Share

TEASING THE BOSS

"Hindi naman ako nagugutom." Pero natakam ako sa seafoods, tatlong putahe ng karne at naglaway ako sa lemon juice na may maraming yelo sa babasaging pitsel.

Nilagyan niya ako ng table napkin sa kandungan bago naupo sa katapat ko.

Sa halip na kumain kaagad, hinubad ko ang sapatos ko at ipinatong ko ang paa ko sa ibabaw ng sapatos niya, marahang ipinapasok ang hubad kong paa para ikiskis sa bahagi ng binti niya na walang medyas

Anong ginagawa mo?" bulong niya, namumula.

Isinawsaw ko sa sauce ang kutsarita at ipinasok ko sa bibig ko, tinikman iyon ng mabagal at sinipsip ko hanggang dulo. "Naglalaro habang kumakain?" painosente kong sagot.

Ang totoo, natutuwa ako sa kanya at naiisip kong karapat dapat siya sa magandang regalo.

Aminado akong kumplikado akong tao, mainitin ang ulo, moody at pasaway pero galante ako sa materyal na bagay. Higit sa lahat, mahusay akong magbalik ng pabor kung paanong marunong akong tumanggap.

Dumapo sa parteng kuwelyo ng polo niya ang kamay ni Dark at binuksa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status