Share

WET AND WILD

Sa ibabaw ng mesa sa gawing paanan ng kama, may umuusok na kape na dala ng maid na si Tinay na kaagad umalis para maiwan kami ni Dark.

Wala pang ligo o hilamos, toothbrush pa lang.

"Anong meron diyan?" Jewelry designer ako sa isla at bestsellers ang 80% ng ideya ko pero hindi ako maka-relate kung ano ang espesyal sa dingding na bato. Napapapalibutan ng mamahaling kahoy ang higanteng marble wall na medyo magaspang.

Malapit sa kulay ng lupa at may outline ng lifesize na babae, na walang desenyo at kabuhay-buhay.

"Stone art talaga ito, pero dahil sa sobrang halaga sa akin, walang materials na pasado sa panlasa ko para mabuo na gaya ng nasa plano ko."

"Magkape kaya tayo para gumana ang thinking bulb natin."

"Sige." Kumapit siya sa bewang ko at magkasunod kaming naupo sa pabilog na mesa, glass topped, at mahogany din ang base.

Nakatitig pa rin siya sa pader at malapit na akong magselos.

Binangungot ba siya habang yakap ako at yon ang gamot nang magising siya?

"Bagay yang Taksiapo Wall,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status