Share

HAUNTED

Palaging mainit at mapula ang balat ko kaya dinama ko ang labi ko. Medyo nangangapal na ito dahil sa dami ng mapupusok na halik na tinanggap mula kay Dark at sa mga ungol na kumawala kapag pinaliligaya niya ako.

Pero naiiwan ang pakiramdam na parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Bakit umabot ako sa ganito?

Kung hindi ko nakilala si Dark at ikokonsidera ang sinabi ni Anna na duwag ako:

Kaya nga ko bang maghiganti kay Ray nang walang ginamit na ibang tao?

Maraming mamamatay tao na kumuha lang ang bakal o bato at hinampas na lang sa ulo ang taong kinasusuklaman nila.

Magagawa ko nga ba yon kay Ray?

"Ano ang iniisip mo?" Si Dark ang lumalapit sa likod ko, nakasuot rin ng puting roba at gaya ko wala ng saplot sa loob niyon. Siya ang naghanda ng warm bath sa tub sa loob ng bathroom na nasa loob ng silid ko.

Umaagos sa hangin ang mabangong halimuyak ng scented oils na nagpapabilis ng tibok ng puso ko ngayong malapit na naman siya sa akin. Magaang na bumaon sa mga balikat ko ang dalawa ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status