Share

THE WICKED BILLIONAIRE'S SON
THE WICKED BILLIONAIRE'S SON
Author: SHADOWWRITES

TWBS PART 1

Author: SHADOWWRITES
last update Huling Na-update: 2021-12-29 11:05:52

     Tok! Tok! Tok!

  "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak.

  "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan."

  "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport."

  "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga.

  Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga magulang niya ay nasa kanya naman na ang lahat. Kung tutuusin nga naman, napakaraming negosyo ng kanyang papa, tatlo ang mga rancho nila sa iba't ibang probinsya bukod pa rito ang apat na mga beach resorts na talaga namang malalawak ang lugar. Ang ina naman niya ang pinakamahusay na plastic surgeon sa bansa . Milyones ang pumapasok sa kanilang kaban kada buwan. Ngunit kahit ano pang pagpapaliwanag nila kay Annabel ay ipinilit pa rin nito ang pagpupursige ng pangarap. Katwiran ng dalaga na simula pagkabata ay sinunod naman niya ang mga ito, kaya siya naman ang humingi ngayon ng pagkakataong mapakinggan.

  Maya-maya pa ay bumaba na ang dalaga suot ang mamahaling bestida na regalo ng ina. Lalong lumutang ang kagandahan ng dalaga dahil sa kasuotan, sa taas nitong 5'8 ay talagang maiipagsabayan mo na sa mga Miss Universe. Maputi si Annabel, matangos ang ilong na tineternohan pa ng maninipis na mga labi, mahaba ang maitim na medyo along-alon na buhok. Ilang titulo rin nga naman ang kaniyang naiuwe mula sa mga patimpalak ng kagandahan sa kanilang paaralan. Bago tuluyang makababa ng hagdanan ay sabay na napatingin ang mag-asawa sa anak. Agad naman itong nagpose at may pag-ikot pang nalalaman kaya lalong natawa ang dalawa. Agad niyang niyakap ang mga ito at sabay-sabay na silang nagtungo sa dinning area.

  Habang kumakain ng masagang almusal ay walang tigil sa pagpapaalala ang mag-asawa ukol sa pag-alis nito. Puro pagsang-ayon naman ang tugon nito sa mga magulang.

  "Annabel anak, baka doon mo na makilala ang prince charming mo ha," biro ng ina.

  "Ikaw talaga Ma, wala pa sa plano ko ang pagboboyfriend ha," nakangirit nitong sagot.

  "Oo nga naman Hon, tingnan mo nga ang anak ng amigo nating si Miguel, aba ay nakailang basted na rin ang inabot noon dito sa ating anak ah" sali ng ama sa usapan.

  "Ay naku Pa, basta ako magwowork muna at magpupundar ng sarili kong mga kagamita,"dagdag ni Annabel.

  "Ikaw lang naman kase anak eh, 'di mo naman kailangan gawin yang mga bagay na iyan eh," sagot ng ama niya.

  "Hay naku Pa, ayan na naman tayo, just trust me okay?" sabay pisil sa kamay ng ama.

  "Oh s'ya s'ya baka kung saan na naman mapunta 'yan. Bilisan na natin at baka abutan pa tayo ng traffic ay malate pa itong baby natin." 

  ....

    Sa kaharian ng Isla Kumahor ay may nagaganap na pagdiriwang, nagkukumahog lahat ng mga halimaw doon sa pagbibigay ng alay sa kanilang demonyong hari. Mga nahuling mababangis na hayop at mga sariwang lamang dagat ang kanilang inihahandog sa kanilang hari. Si Kojin, bilang kanang kamay ng hari ang tumatanggap sa mga handog. Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ni Haring Murago, at siya na rin mismo ang ginawa nitong pinuno ng mga pulang kawal. May singkwentang pulutong ng mga kawal sa paligid ng isla, at sa tuwing may ganitong kasiyahan ay nadadagdagan pa ito sapagkat kasama sa iniaalay ng mga alipin ay ang kanilang panganay na anak na tumuntong na sa ikalabingwalong edad. Bawat pulutong ay may pinipili si Kojin para maging segunda mayor. Lahat ng mga ito ay kanyang sinasanay sa araw-araw. Mula sa paggamit ng mga espada, sibat at pana na talaga namang masterado na niya ang paggamit. 

    "Nakikita mo ba iyan Kojin, sa itinakdang panahon na ililipat ko na ang aking itim na kapangyarihan sa aking panganay na anak na si Ramir sana ay maging tapat ka pa rin sa kanya. Maliliit pa ang aking mga supling, tulad ng ating mga kawal sana ay sanayin mo rin silang mabuti bilang paghahanda sa kung anumang digmaan ang paparating. Hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa hinaharap, at bilang pinuno nila gabayan mo sila sa araw-araw nilang pamumuhay. Patayin kung sinumang susuway sa aking mga batas. Kahit pa mga sarili kong anak kung may nilalabag na alituntunin ng ating angkan ay kailangang iharap sa ating nasasakupan para kitilin ang buhay. Naiintindihan mo ba Kojin?" pabulong ngunit maririing mga salita na inilitanya ng Hari. 

    Kaagad namang lumuhod si Kojin at payukong tumugon sa iginagalang na Pinuno.

    "Naiitindihan ko kamahalan, walang pagkakataong ibibigay para sa mga taksil, kamatayan ang hatol aking Hari," simpleng tugon ni Kojin.

    "Magaling Kojin, magaling!!! Halina at samahan mo ako sa piging," sabay hawak nito sa balikat ni Kojin para tumayo.

    Agad namang sumenyas si Kojin sa mga tagasilbi, upang ihanda ang hapag para sa Hari. Lahat ay nagkukumahog na sumunod dito. Ilang minuto pa ay nakahain na ang mga paboritong lamang dagat ni Haring Murago, pati ang mga ulo ng naglalakihang mga hayop na nahuli sa paligid. Kasama ng pitong anak at tatlong asawa ay nagsimula nang kumain ang mga ito. Sumenyas ito kay Kojin na umupo sa pinakadulong bahagi ng mesa kaharap niya upang saluhan ang kaniyang pamilya. Pinagbigyan naman ni Kojin ang nais nito at nagsimula na ring kumain.

    Sa eroplano ay abala sa pagbabasa ng librong "Visiting New York" si Annabel, sa pamamagitan nito ay makakabisado niya ang mga lugar sa bansang iyon. May isa pa siyang libro  na ukol naman sa uri nang pamumuhay na meron ang mga banyagang kanyang pupuntahan, nang sa ganun ay hindi na siya mahihirapang makisalamuha pa sa mga ito. Punong puno ng sigla ang mga matang nangangarap si Annabel para sa kinabukasan niya. Sa isipan niya ay New York muna ang uunahin niyang libutin bago magtungo sa Europa at Canada. Magsisimula siya sa simpleng pagigng intern hanggang makamit ang pangarap na makapagtayo ng sariling mga negosyo sa iba't ibang bansa. Ang maipagmalaki ng mga magulang na uunlad siya sa kanyang sariling pamamaraan ang matagal na niyang ninanais.

    Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakbay ng maya-maya pa ay may kung anong malaking tipak na bato ang bumangga sa likurang bahagi ng eroplano. Nagpakiwal kiwal ang takbo ng eroplano hanggang magsimula nang umapoy ang tinamaan ng bato. Kumalat na ang makakapal na usok papasok sa passengers area. Natatarantang nag-anunsiyo ang piloto na maging mahinahon ang lahat, kasabay nang pagdating ng mga fligt attendants upang pakalmahin sila. Ngunit alam ng mga pasahero na walang magagawa ang mga ito kaya pumailanlang ang mga hagulgol at iyakan sa loob ng eroplano. 

    Maging si Annabel ay nagsimula nang magdasal dahil sa kahihinatnan ng trahedyang kakasangkutan. Hindi niya mahagilap ang telepono dahil sa pabilis na nang pabilis ang pag-ikot ng eroplano at patibusok na pagbaba nito sa 'di pa matanawang lugar. Nasa ganitong sitwasyon ang dalaga nang mula sa itaas ay bumagsak ang maletang dala sa kanyang batok.  Kaagad na nawalan ito ng malay at hindi na nasaksihan pa ang mga kaganapan sa loob ng  eroplano.

Kaugnay na kabanata

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 3

    Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi. "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 4

    Napapitlag ang magkasintahan nang marinig ang mga boses ng dalawang heneral. Nag-aalalang nagkatinginan sila sapagkat naisip nilang natunghayan ng mga ito ang pagbukas ng dimensyon sa kabilang mundo. "Talagang ipinasyal mo pa rito ang nilalang na iyan Kojin ha, nakasisiguro ka bang mababantayan mo s'yang maigi?" patutsada ni Brutus. "Oo nga! At ano namang kalokohan iyang itinuturo sa iyo ng babaeng iyan? Paano ka makakahuli ng mga isda kung may pabigat sa unahan ang iyong sibat? Nababaliw ka na yatang talaga pinuno?" dagdag na sabi ni Roldo. "Inuulit ko sa inyong dalawa, kapag bumaba ng limang metro ang layo ninyo kay Annabel ay sabay ko kayong papaslangin!" pagalit na sagot ni Kojin. Nasindak naman ang dalawang heneral sa nakitang poot sa mga mata ng pinuno kaya nagsimula na silang maglakad papalayo. Nang makalayo na ang mga ito ay nakahinga ng maluwag ang magkasintahan sapagkat

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART5

    Kinabukasan ay nagyayang mamasyal sa ilog si Annabel na kaagad namang pinaunlakan ng katipan. Magkahawak kamay silang naglalakad patungo roon habang masayang nagkukuwentuhan ukol sa kani-kanilang mundo. Ilang minuto pa ay may naramdaman si Kojin na kumakaluskos sa paligid nila. Hindi ito nagpahalata sa nobya at bagkus ay pinaupo muna niya ito sa isang malaking bato para kunwa'y makapagpahinga sandali. Nang makaupo ang dalaga ay nagulat pa ito nang biglang bumunot si Kojin ng espada at tumalon ng mataas patungo sa likuran ng isang malaking puno. Nang lingunin niya si Kojin ay marahan na itong umaatras habang isinusuksok ang espada sa kaluban nito. Habang umaatras naman siya ay dahan dahang umaabante si Gozo papalapit sa kanya. Napamulagat si Annabel nang makita ang mga ulo ng Magrim, aktong sisigaw pa sana siya nang maagapan ni Kojin na huwag humiyaw. Pinalapit pa ni Kojin si Anna

    Huling Na-update : 2022-01-08

Pinakabagong kabanata

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status