Share

LUST OR LOVE?

"Baka malipasan ka ng gutom, alas tres pa ang huling beses na kumain tayo ng kanin."

Sinusubukan ko lang naman ang pakiramdam kung paano sakyan ang buo niyang katawan at ang pakiramdam na ako ang driver gaya ng ginawa niya sa akin noong unang gabi.

Feminista siguro ako dahil gusto ko ng equal na pagtrato at kapangyarihan sa pagitan ng pagkakaiba ng aming kasarian.

At kung may kailangan ako ngayon, maligamgam na shower sana at hindi pagkain.

Nawala ang lahat ng init nang maalala ko si Logan. Ah, nasaktan ko ang nag iisa kong matalik na kaibigan. Inilista ko sa isip ko na tingnan mamaya ang phone at i-check ang mga messages nito.

Gumulong ako pababa ng kama.

"Kain tayo?" seryoso kong yaya kay Dark.

Bumalikwas siya at hinuli ako sa kamay patayo. Tapos para lang akong dahon na binuhat sa mga bisig niya, kinarga ako palabas ng silid.

Humilig ako sa dibdib niya at komportableng nagbuntong hininga kesa magreklamo.

Dahil alam na alam ko, kahit gaano kaganda ang isang panaginip, magigising
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status