Share

TWBS PART 4

Author: SHADOWWRITES
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Napapitlag ang magkasintahan nang marinig ang mga boses ng dalawang heneral. Nag-aalalang nagkatinginan sila sapagkat naisip nilang natunghayan ng mga ito ang pagbukas ng dimensyon sa kabilang mundo. "Talagang ipinasyal mo pa rito ang nilalang na iyan Kojin ha, nakasisiguro ka bang mababantayan mo s'yang maigi?" patutsada ni Brutus. "Oo nga! At ano namang kalokohan iyang itinuturo sa iyo ng babaeng iyan? Paano ka makakahuli ng mga isda kung may pabigat sa unahan ang iyong sibat? Nababaliw ka na yatang talaga pinuno?" dagdag na sabi ni Roldo. "Inuulit ko sa inyong dalawa, kapag bumaba ng limang metro ang layo ninyo kay Annabel ay sabay ko kayong papaslangin!" pagalit na sagot ni Kojin. Nasindak naman ang dalawang heneral sa nakitang poot sa mga mata ng pinuno kaya nagsimula na silang maglakad papalayo. Nang makalayo na ang mga ito ay nakahinga ng maluwag ang magkasintahan sapagkat nalasisiguro silang walang nasaksihan ang mga ito. Tinanggal muli ni Kojin ang nakataling kometa sa sibat bago ilagay iyon sa sisidlang nakapulupot sa kaniyang baywang. Tuwang-tuwa silang bumalik sa kubol na tinitigilan ng dalaga. At dito ay muling ginawaran ni Annabel ng matamis na h***k sa labi ang halimaw. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit pa hindi normal na tao ang kanyang kaharap ay malakas ang kabog ng kanyang puso sa tuwing kasama ito. Sa pakiwari niya ay tinanggap na ng buo niyang pagkatao ang inihaing pagibig nito. "Salamat Kojin, nagkaroon ako ng pagasang makabalik sa aming mundo, masayang masaya ako ngayong araw," sambit ni Annabel. "Wala iyon Annabel, basta para sa ikaliligaya mo ay gagawin ko ang lahat para sa iyo, mahal na mahal kita," sagot naman ni Kojin. "Mahal na mahal din kita Kojin! nakangiting turan ni Annabel sa katipan. Dahan-dahang hinalikan ni Kojin sa labi ang katabing dalaga. Hindi naman umiwas si Annabel bagkus ay ginantihan nito ang bawat h***k ng katipan hanggang sa pareho silang nahiga sa nakalatag na higaan ng dalaga. Nagsimula na ng ritwal ng pag-iisang katawan si Kojin. Kahit pa nabigla si Annabel sa laki ng dinadala ng halimaw ay hinayaan niya itong gawin ang nais sa kanyang katawan. Naging malumanay naman ang mga kilos ni Kojin upang hindi masyadong masaktan ang dalaga. Ilang minuto lang ay napagtagumpayan na ng halimaw ang pagkuha sa pinakaiingatang yaman ng dalaga. Pagkatapos ng mahabamg paglulunoy sa kaligayahan ay bumagsak sa tabihan ng dalaga ang halimaw hanggang sa magkasabay na silang makatulog. Nanghihina pa si Annabel nang magising sa kanyang higaan, at agad din niyang napansin na napalitan na ang latag nito. Marahil ay pinalinisan na ni Kojin ang telang hinihigaan ni Annabel matapos itong mamantsahan ng dugo mula sa pagkapunit ng kanyang pagkabirhen. Ilang minuto lang ay pumasok si Kojin sa kubol na may dalang mangkok na umuusok pa sa kainitan. Kinuha nito ang isang maliit na mesa at kaagad na inihain sa harapan ni Annabel. "Humigop ka muna ng sabaw Annabel, ako ang nagluto niyan. Ibinigay sa atin ng aking mga kawal ang ilan nilang nahuling isda," alok ni Kojin. Kaagad namang humigop si Annabel ng sabaw at nalasahan naman kaagad niya ang sarap ng niluto ng katipan. Nakangiti siyang lumingon sa halimaw bilang tamda ng pasasalamat. "Masarap nga mahal ko," puri nito sa luto ni Kojin. "Sige lang, ubusin mo iyan para makabawi ka ng lakas," nakangiti nitong tugon. "Sabayan mo na ako mahal ko, ikaw ba hindi nanghina," panunudyo ni Annabel. "Medyo nanghina mahal ko, sige kukuha pa ako sa labas," sabi nito sabay tayo. Masayang kumain ang dalawa at nagkuwentuhan kung paano ang pamumuhay ng bawat isa sa kani-kanilang mundo. Para kay Annabel ay napakasimple lamang pala ng buhay sa islang iyon. Ayaw lamang ng hari na may kakalaban sa kanya at kokontra sa kanyang mga plano. Sinamantala niya ang pagkakataon para ipahayag kay Kojin na nais niyang umuwi na para makapiling ang kanyang pamilya. Noong una ay nagalit si Kojin sapagkat naisip nitong iiwanan na siya ng dalaga, ngunit nang maipaliwanag ni Annabel na nais niya itong isama ay kaagad din itong sumang-ayon. Magkatulong silang nag-isip ng plano kahit pa para kay Kojin ay napakahirap noon sapagkat napakaraming kawal ng hari. Sinabi pa nito na kailangan pa nila ng mahabang panahon para maisakatuparan ang plano. "Ang naiisip ko lamang na maaari nating daanan ay sa ilog mahal ko," panimula ni Kojin. "Kung makarating tayo roon, saan naman tayo sasakay," sagot ni Annabel. "Mga Magrim lang ang may kakayahang makalipad ng mabilis mula rito, ngunit lahat sila ay tapat sa hari mahal ko," muling sabi ni Kojin. "Kung gano'n kailangan ka makaisip ng paraan para mapaamo mo sila at mapasunod sa'yo," suhestyon ni Annabel. "Tama ka mahal ko, magandang ideya 'yan, pero aabutin tayo ng ilang buwan bago sila mapaamo," sabi na lang ni Kojin. Kinabukasan ay kaagad na nagtungo si Kojin sa malaking kuweba kung nasaan ang mga Magrim. Pagkapasok pa lamang niya sa bungad ng kuweba ay kaagad na nagtayuan ang mga natutulog na Magrim bago sunod -sunod na umatungal. Sinenyasan niya ang mga ito na huwag maingay kaya kumalma ang mga ito. Nasa apatnapu ang bilang ng mga Magrim sa isla na iyon. Matagal ang buhay ng mga ito ngunit napakatagal din naman ng kanilang pangingitlog. Nakilala ng mga Magrim si Kojin kaya nanahimik ang mga ito lalo pa nang makita nila na may dalang isang punong isda ang sisidlang bitbit ng dalawang kawal na sumulpot sa kanyang likuran. "Shhhhhh, shhhhh huwag kayong maingay mga kaibigan, nais ko lamang kayong bisitahin," pagsaway ni Kojin sa ilang bumubuga ng apoy. Mayamaya ay may biglang sumugod sa kaniyang tagiliran na batang Magrim. Nahihintakutang bumunot ng espada ang dalawang kasama ni Kojin nang dahan dahang lumalapit ang batang Magrim. Nagkaskas ito ng paa sa sahig tanda na aatakehin nito ang mga kawal. Nag-ungulan ang ibang mga matatandang Magrim na senyales na hinahayaan nilang ipakita ng batang Magrim ang tapang nito. Nang ganap na makalapit ito sa dalawa at akmang sasaksakin ang Magrim ay pumagitna si Kojin at sinalag ng dalawang kamay ang mga espada nito. Natigilan naman sa pagsugod ang batang Magrim, at pumaikot ito sa tatlo habang nagwawagwag ng buntot. Sumenyas si Kojin sa batang Magrim na hindi nila hangad na makipaglaban sa kanya. Para namang bata na sumubsob sa lupa ang kakatwang halimaw na para bang naiintindihan ang nais ipahiwatig ni Kojin. Habang nakadapa ito sa lupa ay kumuha ng dalawang isda si Kojin sa sisidlan at inihagis sa harapan nito. Natutuwang sinalo ng bibig ng batang Magrim ang mga isda at saka nagtatakbo sa likuran ng kanyang mga magulang. Kaagad na umungol ang dalawang malalaking Magrim habang nakamasid kay Kojin, unti-unti namang umatras sina Kojin papalabas ng kuweba. Nang ganap silang makalabas ay pinagpiyestahan ng mga Magrim ang dala nilang handog. Habang papalayo sila sa kuweba ay lumingon muli si Kojin sa kuweba at nakita niya ang batang Magrim na para bang nagpapaalam sa kanila. Kinawayan niya ito bilang pamamaalam at kaagad namang nagpaikot-ikot ito sa kanyang kinatatayuan. "Pinuno akala ko ay mapapalaban na tayo sa mga Magrim na iyon eh," wika ni Ablas. "Oo nga pinuno, buti na lamang at hindi tayo inatake ng mga matatandang Magrim kung hindi ay sa kuweba na tayo maaabo," dagdag naman ni Rafu. "Panatilihin niyo lamang ang pagiging kalmado sa harapan nila, kung ano ang ikinikilos ninyo ay siya ring isusukling kilos nila. Nahirapan din kami noong una kaming sumakay sa mga iyan, sapakat tanging ang hari lamang ang nakakapag-utos sa kanila kung ano ang gagawin," mahabang litanya ni Kojin. "Babalik pa ba tayo sa kuweba pinuno," untag ni Rafu. "Oo naman bukas na bukas din ay manghuhuli muli tayo ng mga isda para ihandog sa kanila. Oh malapit na tayo sa kampo, mauuna na ako sa inyong dalawa, ilihim ninyo ang lakad nating ito," wika ni Kojin habang tumatakbo papalayo. "Masusunod pinuno!" Sumasaludong wika pa ng dalawa. Pagkarating sa kubol ay kaagad na ibinalita ni Kojin kay Annabel ang resulta ng lakad nito sa kuweba. Habang nakikinig ay mababanaag sa mukha ni Annabel ang pagasang may mapapaamo silang Magrim. Bilang gantimpala sa katipan ay muling ibinigay ni Annabel ang sarili dito. Nasiyahan naman si Kojin sa ikinilos ni Annabel kaya hinusayan nito ang pagpapaligaya sa dalaga. Makailang beses silang nakarating sa r***k ng kaligayahan hanggang sa mapagod na at makatulog. Kinabukasan ay maagang pinagayak ni Kojin ang mga kawal upang manghuli ng mga isda. Kaagad namang nagsipaghanda ang mga ito upang mamana ng mga isda at sa loob lamang ng dalawang oras ay nakapuno sila ng dalawampung sisidlan. Ipinatabi ni Kojin ang limang sisidlan at saka ipinadala ang iba pa sa tahanan ng hari. Pagkatanggap ng hari ay natuwa ito sa mga kawal at kaagad ding ipinamahagi iyon sa kani-kanilang pamilya. Nang sumapit ang takip-silim ay hinudyatan niya ang sampung kawal ng kanyang personal na pulutong at saka pinabuhat ang limang sisidlan. Pinangunahan sila nila Rafu at Ablas patungo sa kuweba. Kahit pa natatakot sa tinatahak na landas ay patuloy lamang ang mga ito sa paglalakad. Walang mangahas na magtanong sa kanilang pinuno kung bakit sila payungo sa kuweba, pero napansin naman ito ng dalawang unang nakasama ni Kojin kaya sila na ang nagpaliwanag sa mga kasamahan ukol sa lakad na ito. Habang naglalakad ay nag-uungkat ang mga ito kung paano sila nakalapit sa mababangis na Magrim. Sinaway na lamang sila ng dalawa at sumenyas na ang pinuno na nila ang bahala pagkarating doon. Kalahating oras din ang kanilang nilakad bago makarating sa kuweba. Pagkatuntong pa lamang nila sa bungad ay nagtayuan na ang malalaking mga Magrim. Napaatras ang mga bagong salta sa kuweba, ngunit nang makita ang tatlong sumusulong papalapit sa mga halimaw na lumilipad ay umabante na rin ang mga ito. Marahang inilapag nila Rafu at Ablas ang sisidlang puno ng mga isda sa harapan ng mga Magrim. Gumaya na lamang ang walo pang kawal sa ginawa nila at ibinubo ang mga isda sa harapan ng mga ito. Nagalak ang mga halimaw sa handog nila Kojin at kaagad na sinibasib ang kanilang dalang regalo. Nang mabusog ang mga ito ay kaagad ding nagsitabihan upang magpahinga at matulog. Ilang minuto pa ay biglang lumapit ang batang Magrim at nagpaikot-ikot sa kanilang lahat habang kumakawag ang buntot. Tumigil ito sa harapan ni Kojin at saka siya dinilaan sa braso at mukha. Ramdam ni Kojin na nakikipagkaibigan ito sa kanya kaya kaagad din niyang hinaplos ang mukha nito. Hinayaan naman ng mga magulang ng batang Magrim ang anak na lumapit ito kay Kojin. Nakipaglaro saglit ang halimaw sa batang Magrim bago nagpasyang lisanin ang kuweba. Nang nasa bungad na ng kuweba sina Kojin ay humabol pang muli ang batang Magrim. Pinauna na ni Kojin ang mga kawal bago bumulong sa batang Magrim. "Ako ang iyong bagong kaibigan, at simula ngayon papangalanan kitang Gozo," bulong nito sa Magrim. Para namang totoong bata na nagkaroon ng bagong kalaro si Gozo, tumatakbo itong bumalik sa mga magulang nang makaalis na sina Kojin. Hinimod lamang ito ng mga magulang hanggang sa tuluyang makatulog sa tiyan ng ina. Muli pa ay ikinuwento ni Kojin kay Annabel ang nangyari sa lakad nila at nagalak naman ang katipan sa magandang balita. "Mahal ko, may kaibigan na akong Magrim kaso lang napakabata pa niya," panimula ni Kojin. "Ganoon ba Kojin, paano iyan makakaya ba niya tayong buhatin pag nagkataon?" Nagaalalang sambit ni Annabel. "Siguro bibilang tayo ng mga pitong buwan bago pa siya magkaroon ng lakas ng pangangatawan," sagot naman ng halimaw. "Makakapaghintay ako mahal ko, basta kasama kitang aalis dito magiging maligaya na ako," sabi ni Annabel sabay hilig sa balikat ng katipan. Kaagad namang hinaplos ni Kojin ang buhok ng dalaga habang nangangako na plaplanuhing mabuti ang kanilang pagtakas.

Kaugnay na kabanata

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART5

    Kinabukasan ay nagyayang mamasyal sa ilog si Annabel na kaagad namang pinaunlakan ng katipan. Magkahawak kamay silang naglalakad patungo roon habang masayang nagkukuwentuhan ukol sa kani-kanilang mundo. Ilang minuto pa ay may naramdaman si Kojin na kumakaluskos sa paligid nila. Hindi ito nagpahalata sa nobya at bagkus ay pinaupo muna niya ito sa isang malaking bato para kunwa'y makapagpahinga sandali. Nang makaupo ang dalaga ay nagulat pa ito nang biglang bumunot si Kojin ng espada at tumalon ng mataas patungo sa likuran ng isang malaking puno. Nang lingunin niya si Kojin ay marahan na itong umaatras habang isinusuksok ang espada sa kaluban nito. Habang umaatras naman siya ay dahan dahang umaabante si Gozo papalapit sa kanya. Napamulagat si Annabel nang makita ang mga ulo ng Magrim, aktong sisigaw pa sana siya nang maagapan ni Kojin na huwag humiyaw. Pinalapit pa ni Kojin si Anna

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 3

    Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi. "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil

Pinakabagong kabanata

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 4

    Napapitlag ang magkasintahan nang marinig ang mga boses ng dalawang heneral. Nag-aalalang nagkatinginan sila sapagkat naisip nilang natunghayan ng mga ito ang pagbukas ng dimensyon sa kabilang mundo. "Talagang ipinasyal mo pa rito ang nilalang na iyan Kojin ha, nakasisiguro ka bang mababantayan mo s'yang maigi?" patutsada ni Brutus. "Oo nga! At ano namang kalokohan iyang itinuturo sa iyo ng babaeng iyan? Paano ka makakahuli ng mga isda kung may pabigat sa unahan ang iyong sibat? Nababaliw ka na yatang talaga pinuno?" dagdag na sabi ni Roldo. "Inuulit ko sa inyong dalawa, kapag bumaba ng limang metro ang layo ninyo kay Annabel ay sabay ko kayong papaslangin!" pagalit na sagot ni Kojin. Nasindak naman ang dalawang heneral sa nakitang poot sa mga mata ng pinuno kaya nagsimula na silang maglakad papalayo. Nang makalayo na ang mga ito ay nakahinga ng maluwag ang magkasintahan sapagkat

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 3

    Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi. "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

DMCA.com Protection Status