GN/oct2/#1FREYSA dinami-dami ng beach house sa Villasin, pinakamalapit sa shelter ang bahay na tinatahak ng kotse ni Dark ngayon. May sariling pribadong daan papasok na lihis sa national road.Hiwalay pa rin sa mundo ng mahihirap, nasa mataas na elevation kasi ito at isa sa magandang tanawin kapag nasa isla ako.Nasa 500 square meters siguro bago bumukas sa unahan ang gate ng white house. Napapalibutan ng puno ang malawak na solar at may mga parte na hindi matatanaw mula sa labas.May rooptop na pinaliligiran paikot ng mga lampas bewang na salamin na sigurado akong matatanaw ang dagat mula roon.Paraiso ito ng mga taong katulad ko pero para kay Dark, baka pahingahan lang kapag kasama ang babaing natitipuhan niya.O mga babae."Minana ko itong bahay sa lola ko. Wala pang ibang babae ang nakatapak dito maliban sa pamilya ko. Huwag kang mag isip na may manggugulo sa 'yo dito kung dito ka na maglalagi sa mga araw na magkasama tayo.""Sinasabi mo bang...hindi na ako puedeng umuwi sa s
Don't." Sinundan ng daliri niya ang labi ko na bahagya kong kinagat. Ikiniling ang ulo niya, bumaba sa akin at bumulong sa tenga ko. Malalim, intimate at garalgal ang boses. "Stop biting your lips, Frey, baka mawala ako sa sarili ko. Hindi ko gusto na may mangyari sa atin ngayon dahil dinala kita dito para lang pirmahan mo na ang kontrata." Dumikit sa pisngi ko ang labi niya, dinadarang ako. Halos paos na ang tinig nang magsalita. "And, Frey, bear this in your mind..." kinagat niya ang tenga ko. Nag iiwan ng basang halik,, sumisipsip doon na nangatal ako. "....when we do it here, I will come inside you, without protection, without reservations and there's no time out. Ipakikilala ko sa yo ang sarili mong pagnanasa at susulitin natin lahat ng oras na makakasama natin ang isa't-isa."Napalunok ako nang mariin sa sinabi niya.Malayong malayo sa disenteng itsura ni Dark ang mga yon. Napakakinis niyang prinsipe sa suot na business suit para magsalita sa harap ko ng karnal at br
SA tingin ko, dapat kong hangaan kung gaano kabangis ang tindi ng pagkagusto ni Dark sa akin habang binabalanse niyang pangatawanan na hindi siya gagawa ng bagay na labag sa loob ko.At nanalo na naman ang pagiging negosyante niya."M-May mga damit na sa kuwartong yon, ipinahanda ko yon para sa yo." Itinuro niya ang direksyon ng silid habang dinudukot ng isa pa niyang kamay ang keychain na may ilang piraso ng susi na nakasabit at masayang nag untugan ang maliliit na metals niyon.Iniabot niya yon sa akin at tinanggap ko naman."Salamat." Tahimik kong tugon."Huwag kang magtatagal," binatak niya uli ang tie niya na halos mangalahati na sa tapat ng kanyang dibdib, nasisilip ko kung paano naggagalawan ang mga muscles niya na mas nagpapabilis sa pulso ko. "Kukunin ko lang ang kontrata at aalis na agad tayo."May ilang segundo na nagtalo ang isip ko kung dadalhin ko ang bag at phone ko o iiwanan ko na lang sa ibabaw ng malaking center table na salamin, at nanalo sa isip ko ang huli.Magk
DARK POV:Lingid sa alam ni Frey, matagal ko na siyang kilala. Ang malaking bahay na malapit sa kanila ay pag aari ng kapatid ni Victoria.Si Uncle Xavier.First year college ako nang mahuli kong may katalik na lalaki sa garden si Victoria, ipinatapon niya ako San Ignacio. Ipinatapon ako kahit na inaapoy ako ng lagnat kaya nga nag cutting classes ako at umuwi nang wala sa oras.Yong pangyayaring yon wala pang nakakaalam kahit si Reon.Naghirap ang loob ko nang matagal na panahon dahil doon pero hindi ko kayang ipagkanulo ang kahinaan ng nanay ko kahit sa mga kapatid ko.Mas masusuklam lang sila at ayoko ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya.Itinuring kong blessing in disguise ang panahong yon sa probinsya dahil kay Frey. Nakita ko siyang tulala na naglalakad sa madamong daan habang suot ang isang puting summer dress sa gitna ng ulan, bitbit niya sa isang kamay ang dalawang tsinelas na para bang galing siya sa mahabang pagtakbo.Wala pa akong nakitang babae na kasing ganda ni Frey p
Gusto ko na sanang tumalikod at kalimutan ang lahat pero hindi ko magawa. Gusto kong isama si Simon at sabihing magpagamot siya kung may nararamdaman siya. Hangal ako sa pagmamahal noon sa aking ina pero mas malala si Simon. Ano ba ang dahilan at nagtitiis siya kay Victoria?Ang normal na magulang kapag dumaing ka, lalapitan ka agad. Sasalatin ka at temperature checking ang kasunod Sasabihing kailangang magpatingin sa doctor kung malala at talagang natataranta.Kay Victoria, malaking abala yon at kaartehan.Iisa ang bukambibig niya kaya nag alisan lahat ng kapatid ko: "Itulog mo yan, umaarte ka lang."Pero kapag may mga importanteng tao na makakarinig, ora mismo naka on call agad ang family doctor na si Dr. Arnaiz.Everything is just for a show.Natuto na ako.Kaya naman kahit nagagalit ang nanay ko, lumipat agad ako sa condo nang makatapos ako ng college.Kalaunan, sa penthouse ng Samaniego Tower nang magawa kong i-divesified ang mga negosyo dahil hindi siya makalapalag sa laki n
Oct 6-gn / 7pm"Damn you, Warren! seryoso ka ba na iwanan ang kumpanya ko dahil lang sa mga walang kuwentang bagay na ipinagpuputok ng butse mo? You're getting out of your mind just because you cared about someone who is not even your own blood? He's my peasant, what do you expect? Ipapaalala ko ba sa 'yo na wala ka ring kuwenta kung wala ako?"Hindi ko siya pinansin."Salamat, kuya." Ini-off ko na ang phone. Nagagalit si Reon kung bakit nakikipag usap pa raw ako kay mama.Nagsasayang lang daw ako ng oras.Tumabi ang mga guards nang humakbang ako palabas ng pinto.Hinabol ako ni Victoria. "And you can really think na papayagan kitang iwanan ako?" Tinangka niyang hablutin ang damit ko pero naiwasan ko agad.Nagtaas ako ng kamay, umaatras."Pagod na ako, 'ma. Humanap kayo ng taong magpapakamatay para sa 'yo pero hindi na ako isa sa kanila ngayon.""I will kill your girl! Alam mo yan. Pagbabayaran mo ito."Nasabi talaga niya yon kahit may nakakarinig.Nakakahiya."I don't even have
FREY"Hindi ko alam kung nasaan siya!""Nasubukan mo na bang bumalik sa bayan ninyo? O manmanan isa isa ang mga taong kilala niya?"Natigilan ako.Ngumisi siya. "Sa totoo lang, hindi ka nababagay dito. Kung talagang desidido kang maghiganti, aalamin mo muna kung sino ang taong nag utos na ipapatay ka. Sigurado ako na magugulat ka.""A-anong ibig mong sabihin?""Sa tingin mo ba nagkataon lang na napadpad ako sa San Ignacio?""Anong ibig mong sabihin?" Hindi ako makahinga sa galit at pagkabigla. "Deretsahin mo ako!"Humugot siya nang malalim na buntong-hininga. "Nawawala si Catherine," nilampasan niya ako. "Problema mo na 'yan."Naiwan akong tulala at tuliro. Parang sinampal ako ng libong beses.Hindi ko alam kung ano mas masakit, ang katotohanang hanggang sa huli itataboy niya lang ako na parang walang halaga. Na kahit mamatay siguro ako ngayon ay wala siyang pakialam.O may isang tao sa nakaraan ko na gusto akong makitang malamig na bangkay sa kabila ng daming hirap na tiniis ko?Pero
Humigit ako nang malamig na simoy ng hangin, nangangatal ako sa bumangong galit na kaagad kong itinaboy. Idinikit ko malapit sa tenga ko ang phone nang magsimula yong mag ring. At dahil halos malapit nang dumilim inaasahan ko na baka tumanggi si Maxi nang sagutin niya iyon matapos ang ikatlong ring."Wala nga akong ginagawa." Bulalas niya nang itanong ko kung busy ba siya. "Bagot na bagot na nga ako kaya sakto lang ang tawag mo. Kaya mo ba akong hintayin ng halos kalahating oras? Wala ako sa isla, may dinaanan akong kaibigan.""Oo naman. Salamat, Maxi." Nakahinga ako nang maluwag.Naupo ako sa waiting area. Inaliw ko ang sarili ko sa mga online shopping apps, at nagulat ako na halos wala pang kinse minutos natatanaw ko na agad sa lobby ng mall si Maxi.Halos tumatakbo."Lumipad ako para sa 'yo, Frey." Nagbeso siya sa akin. "Nakatsamba ako ng taxi paglabas. At mukhang high si kuyang driver kaya totoo---lumipad talaga kami nang sabihin kong nagmamadali ako."Tumawa siya na p