Share

INSIDE THE LION'S DEN

GN/oct2/#1

FREY

SA dinami-dami ng beach house sa Villasin, pinakamalapit sa shelter ang bahay na tinatahak ng kotse ni Dark ngayon. May sariling pribadong daan papasok na lihis sa national road.

Hiwalay pa rin sa mundo ng mahihirap, nasa mataas na elevation kasi ito at isa sa magandang tanawin kapag nasa isla ako.

Nasa 500 square meters siguro bago bumukas sa unahan ang gate ng white house. Napapalibutan ng puno ang malawak na solar at may mga parte na hindi matatanaw mula sa labas.

May rooptop na pinaliligiran paikot ng mga lampas bewang na salamin na sigurado akong matatanaw ang dagat mula roon.

Paraiso ito ng mga taong katulad ko pero para kay Dark, baka pahingahan lang kapag kasama ang babaing natitipuhan niya.

O mga babae.

"Minana ko itong bahay sa lola ko. Wala pang ibang babae ang nakatapak dito maliban sa pamilya ko. Huwag kang mag isip na may manggugulo sa 'yo dito kung dito ka na maglalagi sa mga araw na magkasama tayo."

"Sinasabi mo bang...hindi na ako puedeng umuwi sa s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status