isang malaking puno. Nang lingunin niya si Kojin ay marahan na itong umaatras habang isinusuksok ang espada sa kaluban nito. Habang umaatras naman siya ay dahan dahang umaabante si Gozo papalapit sa kanya. Napamulagat si Annabel nang makita ang mga ulo ng Magrim, aktong sisigaw pa sana siya nang maagapan ni Kojin na huwag humiyaw. Pinalapit pa ni Kojin si Annabel patungo sa kanilang direksiyon, at dahil sa tiwala sa katipan kahit pa natatakot ay sumunod naman siya rito. "Annabel, ito si Gozo ang sinasabi ko sa iyo na bago kong kaibigan," pakilala ni Kojin. "Gozo siya ang asawa ko, kaibigan mo na rin siya simula ngayon," patuloy nito. "Ang laki naman pala niya Kojin," ani Annabel. "Naku mukha lamang siyang malaki, napakabata pa niya at sa katunayan nga niyan nangangalahati pa lamang ang pangangatawan niya kumpara kapag tumanda na siya," mahabang sabi ng nobyo. Parang gustong dambahin ni Gozo si Annabel bilang pagtanggap sa pagpapakilala nito. Ngunit sinaway naman ito ni Kojin sa kadahilanang baka masaktan nito ang katipan. Sumama sa paglalakad nila si Gozo at ramdam nilang nais nitong makipaglaro sa kanila. Dumampot si Kojin ng isang sanga at saka iniaro kay Gozo bago itinapon ito ng malayo. Kaagad na sinundan ito ng Magrim at bago pa makalapag sa lupa ang sanga ay nasalo na niya ito. Muli itong bumalik sa kinaroroonan nila at saka tangkang ibibigay kay Kojin ang sanga ngunit napadighay ito at bumuga ng apoy na naging dahilan para masunog ang sanga. Nagkatawanan ang magkatipan sa nangyari at maging si Gozo ay nagparamdam rin ng galak sa dalawang bagong kaibigan. Ilang minuto pa ay nakarating na sa ilog sina Kojin, at kaagad namang inilatag ni Annabel ang dalang balabal upang may maupuan sila. Umupo naman sa isang tabi si Gozo, at parang aso na nanonood lamang sa kanila. Hindi muna tinabihan ni Kojon ang katipan bagkus ay kinuha ang sibat at saka lumapit sa ilog. Bawat bitaw ni Kojin ng sibat ay may tinatamaan itong isda. Nang ilapag ni Kojin ang unang dalawang huli sa bandang likuran ni Annabel ay kaagad na tumayo si Gozo para kainin ito. Pero sinaway siya ni Kojin at sinenyasan na sabay-sabay silang kakain, sa ganitong paraan ay madidisiplina niya ang lumilipad na halimaw. Hindi rin nagtagal ay nakaipon si Kojin ng sampung mga isda at saka nag-ipon ng ilang sanga para sigaan iyon. Tinawag niya si Gozo at iminuwestra na bugahan ng apoy ang mga sanga. Makailang ulit itong sumubok na bumuga ng apoy ngunit walang lumalabas sa bibig nito. Napipikon na si Kojin sa Magrim at babatukan na sana ito nang pigilan siya ni Annabel. Dumampot si Annabel ng isang pirasong isda at saka inihagis kay Gozo. Nasambot naman ito ng Magrim at nginuya ng bahagya bago nilunok. Pagkalunok ay kaagad din itong dumighay na may kasamang apoy, at dahil dito ay sumakto sa mga sanga ang buga nito. Kaagad na lumiyab ang mga sangang inihanda ni Kojin para pag-ihawan ng kanilang isda. Napahanga ito sa naisipang ideya ni Annabel at saka tinawanan ang nahihiya namang si Gozo. Ilang sandali pa ay sabay-sabay nang kumain ang tatlo bago tuluyang umalis si Gozo nang marinig ang atungal ng mga matatandang Magrim. Para bang may nagbabadyang trahedya sa kaharian ang nais ipabatid ng mga alulong na iyon. Ilang minuto pa ay narinig naman nila ang silbato ng malaking sirenang gawa sa sungay ng isang malaking hayop. Iyon ang palatandaan na pinapatawag ng hari ang lahat ng mga kawal para sa isang pagsalakay. Kaagad na binuhat ni Kojin sa kanyang likuran ang katipan upang mabilis na makarating sa kubol. Pagkarating roon ay kaagad din nitong iginayak ang mga armas upangndaluhan ang hari. "Mauuna na ako mahal ko, kailangan ako ng hari," paalam ni Kojin. "Sige mahal ko, mag-iingat ka," sabay yakap nito sa katipan. Kaagad na lumabas ng kubol si Kojin at inatasan ang lahat na magmadali patungo sa tahanan ni Haring Murago. Pagkarating roon ay nagtungo kaagad sa tabi ng hari si Kojin. "Makinig kayong lahat! Masdan ninyo si Ramir, halos naghihingalo na sa karamdamang dinaranas ngayon. Ayon sa ating dakilang manggagamot, tanging apdo lamang ng serpyenteng dilaw na matatagpuan sa bundok Amari ang makagagamot sa kaniya. Humayo kayo at dukutin ang apdo ng makamandag na serpyenteng iyon!" atas ni Harimg Murago sa lahat. "Teka lamang! Kailangan na walang sira ang apdong inyong kukunin sa serpyente. Kailangan ninyong mapugot ang kanyang ulo at hindi ang saksakin ang kaniyang tiyan!" bilin ng manggagamot sa kanila. "Kojin ikaw na ang bahala sa kanilang lahat, humayo na kayo!" pagbibigay permiso nito kay Kojin. Kaagad na itinaas ni Kojin ang kanyang kamay para giyahanan ng pagsugod ang lahat patungo sa bundok Amari. Nagsilapitan ang mga Magrim at sa isang senyas lamang ng hari ay pinasakay ang lahat ng mga opisyal sa kanilang likuran. Isang oras din bago sila nakarating sa bundok na iyon. Ayon sa kanilang hari ay maraming klase ng serpyente roon ngunit tanging ang apdo lamang ng kulay dilaw na serpyente na siyang pinakamakamandag sa lahat ang kailangan nila. Naging marahan ang pagkilos nila nang makarating sa paanan ng bundok. Bawat isa ay tinalasan ang kani-kanilang mga pakiramdam, at nang makarating na sa gitnang bahagi ng mga bundok ay nagsilabasan na ang mga serpyente. Kahit pa alam na nila ang itsura ng mga higanteng ahas na ito na umaabot sa tatlumpung metro ay nagulat sila nang atakehin na sila ng mga serpyente. Walang habas na kinain ng mga serpyenteng itim ang mga kasamahan niyang kawal. Mabuti na lamang at nakasakay sila sa Magrim kaya nakakaiwas sila sa pagkagat ng mga ito. Bilang ganti ay binubugahan ng mga Magrim ang mga serpyente at bawat pagliyab ng mga ito ay sinasaksak naman at pinapana ng mga kawal mula sa ibaba hanggang sa tuluyan na itong mamatay. Marami ring nasawi sa kanilang pangkat bago lumitaw ang pakay nilang dilaw na serpyente. Ito na yata ang pinakamahaba sa lahat, halos umaabot ito ng singkwentang metro. Ang mga nasa ibabang kawal ay inatasan ni Kojin na kumubli sa mga puno, ngunit ang ilang nakatago ay naaamoy.ng serpyente at kagya't na nilalapa. Inipon ni Kojin ang lahat ng mga Magrim sa ere at sabay sabay silang inatasang umatake pababa. Binugahan ng mga ito ang ibabang parte ng serpyente ngunit kaagad din nitong naaapula ang apoy. Ibang klase nga ang serpyenteng ito ayon sa kanilang hari. Habang lumilipad paitaas ay nag-iisip ng paraan si Kojin kung paano ito magagapi. Ang kaliskis nito ang nagsisilbing kalasag laban sa apoy ng mga Magrim. Halos mawalan na ng pagasa si Kojin nang makitang may nilalapa itong dalawang Magrim. Bago tuluyang makain ang isa sa mga Magrim ay nakabuga ito ng apoy sa mata ng serpyente at dito niya naobserbahang hindi bumubuka ang kaliskis ng malaking ahas. Inatasan ni Kojin ang apat na opisyal na atakehin ang dalawang mata ng serpyente samantalang ang iba naman ay sinabihan niyang sabay sabay na bugajan ng apoy ang ibabang parte ng serpyente upang matiyak na hindi tatamaan ang apdo nito at masira. Kaagad na ginawa nila ang plano ni Kojin at lumipad pababa para bugahan iyon ng apoy. Nagwawala sa sobrang sakit na nararamdaman ang serpyente ng masilaban ang kanyang mga mata kasabay ng pagkasunog ng kanyang buntot. Kasabay nito mula sa itaas ay tumalon si Kojin upang i****k sa ulo ng serpyente ang kanyang espada. Walang buhay na humandusay ang higanteng serpyente sa kagubatan. Matapos nito ay pinagtulungan ng mga kawal na pugutin ang napakalaking ulo nito at iningatang mapanatiling buo ang dudukuting pado nito. Nang maisagawa ang misyon ay nagsipaghanda na silang bumalik sa kaharian botnot ang bangkay ng kanilang mga kasamahan. Nagdalamhati ang pamilya ng mga nasawi na salungat naman sa ekspresyon ng hari. Malugod nitong sinalubong si Kojin na may dala ng apdo ng serpyente. Kaagad na inabot ng manggagamot ang lunas sa sakit ni Ramir at nagsimulang mag-orasyon. Pinakain nito kay Ramir ang sariwang apdo at kitang kita ng lahat ang kaagad na pagbangon nito sa kinahihigaan na para bang walang anumang nangyaring masama sa kanya. Ni hindi man lamang ito nagpasalamat kay Kojin at saga kawal, sa halip ay pumasok na lamang ito sa kanilang tahanan. "Maaasahan ka talaga Kojin, nakita ko ang ginawa mong pagatake mula sa mga mata ng aking mga alagang Magrim. Pambihira ang tapang at talino mo, maari ka nang umuwi sa iyong bahay," pasasalamat nito kay Kojin. Lumipas ang dalawang buwan ay napansin ni Kojin ang pananamlay ng katipan. "Mahal ko, masama ba ang pakiramdam mo?" bungad ni Kojin. "Hindi ko nga rin alam eh, wala akong ganang kumain," sagot nito. Pagkasabi noon ay patakbong nagduduwal ang dalaga palabas ng kubol. Kaagad naman siyang dinaluhan ni Kojin makaraang makakuha ng tubig. Pinainom siya nito at pagkatapos ay nagpaalam na susunduin ang manggagamot. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sina Kojin at ang manggagamot, kaagad na naglagay ito ng tubig sa isang mangkok at kinudlitan ng patalim ang palad ni Annabel. Kaagad na dumaloy ang dugo ng dalaga rito at nang basahin ito ng manggagamot ay inakbayan niya si Kojin papalabas ng kubol. "Nagdadalang-tao ang katipan mo Kojin, hindi ko masabi kung anong klaseng nilalang ang iluluwal niya. Kailangang malaman ito ng hari," panimula ng manggagamot. "Maaari bang huwag muna natin itong ipaalam kay Haring Murago?" nangangambang pakiisap ni Kojin. "Matalino ang hari, malalaman din niya ito sa lalong madaling panahon, pero kung iyan ang nais mo, ililihim ko," pag-alo nito kay Kojin bago lumisan sa kubol. Nang makaalis na ang manggagamot ay mabilis na pumasok si Kojin sa kubol para gamutin ang kanyang palad. Ibinalita niya sa katipan ang resulta ng pagtingin ng manggagamot sa kanyang kalagayan at ikinagalak naman ito ni Annabel. Nangako si Kojin na lalo pa siyang mamahalin at aalagaan, at dahil dito ay ginawaran naman siya ng h***k ng dalaga. Mabilis na lumipas ang panahon at lumaki na ang tiyan ni Annabel. Katulad ng normal na tao ang tradisyon na sinusunod ni Annabel, kagaya ng paglalakad - lakad tuwing umaga. Isang araw ay nakasalubong nila ang hari habang sila ay namamasyal. Matamang nakatingin ito sa tiyan ni Annabel. Kinamusta sila ng hari na sinagot naman ni Annabel ng maayos, ngunit para kay Kojin ay may masama itong hangarin. Kinagabihan ay ipinatawag ni Haring Murago si Kojin upang pag-usapan ang nalalapit na kapiyestahan sa kaharian. Kaagad namang sumunod si Kojin sa mga kawal matapos makapagpaalam sa asawa. "Kojin maupo ka, nais kong pamunuan mo bukas ang pagdiriwang sa kapistahan ng ating kaharian," panimulang sabi ni Haring Murago. "Opo kamahalan," maikling tugon ng kausap. "Katulad ng ating nakagawian, ikaw ang itinatalaga kong tatanggap ng mga handog ng bawat pamilya. Kailangan natin ng mga bagong kawal sapagkat marami ang nalagas sa ating hanay mula sa huli nating pakikipagdigma," dagdag pa nito. "Masusunod kamahalan," tugon muli ni Kojin. Tatayo na sana ang halimaw nang muling magsalita ang hari. "Kojin, batid kong manganganak na ang iyong asawa sa susunod na araw," muling sabi ng hari. Kahit pa inaasahan na babanggitin nito ang tungkol sa bagay na iyon ay napatigagal sa kanyang kinatatayuan si Kojin. "Anong ibig ninyong sabihin kamahalan?" painosenteng sagot niya. "Hinayaan kitang mamuhay nang matiwasay kasama ng mortal na iyan sa matagal ding panahon. Nais kong ipahayag mo bukas sa harapan ng lahat na iaalay mo sa akin ang sanggol kapag naisilang na ito mula sa sinapupunan ng iyong asawa," mariing wika ng hari. "Pero kamahalan..." naputol na wika niya nang muli itong nagsalita. "Nalimutan mo na yata Kojin, sinabi ko na may kapalit ang pagpapaubaya ko sa iyo sa buhay ng mortal na iyon. Ang sanggol ang kapalit ng buhay niya Kojin, humayo ka na at agajan mo bukas!" pagalit pang wika nito nang makitang hindi sang-ayon si Kojin sa kanyang hinihiling. Masama ang loob na lumabas si Kojin sa tahanan ng hari. Batid niyang simula bukas ay sa kaharian na maninirahan si Annabel hanggang sa makapanganak ito. Hindi niya alam kung ano ang plano ng hari ngunit natitiyak niyang hindi maganda ang hangarin nito. Nagmadali siyang umuwi upang ihanda ang kagamitan sa pagtakas. Pagkarating sa kubol ay hinablot niya ang isang sisidlan na nakasabit sa labas, kaagad niya itong tinalian ng matibay na baging sa magkabilang gilid. Pagkatapos niyon ay hinukay niya ang kometang nakabaon sa kubol at dumurog ng tatlong tipak bago ito muling ibinaon. Nagugulumihanan si Annabel sa nakitang ikinikilos ni Kojin. "Tatakas tayo mahal ko, bago sumikat ang araw, magpahinga ka muna riyan," sabi ni Kojin sa asawa. "Bakit biglaan naman yata ang gayak mo Kojin," ungkat ni Annabel. Ipinaliwanag ni Kojin ang naging usapan nila ng hari kaya naliwanagan ang isipan ni Annabel. Kaagad itong bumangon upang tulungan ang asawa sa ginagawa. Inihanda ni Kojin ang mga sibat at isa-isang tinalian ito ng kometa. Kaagad na nagpalit si Annabel ng komportableng damit at nagsuot ng damit panlamig. "Kapag tulugan na ang lahat ay saka tayo kikilos mahal ko, pupunta ako ng kuweba mamaya para tawagin si Gozo," ani Kojin. "Sige mahal ko, magpahinga ka muna, hatinggabi pa naman at may ilang oras pa tayo para maghanda," sagot nito. Sa kaharian ay hindi makatulog ang hari, masama ang kutob nito sa ikinilos ni Kojin kani-kanina lamang. Ipinatawag niya sa mga kawal sina Roldo at Brutus upang puntahan sa kubol si Kojin at bantayan.

 

Related chapters

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 3

    Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi. "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 4

    Napapitlag ang magkasintahan nang marinig ang mga boses ng dalawang heneral. Nag-aalalang nagkatinginan sila sapagkat naisip nilang natunghayan ng mga ito ang pagbukas ng dimensyon sa kabilang mundo. "Talagang ipinasyal mo pa rito ang nilalang na iyan Kojin ha, nakasisiguro ka bang mababantayan mo s'yang maigi?" patutsada ni Brutus. "Oo nga! At ano namang kalokohan iyang itinuturo sa iyo ng babaeng iyan? Paano ka makakahuli ng mga isda kung may pabigat sa unahan ang iyong sibat? Nababaliw ka na yatang talaga pinuno?" dagdag na sabi ni Roldo. "Inuulit ko sa inyong dalawa, kapag bumaba ng limang metro ang layo ninyo kay Annabel ay sabay ko kayong papaslangin!" pagalit na sagot ni Kojin. Nasindak naman ang dalawang heneral sa nakitang poot sa mga mata ng pinuno kaya nagsimula na silang maglakad papalayo. Nang makalayo na ang mga ito ay nakahinga ng maluwag ang magkasintahan sapagkat

Latest chapter

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART5

    Kinabukasan ay nagyayang mamasyal sa ilog si Annabel na kaagad namang pinaunlakan ng katipan. Magkahawak kamay silang naglalakad patungo roon habang masayang nagkukuwentuhan ukol sa kani-kanilang mundo. Ilang minuto pa ay may naramdaman si Kojin na kumakaluskos sa paligid nila. Hindi ito nagpahalata sa nobya at bagkus ay pinaupo muna niya ito sa isang malaking bato para kunwa'y makapagpahinga sandali. Nang makaupo ang dalaga ay nagulat pa ito nang biglang bumunot si Kojin ng espada at tumalon ng mataas patungo sa likuran ng isang malaking puno. Nang lingunin niya si Kojin ay marahan na itong umaatras habang isinusuksok ang espada sa kaluban nito. Habang umaatras naman siya ay dahan dahang umaabante si Gozo papalapit sa kanya. Napamulagat si Annabel nang makita ang mga ulo ng Magrim, aktong sisigaw pa sana siya nang maagapan ni Kojin na huwag humiyaw. Pinalapit pa ni Kojin si Anna

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 4

    Napapitlag ang magkasintahan nang marinig ang mga boses ng dalawang heneral. Nag-aalalang nagkatinginan sila sapagkat naisip nilang natunghayan ng mga ito ang pagbukas ng dimensyon sa kabilang mundo. "Talagang ipinasyal mo pa rito ang nilalang na iyan Kojin ha, nakasisiguro ka bang mababantayan mo s'yang maigi?" patutsada ni Brutus. "Oo nga! At ano namang kalokohan iyang itinuturo sa iyo ng babaeng iyan? Paano ka makakahuli ng mga isda kung may pabigat sa unahan ang iyong sibat? Nababaliw ka na yatang talaga pinuno?" dagdag na sabi ni Roldo. "Inuulit ko sa inyong dalawa, kapag bumaba ng limang metro ang layo ninyo kay Annabel ay sabay ko kayong papaslangin!" pagalit na sagot ni Kojin. Nasindak naman ang dalawang heneral sa nakitang poot sa mga mata ng pinuno kaya nagsimula na silang maglakad papalayo. Nang makalayo na ang mga ito ay nakahinga ng maluwag ang magkasintahan sapagkat

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 3

    Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi. "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

DMCA.com Protection Status