Share

IN DENIAL

DARK POV:

Mukhang hindi lang ako ang naghahanda ng isang regalo sa hinaharap para kay Frey. At dahil seryoso ako sa kanya, kahit gaano kaliit na posibilidad kinakagat ko na.

Pero mukhang mas malala pa ito sa inaasahan ko.

Kung ang nakabili ng dating bahay at lupa nina Frey noon ay walang iba kundi si Logan, siguradong may personal iyong dahilan na konektado kay Frey.

Saan ang lugar ko sa buhay niya kung wala ako sa mga pagpilpilian niya sa hinaharap pagkatapos ng pitong araw?

******

FREY POV:

"FREY, gumising ka, anak."

Mabigat ang mata ko at nahihirapan akong huminga na gaya ng nilalagnat pero matagal ko nang hindi naririnig ang boses ni Mama kaya sapilitan akong nagmulat ng mga mata.

Kumakabog ang puso ko nang bumangon ako at inilibot ang paningin ko sa pamilyar na silid kung saan alam kong lagi kong kasama dito si Dark.

Natiyak kong isang panaginip lang o bunga ng isip ang tinig ng mama ko dahil pamilyar din sa akin ang lahat ng gamit sa bahay.

Sa paanan ng kama, nakita ko si Dar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status