Share

THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY
THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY
Author: febbyflame

CHAPTER 01: BETRAYAL

“A–Ayoko po, Dad.”

Malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Fatima. Halos mabingi ang kaniyang tenga dahil sa sampal na ‘yon.

“Ang lakas ng loob mong humindi! Eh, kayo ng magaling mong ina ang dahilan kung kaya’t baon tayo sa utang ngayon!” galit na sigaw ni Baron, ang kaniyang ama.

Unti-unting tumulo ang luha sa kaniyang mga mata, hindi dahil sa sakit ng sampal na natanggap niya kundi dahil sa kung paano siya tratuhin ng sarili niyang ama.

“Pakakasalan mo si William, sa ayaw at sa gusto mo! Bayad ka na, Fatima, kaya huwag mo akong ipapahiya kung ayaw mong malintikan talaga sa akin!”

“D-dad, hindi ko po talaga kaya…” umiiyak niyang tugon. “Halos kaedad niyo na po ang lalaking ‘yon… ang tanda na niya po…” dagdag pa niya.

“Eh, ano kung matanda na siya? Mapera siya at inalis niya ang mga problema sa ating kompanya! Imbes na magreklamo ka dapat nga ay magpasalamat ka dahil isang mayamang negosyante ang mapapang-asawa mo!”

Napakuyom ng kamao si Fatima. Talagang bulag na ang kaniyang ama sa pera, ni hindi na nito naisip ang kapakanan niya.

“Umalis ka na, dahil ayokong ng makarinig pa ng reklamo galing sa ‘yo!”

Hindi na nagdalawang isip pa si Fatima at dali-dali na siyang tumalikod at naglakad palabas sa library room ng kaniyang ama. Pagkalabas niya ay naabutan niya ang kaniyang madrasta at half-sister sa pintuan na mukhang nakikinig sa pinag-uusapan nilang mag-ama.

“Don’t ever try to run away, Fatima, dahil kapag ginawa mo ‘yon ay tiyak na ipapahukay ko sa libingan ang labi ng Mommy mo at ipapatapon ko sa kung saan.’ pagbanta ni Lorena, ang kaniyang step-mother.

“Aww, you had no choice na talaga, Fatima. Paano ba ‘yan? Congrats na kaagad sa darating mong wedding sa s!” pang-aasar pa ni Danica, ang kaniyang half-sister.

Isang ngisi pa ang sumilay sa labi ni Danica bago tuluyang pumasok ng silid ang dalawa. Naiwan si Fatima na tuloy-tuloy lamang ang pag-agos ng kaniyang luha. Mabilis niyang nilisan ang lugar na ‘yon dahil ayaw na niyang makarinig pa ng masasakit na salita.

“Calm down na, Dad. Sigurado naman ako na hindi tatakas si Danica, takot niya lang na mawala ang buto ng Mommy niya.” sambit ni Danica.

“Talagang hindi dapat siya tumakas, dahil pag nagkataon tiyak tayong masisira lalo na at isang William Samaniego ang kausap ko.” tugon ni Baron.

“Honey, we will do everything para matuloy ang kasal. Milyon ang halagang nakasalalay kaya kami na ni Danica ang bahala sa kaniya.” wika ni Lorena.

Makikita ang pagngiti ng tatlo na animo’y may namumuo na silang plano sa kanilang isipan. Habang si Fatima ay umiiyak sa kaniyang silid, nakahiga at hawak ang litrato nila ng kaniyang ina.

Anim na taon na simula nang mamatay ito, ngayon na bente-tres na siya ay wala pa rin direksyon ang buhay niya. She wanted to become a fashion designer like her mother but her life ended like Cinderella. Lahat ay ibinawal sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang madrasta.

“Always stay at home.”

“Always follow us.”

“Sampid ka na lang sa bahay na ‘to!”

“Utang mo sa ‘kin ang buhay mo kaya huwag kang magreklamo!”

Ilan lamang ‘yan sa mga paulit-ulit niyang naririnig na salita mula sa sarili niyang ama, at ngayon ay balak siya nitong ipakasal sa isang matandang mayaman para lang makaahon muli ang kanilang kompanya.

“I guess nabuhay lang ako para sa kagutsuhan ng iba. How I wish you still alive, Mom, kasi natitiyak kong hindi mo ako hahayaan na masaktan at mahirapan tulad ng nangyayari sa buhay ko ngayon.” naluluha niyang sambit bago tuluyang bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata, hanggang siya ay makatulog.

Nagising na lamang siya nang may bigla malakas na katok mula sa kaniyang pintuan. Pupungay-pungay pa ang kaniyang mga mata, bago tumayo at binuksan ang pinto.

Napakunot siya ng noo nang makita ang isang lalaki na may malaking pangangatawan.

“S-Sino ka?” kinakabahan niyang tanong.

Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng lalaki.

“Ikaw na siguro si Fatima?”

“B-Bakit? Sino ka ba? Anong kailangan mo?”

“Ako wala, pero ang Boss ko meron.”

Mabilis na kumilos ang lalaki, huli na bago niya pa maisarado ang pintuan. Kaagad siyang hinawakan nito sa magkabilaang braso.

“Bitawan mo ‘ko! Dad! Tulong!” sigaw niya kahit hindi naman siya sigurado kung tutulungan ba siya nito.

Mas malakas ang lalaki kumpara sa kaniya, kaya walang kahirap-hirap siya nitong naibaba mula sa ikalawang palapag. Nakita niya ang Daddy niya, si Lorena, at Danica na nakaupo, may takip ang mga bibig at nakatali ang mga kamay at paa.

“D-Dad…” mahina niyang sambit at saka siya tumingin kay Danica na kasalukuyang nahihirapan at umiiyak.

“Oh, paano ba ‘yan? Nakuha ko na ang kailangan namin, kaya iiwan na namin kayo, kayo na rin ang bahalang magtanggal ng tali sa mga kamay niyo.” saad ng lalaki at nagtawanan ang mga iba pa nitong mga kasama.

May dalawang lalaki ang lumapit sa kaniya at tinalian ang kaniyang mga kamay.

“Dad! No! Ayokong sumama!” malakas niyang sigaw.

Nakita niya ang pagpupumiglas ng Daddy niya na tila ba tutol din sa pagkuha sa kaniya. Sa sandaling ‘yon ay naramdaman niya ang pag-aalala ng kaniyang ama. Tinanggal naman ng isang lalaki ang takip sa bibig ng kaniyang ama.

“H-Huwag niyong sasaktan ang anak ko, parang awa niyo na…” sambit ng kaniyang ama.

“Hindi naman namin siya sasaktan. Naninigurado lang kasi si Boss na ligtas at buong-buo niyang makukuha ang anak mo.”

“P-Pero pumayag na ako sa kasunduan. Hindi ba niya kayang maghintay? Hindi pa kami maayos na nakakapag-usap ng anak ko.” sabay tumitig ito sa kaniya.

At that time ay nakikita niya sa mga mata ng Daddy niya ang pagsusumamo. Once again, she felt that her Dad wanted to protect her. 

“Hindi alam ni Daddy na kukunin ako, at ayaw niya rin akong ibigay.” wika ni Fatima sa kaniyang isipan habang natulo ang luha sa kaniyang mga mata.

“Hindi mo yata lubos na kilala si Boss at gusto mo siyang paghintayin.” sambig ng lalaki. “Patulugin na ang babaeng ito para wala tayong maging problema.” dagdag pa nito. 

May lalaking palapit muli sa kaniya at may dala na itong panyong puti. 

“N-No! Please, maawa po kayo!” umiiyak niyang sigaw.

Tinakpan ng lalaki ang kaniyang ilong at naamoy niya ang isang pabango na siyang unti-unting nakapagpahilo at palabo ng kaniyang mga mata. Kitang-kita niya pa kung paano magwala ang kaniyang Daddy, habang umiiyak si Lorena at Danica.

Isa lang ang tumatak sa isip niya nang mga sandaling iyon… 

“They didn't want me to be taken away by these men.” huling wika ni Fatima sa kaniyang isipan bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Sa sandaling mawalan ng malay si Fatima ay siya namang pagkilos ng nga lalaki upang tanggalan ng tali at takip sa bibig sila Baron, Lorena, at Danica. 

“Ang sakit na ng kamay ko! Napakatagal niyong patulugin ang bobita na ‘yan!” reklamo pa ni Danica. 

“Ngayon, ay dalhin niyo na si Fatima kay William. Ayoko na ng sakit sa ulo, at siya na ang bahalang magkulong sa kaniya.” saad naman ni Baron. “Pakisabi na rin ay salamat sa dagdag na dalawang milyon.” nakangiti pa nitong sambit saka sinulyapan ng tingin ang walang malay na si Fatima.

“I saw in her eyes that she really believed that we didn't know what really happened.” sambit naman ni Lorena. “Poor Fatima, napakadaling pagkaisahan gaya ng Mommy niya.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status