Share

CRAZY LITTLE GAMES

FREY

Maling tanong sa maling lugar at sa maling tao.

Sinakop na ni Dark ang bibig ko, nakakulong ang buong mukha ko sa loob ng mainit niyang palad. Nakakapaso ang init na sumisingaw sa katawan niya na ipinaalala agad sa akin kung paano niya ako pinaligaya kagabi at pagkatapos ay tinulugan ko lang siya kaya ganito.

Kumawala ako sa kanya, at dahil hindi pa siya handang palayain ako, tuloy hinihila pa rin niya sa pagitan ng mga ngipin ang lower lip ko. Nanatili siyang naghahabol ng hininga sa ibabaw ng bibig ko.

Larawan ng lalaking nasa matinding pangangailangan ng laman.

"Ito." Sinusog ng daliri niya ang labi ko kung nasaktan. "Hindi ko ito laging mapipigilan. Ang pagkagusto ko sa 'yo, hindi ito normal." Ang pares ng mata niya ang pinakamaganda at pinakamakinang na nakita ko sa buong buhay ko.

Palaging maulap sa tindi ng pagnanasa sa akin.

At kailangan ko yong takasan pansamantala. "Nagugutom ako," sabi ko at naupo ako sa bakanteng arm chair na naroon. Ang puso ko, nagwawala sa ribc
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status