Share

WILD TRANSFORMATION

Humalakhak si Maxi sa sagot ko. "'Attagirl!" Niyakap ako. "Bestfriend na kita! Payag ka?" Nakatitig na naman siya sa akin kaya hindi ako makapag isip agad.

Kinapa ko ang loob ko at nagpakatotoo ako nang sumagot:

"Ikaw ang una kong kaibigan dito sa Villasin, Maxi."

"Deym, so pathetic." Bulalas niya pero kinikilig. Binangga niya ako ng balakang sa hips ko. "Ito na ang unang araw ng official friendship natin pagagandahin kita, bff." Dinampot niya ang bag, lumipat sa pulso ko ang kamay na nakahawak sa pisngi ko na para bang tatakas ako kung bibitiwan niya ako at may hinanap sa loob niyon. Nang makita, hinila ako palapit at hinawakan ang pisngi ko sa pagitan ng isang kamay.

Sa kabilang kamay, may eyeliner na galing sa loob ng bag at deretsong inilalapit sa mata ko.

"Ano ba yan?"

"Maglalaway sila sa 'yo, baby girl. Gawin nating dramatic ang eyeliner style sa mata mo." Nagtangka akong umatras pero pinisil niya ako. "Huwag kang malikot, scaredy cat."

Scaredy cat.

Nanigas ako sa sinabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status