Share

PLAYING THE GAME

FREY

"NAKU, sayang, gusto ko pa naman sanang maranasan na matulog ng gutom pero busog sa sex."

Siempre, nagbibiro lang ako. Masyadong mahaba ang araw na ito at totoong nakakapagod. Higit sa lahat, alam kong nang mga huling laban ni Dark, minsan ay tinatamaan na din siya dahil sabay sabay ang umaatake sa kanya.

Wala sa mukha pero mayroon sigurado sa katawan.

Itinatago ng adrenaline rush ang pinsala pansamantala, pero bukas ng umaga, malalaman niya na baka higit sa akala niya ang nangyari sa kanya.

Alam ko ang pakiramdam na yon dahil may ilang panahon na grabe ang dinanas namin ng nanay ko sa kamay ni Ray.

Isa pa natutuwa ako kay Dark. Pakiramdam ko, hindi man totoong nawala ang lahat ng hindi nakikitang pader sa pagitan naming dalawa, nabawasan naman kahit paano.

Sapat na yong kahit nakabasa siya ng pangit na text galing kay Logan ay hindi nawala ang pagkagusto niya sa akin kahit na hindi yon totoo.

Pakiramdam ko ay mahalaga ako.

Bilang kapalit, ipapakita ko rin ang soft sides ko sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status