Kumawala ako, nasasaktan."Grabe," iling ko, nakatungo. "palaging awa ang nakukuha ko sa ibang tao. Kaya tigilan mo na ang pambobola sa akin. Wala itong mararating kundi sa kama mo at wala akong maibibigay sa 'yo kundi orgasms."Hindi na siya nakipagtalo."Aabutin ng 2 araw o higit ang intricate design and paintings sa pader," yon na naman ang topic namin. "Iniisip ko kung okay lang ba na pagkatapos no'n saka tayo umuwi sa beach house."Halos na tapos na ang kontrata kung ganon. Bakit di pa niya sabihing hindi na kami babalik o makakabalik sa bahay?"Okay lang sa akin. Kaya kong matulog kahit sa tagilid na lupa o sa gilid ng bangin," nagkibit-balikat ako. Naranasan ko pa ngang sa itaas ng sanga ng puno matulog sa takot sa stepdad ko. "Alam mo ba kaya hindi ka dapat magkagusto sa taong gaya ko sakaling may makilala ka kapag wala na ako? Kasi kaya ka naming samahan ka sa pinakamadilim mong sandali pero kaya rin naming sirain ang buhay mo at lahat ng mahalaga sa 'yo. Pinakanakakatako
At patutunayan ko sa kanya na puede akong ikumpara sa babae sa pader.Pero mga kamay ni Dark ang pumigil sa mga balikat ko bago ko pa ipagpatuloy ang ginagawa ako. Ngayon ay malapit na sa nipple niya ang bibig ko.Ang isang kamay ko, pinaiikutan ang labas ng pusod niya, gusto kong tuksuhin bawat pulgada ng mainit at katakam-takam niyang katawan habang nasa harapan na ng pantalon niya ang isa ko pang kamay, binubuksan ko na ang belt niya. "Stop it, Frey," dumiin sa laman ko ang mga daliri niya nang maramdaman niyang magpupumilit ako. "May problema ba tayo? Galit ka ba sa akin? Ano ba ang nangyayari sa yo?"Kinagat ko ang labi ko na halos dumugo, nanlilisik ang mata ko nang salubungin ang titig niya.Ano ba ang nangyayari sa akin?Simple lang. Iniisip kong dalhin siya sa bingit ng orgasm. Bibigyan ko siya ng blow jobs na ikababaliw niya. At kapag malapit na siya, iiwanan ko siya sa ere at sisiguruhin kong uulitin-ulitin ko ang proseso hanggang sa makita kong mawalan na siya ng kontr
FREY (continuation)------------------Sky's falling soft to the silence renewedI erased all the tops from the tall city viewI'm in the flesh of the hungering fewI'm on the call trying to get back to youIs the choice in my hands?The suicide or the slaughtered lamb?When it's so full of tricksI'll be toasting the gold lights of lifeThe trail is cold and hardThe course of the light of the childOh, the slow messengerI'm in charge of the coal and the fireHabang nalalapit matapos ang instrumental music sa dulo ng kanta, nagmulat ako ng mata at napa angat ako sa upuan nang mag locked ang paningin ko sa convenience store na madadaanan namin may 100 metro ang layo sa unahan.Bigla kong naisip na parang gusto ko nga ng ice cream dahil sa sinabi ni Dark.Sana'y ngayon na dahil naiisip ko ang lasa niyon habang binabasa ko ng dila ang mga labi ko. Lalo na kung may nuts, cashew bits o almonds. O coffee crumble na singtapang ng kape.Halos literal akong naglaway na parang bata.Si Da
"Naku, oo naman. Hindi ako makakatanggi sa pinakamagandang babae na nakilala ko. Anytime." Nasa mata niya ang paghanga sa akin at medyo kinikiliting ngiti na tila may iniisip na kakaiba sa pagitan namin ni Dark.May iniisip rin si Dark, naglalaro ang daliri sa labi. "Ah, Becky, puede ba kitang makausap sandali?""Sir?""Tungkol sa resthouse, may ilan lang akong sasabihin." Gusto ko na namang maging intresado sa mga bagay na may kaugnayan kay Dark, pero nakita ko sa isip ko ang hitsura ko kanina kaya bigla na lang akong inalok ni Dark ni ice cream.Yong ako na nababaliw.Bounderies, Frey. Bounderies.Detach."Babayaran ko muna ito sa counter," hinawakan ko si Dark sa siko. Nagulat ako nang hulihin niya ako sa pulso at kinabig ako palapit.Hinagkan niya ako sa noo kahit nasa harap kami ni Becky."Sandali lang ito. Huwag kang magtatanan kasama ang iba," biro niya, humihingi ng pang unawa ang mga mata.Tuloy nag init ang mukha ko.Si Becky, natutop ang bibig. Tuwang tuwa. Pero iniwan ko
Dinilaan ko ang labi ko at isinubo ko siya, mabagal dahil halos hindi kasya sa loob ng bibig ko. Maingat kong binabasa habang erotikong nag-urong-sulong sa dulo niyon hanggang sa maisagad ko ang mahabang ugat sa maabot nang kaya ko. Na halos nasa dulo lang ng buong sukat ng pagkalalaki niya.Naramdaman kong nanigas, nagtatagis ang kanyang mga ngipin sa napakasarap na paghihirap, at halos hindi humihinga.Tuloy mas naging agresibo ako at pinagbuti ko ang pagsipsip sa korona, hinihikayat para madilaan ko ang pre-cum niya. Naging siksik siya at lalo pang lumalaki sa loob ng bibig ko habang pumipintig siya sa loob ng malambot kong kamay."Christ!" Binagalan niya ang bilis ng kotse. Dumapo sa balikat ko ang isang kamay na parang hindi niya alam kong aawatin ako o hindi.It's my turn, lover boy.Nagsimula akong bumayo sa tulong ng isa kong kamay, habang ang isa ay nakakapit sa isang tuhod niya para sa mas matatag na posisyon.Ginatasan ko siya sa sumunod na mga sandali. Masinsin kong
Pinisil niya ang kamay ko. "Kung buhay ang mama mo at kasama ka pa niya ngayon, sigurado ako na mas magiging masaya siya kung makikita mo lang ang napakaraming magagandang bagay na nasa harap mo na mismo, Frey. Isa na ako..." tinangka niya akong hawakan sa pisngi pero tinabig ko siya.Fuck that."Tumigil ka," itinulak ko siya nang malakas palayo sa akin. Hindi niya ako maloloko. Puede nga na napakahalaga ko sa kanya pero hanggang kailan? Isang linggo? Isang buwan? O baka naman kapag may problema na at hindi na niya kayang i-handle ang pangit na sitwasyon, itatapon na lang niya ako o papalitan? Hindi ko kakalimutan ang lugar ko sa buhay niya----masarap na parausan. Posibleng bobo ako pero hindi ako tanga. "Iisipin kong hindi mo sinabi yan," galit kong isinara ang takip ng ice cream at ibinagsak sa pagitan namin. Tumalsik ang namuong tubig na natunaw sa labas ng lalagyan. " Umalis na tayo dito. Ayoko nang makipag usap sayo." Hindi ako sumisigaw pero nangangatal ako sa galit.Naratin
FREY POV: Sandali siyang napatungo, nakatitig sa akin pero hindi na nagsalita. Nararamdaman ko ang init ng pagkayamot niya sa loob ng maiksing sandali kahit hindi ko siya direktang tinitingnan. At wala akong pakialam. Normal yon. Sinong lalaki ang hindi magagalit sa babaing katulad ko? Pero sa pagitan ng pagiging totoo sa sarili at sa pagtatago ng nararamdaman, palagi kong inuuna ang sarili ko at handa rin akong lagi sa mga consequences ng ginagawa ko. Wala akong maskara gaya ng ibang tao. Kung babawiin nga niya ang pera na katumbas ng mga araw na hindi na niya ako mapapakinabangan sa kama niya dahil kailangan na naming itigil ito o sasabihing niyang breach of contract ang mga inaasal ko dahil wala naman akong binasa at naintindihan sa two pages na kontrata--aalis agad ako ora mismo nang walang panghihinayang. Ang pagiging brutal ko at ugaling wala sa lugar at mahirap intindihin ay ipinakita ko na agad sa kanya sa unang araw mismo na nagkaharap kaming dalawa sa loob ng opisina
FREY POV: Hindi rin naman Siya nakikinig na tapusin na lang ang paghihirap ko at napakaduwag ko rin na kitlin ang sarili kong buhay. Lumalabas na sa kabila ng pagiging rebelde ko, may takot pa rin ako sa Kanya. Kaya lamang, matagal na akong hindi nananalangin o kahit pumasyal sa chapels. Hindi ko kaya. Buong-buo kong tinanggap na sa buong mundo, nag iisa na lang talaga ako. Nakakaawa ba yon? O miserable? Puedeng para sa iba, oo. Pero sa akin gaya nang nakasanayan ko na, malaking advantage yon. Dahil walang leverage ang iba para takutin ako o pagbantaan dahil wala ring akong ibang tao na pinahahalagahan. Kaya siguro hinahabol-habol ko ang bagay na trabaho sa gaya ko: maging hired killer. Perpekto yon. Mailalabas ko na ang galit ko sa gaya ni Ray, kikita pa ako ng malaking pera gaya ng mga Assassin Dolls ni Anna. Pero yon nga, ligwak. Hindi raw ako papasa. Kaya rin siguro pinagbubuti ko ang maging living sex doll ni Dark. Walang itatapon sa performance ko sa kama lalo n
FREY POV: Walang palantandaan na matatanggap ako ng nanay niya. Pero hindi na yon mahalaga. Tinuruan ko na rin ang sarili ko na huwag maapektuhan, araw-arawin man nila ang magpa-presscon sa TV kung sino ang nararapat na babae sa anak niya. Dahil alam na alam ko ang totoo: Ako yon at wala nang iba. Siguro, nalaman din nila na ako ang tipong hindi basta puedeng tapakan at may tapang din naman dahil nagawa kong ituloy ang shop kahit na para sa marami ay malas. Marami kasing dugo ang bumuhos doon. Pero naging inspirasyon ko uli ang tapang ni Anna. Kung kaya nitong matulog sa katabi ang bangkay, kaya ko ring harapin ang mga pagsubok sa buhay ko sa sarili kong paraan. Magiging matapang ako para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Dark. Kailan lang, nakaharap ko rin ng personal si Roxanne sa loob ng shop ko, pero siya rin ang nagpatunay sa akin na walang namamagitan sa kanila ni Dark dahil sa nakita kong matinding selos niya sa akin sa puntong gusto na akong saktan, pero sa huli, umali
FREY POV:Pagkagaling sa isla, kusa akong nagpunta sa police station para magbigay ng statement sa nangyari kay Ray.Pero bago pa ako makarating sa opisina, sinabulong na ako ng Senior Detective na may hawak ng kaso sa hallway pa lang at iginiya ako palabas ng building.“Closed case na ang kaso, ma’am.” Matangkad, nasa late 50’s at mabait ang mga mata ng lalaking tinitingala ko. “Inayos na lahat ng boyfriend mo. At may naiwan pa pala siyang sobrang sukli kasi nagpa-merienda siya sa buong team.” Iniabot niya sa akin ang puting sobre na nakasarado. “Pakibigay na lang po, Ma’am. At pakisabi na maraming salamat.”“Okay. Makakarating.”Kaya ko nang hulaan ang nangyari. Mahusay talagang negosyante si Dark, wala na akong masasabi.Pina-plantsa niya ang lahat ng gusot para wala na akong ibang alalahanin pa.Dumeretso ako sa shop, at inabutan ko doon ang isang cleaning team na ipinadala ni Dark.At may bago na naman akong tauhan galing sa isla:Sina Astrid, Nandi at bagong platero, si Regan.
FREY POV: IPINAGLABAN ko rin noon ang tahimik na lamay ng nanay ko sa buong linggo hindi lang noong unang araw na nagwala ako. Na naging napakahirap. Bawat araw nagwawala ako para walang tao na pumunta at matakasan ang pagpaparinig nila sa akin na wala akong kuwenta. Pero pagdating ng kinabukasan, mas marami sila. May mga sasakyan. May mga kaya. Dala nila ang galit sa akin na hindi ko maintindihan.Ako nga raw pala yong babae sa mga larawan.Na wala akong maisagot kundi galit dahil wala akong makitang kasalanan ko kung may mga pictures nga ako na kumakalat kung saan saan. Anong klase ba yon at nagagawa nila akong husgahan at alipustain?Sa huling lamay, dala ng matinding galit, binubusan ko na ng gasolina ang sarili ko at kabaong ng nanay ko, at talagang sisindihan ko mawala na lang kami ng nanay ko nang magkasama. Kung hindi kay Logan na bigla akong niyakap habang hawak ko na ang posporo, sigurado akong noon pa lang patay na ako.Napakasama sa akin ng mundo pero nang makilala ko s
FREY POV: NAGISING ako sa aroma ng mabangong niluluto ni Dark mula sa kitchen kinabukasan. Kaya kahit masakit ang ulo ko at gusto ko pang matulog, bumangon ako at sinundan ko ang amoy niyon.Nahulaan ko agad ang tinolang manok na itinuturing kong comfort food kapag masama ang pakiramdam ko dahil sa healing properties ng luya para sa inflammation.Alam niyang pagod ako sa kaiiyak kaya natatandaan niya siguro dahil minsan kaming naghanap ng putaheng ito nang sobrang pagod ko sa trabaho.Napakamaalalahanin ni Dark sa napakaraming bagay. Perpektong nobyo para sa akin.“Hindi ka papasok?” Suot na naman niya ang apron na may anime design na nakita ko rin sa beach house dati. Iba lang ang kulay.May jeans pattern ng teady bear at korning bulaklak ng sunflower.Malayo sa kanyang personalidad kaya lagi kong napapansin na parang kakaiba yon para sa kanya.Nilingon niya ako, pinagmasdan akong maglakad palapit sa kanya, puno ng pagmamahal at paghanga. Walang bakas na may kailangan kaming pag u
FREY POV:Sa loob at labas ng shop nagkakaingay ang mga taong dinadaanan namin at may mga nagsisigawan dahil sa takot. At sa malabo kong isip, nadaanan ng mga mata ko ang nakahandusay na mga bangkay sa loob at labas ng tindahan.Nasa sampung katawan. Maraming dugo sa hagdan, at may mga talsik hanggang sa pintuang salamin kung saan kami dadaan.“Huwag kang tumingin,” si Dark na kinabig ako para itago sa loob ng kanyang coat.Hinarang kami ng hepe ng pulis, sa likuran nito ay marami pang pulis at imbestigador.“Magbibigay kami ng statement at tutulong kami sa imbestigasyon,” si Dark na sandaling huminto. “Pero hindi ngayon. Under shocked pa ang girlfriend ko. Hayaan ninyo akong tulungan kayo sa ibang paraan maliban dito.”Naiuwi niya ako nang bahay at saka ko lang nagawang umiyak.Hindi ko makalimutan ang matinding takot ko nang matitigan ko uli ang mga mata ni Ray at ang mga mukha ng mga lalaking wala ng buhay sa loob at labas ng shop ko.At ang mga dugo sa paanan ko galing sa katawan
FREY POV:Hindi.Si Ray at ang lalaking ito ay iisa ng mata at pareho silang tumingin!Nangatal ako buong katawan, hindi na ako humihinga. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Ginusto kong tumakas, alam ng mga paa ko ang daan palabas pero sinalubong niya agad ako sa isang hakbang lang at sinakal ako paatras sa metal rack:“Ah, Frey,” dinukot niya ang baril sa likuran at kalmadong idinampi sa pisngi ko. Ipinaalala sa akin ang amoy ng bakal at nakakapangilong lamig ng pamilyar na armas kapag pinapasok niya ako sa silid ko noon bago mas-masturbate sa harap ko. “Sabihin mo, na-miss mo ba ako?”“R-Ray?”Boses niya ang naririnig ko pero paanong—?Idinikit niya sa botones ng blusa ko ang dulo ng baril, pinakawalan ako. “Maghubad ka, madali!” Umatras siya sa sofa na malayo sa akin at gusto yata uli akong panoorin.FREY POV: Iniwan na ako ng sentido-kumon at hindi na ako nag-iisip. Matigas na ako sa takot dahil nasa loob na ako ng madilim kong isip at kasama kong
FREY POV:DAHIL isinusuka ako ng mga tao sa San Ignacio at marami akong ginawang nakakahiyang bagay sa loob ng isang linggong lamay ng nanay ko, hanggang sa huling araw bago siya ilibing, natuto akong bumasa ng mga matang nakatitig sa akin, body language at kahit bugso ng kanilang mga hininga nang hindi sa kanila tumitingin ng direkta.Isama pa ang panghihiya na nararanasan ko bawat araw na nakikisalamuha ako sa ibang tao mula nang maging bahagi ng buhay namin si Ray at bago ang ikalawang atake sa puso ng nanay ko na kumitil sa buhay nito.Malandi.Baliw.Walang kuwentang babae.Hindi dapat pakasalan.Malas sa magiging asawa.Salot.Isang kahihiyan.Pokpok. At kung ano-ano pa.Ang pakiramdam na yon, bumabalik sa akin ngayong araw na ito.Ang kontratang nakuha ko ay nagkakahalaga ng 5 milyon. At dahil sa 24 karat yellow gold ang metal base at ready made na, ikakabit na lang ang swarovski crystals and precious gems na kayang tapusin ng isla ang total production sa loob lang ng limang
FREY POV: Naglagi ako sa itaas ng shop at hindi na ako nakababa. Nang kumalat ang dilim, hiningi ko kay Ruth ang dalawang bote ng soju niya na nasa ref sa loob mismo ng opisina ko. Alas siete ng gabi, nagchat ako kay Dark na gagabihin ako at huwag na niya akong sunduin dahil totoo rin namang overtime kaming lahat. Pero nagulat ako nang dumating siya sa rooptop at nakita akong umiinom, nagtatago sa mga kasama ko.Basa ako ng luha at namumula na ang mukha ko.Tensyonado siya, bukas ang ilang botones ng dress shirt at mabibilis ang mga hakbang palapit sa akin.“May problema, hindi ba?” Inagaw niya ang alak sa kamay ko na walang kahit anong pulutan.Binawi ko rin yon kaagad, nanginginig, ayoko siyang tingnan, pero mas malakas siya at ayaw niyang bitiwan ang hawak kong bote kung saan direkta akong umiinom."Palagi naman! Kailan ba wala?" Sinigawan ko siya dahil mas naging kawawa ako dahil nahuli niya akong nagmumukmok. Talunan. “Napanood mo yong sa TV news, tama?” Hinaklit niya ang b
FREY POV: KALOKOHAN.Ibinagsak ko ang report na galing sa Security Agency tungkol kay Ray. Wala raw makuhang latest information tungkol sa stepdad ko maliban sa mga personal informations na dati ko nang alam at hindi rin daw nila ito mahanap.O baka naman may taong tumutulong dito para magtago at takpan ang mga bakas nito?Imposible na wala sa report kahit ang naging kaugnayan nito sa Samaniego Corporation at ang naging address nito habang nasa Villasin.Nakaka-insulto yon dahil alam kong hindi nagsisinungaling sa akin si Catherine. Oo, mapaglaro ito, pero matatapatan mo ng pera ang bawat impormasyong pinakakawalan nito sa iba.Sa tingin ko nga, awa na lang para sa akin ang umiral kaya inambunan ako ni Catherine ng tungkol kay Ray.Alam nitong handa kong ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo, makaganti lang ako.Na sa ngayon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Bawat sandaling nagiging maligaya ako sa piling ni Dark, bumibitaw ako sa nakaraan at parang gusto ko nang mangarap ng pa