Humalakhak si Maxi sa sagot ko. "'Attagirl!" Niyakap ako. "Bestfriend na kita! Payag ka?" Nakatitig na naman siya sa akin kaya hindi ako makapag isip agad.Kinapa ko ang loob ko at nagpakatotoo ako nang sumagot:"Ikaw ang una kong kaibigan dito sa Villasin, Maxi.""Deym, so pathetic." Bulalas niya pero kinikilig. Binangga niya ako ng balakang sa hips ko. "Ito na ang unang araw ng official friendship natin pagagandahin kita, bff." Dinampot niya ang bag, lumipat sa pulso ko ang kamay na nakahawak sa pisngi ko na para bang tatakas ako kung bibitiwan niya ako at may hinanap sa loob niyon. Nang makita, hinila ako palapit at hinawakan ang pisngi ko sa pagitan ng isang kamay.Sa kabilang kamay, may eyeliner na galing sa loob ng bag at deretsong inilalapit sa mata ko."Ano ba yan?""Maglalaway sila sa 'yo, baby girl. Gawin nating dramatic ang eyeliner style sa mata mo." Nagtangka akong umatras pero pinisil niya ako. "Huwag kang malikot, scaredy cat."Scaredy cat.Nanigas ako sa sinabi
Dalawa sa mga guapong lalaki na ngayon ko lang nakita ang nagtangka na lapitan ako. Yong isa malakas ang loob na umupo sa tabi ko at nagtanong kung may date ako. Sinadya nitong dumikit sa akin, lantarang sininghot ang bango ng collar ng jacket ko, huminto ang labi halos isang pulgada sa pisngi ko na kinabahan ako na agad inawat ni Maxi."Trevor, please," si Maxi na umangat ang kilay sa ginawa ng lalaki. Mukha rin itong mayaman, naka two-piece business suit, Patek ang wristwatch at may malapad na whitegold ring sa hintuturo, 10mm.Mukhang nagkamali ako. Ang Red Paradise ay lugar para sa lahat, higit sa mga taong inaakala kong natatakot sa karahasan.Pero umatras ang isang yon sa isang senyas lang ni Maxi at sa halip, nagtaas ng wine glass sa akin para sa tahimik na pagbati habang naglalakad palayo patungo sa kabilang mesa.Nangangako ng magagandang bagay ang ngiti nito.Pero sorry, hindi available kahit dulo ng kuko ko.Gusto ko nang magduda tungkol sa pagkatao ni Maxi dahil sa
Tama na. Pero kahit boses ko pinagtaksilan na yata ako. Sa halip, kinagat ko nang mariin ang labi ko na halos dumugo iyon habang nakatitig pa rin kay Dark. Nasa mga mata ko ang matinding takot para sa kaligtasan niya pero hindi ako makagalaw. Sanay sapat na yon para malaman niyang ayoko siyang makitang nasasaktan kaya tumigil na siya. Sa puntong yon, sa likod niya, nakita ko si Logan na tumatakbo palapit sa dance floor. Nakita agad niya ako, hinahawi gamit ang malalakas na suntok ang sino mang bumabangon sa mga lalaking pinatumba ni Dark mula sa pagkakabagsak para hindi kami malapitan. Nagpapakawala ito ng atake na higit na mapanganib sa lahat ng nakita kong nagawa nito noong mga bata pa kami kapag binu-bully ako sa school dahil wala akong kapatid o kaibigan. Ang sandaling pagsulyap ko kay Logan, sinamantala ni Dark para tumayo. Hindi ko nahulaan ang susunod niyang gagawin; kasabay niyon, namatay ang tugtog at nabuhay lahat ng ilaw. Palatantaang nakarating na sa control ng organiz
"Ganon na rin yon," singhal niya, biglang nagngingit nang maalala yon. "Hindi mo kasalanan kahit wala ka nang saplot sa katawan. Gago ang mga lalaking gagawa noon. Pero nasa loob ka ng club at nagwawala sa dancefloor na madilim! Ano ba ang inaasahan mo? Responsibilidad mo ang sarili mo at sana nahulaan mo man lang ang mga consequences! Walang pinagkaiba sa nagbabagang apoy sa harap mo pero bakit lumapit ka pa!""Yon ka mismo, hindi mo ba alam?""Ano ang ibig mong sabihin diyan?""Tapos na tayo, ano pa ang ginagawa mo dito? Bakit narito ka sa lugar na hindi mo mundo?""Ikaw..." kumumpas sa hangin ang mga kamay niya. Unti-unti, dumaan ang pagsuko sa mga mata niya. Bumagsak ang mga balikat habang nakatitig sa akin. "....alam kong hindi na dapat. Pero hindi kita kayang pakawalan. This feeling so strong," dinuro niya ang tapat ng puso. "...paano ko ba ito titigilan?"Niyakap ko ang sarili ko sa loob ng jacket. Hindi ko rin kayang karguhin ang nakakapasong titig niya sa akin. Up and down t
"Kung nabasa mo ang text, bakit sumunod ka pa rin sa Red Paradise?"Humigpit ang mga kamay niya sa manibela. Tinitigan ako. "Hindi issue dito ang virginity mo. At wala rin akong pakialam kung may karelasyon ka bago tayo nag usap tungkol sa kasunduan. Ang ikinagalit ko ay nabasa ko yon matapos mong sabihing ako ang unang lalaki sa buhay mo. Lumalabas na nagsinungaling ka sa akin at parang pinaglalaruan mo ako." May sumilip na galit sa mata niya. Mabangis ang paghinga niya. "Ayokong may ibang lalaki sa buhay mo, nilinaw ko na yan, dati pa.""Ngayong alam mo na ang totoo, ano ang balak mo?""Gusto kong ituloy ang kontrata." Sinabi niya yon nang hindi kumukurap. At parang higit pa roon ang pag asang nasa mata niya. Para siyang Dios na nagmamakaawa sa alipin kung paano ako titigan. Na para bang walang ibang mahalagang bagay sa mundo na hihigit pa sa pagkagusto niya sa akin.Naggagalawan ang mga muscles niya sa mukha at buong katawan sa sobrang tensyon habang naghihintay sa sagot ko.Ki
Kusang tumugon ang bibig ko na para bang lagi ko yong pinanabikan, itinatanggi ko lang noong mga unang araw. Nang bumaba sa leeg ko ang dalawa niyang kamay, kumapit ako sa mga braso niya at kusang lumiyad ang katawan ko, humihiling ng mas matinding koneksyon na mas maalab pa roon. Nangatal ako sa matinding pangangailangan nang maglakbay sa loob ng bibig ko ang dila nila, binabaliw ako. Tuloy, hindi ko napigilan na tumakas ang isang mababang ungol mula sa loob ko na nagbigay sa kanya ng hudyat na magpatuloy. Naging mas pangahas ang mga kamay niya at inatake ang jacket na suot ko gamit ang dalawang kamay habang hinahalikan ako.Dahil sa pakiramdam na nasa pribado na kaming lugar, pinakawalan ko ang lahat ng inhibisyon ko. Sumama ako nang kusa na parang bata nang buhatin niya ako pasalampak sa kandungan niya habang brutal na hinahalikan namin ang isat isa. Pumagitna kami sa sentro ng unahan ng sasakyan para pahero kaming makagalaw.Nagawa na agad niyang ihagis ang suot kong ja
FREY"NAKU, sayang, gusto ko pa naman sanang maranasan na matulog ng gutom pero busog sa sex."Siempre, nagbibiro lang ako. Masyadong mahaba ang araw na ito at totoong nakakapagod. Higit sa lahat, alam kong nang mga huling laban ni Dark, minsan ay tinatamaan na din siya dahil sabay sabay ang umaatake sa kanya.Wala sa mukha pero mayroon sigurado sa katawan.Itinatago ng adrenaline rush ang pinsala pansamantala, pero bukas ng umaga, malalaman niya na baka higit sa akala niya ang nangyari sa kanya.Alam ko ang pakiramdam na yon dahil may ilang panahon na grabe ang dinanas namin ng nanay ko sa kamay ni Ray.Isa pa natutuwa ako kay Dark. Pakiramdam ko, hindi man totoong nawala ang lahat ng hindi nakikitang pader sa pagitan naming dalawa, nabawasan naman kahit paano.Sapat na yong kahit nakabasa siya ng pangit na text galing kay Logan ay hindi nawala ang pagkagusto niya sa akin kahit na hindi yon totoo.Pakiramdam ko ay mahalaga ako.Bilang kapalit, ipapakita ko rin ang soft sides ko sa
Naglalakad pa lang si Dark palapit sa pagkakaupo ko sa paanan ng kama, nagsimula na akong umatras para hindi niya ako mahawakan agad.Dahil gamit ko ang dalawang siko ko, nakatihaya akong tumakas papunta sana sa gitna ng kama pero nahuli niya ang isang paa ko at naging sensitibo na agad ang lahat ng pandama ko.Tumakas ang singhap ko nang lumapat ang kanan niyang kamay sa ilalim ng kaliwang paa ko. Mapag angking hinila ang bahagi kong iyon pabalik sa paanan ng kama at walang pag aatubiling isinubo ang hinlalaki ko na napa igtad ako agad."Huwag!" Sigaw ko, tumututol sa isiping marumi ang kuko ko sa paa kahit pa bagong pedicure iyon kaninang umaga.Hindi siya naapektuhan ng pagtanggi ko, sa halip, isinubo niya nang sagad iyon at nag urong-sulong sa loob ng bibig niya habang nakatitig siya sa mga mata ko. Nanlaki lalo ang mga mata ko sa isang mapusok na demonstrasyon, kung paano niya aangkinin ang pagkababae ko...mamaya. Humalo sa hangin ang bangis ng kombinasyon ng pagnanasa at
FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong
FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang
FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b
FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa