Nagising si Giovanni dahil sa sunod-sunod na malakas na katok mula sa kaniyang pintuan. Namumungay pa ang kaniyang mga mata nang idilat niya ‘yon. Kinapa niya ang kama upang pakiramdaman ang babae sa kaniyang tabi ngunit wala siyang mahawakan.
Napadilat siya nang mabilis at napabalikwas ng bangon. Nakita niyang walang babae sa kaniyang tabi o kahit sa paligid ng kaniyang kuwarto. Tanging pulang mantsa ng dugo ang siyang naiwan na mababakas sa kobre kama. “Sheʼs indeed a virgin, but where is she now?” Muli siyang napatingin sa pintuan nang may kumatok muli ng malakas. “Giovanni! Open this fvcking door right now!” galit na boses iyon ng kaniyang Daddy. Salubong ang kaniyang kilay na bumangon at nagsuot ng boxer short bago nagtungo sa pintuan upang buksan iyon. Kaagad na malakas na tinulak siya sa dibdíb ng kaniyang Daddy. “Nasaan si Fatima?!” galit nitong sigaw, saka dali-daling pumasok sa loob ng kuwarto. “Putanginá, Giovanni! Nasaan ang babae ko!” halos mapasabunot ito sa buhok dahil sa galit. “Sinong Fatima?” kunot noo at naguguluhang tanong ni Giovanni. “Ang mapapangasawa ko! Nagkapalit tayo ng babae! Putanginá! Maling babae ang dinala nila sa kuwarto ko! Maling babae ang naikama ko kagabi!” Napatango si Giovanni. “So, I fvcked your fiancé?” nakangising tanong ni Giovanni. Parang nabaliw ang Daddy niya at tinapon ang lahat ng gamit sa lamesa. Ultimo upuan ay ibinato nito. “Tang’na! Bakit kasi nagkaroon ako ng mga tauhan na tangá!” galit nitong sigaw. “N–Nasaan na siya? Iharap mo sa akin si Fatima! Babawiin ko ang babae ko!” Giovanni crosses his arms, at napakibit balikat. “I don't know where she is, Dad. Nagising na lang ako na wala na siya sa tabi ko.” “Accidenti! Vaffanculo, Giovanni!” galit nitong mura sa wikang Italian at mabilis na lumapit sa kaniya, saka siya dinuro. “Alam mo bang sampung milyon ang nilustay ko makuha ko lang ang babaeng ‘yon! Pagkatapos ay ikaw lang ang siyang nakauna?! At worst ay nawawala pa siya!” Napangiti si Giovanni. “Ikaw naman kasi Dad, may nalalaman ka pang regalo para lang amuhin ako. Hayan tuloy mukhang hindi na talaga matutuloy ang kasal niyo.” pang aasar niya pa. Hinanap niya ang slack and suit niya pero wala roon. Doon lang napagtanto ni Giovanni ang lahat. Mukhang tumakas ang babae, dahil ayaw nito sa kasal na magaganap. “I–Ito ba ay dugo niya?” utal na tanong ng Daddy niya nang makita ang red stain sa white bedsheet. “What do you think, Dad?” Bigla ay tumalon ang Daddy niya sa kama at niyakap ang bed sheet. “Aaaah! She's a virgin! A virgin Mary! Na hindi ko man lang natikman! Kasalanan ‘tong lahat ng mga bobo kong tauhan! Papatáyin ko silang lahat!” Nagwawalang umalis ang Daddy niya na para bang isang bata na nababaliw na. Naiwan naman si Giovanni na nakangiti dahil sa nangyari. He just fvcked his father's fiancè. What a nice situation? Cancel ang kasal hanggat hindi nahahanap ang babae. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi ito matagpuan ng baliw niyang ama. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Sander. “Oh, what's up? World War III na ba?” sagot ni Sander mula sa kabilang linya. “More than World War III. Find information about my Daddy's fiancè. It's a 10 million para sa mabilis, malinis, at malinaw na information about her.” “Woah! That's huge! Ako na ang bahala sa kaniya. Sit there and relax!” Ibinaba na ni Giovanni ang tawag, at muli siyang napasulyap sa dugong mantsa sa bed sheet. “Fatima… What a beautiful name. Bagay na bagay sa inosente niyang pag-iisip at sa kaniyang katawan.” napa-igting ang panga niya nang maalala ang gabing pinagsaluhan nila. “Wait for me… Ako ang nakauna sa ‘yo, kaya dapat ay sa ‘kin ka.” ××× “You look like a mess, Fatima.” nag-aalalang sambit ni Katie nang iabot sa kaniya nito ang isang basong tubig. Dito siya sa kaniyang kaibigan nagtungo matapos niyang tumakas mula sa mansion. “Hindi ka makakapaniwala sa nangyari sa akin, Katie. The old man na siyang pinagbentahan sa akin ni Daddy ay ipinadukot ako kagabi sa mga tauhan niya, at sapilitang kinuha. They drugged me once we arrived at someone's room. Pero imbes na matandang lalaki ang maabutan kong katabi sa kama ay isang guwapo at nasa 30’s ang itsura ng lalaki!” “Hala! OMG! Ganitong-ganito ang mga nababasa ko sa mga romance novel na binabasa ko!” kinikilig at tumitiling sambit ni Katie. Napakunot tuloy ng noo si Fatima. “Pero hindi isang nobela ang istorya ng buhay ko. At isa pa tumakas ako, kaya paniguradong ipapahanap ako ng matandang William na ‘yon.” “Mas malaki pa yata ang problema mo ngayon dahil tiyak na hinahanap ka na rin ng Daddy mo. Sila ang babalikan ng matandang nakabili sa iyo kaya tiyak na magagalit sila sa ‘yo.” Napaisip sandali si Fatima. “Hindi, eh. Kagabi parang ayaw ako ibigay ni Daddy sa kanila. Maybe natauhan na siya kaya naman ayaw na niya akong ibenta?” Bigla ay tumunog ang cellphone ni Katie. “Looks like your Dad knows kung nasaan ka. Let’s find out.” Ipinakita ni Katie ang screen ng cellphone nito, at makikita roon ang nakarehistrong number ng Daddy niya. Sinagot ni Katie ang tawag at isang galit na boses ang sumagot. “Donʼt help my daughter or else idadamay kita sa kamalasan niyang dala!” galit na sigaw ng Daddy ni Fatima bago nito patayin ang tawag. “Your Dad is evil!” inis na turan ni Katie. “Sa tingin ko mukhang pinagkaisahan ka lang nila kagabi.” Napahilamos si Fatima sa kaniyang mukha, at unti-unting tumulo ang luha niya. So, it was their plan para mas madali siyang makuha? Bayad na nga pala siya, kaya bakit niya iniisip na matauhan ang Daddy niya. “Kailangan ko ng makaalis dito, dahil tiyak na madadamay ka kung magtatagal ako rito sa bahay mo.” Tila may naisip naman na solusyon si Katie. “Ah! Alam ko na, hiring ang boss namin ng new secretary. Puwede kitang irekomenda kung gusto mo? Tapos hanap na lang tayo ng apartment na puwede mong tutuluyan.” Napangiti si Fatima. “Talaga? Sige, gusto ko ‘yan! Magtatrabaho ako para makaipon, at kapag nakaipon na ako ay aalis ako ng bansa para tuluyan na akong hindi mahanap nila Daddy at ng matandang ‘yon.” Kapwa nila niyakap ang isa't isa. Sa ngayon ay kailangan na muna nilang umalis kung sakaling may pumunta sa bahay ni Katie. Nagpapasalamat na lang talaga siya dahil may nag-iisa siyang kaibigan na malalapitan at maaasahan.“Here’s what I got information about Tito Rafael’s fiancé.” sambit ni Sander nang makapasok ito sa opisina ni Giovanni at inilapag nito ang brown envelope sa lamesa.Itinigil naman ni Giovanni ang ginagawa niya, at kinuha ang envelope saka inilabas ang laman nito.“Fatima Flores…” pagbasa niya sa kopya ng birth certificate nito. “23 years old, no work, no career?” pagpapatuloy niya sa iba pang information habang nakakunot ang noo. “Why is that? Wala ba siyang pangarap?”“Looks like she had, but her father stopped her.” tugon ni Sander.Tiningnan pa ni Giovanni ang ibang information, at mas napukaw siya sa mga litrato nito. She’s indeed a simple and beautiful woman. Napaisip si Giovanni kung bakit at paano ito nabili ng kaniyang ama? Bakit hinayaan na lamang itong ibenta ni Baron Flores?May alam siyang kaunting information tungkol kay Baron, at isa na roon ang tungkol sa kawalang kuwenta nitong kausap pagdating sa negosyo. Gusto nito na palaging siya ang nakakalamang.What a greedy ma
“Punyetá talaga! Hindi pa rin mahanap-hanap si Fatima!” galit na sigaw ni Baron mula sa kaniyang opisina. “Magtatatlong lingo na! Halos kulang na lang ay paulanana ako ng bala ni William, dahil sa sunod-sunod na pagpapadala niya ng death threat!”“Augh! Dahil din sa kaniya ay hindi ako makalabas! I miss hanging out with my friends!” reklamo rin ni Danica.Naglakad naman si Lorena patungo sa kaniyang asawa at hinimas ang balikat nito.“Mukhang mali ang pagkilala natin sa anak mong ‘yon. Hindi natin siya kayang pagkaisahan tulad ng kaniyang ina. Maayos pa ang kompanya natin sa ngayon, pero si William ay tila isang bomba na kapag napuno ay maaring sumabog. Anong gagawin natin, Honey?”Napakuyom ng kamao si Baron. “Kapag nahanap ko talaga si Fatima ay pauulanan ko muna siya ng latay bago ko ibalik kay William. Pambawi man lang sa ginawa niyang pagtakas at paglagay ng buhay natin sa peligro.”Bigla ay nakaisip naman ng paraan si Danica.“Alam ko na! What if magpatulong na tayo sa mga pulis
Hindi makapaniwala si Fatima habang nakatingin sa ultrasound results na inabot sa kanya ng Doktora. “H-Hindi po ba puwedeng nagkamali lang ang resulta?” tanong niya sabay tingin kay Katie.Hinawakan naman siya ni Katie sa kaniyang kamay, at natitiyak siyang ramdam nito ang kaniyang panginginig.Umiling naman ang Doktora. “We are sure, because based on your blood test you are really pregnant. A-Ayaw mo ba?” tila nag-aalangan na tanong pa nito.Hindi naman kaagad nakapagsalita si Fatima. Ayaw niya nga ba? O sadyang nabigla lang siya at natatakot para sa buhay nilang dalawa ng anak niya?“Ah, kasi Doktora, nabigla lang siya. You know, first time, first baby.” alanganing tugon ni Katie.“It’s okay, ganyan talaga sa umpisa. I remember when I had my first child. It was unexpected, but it was a gift from God, dahil hindi lahat nabibiyayaan magkaroon ng anak. At isa pa, sometimes our child will give us strength to keep moving on, to keep fighting on. So, akaya mo ‘yan!”Gumaan ang pakiramdam
“Your child’s what?” natawa si Baron. “Ano bang pinagsasabi mo?” may pagkamayabang nitong tanong, at hindi alintana ang hawak na baril ni Giovanni. “Naka-drugs ka ba, hijo?” pang-aasar pa nito.“Kung naka-drugs ako ay kanina pa kita binaril.” walang buhay na tugon ni Giovanni.Natawang muli si Baron, gano’n din ang mga tauhan nito. Ngunit si Danica ay iba ang nakikitang motibo. Guwapo at matipuno si Giovanni, at para sa kaniya ay mukha pang mabango ito. Ganitong klase ng lalaki ang tipo niya.“You look so well, at hindi halatang papatulan mo ‘tong si Fatima.” nakangiti at tila malamyos ang boses ni Danica. “Cut the act. Sino ka ba talaga?”“Hindi lang pala kayo walang kuwenta, but also an idiot. Pakawalan niyo si Fatima kung ayaw niyong dumanak ang dugo niyo rito ngayon. Kung sabagay, kahit pagbabarilin namin kayo ay nasa hospital naman tayo, 50/50 nga lang ang buhay niyo.”Napatingin si Giovanni kay Fatima na ngayon ay tahimik lamang na nakatitig sa kaniya. Ang mga mata nito ay basa n
Wala naman ng nagawa pa si Baron, ayaw niyang makulong dahil tiyak na wala rin namang tutulong sa kanila para makalabas sila. Marahas niyang itinulak si Fatima, dahilan kaya ito napaluhod muli sa semento. Kaagad itong nilapitan ni Giovanni, habang sila Baron ay kaniya-kaniya na ang pagsakay sa kotse ng mga ito, at mabilis na umalis.Niyakap naman ni Giovanni si Fatima. Wala na siyang pakialam pa kung makita man siya ng mga tauhan niya. All he cares about is Fatima, and their baby.Habang si Fatima naman ay nagkaroon ng pagkakataon pansamantalang makaramdam ng pahinga habang yakap si Giovanni. Pakiramdam niya ay gumaan ang pakiramdam niya. She also felt safe, ngayon niya lang ‘yon naramdaman bukod sa bisig ng Mommy niya.“Are you okay? May masakit ba sa ‘yo? Tell me, para madala kita sa family doctor namin.” sunod-sunod na tanong ni Giovanni, nang kapwa silang humiwalay sa pagkakayakap.Hindi naman kaagad nakapagsalita si Fatima, at nanatili lamang siyang nakatitig sa mga mata ni Giovan
Papasok pa lang ng mansion ang Daddy niya ay sinalubong na kaagad ito ni Giovanni. Ang mga tauhan nito ay tila alerto na para bang ano mang oras ay pauulanan siya ng bala.“What brings you here, Dad?” iyon kaagad ang naging tanong ni Giovanni habang seryosong nakatingin sa ama.He just wished na sana ay hindi nito alam ang tungkol kay Fatima, na naroon ito ngayon sa kuwarto niya.Sa halip na tumugon ito ay bigla siyang tinutukan ng baril sa ulo. Ngunit hindi siya natinag at nanatiling nakatitig siya sa mga mata ng kaniyang ama.“Ano na naman bang ikinainit ng ulo mo?” iyon lang ang naging tanong niya saka naglakad patungo sa gilid ng lamesa at sinalinan ng alak ang kopita saka niya ‘yon ininom.Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang sinundan din siya ng tingin at ng baril ng kaniyang ama.“Tang’na ka talaga Giovanni!” malakas na sigaw ng matanda saka itinapon ang baril sa pader. “Kung hindi lang kita anak ay kanina ko pa pinasabog ang ulo mo!”Napangisi siya. “You look so
Nagising naman si Fatima nang makaramdam siya nang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan. Dahan-dahan siyang bumangon kahit na pakiramdam niya ay mahilo-hilo pa rin siya. Ipinalibot niya ang kaniyang paningin at doon niya lang napagtanto na hindi pamilyar sa kaniya ang kuwartong kinaroroonan niya.“N-Nasaan ba ako?” tanong niya saka hinawakan ang kaniyang ulo, upang alalahanin ang nangyari sa kaniya.Bigla ay may pumasok na Ginang, “Oh, gising ka na pala, Hija. Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya.Lalong naguluhan si Fatima dahil kahit ang Ginang ay hindi niya rin kilala.“A-Ayos na po ako, medyo nauuhaw lang po.” alanganin niyang tugon.“Ay, gano’n ba? Teka sandali ipagsasalin kita ng tubig.” dali-dali itong kumilos at matapos salinan ng tubig ang baso ay kaagad itong inabot sa kaniya. “Ako nga pala si Felicita, Manang Felice na lang ang itawag mo sa akin.”“Ako naman po si Fatima. Puwede ko po bang malaman kung nasaan po ako? Hindi po kasi pamilyar sa akin ang kuwarto na ‘
“W-Wait! Tama ba ‘yung narinig ko? Pumayag kang magpakasal sa naka-one night stand mo lang?!” nanlalaki ang mga mata ni Katie habang nakatitig kay Fatima.Tumango naman siya. “O-Oo. Gusto niya akong pakasalan, at panagutan ang batang nasa sinapupunan ko.”Napasampal si Katie sa noo nito. “Gaga ka! Ni hindi mo naman lubos na kilala ang lalaking ‘yon kaya bakit ka pumayag? Kahit na siya ang ama ng dinadala mo, ay hindi ka dapat nagdesisyon kaagad ng padalos-dalos! Unless, may gusto ka sa kaniya–” napahinto si Katie sa pagsermon. “Teka nga sandali, nagugustuhan mo ba ang lalaking ‘yon?! Umamin ka! ‘Yung totoo!”Nag-iwas naman kaagad ng tingin si Fatima. “A-Ano bang gusto ang pinagsasabi mo dyan? Magpapakasal lang kami para sa anak namin.”“Exactly! Magpapakasal ka para sa bata, pero hindi mo naisip na sagrado ang kasal! At para ipaalala ko sa ‘yo ay walang divorce dito sa Pilipinas!”“Hindi naman siguro kami hahantong sa hiwalayan, dahil mukha naman siyang mabait. Hindi ba’t iniligtas niy