Share

ON HER WAY TO HIS BED

"Kung nabasa mo ang text, bakit sumunod ka pa rin sa Red Paradise?"

Humigpit ang mga kamay niya sa manibela. Tinitigan ako. "Hindi issue dito ang virginity mo. At wala rin akong pakialam kung may karelasyon ka bago tayo nag usap tungkol sa kasunduan. Ang ikinagalit ko ay nabasa ko yon matapos mong sabihing ako ang unang lalaki sa buhay mo. Lumalabas na nagsinungaling ka sa akin at parang pinaglalaruan mo ako." May sumilip na galit sa mata niya. Mabangis ang paghinga niya. "Ayokong may ibang lalaki sa buhay mo, nilinaw ko na yan, dati pa."

"Ngayong alam mo na ang totoo, ano ang balak mo?"

"Gusto kong ituloy ang kontrata." Sinabi niya yon nang hindi kumukurap. At parang higit pa roon ang pag asang nasa mata niya. Para siyang Dios na nagmamakaawa sa alipin kung paano ako titigan. Na para bang walang ibang mahalagang bagay sa mundo na hihigit pa sa pagkagusto niya sa akin.

Naggagalawan ang mga muscles niya sa mukha at buong katawan sa sobrang tensyon habang naghihintay sa sagot ko.

Ki
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status