Share

THE SICK BUTTERFLY

Tumayo ako at kinalas ang suot kong halter. Bumagsak iyon sa bewang ko na humangga sa ruffles. Nalantad ang suot kong itim na bra na pareho ang istilo sa ilalim ng bestida. Ang tanawing yon, nagpalunok kay Dark, malalim at sunod-sunod. Sobrang makasalanan ang gutom niya. Tuloy, dalawang kamay kong hinila ang dress hanggang sa tuluyang bumagsak sa paanan ko na mabilis kong pinulot at ipinatong sa lounge. "Naisip kong mas masaya ang ating laro kung hindi kita hahayaang maligo mag isa."

Bumaon sa balakang ko ang mga daliri niya. At dahil balat sa balat ang pakiramdam na yon, mas nabuhay ang excitement sa aking dugo. "Huwag na, nakaligo ka na. Baka lamigin ka."

Hinatak ko siya sa kamay papunta sa pool. "Huwag mo akong hayaang lamigin sa tubig kung ganon."

Hindi siya makapaniwalang sumunod sa akin, hindi ko hinayaang makawala siya sa kamay ko hanggang magawa kong lumusong sa kiddie pool na hanggang bewang lang tubig at patihaya akong bumagsak, para mabasa ang buo kong katawan.

Sumigi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status