Share

TWBS PART 2

Author: SHADOWWRITES
last update Huling Na-update: 2021-12-29 11:06:43

Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng s*****a na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga sungay na bahagyang tumubo at sa mas maiigsing mga buntot. Kumikislap ang pangil ng mga ito sa tuwing umaatungal o dili kaya ay nag-uusap. Ilang oras din ang lumipas nang kalagan isa-isa ang mga wala nang buhay niyang mga kasama, inihilera ang mga iyon sa tabi ng pugon.

      Ilang minuto pa ay pinagtabi-tabi silang mga nabubuhay pang mga tao, inilipat sa pagkakagapos sa kaniyang kinaroroonan ang mga ito. Matapos nito ay kusang naglayuan ang mga kawal nang makita ang senyas ni Haring Murago.  Lumapit ito sa kanilang kinaroroonan kasama si Kojin at sa kanilang lengguwahe ay umusal ng mga tanong sa dalawang nakaunipormeng piloto. Hindi naman maintindihan ng mga ito ang kanyang sinasabi kung kaya't agad silang sinikmuraan ng hari dahilan para mapasuka sila ng dugo dahil sa sobrang lakas ng halimaw. Lumapit ang mga ito kay Annabel at saka muling nagtanong, hindi rin umimik ang dalaga sapagkat wala siyang maintindihan kahit na isa man lamang na salita.  Uundayan na sana siya ni Haring Murago nang malakas na suntok sa sikmura nang salagin iyon ni Kojin. Mamaya pa ay nag-usap ang mga ito sa kanilang lengguwahe. Muling lumapit si Haring Murago kay Annabel at mariin na dinakot ang kaniyang ulo saka tumingala na parang may inuusal na dasal. Para namang may humihigop na kung ano sa sentido ni Annabel habang ginagawa ito. Makalipas ang limang minuto ay binitawan siya ni Haring Murago, hinang-hina siyang napayuko sa harapan ng dalawang halimaw. Nagulat siya nang muling magsalita si Haring Murago sapagkat naiintindihan na niya ito. 

      "Hoy nilalang! Anong klaseng halimaw kayo at napadpad kayo rito sa aming isla?" tanong ng hari.

      "Mga tao po kami hindi halimaw, maawa po kayo sa amin," sumamong sagot ni Annabel.

      "Bwuahaha, anong tao ang sinasabi mo? mga halimaw kayo, tingnan mo kung paano ninyo sinira ang aming kagubatan!" nakagigimbal nitong atungal.

      "Hindi po namin sinasadya na mangyari ito, isang malaking aksidente po ang nangyari kaya kami napadpad sa lugar ninyo, kung maaari po sana ay pauwiin na ninyo kami,"  pagmamakaawa niya.

      "Hindi mo ba alam kung gaano karaming mga hayop na pagkain namin at puno ang winasak ninyo? Magmasid ka halimaw!" sigaw nito.

      Iginala ni Annabel ang kanyang mga mata at nakita niya kung gaano kalaking pinsala ang idinulot ng pagbagsak ng eroplano sa kapaligiran. Nagtumbahan ang mga puno na hitik sa mga hilaw na mga bunga at nagkalat ang mga hayop kabilang ang maliliit pang uri nito. Hindi niya maisip kung ano pang mga sunod na gagawin ng hari kaya napaiyak na lamang siya. Nakita niyang nag-uusap muli ang dalawa at parang nagtatalo habang nakatingin sa kanya si Kojin. Parehong labas ang mga pangil ng mga ito habang nagdedebate. Ilang sandali pa ay naglakad na ang mga ito papalapit  sa kanilang pangkat.

      " Puwede naman natin sila gawing alipin aking Hari," suhestiyon ni Kojin.

      "Sinabi ko na sa iyo Kojin, kamatayan ang hatol ko sa mga mapaminsala sa ating kapaligiran. Gusto kung paslangin mo silang lahat at ialay sa akin ang mga ulo!"  madiin nito utos.

      "Pero mahal na hari..." hindi na naituloy pa nito ang sasabihin nang tadyakan siya ni Haring Murago bago lumayo.

      Napalugmok siya sa harapan ni Annabel at marahang tumunghay sa kaniya habang hawak-hawak niya ang sikmura bago nagbawi ng tingin. Napadako ang mga mata ni Kojin sa direksiyon ni Haring Murago at nakita niya na sinenyasan nito ang dalawang heneral ng mga hukbo. Kaagad na bumunot ang mga ito ng mga espada at pasugod na lumapit sa direksiyon nila. Walang sabi-sabing pinagsasaksak ng mga ito ang mga kasamahan ni Annabel at pinugot ang mga ulo. Mabilis na lumapit ang dalawa sa kinaroroonan nila at saka sabay na inambahan ng espada si Annabel. Napasigaw ang dalaga ngunit natigilan siya nang makita niyang sinalag ni Kojin ang atake ng mga ito. Kaagad na pinagsusuntok at pinagsisipa niya ang mga ito, lahat ng mga atake ng dalawa para patayin si Annabel ay kanyang napipigilan. Ilang saglit pa ay kumaripas din ng takbo papalapit ang mga ito sa hari nang makitang bumunot na ng espada si Kojin. Alam nila ang abilidad ni Kojin kaya hindi na sila nagtangka pang lumaban dito. Nang makalapit sa hari ang dalawa ay inumbag ng hari ang mga ito at sinabihang walang mga silbi. Hindi na kailangan pang ipaliwanag ng mga ito ang nangyari sapagkat nasaksihan naman ito ni Haring Murago. Galit na galit na lumapit si Haring Murago kina Kojin.

      "Mukhang gusto mong magtaksil Kojin, alam mo ba ang kaparusahan ng mga tulad mong traydor? Kamatayan Kojin, kamatayan!!! nanggigigil nitong sigaw sa kaharap bago itinutok ang makapangyarihang kamay para paslangin siya.

      Nagkidlatan sa kalangitan kasabay nang paglakas ng hangin at ganap na dumilim ang kapaligiran bunga ng maitim na kapangyarihang lumalabas sa katawan ng hari.

      " Sandali...." wika ni Kojin.

      Natigagal naman ang hari sa sinabi nito kaya kaagad ding ibinaba ang mga kamay. Humupa ang malakas na hangin at kidlat bago bumalik sa normal ang kapaligiran.

      "Ano iyon hangal?" tugon ng Hari.

      "Ipinangako mo sa akin na kahit anong gusto ko sa ating kaharian ay kaya mong ibigay mahal na hari. Maging ang iyong trono kung aking hihilingin sa huling araw na itinakda ng iyong buhay ay mas kaya mong ibigay sa akin higit pa sa iyong mga anak. Buong buhay ko ay inialay ko sa iyo mahal na hari, ngayon lamang ako hihiling sa iyo, ipaubaya mo sa akin ang buhay ng nilalang na ito," pagsusumamo ng nakaluhod na si Kojin. 

      "Ngunit nasusulat sa propesiya na mula sa itaas ay babagsak dito ang dahilan kung paanong malilipol ang ating angkan Kojin, batid mo iyan!" matigas nitong tugon.

      "Pero tingnan mo ang kanilang mga uri mahal na Hari, napakahina nila at madaling paslangin," sabi nito kasabay nang pagturo sa mga wala nang buhay na mga nilalang.

      "Kung ganun Kojin, iyan na ang kaisa isahan mong kahilingan sa akin at tandaan mo ito, lahat nang iyan ay may kapalit!  Bwuaahhhaaaa bwuaaahhhaaaaa!!!" 

      "Maasahan mo mahal na Hari, kahit anong kapalit ay ibibigay ko sa iyo," natutuwa niyang tugon.

      Habang sinasabi ito ay patuloy naman sa paglalakad papalayo ang hari na hindi pa rin tumitigil sa paghalakhak. Nakabibingi ang pagtawa nito na para bang may kasamang poot at paghihiganting bumabalot sa kanyang mga halakhak. Nag-utos ang hari sa mga kawal kung anong gagawin sa mga bangkay. 

      Nagimbal si Annabel sa nasaksihan niya sa ginagawa sa mga kasamahan niya. Parang mga karneng kinakatay ng mga halimaw ang katawan ng mga ito bago nilalagyan ng mga kakaibang sangkap sa pagluluto. Naduduwal si Annabel habang pinagmamasdan ang kaganapang iyon habang kinakalagan siya ni Kojin. Nang tuluyan na siyang makalagan ni Kojin ay isang kamay nitong isinampay sa kanyang balikat ang dalaga. Binuhat siya ng matipunong halimaw patungo sa kaniyang kubol at dito marahang ibinaba ang dalaga sa sahig.  Nagsisigaw si Annabel sa loob, at saka nagtangkang lumabas pero kaagad siyang nahagilap ni Kojin.

      "Sige ka, subukan mong lumabas dito at nang matulad ka sa mga kasamahan mong halimaw," banta ni Kojin.

      "Mga hayop kayo! Mga kriminal, mga mamamatay tao!" galit na sigaw ni Annabel bago muling naupo sa takot na lumabas.

      "Ano ba'ng tao ang sinasabi mo, anong klase ba kayong nilalang?" tanong ni Kojin.

      "Mga tao kami, tao tao!!! Kayo ang mga halimaw!!!" gigil niyang sagot.

      "Mabuti pa magpahinga ka muna diyan at ikukuha kita ng makakain," paalam nito.

      Nagdadalawang-isip ang dalaga kung tatakas sapagkat natitiyak niyang kapag nahuli siya ay papatayin siya ng ibang kalahi ng halimaw na nagligtas sa kanya. Sumilip siya sa siwang nang nakasaradong pinto at kita niya na may mahigit sampung kawal ang nakabantay sa kubol. Naalala niyang isang mataas na opisyal ang nagligtas sa kanya. Mas kakaiba ang kasuotan nito kesa sa karamihan, kumikislap ang baluti ni Kojin na tila ba gawa sa isang mataas na uri ng metal. Napaatras ang dalaga nang matanawan niyang pabalik na ang halimaw sa kubol.

Kaugnay na kabanata

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 3

    Pagbalik ni Kojin ay may dala na itong mga pagkain na nakalagay sa mangkok na gawa sa kahoy at maraming mga prutas na kakaiba. Iniabot niya ang mga ito kay Annabel ngunit tinanggihan naman ito ng dalaga. Sinuri ni Annabel ang karneng may sabaw sa lagayan nito saka nandidiring sinipa ang mangkok. Napatiim-bagang si Kojin sa ginawing iyon ng dalaga at pagbubuhatan na sana ito ng kamay kundi lang nakapagtimpi. "Mga halimaw kayo!!! Huhuhu! Iyan na ba ang mga kasamahan ko?" tanong ng umiiyak na dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam nang hindi maipaliwanag na emosyon ang halimaw para sa nilalang na nasa kanyang harapan. Tinititigan niya ang lumuluhang dalaga at saka hinawakan ang likidong umaagos sa mga mata nito. Pinagmasdan ni Kojin ang mukha ng dalaga at para bang may kasiyahang naramdaman ng tumingin din ito sa kanya. Puno ng poot na tinitigan siya ni Annabel dahil

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 4

    Napapitlag ang magkasintahan nang marinig ang mga boses ng dalawang heneral. Nag-aalalang nagkatinginan sila sapagkat naisip nilang natunghayan ng mga ito ang pagbukas ng dimensyon sa kabilang mundo. "Talagang ipinasyal mo pa rito ang nilalang na iyan Kojin ha, nakasisiguro ka bang mababantayan mo s'yang maigi?" patutsada ni Brutus. "Oo nga! At ano namang kalokohan iyang itinuturo sa iyo ng babaeng iyan? Paano ka makakahuli ng mga isda kung may pabigat sa unahan ang iyong sibat? Nababaliw ka na yatang talaga pinuno?" dagdag na sabi ni Roldo. "Inuulit ko sa inyong dalawa, kapag bumaba ng limang metro ang layo ninyo kay Annabel ay sabay ko kayong papaslangin!" pagalit na sagot ni Kojin. Nasindak naman ang dalawang heneral sa nakitang poot sa mga mata ng pinuno kaya nagsimula na silang maglakad papalayo. Nang makalayo na ang mga ito ay nakahinga ng maluwag ang magkasintahan sapagkat

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART5

    Kinabukasan ay nagyayang mamasyal sa ilog si Annabel na kaagad namang pinaunlakan ng katipan. Magkahawak kamay silang naglalakad patungo roon habang masayang nagkukuwentuhan ukol sa kani-kanilang mundo. Ilang minuto pa ay may naramdaman si Kojin na kumakaluskos sa paligid nila. Hindi ito nagpahalata sa nobya at bagkus ay pinaupo muna niya ito sa isang malaking bato para kunwa'y makapagpahinga sandali. Nang makaupo ang dalaga ay nagulat pa ito nang biglang bumunot si Kojin ng espada at tumalon ng mataas patungo sa likuran ng isang malaking puno. Nang lingunin niya si Kojin ay marahan na itong umaatras habang isinusuksok ang espada sa kaluban nito. Habang umaatras naman siya ay dahan dahang umaabante si Gozo papalapit sa kanya. Napamulagat si Annabel nang makita ang mga ulo ng Magrim, aktong sisigaw pa sana siya nang maagapan ni Kojin na huwag humiyaw. Pinalapit pa ni Kojin si Anna

    Huling Na-update : 2022-01-08
  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

    Huling Na-update : 2021-12-29

Pinakabagong kabanata

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 2

    Nang magising na ang dalaga ay nakagapos na ito kasama ang may singkuwenta pang pasahero kabilang ang mga piloto at flight stewardess. Hindi niya malaman kung buhay pang lahat ang mga ito, pero natitiyak niyang nasa sampo pa ang gumagalaw, tulad ng dalawang piloto.Napapalibutan sila ng mga nilalang na noon niya lamang nakita sa tanang buhay niya. Hindi niya malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang mga nasa harapan niyang mga halimaw. May mga armas ang mga ito katulad ng sa mga sundalo noong unang dekada. Mga pana, panangga, bilog na batong may mga kadena, katana at marami pang klase ng sandata na karamihan ay yari sa malalaking buto ng hayop. Pinagmasdan niya ang itsura ng mga ito at kanyang sinuring maigi. May mga sungay ang kalalakihan na sa tantiya niya ay nasa anim na pulgada ang haba, malalaki ang pangangatawan at may mga maiikling buntot na umaabot sa isang piye. Ang mga kababaihan naman ay hindi nalalayo ang itsura sa mga ito maliban sa haba ng mga su

  • THE WICKED BILLIONAIRE'S SON   TWBS PART 1

    Tok! Tok! Tok! "Annabel anak,gising ka na ba?" mahinahong katok ni Acia sa kwarto ng anak. "Yes Ma! I'm just packing my things and assuring na wala akong maiiwan." "Okay sige honey, bilisan mo lang at nang makapagbreakfast tayo ng maaga bago ka namin ihatid ng papa mo sa airport." "Sure Ma!" excited na tugon ng dalaga. Ilang minuto lang ay naiimpake nang lahat ni Annabel ang mga kagamitan para sa internship sa New York. Nag-iisang anak nina Don Virgilio at Donya Anastacia Villarama si Annabel. Ang ama niya ay isang kilalang Biochemist at isang ekspertong alagad ng Physics. Kahit pa isang lehitimong heredera na ay ninais pa rin nitong kumuha ng internship. Sa katwiran ng dalaga ay nais niyang ipakita muna sa mga magulang na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Noong una ay halos araw-araw na nilang pinagtatalunan ang planong iyon ng dalaga, katwiran ng mga m

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status