Share

Chapter Three

Author: Loveinyoung
last update Huling Na-update: 2023-07-17 19:08:06

"Bili na po kayo, 25 pesos lang po..."

"Ate bili na po kayo, 25 lang po ito."

Tumingin ang ginang. "Naku, hija. Lanta na iyang binebenta mong gulay, wala ng bibili niyan," saad nito.

Totoo naman, pero wala siyang magagawa kung wala siyang mabenta kahit isa nito. Katiting na pera na nga lang ang makukuha niya rito kung kunti pa ang mabebenta niya ay parang sinayang niya lang ang lakas niya sa pagtitinda.

Kumakalam na ang kanyang sikmura dahil sa gutom, paano ba kasi kagabi pa siya walang kain, may magulang nga siya pero hindi siya naalagaan nang mabuti dahil puro pagsusugal ang inaatupag. Sa murang edad niya ay natuto na siyang maghanap-buhay. Siya ang nagtatrabaho para may makain sila araw-araw. Sana'y pinaampon na lang siya ng mga magulang niya kung hindi rin naman siya aalagaan.

"Ate, bili na po kayo para makauwi na po ako," saad niya ngunit parang walang narinig ang babaeng dumaan sa kanyang harapan.

Simula kaninang tanghali pa siya rito pero limang piraso pa lang ang naibibenta niya.

Umupo muna siya sa isang tabi para magpahinga. Sobrang mahirap mabuhay, sobrang hirap maging mahirap.

"Papa, I want a new toy!"

"Marami ka ng laruan sa bahay, 'Nak."

Nakita niyang sabi ng batang kasing edad din niya. "Ayoko na noon! I want a new toy!" pinagpapadyak nito ang kanyang paa.

"Next time na lang, may bagong lalabas na laruan iyon na lang ang bilhin natin."

Umupo ang batang lalaki sa kalsada at saka umiyak nang malakas, tila ay hindi ito titigil at tatayo kung hindi maibibigay ang laruan na nagustuhan nito.

"Jollibee na lang tayo anak para mabusog ka."

"Ayoko!"

Binuhat ng lalaki ang kaniyang anak. "Sige na than na, ibibili na kita, tumayo ka na riyan."

Pinanood niya ang mag-ama habang papalayo na ito sa kanyang kinaroroonan. Nakaramdam siya nang kalungkutan habang patuloy parin na sinusundan ng kanyang mga tingin ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit may mga batang hindi marunong makuntento sa bagay na mayroon sila. Ang suwerte nila dahil kahit papaano ay may laruan sila habang siya ay ito hawak na ang mga paninda at nagtatrabaho. Nasusunog na ang balat at nagtitiis sa hapdi ng sikmura.

Bakit sobrang unfair ng mundo?

Bakit dito sa mundong ito siya ipinanganak?

Bakit?

Sobrang daming tanong, bakit wala siyang matinong magulang?

Bakit wala siyang normal na pamumuhay?

Hindi ito ang buhay na gusto niya.

Malalim na ang gabi kaya naisipan na niyang umuwi, madilim na ang daan kaya ingat na ingat siya, uso pa naman ang nakawan dito sa barangay nila.

Nakahinga siya nang maayos nang makarating siya sa parte na may ilaw na. Kampante na kampante na siyang naglakad sa pag-aakalang ligtas na siya pero iyon ang pagkakamali niya.

"Bata, marami ka atang kinita ngayon," saad ng lalaking balbasin.

Hindi siya umimik at patuloy na naglakad, habang lumalayo siya ay pabilis nang pabilis ang lakad niya, naramdaman niyang sinusundan siya ng mga ito kaya tumakbo siya hanggang sa makaya niya. Hinang-hina na ang katawan niya, wala na siyang lakas dahil wala pang laman ang kanyang tiyan. Nagsimula ng manghina ang kanyang tuhod kaya kaagad na hinawakan ng lalaki ang kaliwang braso niya.

Napadaing siya sa sakit. "K-kuya, wala po akong kinita... hindi pa nga po aabot ng dalawang daan ang pera ko..."

Inilabas ng isang lalaki ang p4talim niya at itinutok iyon sa kanya. Nanginig ang mga kamay niya sa takot na baka saksakin siya ng mga ito.

"Akin na ang pera mo!" matigas na sigaw ng lalaki sa kanya, hinawakan nito ang kanyang leeg at sinimulang kapain ang bulsa niya kung saan naruon ang perang kinita niya, nanlaban siya sa pagkakahawak ng mga ito pero dahil mas mahina siya ay wala siyang nagawa sa lakas ng dalawang lalaki.

"Lumalaban, pare," naramdaman niya ang matulis na patalim sa kanyang tagiliran.

"I-inyo na po ang pera... pakawalan niyo po ako, pakiusap po... inyo na po iyon," hindi napigilang umiiyak niyang pagmamakaawa sa mga ito.

Nakahinga siya nang maluwag nang pakawalan siya ng mga ito. "Pasalamat ka binuhay ka pa namin, subukan mong magsalita hindi ka na makakamulat."

Tumakbo sila paalis... dala-dala ang pera na pinaghirapan niya buong araw, pinunasan niya ang kanyang mga luha sa pisngi at kinuha ang natirang paninda.

Nang makarating siya sa kanilang sira-sira at masikip na tahanan ay agad niyang nakita ang kanyang ama na nakaabang sa pinto ng kanilang bahay , halatang nakainom na naman ito.

"Nasaan ang pera?" tanong nito sa kanya.

Kakarating lang niya galing sa paglalako at sobrang gutom. Imbis na kumustahin ang kanyang lakas at bigyan ng pagkain ay heto at pera agad ang hinahanap sa kanya.

Nag-aalinlangan siyang lumapit dito.

Pinagpawisan na ang mga kamay niya.

"Tay, wala po."

"Anong wala?!" hinampas nito ang dingding namin na gumawa ng malakas na tunog.

"Tay... Wala po a-akong naibenta...w-wala pong gustong bumili," nanginginig na wika niya.

Nagulat siya ng hilahin siya nito paloob at kinuha ang kahoy sa tabi. Alam niya kung para saan iyon. Pamalo iyon sa tuwing wala siyang maiuuwing pera.

"Tay! huwag po! Pangako po bukas kukuha ako ng pera!" lumuhod siya sa harapan ng kanyang ama habang humahagulgol nang malakas.

Tumingin siya sa kanyang Ina subalit wala man lang bakas na awang makikita sa mga mata nito.

"Ma..."

"Bukas na bukas, kailangan ko ang pera! Kung wala kang maibibigay, huwag na huwag kang uuwi!"

"O-opo..."

Hindi siya nakatulog sa antok, nakatulog siya dahil sa pag-iyak at sakit ng katawan.

Sana panaginip lang ang lahat.

Kinabukasan ay maaga na naman siyang lumabas para magtinda ulit. Katulad kahapon wala na namang laman ang kanyang tiyan.

"Ate, bili na po kayo."

"Ate, Bili na po."

Napatingin siya sa lalaking nagtitinda ng ice cream at cotton candy maraming mga nakapila para bumili, ilang minuto rin siyang nakatingin doon.

"Magkano po iyan?" turo niya sa cotton candy na nakasabit.

Matagal na niyang pangarap ang makakain ng cotton candy subalit iyong perang kinita niya ay sapat lamang para pambili niya ng bigas.

"25 pesos."

Nang narinig niya ang presyo ay napaatras siya nang kaunti pero nakatingin pa rin doon.

Hindi niya na alam ang nangyayari sa paligid hanggang sa nakarinig siya ng malakas na busina.

"Bata, tabi!"

Nang tumingin siya sa gilid ay may kotseng handang bumangga sa kanya, nanigas ang kanyang mga tuhod, tila ay ayaw niya ng tumakbo.

Kung mamatay man siya, wala ng problema. Pimikit siya at hinintay na may bumunggo sa kanya.

"Naku, ang bata!" nakarinig siya nang malakas na sigawan at kalabog sa gilid.

Iminulat niya ang mata, nagtaka siya ng makitang nasa gilid ng pader ang kotse, nabasag ang salamin nito at nasira ang sa harapan. Lumabas ang may ari ng kotseng sakay niyon, may munting sugat ito sa balikat pero bagkos na pagalitan siya ay nagmamadali itong lumapit sa kanya na tila ba ay nag-aalala sa kanyang kalagayan. Doon niya napagtanto na hinayaan ng may-ari ang mabangga ang kotse sa matigas na pader para hindi siya masagasaan.

Hindi niya mapigilang umiyak.

"Are you okay?"

Umiling siya. "Dapat po binangga niyo na lang ako... ayoko na pong mabuhay... sawang-sawa na po ako!"

"Do you have a family? Dadalhin kita sa kanila..." tanong ng lalaking may edad na.

Hindi siya umimik sa tanong ng lalaki.

"Sige ijo, sasamahan na kita pauwi sa inyo."

"Huwag po... ayoko sasaktan nila ako kapag gagawin ninyo po iyan..."

"Palagi iyang inaabuso at pinagbubuhatan ng kamay ng magulang," rinig niyang saad ng babae.

"Ganoon po ba?" tanong ng may ari ng kotse.

"Nais mo bang sa bahay muna namin?" tanong ng lalaki.

"Kawawa po ang batang iyan sir," saad ulit ng babae.

"Halika sa bahay namin, bibihisan kita at papakainin."

Dahil sa kagustuhang makaalis sa poder ng malupit na magulang at sa inggit ng buhay na karangyaan ay hindi siya nagdalawang isip na sumama sa lalaki. Subalit hindi pa lamang sila nakakalayo ay may biglang pumigil sa kanyang kamay at nakita niya ang nanlilisik na mga mata ng kanyang itay.

"Saan ka pupunta?! Kaya pala wala kang pera na ibinibigay sa amin dahil hindi ka nagbebenta?! Halika ka at umuwi na tayo!" galit na sigaw nito sa kanya. Nagulat naman ang lalaki na nagmamagandang loob sa kanya. Hindi agad ito naka react nang bigla siyang sinapak ng kanyang ama sa ulo at sinabayan pa iyon ng kurot sa kanyang tagiliran na halos mapunit na ang kanyang balat sa sakit.

"Tay..tama na po...ayoko na Po! Ayoko na!..."

"ROSE! ROSE! ROSE! ANO BA! GUMISING KA!"

Narinig niyang tawag ng isang pamilyar na tinig subalit patuloy parin siyang binabangungot.

"Rose! Are you okay?!

"Fuck! GUMISING KA!" rinig niyang sigaw ulit ng pamilyar na boses.

"A-ayoko na Po! P-pagod na ako!"

"Ayoko na! Ayoko na!"

"ROSE! ANO BA! DAMN IT! GUMISING KA!"

Niyugyog nang malakas ng binata ang balikat ng dalaga.

Doon lang siya nahimasmasan at napamulat.

Nanagip ba siya?

Sino ang batang iyon?

Bakit ramdam na ramdam ko ang sakit na pinagdaanan niya?

Ako ba ang batang iyon?

Ang daming tanong na umakilkil sa kanyang isip ng mga oras na iyon.

Sino ba talaga siya?

Nawala lang ang mga katanungang iyon nang mapansin niya ang malapad na balikat na nakayakap sa kanya.

Napakunot ang kanyang noo habang tinignan ito at dahan-dahang kumalas sa mga bisig nito.

"What are you doing?!" lakas na tanong niya sa binata.

Nakita niya ang takot sa mga mata nito subalit agad din iyong nawala at napalitan ng galit.

"What are you thinking? Alam mo ba kung gaano mo kami pinag-alala sa bahay?!" galit na sabi nito at tumalikod palayo sa kanya.

"Get up at umuwi na tayo!"

Doon lang niya naalala nandito pa pala siya sa burol. Nasapo niya ang kanyang noo nang mapansin ang madilim na paligid. Gabi na pala at masyadong malamig na ang hangin kaya napayakap siya sa kanyang sarili at nagmamadaling sumunod sa galit na galit na binata.

Pumunta siya sa may puno ng mangga para kunin sana ang iniwang kabayo subalit wala na ito roon. Nagtataka siyang tinignan ang binata subalit isang masamang tingin ang ipinukol sa kanya.

"N-nasaan ang kabayo? I-iniwan ko lang siya rito kanina."

"Wala na riyan.."

"Huh?"

"Sino ba kasing maysabi sa'yo na pwede mong gamitin ang kabayong iyon? Alam mo bang masamang mangialam ng bagay na hindi mo pag-aari?"

Nagpanting ang kanyang tainga nang marinig ang katagang iyon.

" Ano bang problema mo? Bakit masama bang manghiram?"

"Kanino ka nagpaalam?"

Hindi siya nakasagot.

Hindi naman talaga siya nagpaalam.

Well. Isa na ba iyong karumaldumal na krimen ang nagawa niya para ukulan siya nito ng nakakamatay na titig?

"Okay sorry na at pakisabi sa may-ari na pasensya na naakit lang naman ako sa kabayo na iyon, eh."

Hindi ito umimik at nagpatuloy lamang sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa kotse nito.

Akmang bubuksan na sana niya ang kotse nang maalala niya ang jacket na ipinahiram sa kanya ni Nay Celia.

"Sandali lang..m-may kukunin lang ako.."

Nagmamadali niyang binalikan ang jacket. Mabuti na lang at hindi iyon nadumihan ng putik kanina nang gawin niyang higaan. Isinuot muna niya iyon at saka bumalik sa naghihintay na binata.

"Let's go?"

Hindi agad ito kumilos at nanatili lamang nakatitig sa kanyang suot.

"Ahmmm...I said let's go?"

"Hubarin mo ang jacket na iyan."

"Huh?"

"I said take it off!"

"But why?!"

"I said take it off!"

Malakas na ang pagkakasigaw nito sa kanya kaya nagmamadali niyang tinanggal iyon subalit hindi pa nga niya halos natapos ang paghuhubad sa jacket ay mabilis na iyong sinaklaw ng binata at walang sali-salitang pumasok sa driver seat at binuhay ang makina.

Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ng binata sa kanya.

Kung noon ay halos sambahin niya ang kabaitang ipinakita nito ngayon ay kabaliktaran ang lahat. Ang dating mahinahon at mabait na Carlos ay napapalitan ng isang mabagsik at misteryusong tao.

Buong araw siyang nagkulong sa silid niya. Hindi siya bumaba simula nang pagtaasan siya ng boses ni Carlos kagabi sa burol. Natatakot siyang muling magtagpo ang daan nila ni Carlos kaya mas mabuting manatili muna siya sa silid niya.

Ang daming mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Ano bang nagawa niyang mali na ikinagalit ng husto sa kanya ng binata? Hindi naman niya sinasadya ang makatulog sa burol kagabi. Imposible naman kasing dahil lamang sa jacket at sa kabayong iyon sumama ang loob ng binata sa kanya.

Pero baka nga ay ayaw na ni Carlos na manatili siya sa poder nito.

Sobra na rin kasing problema ang ibinigay niya rito simula nang pulutin siya nito sa gilid ng kalsada.

Tumayo siya at nagtungo sa balconahe ng kanyang silid. Nakasuot lamang siya ng roba wala rin naman kasi siyang balak na lumabas kaya hindi na siya nag-aksaya pang magbihis.

Mula sa kanyang balconahe ay kitang-kita niya ang perpektong hugis ng nag-iisang burol sa lugar na iyon. Medyo makulimlim ang paligid dala ng masamang panahon kaya mas lalong lumamig ang simoy ng hangin na tumatama sa kanyang maputing balat. Nang muli niyang sulyapan ang magandang tanawin na iyon ay muli niyang naalala ang napanagipan niya kagabi.

Muling sumagi sa kanyang alaala ang batang umiiyak...naghihinagpis sa hirap...ang batang gustong tapusin ang buhay makaalis lamang sa poder ng mahigpit niyang mga magulang..ang batang walang magawa kundi hanggang pangarap lamang.

Bigla siyang nakaramdam nang bigat sa dibdib at sa sobrang awa ay hindi niya napigilan ang mapahikbi.

Sobrang sakit ang nararamdaman niya sa sinapit ng batang iyon.

Umiyak siya nang umiyak hanggang sa nauwi iyon sa hagulhol at muli na naman siyang dinalaw ng masamang panaginip.

" Napakawalang hiya mong bata ka! Nasaan ang pera!" sigaw ng Itay niya habang pinapalo siya nito ng sinturon sa puwet.

"Tama na Po Itay! Tama na Po!" iyak niyang pagmamakaawa sa ama.

Namumula at namamaga na ang kanyang balat sa kakapalo ng sinturon. Pero hindi parin humihinto ang kanyang itay sa pagpalo sa kanya. Mas lalo pa nitong nilakas at sa tuwing tatama iyon sa kanyang balat ay napapasigaw siya.

May mga umawat sa kanyang ama sa kabilang bahay pero hindi ito nagpatinag at nagpatuloy sa pagpalo sa kanya.

"Nay.." tawag niya sa kanyang Ina subalit gaya ng dati ay para lang itong walang nakikita o naririnig man lang.

Hinayaan na lamang niya ang kanyang ama sa ginagawa nitong pagpalo sa kanya hanggang sa magsawa ito.

Isang malalim na gabi, sobrang init ng kanyang pakiramdam, naghalo-halo na lahat iyon. Gutom, uhaw, sakit at hapdi ng kanyang mga balat.

Nag-aapoy na siya sa lagnat subalit wala man lang nagbigay sa kanya ng kahit tubig o kaya ay gamot.

Tinawag niya ang kanyang ina subalit lahat sila ay tulog. Sobrang sarap ng tulog habang siya ay nagdederleyo na sa init.

Kahit sobrang sakit ng katawan ay kinaya niyang bumangon. Pagiwang-giwang siyang lumakad patungo sa mga kapit-bahay para mahingan ng tulong subalit dahil hating gabi na ay walang bumukas sa kanya. Hindi na kinaya ng kanyang katawan kaya natumba siya at hindi na alam kung anong sumunod na nangyari.

"PASENSYA NA IJO, HINDI KO SINASADYA NA SAKTAN KA. HUWAG MO NANG IBUNTON ANG POOT NA IYAN KAY ROSE WALA SIYANG KASALANAN DAHIL WALA SIYANG ALAM SA LAHAT LALONG LALO NA SA BUHAY MO."

Hindi siya tuminag. Nanatili lamang siyang tahimik habang umiinom ng kape. Nasa library siya inaaliw ang sarili sa pagbabasa ng mga libro nang puntahan siya ni Nay Celia. Tama rin naman kasi ito walang kasalanan ang dalaga sa nangyari pero dahil sa kapabayaan ni Nay Celia ay muntik nang napahamak ang dalaga kagabi. Ayaw rin naman niyang magalit sa dalaga kaso nang makita niyang ginamit nito si Black beauty ay biglang nabuhay sa kanyang loob ang poot lalo na nang makita niyang isinuot pa ng dalaga ang jacket na itim na siyang naging tanging alaala niya kay Angelica.

" Tama kayo Nay Celia hindi ako dapat nagpadala sa emosyon ko. Hindi ko dapat dinamay sa galit ko si Rose kaya lang sa tuwing nalalapit ako Kay Rose ay mas lalong naaalala ko si Angileca. Masyadong unfair para sa kanya ang mga ginagawa kong pag-aalaga kay Rose. Minsan nga ay nagsisisi ako kung bakit inako ko lahat ang responsibilidad ko sa kanya," gumaralgal na saad ng binata sa ginang.

"Ijo, hindi naman pwedeng paalisin natin si Rose dito dahil responsibilidad mo siya kaya nararapat lang na atin siyang alagaan hanggang sa muling bumalik ang kanyang alaala. Oo, alam kong masakit iyon para sa'yo at sa tingin mo ba, hindi ako nasaktan sa nangyari? Kaya nga hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Rose dahil hindi ko gustong maulit muli ang nangyari kay Angelica sa kanya. Alam kong magkaiba sila ng pagkatao ni Angelica pero sa tuwing nakikita ko siya na....tumatawa...na.... masaya ay naiibsan lahat ang pangungulila ko kay Angelica. Kaya kung ano man ang desisyon mo kay Rose ay kailangang alam ko. Responsibilidad ko na si Rose ngayon lalong lalo na at nasa poder ko kayo ngayon."

"Naisip ko lang kasi...kung ano ang magiging reaksiyon ng mga magulang ni Angelica kapag nalaman nilang nandito si Rose. Natitiyak akong hindi ito magugustuhan ni Don Ramon lalong lalo na ang asawa niya. Alam mo naman ang mag-asawang iyon Nay Celia hindi gustong nababahiran ng marumi ang kanilang pangalan," mahabang saad niya sa ginang.

Tumayo siya mula sa sofa na inuupuan habang bitbit ang tasang may laman ng tsaa. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa isang maliit na lamesita na malapit sa may bintana. Malamig ang simoy ng hangin dala ng masamang panahon tumingin siya sa langit mula sa bintana. Walang makikita kahit na isang bituin sa alapaap parang nakisabay din sa kanya ang langit. Muli ay nakaramdam siya ng pangungulila kay Angelica. Kinuha niya ang isang picture frame na may babaeng masayang nakangiti habang yakap nito ang paboritong aso na si Snooky.

"Kung nakinig ka lang sa akin noon mahal sana ay magkasama parin tayo ngayon....."

Hinaplos-haplos niya ang larawan na iyon at muling bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan.

" Huwag ka na lang kayang tumuloy sa Guam?"

Napahinto ang dalaga sa pagliligpit ng mga gamit nito sa maleta at tinignan siya ng hindi makapaniwala.

Alam naman niyang mahirap para rito ang mamili between their relationship and her career. Noon pa man ay pangarap na talaga nito ang maging modelo kaya nang sumabak si Angelica sa Los Angeles ay na hired agad ang dalaga. Ramp model ang ibinigay na kontrata sa kanya ng Bench company na isa sa pinakasikat na kompanya sa buong mundo ipinagdasal pa talaga iyon ng dalaga kaya abot hanggang tainga ang ngiti nito nang ibinalita sa kanya ang resulta. Masaya naman siya para rito dahil unti-unti nang naabot nito ang matagal ng pangarap, ang maging ramp model pero kahit pilitin man niyang maging masaya para rito ay hindi mawala sa kanya ang pag-aalala at pangamba na baka mas lalong mapamahal si Angelica sa mundo ng kasikatan at makalimutan siya lalong lalo na ngayon na unti-unti nang nakikilala ang imahe ni Angelica sa industriya. Pero matatawag ba na isa siyang selfish kung hihiling siya ng kunting oras sa dalaga? Kunting oras at panahon lamang ay sapat na sa kanya maramdaman man lang niya na kahit ni minsan ay pinili siya nito.

"Mahal naman pag-aawayan pa ba talaga natin ito?" saad ni Angelica subalit mahahalata parin ang boses nito na naiirita.

" Hindi naman pero napapagod na ako sa kakaantay sa'yo. Kunting oras at panahon lang naman ang hiniling ko pero hindi mo parin maibigay," may himig na pagtatampo na saad niya sa dalaga.

" Carlos naman..diba napag-usapan na natin ito noon pa? Ngayon mo pa talaga ako pipigilan gayong nakabuo na ako ng sarili kong pangalan sa industriya? Isa ito sa mga pangarap ko Carlos at hindi ko pwedeng ayawan itong oportunidad na ibinigay sa akin ng agency ko. Kunti na lang mahal...makikita mo nang sasabak ang nobya mo sa Victoria secret fashion show!" natatawang saad naman nito sa kanya habang hinuhubad ang suot na boots at pinalitan iyon ng high heels. Binuksan nito ang wardrobe at umupo sa harapan ng malaking salamin. Nag retouch ito ng make up at maging ang makintab nitong kulay blondeng buhok ay inayos din.

Napapailing siya habang minamasdan ito. Masyadong malaki na ang ipinagbago ni Angelica ibang iba na ito noon mula sa pananamit at pananalita. Kung noon masyado itong naive at mahinhin ngayon ay puno ng kolorete ang mukha at masyadong magarbo kung magsalita. Minsan nga ay hindi na niya halos makilala ang nobya. Kung noon napaka clingy nito sa kanya ngayon ay ilang minuto lamang ay mag-aayaya na itong aalis para bang may mabaho siya sa katawan na laging inaayawan nito. Nakaramdam na rin siya minsan ng paghinala sa mga kilos nito. Hindi rin naman niya masisisi ang dalaga sa dami rami ng mga nakakahalubilo nitong mga modelong lalaki, celebrities o kaya ay politician at hindi na rin siya magtataka pa kung may nagugustuhan na itong iba.

" Oo napag-usapan naman natin ito noon tungkol sa trabaho mo at nangako ka pa nga na kahit masyadong hectic na ang schedule mo ay hindi mo ako kakalimutan—"

"My goodness Carlos!" Pagpuputol nito sa kanyang sasabihin. " Hindi ko pwedeng bitawan ang trabaho ko lalo pa ngayon na marami na akong projects. Malaking halaga iyon at masisira naman ang pangalan ko kapag hindi ko gagawin ang trabaho."

" Hindi naman natin kailangan ang yumaman pa may mga naipundar kanang mga properties at malaki na rin ang sahod ko—"

" What do you mean?.. Carlos are you asking me to give up my career and be your wife?" napapailing na sabi nito.

"Angelica matagal na tayong dalawa..bakit hindi na tayo magpakasal?"

"No! I can't...I can't Carlos! This is wrong!"

"Bakit? Ano bang Mali sa sinabi ko? Tama naman iyon ah hindi natin kailangan pa ng mga material na bagay. Hindi na natin kailangan pang magpayaman at saka kaya na kitang buhayin. May trabaho na ako at—"

"Ayoko Carlos! I can't give up career! I can't give up my dreams!"

"Pero pagod na ako sa kakahintay Angelica. Kailangan mong iwan ang trabaho mo at magpakasal tayo nang sa ganoon ay—"

Napakunot ang noo niya ng biglang umiba ang tono ng pananalita ng nobya.

"Iyan! Iyan ang ayaw ko sa'yo eh! Nakakasakal kana!"

Napamaang siya nang pagmasdan ang galit na galit na dalaga. Dinuro duro pa siya nito sa inis namula ang mukha nito maging sa bandang tainga. Sa pagkakaalam niya Wala naman siyang sinabing masama na maaaring ikagalit nito ng husto. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit biglang nag-iba ang pakikitungo sa kanya ng dalaga. Masyado na itong cold at halos ayaw na siyang gustong kausap.

Iyon pala ayaw na sa kanya ng dalaga.

Nakakasakal ba talaga siya?

"Alam mo napakababaw mo eh! Iyan! Iyan... ang ayaw ko sa'yo! Kasi Wala kang ibang inisip kundi sarili mo lang! Sariling damdamin mo lang ang lagi mong iniisip! Minsan ba naitanong mo sa akin kung okay parin ba ako? Na okay parin ba Tayo?"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Carlos! Pagod na ako sa relasyon natin! Ayoko na sayo!"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"You heard me right? Ayoko na sa'yo!"

"Hindi! S-sabihin mong nagbibiro ka lang Angelica!"

"Carlos..m-may Mahal na akong iba..."

"S-sino Angie! Sino!"

"I'm sorry..."

"No...I know nagbibiro ka lang... please tell me.."

"I'm sorry but I'm pregnant with other man..."

Parang bomba iyon sa kanyang pandinig.

Walang kasing sakit ang mga katagang binitawan ng dalaga.

Bigla atang namanhid ang kanyang katawan sa narinig. Gusto niyang saktan si Angelica sa mga oras na iyon subalit mas gusto niyang saktan ang sarili sa kapabayaan. Hinayaan niya ang panahon na malayo sa kanya ang dalaga maging ang damdamin nito. Hinayaan niya ang kalayaan na iyon sa dalaga na naging dahilan ng pagkasira ng kanilang sinimulan.

Naikuyom niya ang kaniyang kamao at nagmamadaling umalis. Lakad takbo ang kanyang ginawa ni hindi man lang siya tumitingin sa kanyang dinadaanan.

Sobrang sakit.

Tinakbo niya ang haba ng edsa hindi niya inalintana ang pagod hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa gilid ng dalampasigan.

Doon niya ibinuhos lahat ang sakit.

Sumigaw siya ng malakas hanggang sa makaramdam ng pagod ang kanyang mga paa. Dahan-dahang bumagsak ang kanyang katawan sa buhangin habang sa bandang unahan ay pinalibutan ng mga tao ang nakahandusay na duguang katawan ng isang babae na walang iba kundi si Angelica.

Naikuyom ni Carlos ang kanyang kamay nang maalala ang araw na iyon at muli niyang tinignan ang close up picture nila ng dating kasintahan. Anim na buwan na halos ang nakaraan subalit hanggang ngayon ay pilit parin siyang ginugulo ng kanyang konsensya. Sinisisi parin niya ang sarili sa pagkawala ng nobya. Kung hindi sana siya nagpadala sa galit noon ay baka nailigtas pa niya ang dalaga. Hindi niya alam na sinundan pala siya ng dalaga dahil siguro sa pagod hindi na ito tumitingin sa dinadaanan hanggang sa mabangga ito ng sasakyan. Hindi nakilala ang may-ari ng kotseng iyon dahil nang buksan ang kotse ay walang tao sa loob na nakasakay. Mahirap din kunan ng information dahil walang nakita ang mga police maliban na lamang sa isang panyo na naiwan sa driver seat.

Naputol lamang ang pagmumuni niya nang makarinig siya ng mga sunud-sunod na katok.

Napakunot ang noo niya nang sumungaw mula sa pintuan ang ulo ng katulong nilang si Rosalie.

"Ammh.. sir Carlos magandang gabi po may panauhin po kayong dumating. Nasa terrace po siya naghihintay at naroon na rin po si Nay Celia."

"Sabihin mong huwag na akong hintayin."

"Ah sasabihin ko po Kay sir Red, sir."

Pagkarinig niya sa huling sinabi nito ay agad niyang tinawag balik ang katulong.

"Wait...just tell them I'll be there."

Tumango naman ang dalaga pagkatapos ay umalis na.

Tamad siyang tumayo at kinuha ang leather jacket na suot niya kanina at sumunod na sa katulong. Nang pababa na sana siya ng hagdan ay bigla siyang napasulyap sa isang pinto na nasa pinakadulo

. Nakaramdam siya ng pag-aalala kay Rose kaya dahan-dahan siyang humakbang patungo sa kwarto nito subalit ilang hakbang lamang ay nakarinig na agad siya ng pag iyak mula sa loob.

Mabilis niyang binuksan ang pinto wala ito sa kama kaya sinundan niya ang tinig at sobra ang gimbal niya nang makita ang dalaga sa terrace. Nakahiga ito sa sahig habang sumisigaw at ang dalawa nitong kamay ay nakahawak sa ulo na para bang pinipigilan nito ang sakit na nararamdaman.

"Rose...a-anong nangyayari sa'yo?"

Subalit parang walang narinig ang dalaga at patuloy parin na sinasabunutan ang sariling buhok.

Dumudugo na ang bibig nito dahil sa kakagat sa sariling labi maging ang bandang balikat nito ay may galos din ng sugat.

Nakita niya kung paano nanginig ang buong katawan nito, dahan-dahan niyang hinawi ang buhok na nakatabon sa mukha ng dalaga.

Pero hindi lamang siya basta na surpresa nang tumambad sa kanya ang malaking peklat nito sa bandang noo at maging sa likod ng leeg nit ay may peklat din ng sugat.

Napakunot ang kanyang noo habang minamasdan ang dalaga. Nang sandaling iyon ay mas lalong naging misteryuso sa kanya ang pagkatao ng dalaga.

"Sino ka nga ba Rose?"

Kaugnay na kabanata

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter Four

    Dahan-dahang inilapat ni Carlos sa kama ang dalaga sa pag-aalala na baka magising niya ito. Hindi na niya pinatawag pa si Nay Celia para alagaan ang dalaga at siya na mismo ang gumawa niyon. Kumuha siya ng panyo at binasa iyon saka pinunas sa dalaga. May mga pangalan itong binubulong kanina pero nang muli niya itong gisingin ay hindi naman ito sumagot. Maingat niyang tinanggal ang suot nitong roba at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang may makitang peklat sa bandang dibdib parang paso iyon gawa ng sigarliyu. Hindi siya halos makapaniwala sa kanyang nasaksihan at mas lalong nadagdagan pa ang mga katanungang iyon na nais niya ng kasagutan subalit paano ba iyon mabibigay kung hanggang ngayon ay hindi parin maalala ng dalaga ang sarili. Hinaplos-haplos niya ang maamong mukha nito mula sa perpektong hugis ng ilong nito at maging sa manipis nitong mga labi na kay sarap halikan. MAHIGPIT NA NAKAYAKAP SI ROSE SA BATOK NG BINATANA habang ninanamnam ang masarap na halik nito. Nakapik

    Huling Na-update : 2023-07-17
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter Five

    Muntik nang mapasubsob si Rose sa dibdib ni Carlos nang bigla siya nitong hilahin. "Ano ba! Nasasaktan ako Carlos!" galit na sigaw niya sa binata habang pilit na inaalis ang mga kamay nitong nakaharang sa kanyang harapan. Itinukod nito sa pader ang dalawang kamay sa magkabila niyang braso at idiniin nito ang mukha sa kanya. Nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito at parang nawala agad ang inis na nararamdaman niya kanina rito. Pero nang biglang hawakan nito ang kanyang baba at tinignan siya ng masama sa mga mata ay muling nabuhay ulit ang pagkainis niya sa binata.Kung noon ay sobrang hinangaan niya ito dahil sa kabaitang nakikita niya ngayon ay sobra ang pag-sisisi niya kung bakit tinanggap niya ang tulong nito. Sobrang nasasakal na siya sa ugali nitong hindi niya halos maintindihan.Minsan mabait at minsan naman hindi."B-bitiwan mo ako Carlos, nasasaktan na ako!""Ilang beses na ba kitang binalaan na huwag na huwag kang makipaglandian sa Markus na iyon. Hindi mo kilala ang

    Huling Na-update : 2023-07-17
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 6

    Hating gabi na nang umuwi sila ni Markus sa mansion at sobra ang kasiyahan na nararamdaman ni Rose ngayon. Masayang masaya siya dahil masarap pala kasama ito bukod kasi sa matabil ito at mapagbiro ay may sense of humor talaga itong ka date. Kaya hindi na nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok siya sa loob ng kanyang silid. Hinubad niya ang kanyang suot na dollshoes at inilagay na rin niya sa cabinet ang mga pinamili niyang beeds para sa gagawin niyang palamuti.Gusto kasi niyang gawan ng bracelet si Carlos para naman makabawi siya sa mga utang niya rito. At baka sakali ay muling bumalik ang dating Carlos na nakilala niya noon. Iyong laging nakangiti, maalagain at masarap kausap. Hindi katulad ngayon na halos hindi man lang siya kayang tignan kahit sa malapitan man lang. Kung noon ay puring puri nito ang kagandahan niya, kahit sa simpleng pananamit lamang at simpleng kilos ay lagi niyang nakikita sa mga mata nito ang paghanga. Ngayon ay wala na siyang makitang galak sa mga mata ni

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 7

    Pasado alas dose na nang madaling araw lumipat sa kabilang silid si Carlos. Marami pa kasi silang pinag-usapan ni Rose kaya inabot sila ng madaling araw.Nakangiti siya habang kumakaway sa dalaga mula sa veranda ng silid nito. Sumenyas naman ang dalaga na matutulog na kaya tinanguan lamang niya ito. Hindi pa siya dinalaw ng antok kaya bumaba siya sa kusina para mag templa ng kape. Naratnan niyang gising pa ang tiyahin niya nakatayo ito habang tahimik na pinagmamasdan ang mga larawan na nakadikit sa dingding. Larawan iyon ng buong pamilyang Montenegro.Namis siguro nito ang mga kapatid at ang yumaong mga magulang. Si Nay Celia kasi ang panganay sa magkakapatid kaya halos buong oras ay ginugol nito sa mga kapatid. Nanalaytay talaga sa dugo nito ang maging mapagmahal sa kapwa kaya lahat ng mga pamangkin nito ay sa kanya agad tatakbo kung may problema. Hindi rin naman lihim sa kanya ang kabaitan ng matanda dahil kahit siya ay ito na ang nagpalaki. "Gising pa pala kayo Nay Celia," sabi n

    Huling Na-update : 2023-07-22
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 8

    "Bakit mo ginawa iyon?" galit na mungkahi ni Rose sa binata.Sinundan niya ito papalabas ng bahay. Ang sarap lang batuhin ng lalaking ito kung hindi lang siya nakapagtimpi ay baka nasampal na niya ito mismo sa harapan ni Markus."Hintayin mo nga ako! Kinakausap pa kita!" galit na sigaw niya rito habang sinusundan parin ang binata."Bakit ba nagagalit ka?" tanong nito sa kanya. "Bakit ako nagagalit? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagagalit? Eh, sino ba ang hindi magagalit sa ginagawa mo? Walang kasalanang ginawa iyong tao tapos kwenilyuhan mo? Ganyan ba dapat makipag-usap?""That's what he got !" "What did you say?" inis na tanong niya sa binata."Ilang beses ko na siyang binawalan na huwag kang pakialaman! Na huwag kaniyang lapitan! Pero ang tigas din, eh!" Huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit at kitang kita pa niya kung paano ito manggigil sa inis."Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng lumapit sa kanya! Gawin mo at huwag

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 9

    Magdadalawang linggo na simula nang umalis si Carlos sa Tagaytay at magdadalawang linggo na ring naiinip si Rose sa paghihintay kung kailan babalik ang binata.Nasa terrace siya ng bahay habang pinapanuod ang mga hardenero na nagtatanim ng mga bagong binhi ng bulaklak sa harden.Nakaramdam siya ng boredom kaya nakapag isip siyang babalik na lamang sa kanyang silid sa itaas para gumawa ng mga palamuti nang makarinig siya nang usapan ng mga katulong mula sa kusina. Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ng binata kaya dahan-dahan siyang tumungo doon at palihim na nakikinig sa mga usapan. Nakita niyang nagbabalat ng mangga si Manang Fe at naghuhugas naman ng pinggan si Minda."Kailan ba raw babalik si Sir Carlos?" tanong ni Minda kay Manang Fe."Sabi niya sa susunod na linggo na raw sila luluwas rito dahil masyadong busy sa opisina. Nagsabi nga iyon na pakilinisan daw ang isang guest room sa itaas.""Ohhh? May Kasama ba siya?" tanong naman ulit ni Minda kay Manang Fe.Nagkibi

    Huling Na-update : 2023-07-26
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 10

    Pababa ng hagdan si nang tawagin siya ni Nay Celia para mag-agahan ayaw pa sana niyang kumain subalit baka magdaramdam na naman ang ginang kaya tumuloy siya sa kusina.Hindi na siya nagulat nang madatnang naroon na si Carlos at ang babaeng bisita nito. Sa katabing upuan siya umupo kay Nay Celia at nasa harapan naman nila ang dalawa.Chicken adobo, sinangag na kanin, bacon at fresh veggies ang niluto ni Nay Celia pero kahit gaano pa ata kasarap ang niluto ay nakakawalang gana parin kapag kaharap niya ang dalawa." Siyanga pala Carlos kailan daw ba bibisita ang mommy mo rito?" tanong ni Nay Celia sa pamangkin." Nextweek po bibisita sila rito Nay Celia.""Ganoon ba... mabuti naman kung ganoon. Anyway I really thought na next week ka pa uuwi rito," sabi ni Nay Celia."Actually po Tita ako po talaga ang nag anyaya sa kanya eh, kasi nga ayaw pa raw niyang umuwi," singit naman ng babaeng katabi ni Carlos.Lihim siyang napasulyap sa babae. Maamo ang mukha nito, maputi, makinis at laging dark

    Huling Na-update : 2023-07-29
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 11

    Alas dos na nang madaling araw nang makarinig si Rose ng tinig ng sasakyan at pagkatapos nito ay mga naglalakihang boses na ang narinig niya sa labas. Dahan-dahan siyang bumangon at sumilip siya sa bintana nakita niyang may dalawang sasakyan ang nakahinto sa labas ng bahay ni Mang Celso at kilala niya ang nagmamay-ari ng kotseng iyon kaya dali-dali siyang kumubli sa kurtina. Nakaramdam agad siya ng kaba nang mapagsino ang may-ari ng kotseng nasa labas. Paano nalaman ni Carlos na nandito ako Kay Mang Celso?Hindi pwedeng makita niya ako rito.Pero kung tatakas siya baka si Mang Celso na naman ang pagbuntunan niya ng galit at tanggalin ito sa trabaho.Ilang minuto rin siyang nakatayo sa gilid ng bintana bago siya makarinig ng mga sunud-sunod na katok mula sa labas ng kanyang silid."Rose..." malakas na tawag sa kanya ni Arthur.Hindi siya sumagot."Rose buksan mo ang pinto." Malakas ulit na tawag ng binata sa kanyang pangalan pero dahil siguro sa takot ay hindi agad siya gumalaw para

    Huling Na-update : 2023-08-11

Pinakabagong kabanata

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter Three

    "Bili na po kayo, 25 pesos lang po..." "Ate bili na po kayo, 25 lang po ito."Tumingin ang ginang. "Naku, hija. Lanta na iyang binebenta mong gulay, wala ng bibili niyan," saad nito.Totoo naman, pero wala siyang magagawa kung wala siyang mabenta kahit isa nito. Katiting na pera na nga lang ang makukuha niya rito kung kunti pa ang mabebenta niya ay parang sinayang niya lang ang lakas niya sa pagtitinda.Kumakalam na ang kanyang sikmura dahil sa gutom, paano ba kasi kagabi pa siya walang kain, may magulang nga siya pero hindi siya naalagaan nang mabuti dahil puro pagsusugal ang inaatupag. Sa murang edad niya ay natuto na siyang maghanap-buhay. Siya ang nagtatrabaho para may makain sila araw-araw. Sana'y pinaampon na lang siya ng mga magulang niya kung hindi rin naman siya aalagaan."Ate, bili na po kayo para makauwi na po ako," saad niya ngunit parang walang narinig ang babaeng dumaan sa kanyang harapan.Simula kaninang tanghali pa siya rito pero limang piraso pa lang ang naibibenta

DMCA.com Protection Status