Share

TWBS PART 3

Author: SHADOWWRITES
last update Last Updated: 2021-12-29 11:08:09

      Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi.

  "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga.

  Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil sa pagpatay sa mga kasamahan niya, ngunit nang maalala ang pagkakaligtas nito sa kanya ay napalitan iyon ng paghanga sa halimaw. Naisip ng dalaga na wala namang pinatay ni isa si Kojin sa kanyang mga kasamahan, bagkus naisip niyang handa nitong ialay ang buhay para sa kaligtasan niya.

  "Mga huling hayop ko iyan, hindi kita bibigyan ng karne ng mga kauri mo, natitiyak kong gutom ka na," paniniyak ni Kojin.

  "Ano bang klaseng nilalang kayo at anong klaseng lugar ito? pagiiba ni Annabel ng usapan.

  "Hindi kita masasagot, ang alam ko lamang ay mga uri namin ang pinakamataas na klase sa islang ito, ngayon lamang ako nakakita ng mga kawangis namin. Ito lamang ang lugar na alam namin, hindi ko tiyak kung saang lupalop kayo nanggaling. Iyong malaking hayop na sinakyan ninyo, ngayon lamang namin nakita iyon," mahabang paliwanag nito.

  "Eroplano ang tawag dun at hindi uri ng hayop, ginawa rin lang iyon ng katulad kong tao. Ang lugar ninyong ito ay wala sa mapa namin, ni hindi ito nababanggit kahit kailan. Ano bang lugar ito?" tanong ni Annabel para makakuha ng impormasyon.

  "Isla Kumahor, ito lang ang kinamulatan naming lugar na meron sa buong mundo. Ang bawat sulok nito ay may nakaharang na hindi namin nakikita. Sabi ng aming mga babaylan, mahiwagang dimensyon ang nagkukulong sa amin dito bilang proteksyon sa hindi nila maipaliwanag na nakasulat sa propesiya. Kung ano lamang ang matatanaw mo rito ay iyon lamang ang kabuuan ng lugar na ito, kasama ang karagatan at himpapawid," mahaba nitong tugon. 

  "Kung gano'n, marami pa palang hiwaga ang bumabalot sa mundo. Hindi ko rin alam kung paanong napapasok kami rito kung may nakaharang nga kayo para sa kabilang dimensiyon," sagot ni Annabel.

  Kahit sa mga simpleng tanong ay nakabuo ng ideya si Annabel, anak siya ng isang eksperto kaya kahit papaano ay malawak ang kanyang kaalaman ukol sa mga bagay-bagay katulad ng hiyograpiya. Nakaisip siya ng paraan para makatakas sa islang ito, sa pamamagitan ni Kojin. Kukuhanin niya ang loob ng halimaw sapagkat ito ang magiging gabay para makauwi siya sa piling ng mga magulang.

  Ilang araw din na nagkulong sa loob ng kubol ang dalaga, lahat ng pagtatangka ni Kojin na ipasyal siya ay nabigo. Halos mga prutas lamang ang kanyang kinakain sa mga inihahanda ni Kojin sa kanyang maliit na mesa. Sinisiguro kase ng dalaga na hinding hindi siya makakatikim ng karne ng tao. 

  Sa labas naman ng kubol ay bahagyang nagbago ang pakikitungo ng mga kawal kay Kojin, puwera na lamang sa mga pinagkakatiwalaan niyang mga heneral at mga opisyal. Galit na galit pa rin sa kanya ang dalawang heneral na pinahiya niya nang iligtas niya si Annabel, sina Brutus at Rodlo. Matatalim ang mga titig nito sa tuwing mapapadaan siya sa kanilang harapan. Madalas siyang pinariringgan ng mga ito na huwag na huwag malilingat kundi ay lutong ulam na niyang madadatnan ang dalaga. Lagi namang nakakatikim ng buntal ang mga ito sa kanilang pinuno sa tuwing maririnig iyon. 

  Isang araw ay nagpatawag ng asembliya ang hari. Kaagad namang kinalap ni Kojin ang lahat ng mga kawal para pamunuan. Nagpahiwatig ng paglusob ang mga halimaw-putik na mortal nilang kaaway na naninirahan sa Bundok Nuesla, ito ay may dalawampung milya ang layo sa kanila. Para sa mga halimaw-putik na ito ay sumusobra na ang Hari sapagkat maging ang kanilang nasasakupan ay inaagawan ng makakain dahilan para magutom ang kanilang mga pamilya at mamatay na dilat ang mga mata. Para naman kay Kojin ay hind niya masisisi ang pasya ng Hari sapagkat matigas din ang mga ito, noon pa ang mga ito sinasabihan ng Hari na maging alipin niya para magkaroon naman ng silbi.

  "Simula sa araw na ito, wala nang kakalaban sa akin! Ang sinumang humarang sa aking mga plano ay papaslangin! Kapag hindi sumuko ang mga halimaw-putik na iyan ay ubusin ang angkan! Lahat ng traydor papatayin!!! Maliwanag!!! sabay taas ng kamay ng hari at matamang nakatitig ka Kojin. 

  "Ahooooooo, Ahooooooooo!!!" sabay-sabay na atungal ng mga kawal at mabibilis na nagsuguran sa direksyong itinuro ni Kojin. 

  Naiwan naman ang mga opisyal sapagkat may sasakyang malalaking hayop na lumilipad ang mga ito na tinatawag na Magrim. Malalaki ang pakpak na parang sa paniki, ulo ng dragon na may tatlong sungay at buntot na tusok tusok na kayang pumatay ng sampung halimaw nang sabay-sabay. Bumubuga ng nakalalasong apoy ang mga ito at kayang bumuwal ng isang bundok ang sunod-sunod na pagbuga. 

  Ilang sandali pa ay nagliparan na ang mga Magrim para sumugod kasunod ang mga  nagbibilisang mga nilalang na sinasakyan ng mga halimaw. Nang makarating na malapit sa lugar ay isa-isang nabulid ang mga ito sapagkat hinahatak sila ng mga halimaw-putik pailalim sa lupa. Ngunit bawat pag-alsa rin ng mga ito na mula sa ilalim ay kaagad na natatamaan ng palaso mula sa itaas at natatagpas ang mga ulo. Nang ganap nang maglabasan ang lahat nang halimaw-putik ay nagsimula na ang madugong labanan. Mabibilis din ang mga ito, ngunit dahil sa dami nila Kojin ay nalipol lahat ng kalaban. Pinuntahan nila Kojin ang lahat ng mga kubol at nang makitang naroroon pa lahat ng mga pamilya ng halimaw-putik ay inutusan ang mga Magrim na silaban ang mga ito. Agad namang bumuga ng apoy ang mga Magrim hanggang sa maging abo ang lahat ng kubol.

  Masayang masaya ang Hari sa tagumpay nila Kojin at mula sa araw na iyon ay natitiyak niya na wala nang manggugulo pa sa kanilang kaharian. Ibinalita ni Kojin kay Annabel ang nangyaring pag-atake nila sa mga kalaban at kunwa'y masaya rin ang dalaga para sa halimaw. Natuwa naman si Kojin sa reaksiyon na iyon ng dalaga at parang bata na nagtatakbo palabas. Natawa naman nang 'di sinasadya ang dalaga sa nasaksihan, kahit pa halimaw ito ay parang totoong tao rin kung kumilos sa harapan niya. Ang bawat mga hakbang pala ni Kojin na ginagawa para sa dalaga ay senyales na nanliligaw na ito. 

  Kunsabagay, sa isipan ni Annabel kung tatanggalin mo lang ang sungay, pangil at buntot ni Kojin ay hindi maipagkakailang napakakisig na lalaki rin nito. Hindi nagtagal ay nahulog na rin ang loob ni Annabel sa halimaw dahil sa kabutihan nito sa kanya. Naging masaya ang kanilang mga sumunod na araw hanggang sa lumabas na rin ng kubol si Annabel at sumama sa pamamasyal dito. Isinama siya ni Kojin sa hangganan ng harang at dito niya napatunayan na totoo ang sinasabi ng halimaw. Binilinan pa siya ni Kojin na huwag tatangkaing hawakan ang hindi nakikitang harang ngunit sinubukan pa rin niya ito. Kaagad na tumalsik si Annabel nang kapain ang harang na para bang may kuryenteng bumalot sa kanyang katawan. Mabuti na lamang at napakabilis ni Kojin at kaagad siyang nasalo bago mapatama ang ulo sa bato. Iniuwi agad siya nito sa kubol at nilapatan ng paunang lunas. 

  Tatlong araw pa bago nagkamalay ang dalaga at itinanong sa kasintahan ang nangyari. Pinaliwanag naman ni Kojin na kahit na anong bagay ang tatama sa harang na iyon ay matitilapon ito pabalik. Sa pagkakataong iyon ay nabuo ang hinala ni Annabel kung bakit sila nakapasok sa isla. Kaya nang maipaliwanag niya sa halimaw ang nangyari bago sila maaksidente ay ipinagutos niya kay Kojin na kunin ang batong nakalubog sa likurang bahagi ng eroplano. Sa palagay niya ay ang kometang iyon ang dahilan kaya nakalusot sila sa harang. Kaagad naman na nagtungo si Kenzo sa lugar at pasikretong kinuha ang malaking tipak ng bato na nakabaon sa eroplano. Matagumpay itong nakabalik sa kubol at sinabihan ang mga kawal na huwag ipagsasabi ang nakita. Pagdating doon ay gumawa ng hukay si Kojin at ibinaon muna ang kometa. 

Nang makabawi ng lakas si Annabel ay muli itong nagpasama kay Kojin patungo sa hangganan ng harang. Pinakuha niya ito ng kapirasong bato at saka sinabihan si Kojin na magdala ng sibat. Ipinangko ni Kojin si Annabel sa kanyang likuran upang madaling makarating sa lugar at pagkarating dito ay kaagad na ipinatali ang bato sa dulo ng sibat. Nang maitali na ang bato ay kaagad na hinawakan ni Annabel ang sibat para itutok sa harang. Unti-unti niya iyong inilapit sa direksiyon ng hindi makitang harang at namangha ang magkatipan nang bahagyang parang may butas na bumungad sa kanila. Nakangiting napatingin si Annabel sa katipan bago iabot dito ang sibat para ipagpatuloy ang ginagawa, lumaki nang lumaki ang butas at dito na nila sabay na nabanaagan ang ibang mga isla na may kalayuan sa lugar nila. Niyakap ni Annabel sa sobrang kasiyahan ang nobyong halimaw at hindi napigilang m*******n niya ito sa labi. Ito ang unang pagkakataon na m*******n niya ang halimaw at tuwang tuwa naman si Kojin sa ikinilos na iyon ng dalaga at binuhat pa siya nito. Muli pa silang nagyakap nang...

  "Magaling! magaling!" mula sa likuran nila ay ang mga pumapalakpak na sina Brutus at Roldo.

Related chapters

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 4

    Napapitlag ang magkasintahan nang marinig ang mga boses ng dalawang heneral. Nag-aalalang nagkatinginan sila sapagkat naisip nilang natunghayan ng mga ito ang pagbukas ng dimensyon sa kabilang mundo. "Talagang ipinasyal mo pa rito ang nilalang na iyan Kojin ha, nakasisiguro ka bang mababantayan mo s'yang maigi?" patutsada ni Brutus. "Oo nga! At ano namang kalokohan iyang itinuturo sa iyo ng babaeng iyan? Paano ka makakahuli ng mga isda kung may pabigat sa unahan ang iyong sibat? Nababaliw ka na yatang talaga pinuno?" dagdag na sabi ni Roldo. "Inuulit ko sa inyong dalawa, kapag bumaba ng limang metro ang layo ninyo kay Annabel ay sabay ko kayong papaslangin!" pagalit na sagot ni Kojin. Nasindak naman ang dalawang heneral sa nakitang poot sa mga mata ng pinuno kaya nagsimula na silang maglakad papalayo. Nang makalayo na ang mga ito ay nakahinga ng maluwag ang magkasintahan sapagkat

    Last Updated : 2021-12-29
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART5

    Kinabukasan ay nagyayang mamasyal sa ilog si Annabel na kaagad namang pinaunlakan ng katipan. Magkahawak kamay silang naglalakad patungo roon habang masayang nagkukuwentuhan ukol sa kani-kanilang mundo. Ilang minuto pa ay may naramdaman si Kojin na kumakaluskos sa paligid nila. Hindi ito nagpahalata sa nobya at bagkus ay pinaupo muna niya ito sa isang malaking bato para kunwa'y makapagpahinga sandali. Nang makaupo ang dalaga ay nagulat pa ito nang biglang bumunot si Kojin ng espada at tumalon ng mataas patungo sa likuran ng isang malaking puno. Nang lingunin niya si Kojin ay marahan na itong umaatras habang isinusuksok ang espada sa kaluban nito. Habang umaatras naman siya ay dahan dahang umaabante si Gozo papalapit sa kanya. Napamulagat si Annabel nang makita ang mga ulo ng Magrim, aktong sisigaw pa sana siya nang maagapan ni Kojin na huwag humiyaw. Pinalapit pa ni Kojin si Anna

    Last Updated : 2022-01-08
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

    Last Updated : 2021-12-29
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

    Last Updated : 2021-12-29

Latest chapter

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 3

    Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi. "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

DMCA.com Protection Status