Hindi makapaniwala si Fatima habang nakatingin sa ultrasound results na inabot sa kanya ng Doktora.
“H-Hindi po ba puwedeng nagkamali lang ang resulta?” tanong niya sabay tingin kay Katie.
Hinawakan naman siya ni Katie sa kaniyang kamay, at natitiyak siyang ramdam nito ang kaniyang panginginig.
Umiling naman ang Doktora. “We are sure, because based on your blood test you are really pregnant. A-Ayaw mo ba?” tila nag-aalangan na tanong pa nito.
Hindi naman kaagad nakapagsalita si Fatima. Ayaw niya nga ba? O sadyang nabigla lang siya at natatakot para sa buhay nilang dalawa ng anak niya?
“Ah, kasi Doktora, nabigla lang siya. You know, first time, first baby.” alanganing tugon ni Katie.
“It’s okay, ganyan talaga sa umpisa. I remember when I had my first child. It was unexpected, but it was a gift from God, dahil hindi lahat nabibiyayaan magkaroon ng anak. At isa pa, sometimes our child will give us strength to keep moving on, to keep fighting on. So, akaya mo ‘yan!”
Gumaan ang pakiramdam ni Fatima dahil sa sinabing ‘yon ng Doktora.
“Maraming salamat po, Doktora.” nakangiting sambit ni Fatima habang ang luha sa kaniyang mga mata ay nananatiling nagbabadya.
Matapos siyang resetahan ng gamot para sa pagbubuntis niya ay sabaya na rin silang lumabas ni Katie.
“Teka lang, daan muna tayo ng comfort room. Naiihi na ako, eh.” sambit ni Fatima. “Ganito yata talaga kapag buntis, palaging naiihi.”
Natawa naman si Katie. “Ayoko na magbuntis kung ganyan lang din. Nakakapagod ‘yan!” biro nito. “Tara na, sasamahan kita, para makapag retouch na rin ako.”
Sabay silang nagtungo sa comfort room, ngunit si Fatima lamang ang pumasok sa loob ng cubicle. Kapwa nila hindi alam ang nagbabadyang kapahamakan sa kanilang dalawa. Dahil kasalukuyang naroon na sa hospital ang mga pulis, si Baron, Danica, at Lorena.
Natunton na nila ngayon si Fatima, dahil ang nurse kanina ay nakita ang post na ipinakalat ng mga pulis sa social media. Hindi siya missing kundi isang scammer, ayon sa post. Kaya nang makilala ito ng nurse, ay kaagad sinabi kung saan naroon si Fatima.
“Nurse, sure ka ba na narito ang kapatid ko?” paninigurado ni Danica, habang nanlilisik ang mga mata.
“O-Opo, kakatapos lamang ng check up niya at naroon sila ng kaibigan niya sa comfort room. Pero totoo po bang scammer siya? Hindi po kasi halata sa mukha niya.”
Napangisi naman si Danica. “Hindi kasi lahat ng scammer ay mukhang scammer, kaya ingat kayo dahil baka kayo ay naloko na niya.”
“Naku, hindi naman!”
Sinenyasan ng tumatayong police investigator ang kaniyang mga pekeng tauhan na nakasuot ng uniporme ng pulis. Kaagad naalarma ang mga tao, at lumayo ng kaunti dahil sa tagpong ‘yon. Habang si Katie ay abala sa pagsusuklay ng kaniyang buhok at nakatingin sa salamin.
“Sa tingin mo ay ano kaya ang gender ng anak mo?” nakangiting tanong ni Katie.
“Hindi ko rin alam, at kahit ano pa man ang gender niya ay tanggap ko siya. Teka, nga– Bakit parang mas excited ka pa sa akin?” nakangiting tanong ni Fatima habang nasa loob siya ng cubicle.
“Aba, syempre! First inaanak ko ‘yan at ako lang naman ang gorgeous fairy godmother niya–”
Hindi na natapos pa ni Fatima ang kaniyang sasabihin nang biglang may mga pumasok na pulis.
“Ay, mga Sir, mali ho yata kayo ng napasukan na pinto. Girls restroom po ito.” sambit ni Katie, doon pa lang ay bigla nang kinabahan si Fatima, kaya hindi na siya nagsalita pa.
“Hinahanap namin si Fatima Flores. Narito ba siya? We had a warrant of arrest para sa kaniya.” sambit ng pulis bago tumingin sa mga cubicle na nakasarado.
Bumilis naman ang tibok ng puso ni Katie dahil sa narinig. Kapwa sila ngayon nasa peligro at sukol na sukol sila. Habang si Fatima naman ay nangingilid na ang luha, at hindi makalabas.
“S-Sino pong F-Fatima Flores? H-Hindi ko po siya kilala.” utal na tugon ni Katie.
Doon pa lamang pumasok si Danica. “Are you really sure Katie?” nakangisi at nakataas ang kilay nito. “Kasi as far as I know ay ikaw lang ang bukod tanging kaibigan ni Fatima.”
“A-Ako lang ba? A-Ang alam ko ay marami siyang kaibigan, hindi katulad mo!” tapang-tapangan na tugon ni Katie.
“Ugh! Bakit pa ba ako nakikipag-usap sa isang cheap na katulad mo! Sige na, officer halughugin niyo ang bawat cubicle!”
Napahawak si Fatima sa kanyang bibig, at iniiwasan niyang huwag gumawa ng ingay kahit ang totoo ay tumutulo na ang kaniyang luha dahil sa takot para sa kanila ng anak niya. Kaagad naman na humarang si Katie sa pintuan kung nasaan naroon si Fatima.
“Teka lang! Anong kaso mayroon ang kaibigan ko?! Sila ang dapat makulong!” sabay turo ni Katie kay Danica. “Ibinenta nila ang kaibigan ko para sa sarili nilang kapakanan! Sila dapat ang hulihin niyo!”
Natawa naman si Danica. “Bobita talaga kayo ni Fatima ‘no? They are not real police officers. Mga tauhan namin sila, at tauhan ni Mr. William. Kaya Fatima, alam kong naririnig mo ako! Kung ayaw mong madamay itong kaibigan mo ay kusa ka ng magpakita at lumabas!”
Hindi kakayanin ni Fatima kung pati ang kaibigan niya ay madamay sa gulong mayroon siya. She wipe her tears, at kusa na siyang lumabas ng cubicle.
“Bestie, bakit ka lumabas?!” naiiyak na tanong ni Katie.
Hinawakan ni Fatima ang kamay ni Katie. “Ayokong madamay ka pa, wala na tayong ibang mapupuntahan pa.”
“Aww, nakaka-touch naman. Hulihin niyo na siya!”
Kumilos kaagad ang isa sa mga lalaki at pinosasan si Fatima. Walang sabing hinila siya nito palabas ng comfort room. Ang mga tao sa hospital ay pinagtitinginan siya kaya naman napayuko na lamang siya ng bahagya. Hindi pa man nakakalabas ay tanaw na ni Fatima ang kaniyang Daddy na nakangisi, at tila galit na galit sa kaniya.
Nagulat siya nang biglang may humablot sa kaniyang kamay at hinila siya patungo sa ibang direksyon.
“Bilis takbo! Bilisan natin!” sigaw ni Katie.
Hindi ‘yon inaasahan ng lahat at kahit si Fatima ay gulat sa ginawa ni Katie. Nakita niya pa na naglabas ng baril ang isang lalaki, pero pinigilan iyon nang isa.
“Huwag kayong magpapaputok, malilintikan ako kapag may civilian na madamay.” paalala ni Paulo, ang pulis na pinsan ni Danica.
“Habulin na lang siya!” inis na sigaw ni Danica.
Sakto naman na nakarating sila sa kabilang side ng hospital, kung saan may daan palabas ng building. Ala pang nakakasunod sa kanila, pero natitiyka nilang marami na ngayon ang humahabol sa kanila.
“Ang tapang mo, Katie. Hindi ko inaasahan ang ginawa mo.” hinihingal na sambit ni Danica habang nagtatago sila sa likod ng isang kotse.
“Ikaw lang naman itong mahina. Hindi ako papayag na makuha ka nila ng gano’n na lang! Mga dem/onyo sila!”
“Maghahanap na lang kayo ng pagtataguan ay talagang sa kotse ko pa?”
Kapwa sila napalingon sa babaeng nagsalita, at sabay din silang napatayo ni Katie nang makilala nila ‘to.
“Tita Lorena…” nasambit ni Fatima.
Mabilis na nagsidatingan ang mga pekeng pulis, kasama na roon si Danica at Baron. Ngayon ay napapalibutan na sila ng mga ito. Mabilis na lumapit ang Daddy niya at sinampal siya ng malakas.
“Isa ka talagang salot sa buhay ko!” galit nitong sigaw, at sinampal siyang muli nito.
Lumapit naman si Paulo at pinigilan si Baron. “Tama na ‘yan, Uncle. Kabilin-bilinan ni Mr. William ay huwag siyang sasaktan.”
Nagpaubaya na si Baron at muling hinawakan si Fatima nang dalawang lalaki, habang si Katie ay kasalukuyang tahimik dahil may baril na nakatutok na sa ulo nito.
Kinaladkad na si Fatima at tinanguan na lamang niya si Katie, habang nakangiti siya. Gusto niyang maging ligtas ang kaibigan niya at huwag na siyang isipin pa nito. Ngunit hindi pa man sila nakakalabas ng hospital ay biglang may mga naka-itm na lalaki ang humarang sa kanilang daraanan. Mas marami ito kumpara sa mga tauhan ni Baron.
“At sino naman kayo? Mga tauhan ba kayo ni William?! Heto na at dala na namin ang babae niya!” natatawang balita ni Baron.
Walang nagsalita sa mga ito, at sa halip ay nagbigay daan gitna para sa paparating na lalaki. Madilim ang awra nito, nanlilisik ang mga mata, habang may hawak na baril. Nanlaki ang mga mata ni Fatima nang makilala niya ito.
“Don’t fvking touch the mother of my child!”
Hello, dear readers! Sana ay suportahan niyo po ang story ni Fatima at Giovanni! Keep safe and God bless everyone!
“Your child’s what?” natawa si Baron. “Ano bang pinagsasabi mo?” may pagkamayabang nitong tanong, at hindi alintana ang hawak na baril ni Giovanni. “Naka-drugs ka ba, hijo?” pang-aasar pa nito.“Kung naka-drugs ako ay kanina pa kita binaril.” walang buhay na tugon ni Giovanni.Natawang muli si Baron, gano’n din ang mga tauhan nito. Ngunit si Danica ay iba ang nakikitang motibo. Guwapo at matipuno si Giovanni, at para sa kaniya ay mukha pang mabango ito. Ganitong klase ng lalaki ang tipo niya.“You look so well, at hindi halatang papatulan mo ‘tong si Fatima.” nakangiti at tila malamyos ang boses ni Danica. “Cut the act. Sino ka ba talaga?”“Hindi lang pala kayo walang kuwenta, but also an idiot. Pakawalan niyo si Fatima kung ayaw niyong dumanak ang dugo niyo rito ngayon. Kung sabagay, kahit pagbabarilin namin kayo ay nasa hospital naman tayo, 50/50 nga lang ang buhay niyo.”Napatingin si Giovanni kay Fatima na ngayon ay tahimik lamang na nakatitig sa kaniya. Ang mga mata nito ay basa n
Wala naman ng nagawa pa si Baron, ayaw niyang makulong dahil tiyak na wala rin namang tutulong sa kanila para makalabas sila. Marahas niyang itinulak si Fatima, dahilan kaya ito napaluhod muli sa semento. Kaagad itong nilapitan ni Giovanni, habang sila Baron ay kaniya-kaniya na ang pagsakay sa kotse ng mga ito, at mabilis na umalis.Niyakap naman ni Giovanni si Fatima. Wala na siyang pakialam pa kung makita man siya ng mga tauhan niya. All he cares about is Fatima, and their baby.Habang si Fatima naman ay nagkaroon ng pagkakataon pansamantalang makaramdam ng pahinga habang yakap si Giovanni. Pakiramdam niya ay gumaan ang pakiramdam niya. She also felt safe, ngayon niya lang ‘yon naramdaman bukod sa bisig ng Mommy niya.“Are you okay? May masakit ba sa ‘yo? Tell me, para madala kita sa family doctor namin.” sunod-sunod na tanong ni Giovanni, nang kapwa silang humiwalay sa pagkakayakap.Hindi naman kaagad nakapagsalita si Fatima, at nanatili lamang siyang nakatitig sa mga mata ni Giovan
Papasok pa lang ng mansion ang Daddy niya ay sinalubong na kaagad ito ni Giovanni. Ang mga tauhan nito ay tila alerto na para bang ano mang oras ay pauulanan siya ng bala.“What brings you here, Dad?” iyon kaagad ang naging tanong ni Giovanni habang seryosong nakatingin sa ama.He just wished na sana ay hindi nito alam ang tungkol kay Fatima, na naroon ito ngayon sa kuwarto niya.Sa halip na tumugon ito ay bigla siyang tinutukan ng baril sa ulo. Ngunit hindi siya natinag at nanatiling nakatitig siya sa mga mata ng kaniyang ama.“Ano na naman bang ikinainit ng ulo mo?” iyon lang ang naging tanong niya saka naglakad patungo sa gilid ng lamesa at sinalinan ng alak ang kopita saka niya ‘yon ininom.Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang sinundan din siya ng tingin at ng baril ng kaniyang ama.“Tang’na ka talaga Giovanni!” malakas na sigaw ng matanda saka itinapon ang baril sa pader. “Kung hindi lang kita anak ay kanina ko pa pinasabog ang ulo mo!”Napangisi siya. “You look so
Nagising naman si Fatima nang makaramdam siya nang pagkatuyo ng kaniyang lalamunan. Dahan-dahan siyang bumangon kahit na pakiramdam niya ay mahilo-hilo pa rin siya. Ipinalibot niya ang kaniyang paningin at doon niya lang napagtanto na hindi pamilyar sa kaniya ang kuwartong kinaroroonan niya.“N-Nasaan ba ako?” tanong niya saka hinawakan ang kaniyang ulo, upang alalahanin ang nangyari sa kaniya.Bigla ay may pumasok na Ginang, “Oh, gising ka na pala, Hija. Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya.Lalong naguluhan si Fatima dahil kahit ang Ginang ay hindi niya rin kilala.“A-Ayos na po ako, medyo nauuhaw lang po.” alanganin niyang tugon.“Ay, gano’n ba? Teka sandali ipagsasalin kita ng tubig.” dali-dali itong kumilos at matapos salinan ng tubig ang baso ay kaagad itong inabot sa kaniya. “Ako nga pala si Felicita, Manang Felice na lang ang itawag mo sa akin.”“Ako naman po si Fatima. Puwede ko po bang malaman kung nasaan po ako? Hindi po kasi pamilyar sa akin ang kuwarto na ‘
“W-Wait! Tama ba ‘yung narinig ko? Pumayag kang magpakasal sa naka-one night stand mo lang?!” nanlalaki ang mga mata ni Katie habang nakatitig kay Fatima.Tumango naman siya. “O-Oo. Gusto niya akong pakasalan, at panagutan ang batang nasa sinapupunan ko.”Napasampal si Katie sa noo nito. “Gaga ka! Ni hindi mo naman lubos na kilala ang lalaking ‘yon kaya bakit ka pumayag? Kahit na siya ang ama ng dinadala mo, ay hindi ka dapat nagdesisyon kaagad ng padalos-dalos! Unless, may gusto ka sa kaniya–” napahinto si Katie sa pagsermon. “Teka nga sandali, nagugustuhan mo ba ang lalaking ‘yon?! Umamin ka! ‘Yung totoo!”Nag-iwas naman kaagad ng tingin si Fatima. “A-Ano bang gusto ang pinagsasabi mo dyan? Magpapakasal lang kami para sa anak namin.”“Exactly! Magpapakasal ka para sa bata, pero hindi mo naisip na sagrado ang kasal! At para ipaalala ko sa ‘yo ay walang divorce dito sa Pilipinas!”“Hindi naman siguro kami hahantong sa hiwalayan, dahil mukha naman siyang mabait. Hindi ba’t iniligtas niy
Mabilis na tinanggal ni Giovanni ang ulo ni Mayvel, saka niya muling isinuot ang kaniyang boxer and pants.“Why? What happened? Aalis ka na ‘agad?” sunod-sunod na tanong ni Mayvel ngunit hindi na ito sinagot pa ni Giovanni. “Wait, Giovanni!” huling sigaw pa nito.Hindi na pinansin pa ni Giovanni ang babae, at kahit nakita niya si Sander ay hindi na rin niya ito nagawang pansinin pa kahit tinatawag na siya nito. Patakbo niyang tinungo ang kaniyang kotse, habang hawak ang cellphone at tinatawagan niya ang kaniyang ama.“Answer your fvcking phone old man.” sambit ni Giovanni.Walang dalawang isip na pinaandar niya ang kotse at ikinambyo sa direksyon patungo sa kaniyang bahay. Wala siyang pakielam kahit pa kamuntikan ng may bumangga sa kaniya. All he's fvcking care is about Fatima and his child!Sa wakas ay sinagot naman ng Daddy niya ang tawag.“What the fvck are you doing in my house?” iyon kaagad ang itinanong ni Giovanni.Mula sa kabilang linya ay napangisi si William. “At paano mo nam
Mabilis na bumalik si Giovanni papasok nang mansion at muling tinungo kung saan naroon si Manang Felice. Umiiyak pa rin ito at bakas ang takot. Kaagad niyang tinanggal ang tali sa kamay nito, at pati na ang takip sa bibig. “Tell me, Manang Felice, where’s Fatima? Sino ang dumukot sa kaniya? Si Daddy ba?” sunod-sunod na tanong ni Giovanni habang hawak ang magkabilaang balikat ng matanda. Umiling si Manang Felice. “H-Hindi ko alam, Sir Gio. Nakamaskara sila at nakasuot ng mga itim na damit. Pero natitiyak kong hindi ang Daddy mo, dahil wala naman siya nang dumating ang mga lalaking ‘yon. Talagang sadya nilang pakay si Fatima.” umiiyak na tugon nito. Napakuyom nang kamao si Giovanni. Wala siyang clue kung sino ang may hawak kay Fatima. Medyo off din naman ang dahilan ng Daddy niya kung bakit narito ito kanina. “Where are you, Fatima?” tanong ni Giovanni sa kaniyang isipan. Kapwa na sila bumaba at inabutan niya ng tubig ang matanda. Kinuha naman niya ang laptop sa kaniyang kuwarto at
“I–Ibibigay mo naman ako sa lalaking ‘yon ‘di ba?” paninigurado ni Fatima, dahil malakas ang kutob niya na si Giovanni ang tinutukoy nitong bumili sa kaniya. Ngumiti si Danica at umikot ang mga mata. “Well… Oo, ibibigay kita, pero hindi gano’n kadali. Gusto kong mas makilala pa ang lalaking bumili sa ‘yo, and if he’s big time rich— Bakit ko naman siya pakakawalan pa ‘di ba?” sabay ngisi nito. Nagtagis ang ngipin ni Fatima. “Binili na niya ako, kaya dapat gawin mo na lang ang gusto niya. Pera lang naman ang kailangan mo ‘di ba?” tanong niya. Pumalakpak si Danica at naglakad sa harap niya. “Yes, you’re right, pera lang ang mahalaga sa akin. Pero kung ang panget na bilyonaryo na ‘yon ay kaya pa akong bigyan ng mas higit pa sa five million then I will seduce him, para hindi ka na niya kailanganin.” Napakunot ng noo si Fatima. Panget? Sinong panget? Bulag ba si Danica para hindi makita kung gaano ka-guwapo si Giovanni? O baka naman hindi si Giovanni ang siyang nakabili sa akin? Bi
Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng silid. Nang marinig ang unang putok ng baril, agad na kumilos si Giovanni, mabilis at determinado. Tinamaan ang isa sa mga tauhan ni William sa balikat, dahilan upang mawalan ito ng balanse at bumagsak nang malakas sa sahig. Sa gitna ng kaguluhan, hindi na nag-aksaya ng oras si Lydia. Hinawakan niya nang mahigpit si Fatima at mabilis itong kinaladkad palabas ng silid. Halatang takot si Fatima, nanginginig ang buong katawan, ngunit wala siyang magawa kundi sumunod kay Lydia, na nagmamadaling maghanap ng ligtas na lugar sa lumang gusali.“Giovanni! Tumigil ka! Alam mong wala kang laban sa akin!” malakas na sigaw ni William habang nagtatago sa gilid ng pinto, iniiwasan ang mga bala ni Giovanni.“Sinira mo ang buhay namin! Ngayon, titiyakin kong hindi mo na magagawa ulit ito!” sagot ni Giovanni na puno ng galit, habang patuloy na nagpapalit ng posisyon upang maiwasang maging target ng mga natitirang tauhan ni William. Ang kanyang mga mata ay puno ng det
Dumating sina Giovanni at Lydia sa airport sa Manila. Malakas ang hangin dahil sa amihan, at naririnig mula sa malayo ang mahihinang tunog ng lungsod kahit tahimik ang gabi. Naunang bumaba ng eroplano si Giovanni, bakas sa kaniyang mukha ang determinasyon, habang kasunod niya si Lydia, mabigat pa rin ang dalahin ng konsensya sa kanyang balikat.“Anong plano mo ngayon?” tanong ni Lydia habang papunta sila sa isang itim na kotse na inihanda na ni Giovanni.“Hahanapin natin ang safehouse,” sagot ni Giovanni nang walang emosyon. “May sinabi kang clue— ikwento mo lahat ng naalala mo sa sinabi ni Dad.”Sandaling tumigil si Lydia bago sumagot habang sumasakay sila sa kotse. “Ang alam ko lang, isa itong lumang ari-arian niyo malapit sa museo sa Bulacan, isa sa mga dating safehouse ng Daddy mo. May nabanggit siyang simbahan na malapit doon, pero hindi siya malinaw.”Sumingkit ang mga mata ni Giovanni habang unti-unting nabubuo ang naiisip niyang lugar.“Museo? Tama, marahil ang tinutukoy ni Da
Giovanni sat in his dimly lit apartment, staring at the small photograph of his wife. The image had worn edges, his thumb tracing the familiar contours of Fatima’s face. His conversation with Sander echoed in his mind. “Dig deeper.” Could there be a connection between the mysterious woman and his wife?He rubbed his temples, frustration boiling in his chest. “This doesn’t make sense,” he muttered.A sharp knock on the door startled him. Giovanni stood, hesitating before approaching. His hand hovered over the doorknob. Sino kaya ito, at ganitong oras pa? Slowly, he opened the door.Standing there was Fatima—no, Lydia—her face illuminated by the dim hallway light. She wore a gentle smile, but something in her eyes made Giovanni uneasy.“Fatima?” Giovanni’s voice was barely above a whisper.Lydia tilted her head, a playful smirk forming on her lips. “Naalala kita, Giovanni. Hindi ko rin maipaliwanag, pero parang may koneksyon talaga tayo.”His heart raced as confusion clouded his thought
“Who are you?” tanong ni Giovanni.“I’m Fatima, Fatima Vega. Ikaw sino ka ba? Kilala ba kita?” kunot na tanong ng babae.Nanlata si Giovanni. Hindi ang asawa niya ang narito kundi kapangalan lang ni Fatima. Akala niya makikita na niya ang asawa niya. Giovanni slumped into the wooden chair by the window, his gaze fixed on the woman before him. She had the same name, at may hawig ito ni Fatima, and yet, she wasn’t her.The woman still standing, crossed her arms, studying Giovanni with suspicion.“Bakit parang kilala mo ako? Para kang nakakita ng mutlo.” She tilted her head, a trace of curiosity breaking through her stern tone.Giovanni hesitated, his voice trembling. “I… I’m sorry. Hindi kita dapat nilapitan ng ganito. It’s just... you look exactly like my wife. At ang pangalan mo pa—” He broke off, looking away, swallowing the lump in his throat.“Wife?” Fatima’s brows furrowed. “Saan siya ngayon? At paano naman tayo nagkakilala kung ganon?”“She’s…” Giovanni’s voice faltered, the wor
Madilim ang gabi, ngunit maliwanag ang buwan na tila nagmamasid mula sa kalangitan. Habang naglalakad si Giovanni sa kahabaan ng ospital, hawak ang envelope at sulat, napansin niyang may liwanag mula sa maliit na chapel sa loob ng compound. Nagdesisyon siyang pumasok, tila hinahatak ng tahimik na panawagan mula sa loob.Sa loob ng chapel, nakita niya si Mayvel, nakaluhod at taimtim na nagdarasal. Tumayo siya nang makita si Giovanni at lumapit nang may maingat na ngiti. "Hindi ko alam na pupunta ka rito. Hindi ka ba makatulog?" "Paano ako makakatulog, Mayvel? Nalaman ko na ang dahilan ng lahat, pero parang mas lalo akong nawasak. Bakit ganoon? Kapag mas lumalapit ako sa sagot, mas lalong nagiging masakit ang katotohanan." "Hindi mo kailangang dalhin lahat ng bigat mag-isa. Ang mahalaga ngayon, alam mo na ang katotohanan. At mula rito, maaari kang gumawa ng hakbang para ayusin ang lahat." "Pero paano? Hindi ko alam kung saan magsisimula. Paano ko siya haharapin, lalo na't alam
Pagkatapos ng mahaba at emosyonal na araw, naupo si Giovanni sa isang bangko sa hardin ng ospital. Tahimik niyang hawak ang sulat ni Fatima, paulit-ulit na binabasa ang bawat linya. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila sinasalamin ang lungkot sa kanyang puso. Dumating si Mayvel, dala ang dalawang tasa ng mainit na kape, at maingat na umupo sa tabi niya.“Hindi ka na naman kumain, Giovanni. Hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo. Kailangan mong maging malakas.” sambit ni Mayvel. Bahagyang napangiti si Giovanni habang nakatingin sa sulat. “Hindi ko naman napapansin ang gutom. Mas iniisip ko kung nasaan si Fatima ngayon. Anong ginagawa niya? Masaya ba siya? Napatawad na kaya niya ako sa mga pagkukulang ko noon?”Tumingala si Mayvel sa buwan, tila nagmumuni-muni) “Sa tingin ko, Giovanni, hindi mo kailanman kailangang humingi ng tawad sa kanya. Mahal ka niya, alam ko iyon. Pero baka ang sarili niya ang hindi niya mapatawad.”Napabuntong-hiningadi Giovanni. “Bakit kailangan niya lumay
“Giovanni, nakita ko siya. Nasa Maynila siya ngayon, pero hindi pa siya pwedeng puntahan. Kailangan natin ng kaunting oras." “Maynila? Anong ginagawa niya roon? At bakit hindi ko siya puwedeng makita? Sander, matagal na akong naghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal.” “Giovanni, kalma. May mga bagay na masalimuot, at may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Pero huwag kang mag-alala, tinutulungan ko na siya. Importante lang na maging matatag ka.” Nanatiling tahimik si Giovanni, pilit inuunawa ang mga sinabi ni Sander. Ngunit ang puso niya ay nag-uumapaw sa halo-halong emosyon—pag-asa, pagkabigo, at pangungulila. “Hindi ko maintindihan, Sander. Kung mahalaga ako kay Fatima, bakit siya lumayo? Bakit hindi niya man lang sinubukang makita ako kahit isang beses mula nang magising ako?” Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Sander. “Giovanni, maybe may rason siya. Pero hindi ako ang nararapat magsabi sa 'yo ng lahat ng iyon. Hintayin mo siya. Bigyan mo siya
Biglang bumukas ang pintuan ng silid, at sa pagbukas nito ay pumasok si Mayvel, bitbit ang anak niyang si Joshua. Napuno ng ingay ang tahimik na silid sa boses ng masiglang bata. “Tito Giovanni!” tumakbo ito papalapit sa kama, halatang sabik makita siya. Napatingin si Giovanni sa pumasok. Sa unang saglit, ang mukha niya ay puno ng pag-asa, umaasang ang makikita niya ay si Fatima. Ngunit nang makita niyang si Mayvel at Joshua ang dumating, bahagyang naglaho ang ngiti niya. Mabilis naman niya itong itinago at ngumiti ng bahagya habang sinalubong ang bata. Hinaplos ni Giovanni ang ulo ni Joshua. “Uy, Joshua, kamusta ka? Mukhang mas masigla ka pa ngayon kaysa noong huli kitang nakita.” Umupo si Joshua sa gilid ng kama at masayang nagkukwento. “Tito, ang dami ko nang natutunan sa school! Tapos kahapon, naglaro kami ng basketball ng kaklase kong si Ronnie sa park. Tinalo ko siya! Ang galing ko, ‘di ba?” Ngumiti si Giovanni. Ngunit sa likod ng ngiti niyang iyon, naroon ang bahagyang lung
THE FOLLOWING WEEK – SWITZERLANDSa gitna ng isang tahimik na umaga, abala si Fatima sa pagdidilig ng mga halaman sa kanilang bakuran. Ang araw ay bahagyang sumisilip sa ulap, at ang hangin ay may dalang lamig ng tagsibol. Nasa tabi niya si Amanda, umiinom ng kape habang nagmamasid sa paglalaro ni Marcus at Bruno sa damuhan.“Mukhang mas lumalakas ang mga pangarap ng prinsipe natin, ah. Kahapon, bayani. Ngayon, parang gusto nang maging astronaut.” natatawang sambit ni Amanda.Natawa rin si Fatima. “Kung saan-saan na kasi niya nakikita ‘yung mga laruan niya. Minsan may espada, minsan may helmet. Sobrang creative na bata nitong si Marcus.”Habang nag-uusap sila, biglang pumasok sa gate ang isang lalaki— matangkad, may maayos na pananamit, at may dalang brown na envelope. Agad na napansin ito ni Fatima.Bahagyang lumapit si Fatima.“Yes? What can I do for you?”Ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Ma’am. Are you Fatima Flores?"Nagpalitan ng tingin sina F