Share

HIS SECRET GIRL

Naalimpungatan ako ng pasado alas otso na ng gabi at wala pa rin si Dark. Sinilip ko ang kotse niya sa parking lot at natuwa ako nang makita kong naroon na yon. Ang puso ko bumilis ang tibok at nagmamadali akong hanapin siya sa loob ng bahay.

Inuna ko ang sala malapit sa entrada pero wala siya sa sofa. Pinasok ko ang dati kong silid pero wala rin.

At sa silid kung saan ako natutulog, naroon siya sa sofa, nakalatag na parang pagod na pagod. Nakalaylay ang isang binti at hita na parang isang milya ang haba. Ang isang kamay nakapatong sa noo na para bang may malaking problemang iniisip hanggang sa pagtulog.

Ano pa ba ang kulang sa buhay ng isang gaya niya?

Ang hirap talagang espelingin ng mga tao. Palaging may hinahanap.

Mahiwaga at kumplikado.

Gaya ko.

Naakit akong lapitan siya dahil bukas ang dress shirt niya. At natutop ko ang ilong ko dahil umaalingasaw ang amoy ng alak.

Kung ganoon lasing pala ang mahal na hari.

Maingat akong naupo sa tabi niya, nakatitig sa mukhang walang anggulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status