Mataas na ang sikat ng araw kaya medyo mahapdi na kapag natatamaran nito ang iyong balat. Pero baliwala lamang ang init na hatid ng haring araw kay Rose mas gusto pa nga niyang magbilad para naman ay magkaroon naman ng buhay ang kanyang mapusyaw na balat. Napangiti siya habang inaalis ang tsinelas sa kanyang paa. Gusto niyang maramdaman muli ang magaspang na Bermuda sa kanyang paa medyo matagal-tagal narin kasi simula nang magising siya sa lugar na ito. Masyado na siyang bored sa hospital dahil kung hindi mga pader na puti ang nakikita niya ay mga gamot naman ang inaatupag niya. Kung nakakalakad nga lang siya ay matagal na siyang tumakas sa lugar na ito.
Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapat sa kanyang mga paa sa Bermuda at nakailang hakbang narin siya. Sobra ang tuwa na nararamdaman niya sa sarili dahil sa wakas ay makakalakad na siyang muli. Hindi na tulad noong mga nakaraang araw na hindi man lang siya halos makatayo at sa tuwing pinipilit niya ang sarili na makalakad ay lagi lamang siyang natutumba sa sahig. Halos mawalan na siya ng pag-asa para sa sarili pero heto at nagbunga naman lahat ang mga pagsisikap niya dahil unti-unti nang bumabalik ang kanyang lakas."Rose?"Nagulat siya nang marinig ang tawag ng sinumang gumambala mula sa kanyang likuran.Kasalukuyan itong nakasakay sa Kotse nito at mula sa bintana ay sumungaw doon ang ulo ng binata kaya napakunot ang kanyang noo nang makita ito.Kahapon kasi ay nagpaalam itong luluwas ng Maynila at matatagalan daw itong makabalik dahil may aasikasuhin daw itong mahalagang bagay. Nakakatuwa nga ito eh dahil lahat ng mga bagay na ginagawa nito sa araw-araw o kahit saan man ito pupunta ay ipinapaalam pa talaga ng binata sa kanya. Kaya lihim siyang natuwa nang malaman iyon dahil magagawa na niya ang kanyang matagal na plano, ang maglakad-lakad sa labas na mahigpit nitong ipinagbabawal. Pero heto at nandito na sa kanyang harapan. Nakapamaywang ito habang nakapamulsa. Nakakunot ang noo nito na halatang hindi nagustuhan ang naratnan.May pagka OA talaga ang taong ito hindi naman siya mamatay agad kapag natumba siya lupa. Minsan talaga ay nakakainis na masyado ang pagiging mahigpit ng lalaking ito. Kaya kadalasan kahit maliit lamang na bagay o dahilan ay pinag-aawayan pa nila iyan hindi kasi siya makagalaw kapag lagi itong nasa malapitan. Ito kasi ang laging masusunod kung ano ang pwede niyang gawin.Nang makarating ito sa kanyang harapan ay tinirikan niya ito ng mata alam kasi niyang pagagalitan na naman siya ni Carlos. Nakita iyon ng binata kaya agad itong napangisi. Marami na rin ang nakatingin sa kanilang direksyon.Ay, este! Sa direksyon ni Carlos kaya lihim siyang napaismid nang mapansin mula sa kabilang pathway ang dalawang nurse na kumakaway sa binata.Tsk! Lumalandi pa rin pala ang mga nurses!"What are you doing...baka mapaano ka na naman niyan! Last time natumba kapa at dumugo ang sugat mo..." nag-aalalang sabi ng binata habang dahan-dahan siya nitong hinawakan sa beywang at pinaupo muli sa wheelchair."Kaya nga ako walang lakas dahil lage lang akong nakaupo. Kailangan ko rin sanayin ang mga paa ko para naman magkaroon ng lakas. Mas lalo lamang akong magiging baldado kapag wala akong ginagawang efforts.""Hindi naman sa ganoon Rose, natatakot lang akong mangyari muli sa'yo iyong nakaraang araw. Muntik ng nabali ang buto mo dahil sa kakapilit mong lumakad. Alam ko naman na makakalakad kapa pero hindi sa muna ngayon kailangan mo pa ng lakas at kailangan munang maghilom lahat ang mga sugat mo."" Salamat sa mga paalala mo at hindi ako nakakalimot pero sana sa gagawin kong ito ay huwag ka ng tumutol Carlos. Noong una lang naman mahirap at ngayon nga ay unti-unti ko ng naibabalik ang lakas ng katawan ko dahil nakakatayo na ako at nakakalakad ng ilang hakbang ng walang inaalalayang bagay. H-hindi ka ba masaya na nagawa ko muli iyon?" may pagtatampong tanong niya sa binata."R-rose naman..of course gusto ko iyon! Nag-alala lang naman ako sa'yo kanina dahil........a- ayaw kong may mangyaring masama sa'yo habang wala ako rito.." sabi ng binata habang tinutulak nito ang wheelchair sa kanyang likuran patungo sa lilim ng malaking punong akasya."Ganyan ka ba palagi?""Huh?" tila nalilitong tanong ng binata."I mean.. ganyan ka ba talaga sa mga tao kahit hindi mo gaanong kilala?"" I don't get it.""Masyado kang mapagmahal sa kapwa mo."" Ayaw mo bang inaalagaan kita?""Hindi naman sa ganoon. Iniisip ko lang na isa kang busy na tao at alam kong pihikan sa oras ang mga taong katulad mo. At isa pa ayaw ko sanang masingit sa oras na dapat ay ilalaan mo sa iyong minamahal sa buhay.""Okay naman ang mama ko at si papa ayon magaling na rin kaya walang problema. At isa pa nagbabakasyon ako kaya walang mandidisturbo sa mga ginagawa ko araw-araw.""How about your wife?""I don't have a wife.""Ammf I mean your girlfriend.""She will understand...""S-sigurado ka ba riyan sa sagot mo?""You think I will suggest if I'm not sure?"MALAYO pa lang ay tanaw na ni Rose ang isang ginang na nakatayo sa harap ng malaking bahay. Nakasuot ito ng boho dress na kulay puti habang nakangiting kumakaway sa kanila. Binuksan naman ng guard ang malaking gate ng bahay para makapasok ang kotseng minamaneho ni Carlos."Nay Celia.." masayang salubong ng binata sa babaeng may edad subalit nag-uumapaw parin ang walang kupas na kagandahan noong kabataan nito."Carlos! Naku! Ang laking tao muna iho! Hindi na Kita halos mamukhaan! Kayo kasi eh..minsan lang kayo bumibisita rito sa Hasyienda kung walang okasyon o mahalagang pagtitipon ay tsaka pa kayo pumupunta at hindi pa kompleto," sabi nito na may himig na pagtatampo."Nay Celia naman huwag na kayong magtampo masyadong busy lang talaga sa negosyo si papa noon at lalo na ngayon na ipinasa na niya sa amin lahat. Wala namang pwedeng tumanggap kundi ako dahil pareho pang nag-aaral ang mga kapatid ko," mahabang litanya ng binata at tila nahimasmasan naman ang ginang sa mga narinig."Alam ko naman iho pero hindi mo maaalis sa akin ang tampo. Sanggol ka pa lang ay ako na ang nag-alaga sa'yo lalo na sa mga kapatid mo."Inakbayan ni Carlos ang ginang at pinisil ang kaliwang pisngi nito at nilambing na huwag ng magtampo. Napangiti siya sa reaskiyong ipinakita ng binata tumikhim siya at saka pa napansin ng ginang ang kanyang presensya."Ahh..nay Celia si Rose po, Rose si Nay Celia kapatid ng papa ko." Pagpapakilala ng binata sa kanya nginitian naman niya ang ginang at kimi rin naman itong ngumiti sa kanya subalit napansin niya ang mga mata nitong nakatingin Kay Carlos na tila ba naghahanap ng sagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan nito."I will explain it to you later po..kapag nakakain na tayo ng pananghalian."Natawa naman ang ginang sa huling sinabi ng binata."Ay oo nga pala! Naku tayo na sa kusina tamang-tama naman at nakapagluto na si Josa doon halos mga paborito mo lahat iyon iho.""Are you okay?" tanong ng binata sa kanya nahihiya man sa tiyahin nito ay tumango na lamang siya rito."Feel free to stay here iha huwag kang mahiya sa akin," simpleng sabi ng ginang sa kanya at tinawag ang atensiyon ng isa sa mga katulong nito."Osang pakilagay ang mga gamit nila sa kanilang magiging silid at pakiayos na rin doon.""Okay po madam," masunuring sabi naman ng babaeng may kulot na buhok.Pero umiba ata ang templa ng mood niya nang marinig ang sinabi ng ginang ng magiging silid nila. So ibig sabihin magkakasama sila ni Carlos sa isang silid?Naku! Hindi pwede!"Ahhh...Carlos.." tawag niya sa binata na tinutulungan ang babaeng nagngangalang Osang sa pagbitbit ng mga gamit na dala nila.Mabuti naman at nakuha agad ni Carlos ang ibig sabihin niya."Ahh..Osang pakilagay ang mga gamit ko sa dati kong kwarto at ito naman kay Rose pakilagay sa guest room.""Opo sir!""Guest room?" takang tanong ng ginang at agad siyang pinasadahan nang nagdududang mga tingin.Okay! Kailangan nilang dalawa ni Carlos magpaliwanag sa ginang na hindi sila mag nobyo! Na ampon lamang siya ng binata!"Oh! Come on Carlos! Should I asked an explanation for this?"" Explanation for what?""May relasyon ba kayo?"Natawa siya sa tanong na iyon ng ginang."Hindi po ma'am..ampon lang po ako ni Carlos."Napamaang naman ito sa kanyang sagot."Seriously? Oh my God! I really thought na nagbago na naman ng nobya si Carlos! I'm really sorry talaga ija...ito kasing pamangkin ko wala man lang sinabi na kaibigan ka niya!"Medyo nakaramdam siya ng pamumula sa sinabing iyon ng ginang. Bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang dibdib nang marinig ang sinabing iyon ng ginang.So isa lang ang ibig sabihin nito.May nobya si Carlos! Nagsinungaling sa kanya ang binata!" MABUTI NAMAN AT DITO NINYO NAISIPANG MAGBAKASYON CARLOS?"Nakikinig lamang si Rose sa usapan ng dalawa habang busy siya sa pagkain ng alimango. Masarap ang pagkakaluto ni Aling Josa lalo na sa kalderetang manok na una niyang nilantakan.SO TAGASAAN KA PALA ROSE?" tanong ng ginang sa kanya habang kumakain sila ng pananghalian.Hindi niya alam kung paano sasagutin ang katanungang iyon ng ginang sa kanya.Ano bang sasabihin niya?Na nagka amnesia siya at hindi niya maalala ang kanyang mga magulang." I'm sorry po but..I can't remember anything about my past..," mahinang sagot niya sa ginang."What?" shocked na sabi ng ginang at muling tinignan si Carlos na ngayon ay enjoy na enjoy sa pagkain ng alimango." May amnesia po siya Nay Celia kaya nga po dito ko muna siya dinala baka makatulong Po sa kanyang recovery. Halos dalawang buwan po siyang na comma at nanatili sa loob ng hospital but according kay dok ay babalik din naman ang alaala niya. Ipinahanap ko rin ang pamilya niya pero hanggang ngayon ay wala paring update ng PA ko.""Oh my god! I'm so sorry Rose...so sino ba ang nakabangga sa'yo at bakit si Carlos ang nakakuha sa'yo?"Walang sumagot sa tanong na iyon ng ginang kaya binalingan nito si Carlos ng may pagdududang tingin. "Don't tell me...""Believe me Nay Celia it was an accident! Malakas ang pagpapatakbo ko nang araw na iyon dahil gumagabi na at parang lalakas pa ang ulan kaya hindi ko na napansin na may babaeng tumatakbo patawid sa kalsada. Huli na nang lumabas ako tumilapon na ang katawan niya sa kabilang kalsada kaya nagmamadali akong tumawag ng ambulansya. There was a men na nakatingin sa amin kung saan nangyari ang insidente tinanong ko sila kung kilala nila ang babae but they said no.""Sus ko namang bata ka! Alam mo namang delikado ang daan papunta rito Lalo pa kapag masama ang panahon magdahan-dahan kasi sa pagmamaneho paano kung natuluyan si Rose? Eh di habang buhay mong dadalhin ang konsensya mo? Paano kung hinahanap na pala si Rose ng pamilya niya? Naku ewan ko na lang talaga sa'yong bata ka!"Hindi na niya halos pa narinig ang mga usapan ng dalawa sa kanyang harapan dahil pati siya ay nagulat sa rebelasyong sinabing iyon ng binata. Ang buong akala niya ay nabangga talaga siya ni Carlos pero nang baggitin nitong may mga lalaking nakatingin sa kanila ay doon na siya nakaramdam ng kakaibang kaba.Biglang may eksenang rumehistro sa kanyang utak...maulan... madilim.... may mga apoy! Napatayo siya nang biglang pumitik ang kanyang sentido at bumilis ang kanyang paghinga maging ang pagpintig ng kanyang puso para bang may kinatatakutan siyang bagay na mangyayari sa kanya. Nanginig ang kanyang mga kamay at naramdaman niyang umagos ang kanyang mga luha sa pisngi."Rose...""Iha..are you..okay?""Rose.. are you okay?""Please call a doctor Carlos, now! We need a doktor!"Hindi na niya narinig pa ang mga sigawan nila Carlos at Nay Celia dahil tuluyan nang binalot ng dilim ang kanyang pananaw."KUMUSTA ang pakiramdam mo iha?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Nay Celia."Medyo masakit Po ang ulo ko pero maayos naman po ang pakiramdam ko."Umupo ito sa gilid ng kanyang higaan at sumenyas sa katulong na dalhan siya ng pagkain at maiinom. Agad namang tumalima ang babae at iniwan silang dalawa sa silid."Pasensya na po kayo sa nangyari kagabi..bigla lang pong sumakit ang ulo ko at unti-unti pong dumilim ang aking paningin." Pagbibigay paumanhin niya sa ginang."Ahhh...so Carlos Po ba nasaan?""Naku maagang umalis. May kikitain daw sa bayan at ipinagbilin kana lamang sa akin. KayA huwag mo nang ipag-alala iyong kagabi ang importante maayos na ang pakiramdam mo. Ang sabi ng doktor kailangan mo ng mahabang pahinga at lumayo ka sa maraming tao kung maaari. Masyadong mahina pa raw ang utak mo para balikan ang iyong mga nakaraan kaya ang mas mabuti pa ay huwag mo munang alalahanin iyon. Hintayin mo kung kailan babalik ang iyong memorya huwag mong pilitin.""Ehh...nakakahiya po kasi masyado na akong pabigat lalo na po sa pamangkin ninyo. Alam ko pong bakasyon niya ito at dapat ay nag-eenjoy na siya ngayon pero heto at problema ko lahat ang inaatupag niya," nahihiyang pagtatapat niya sa matanda.Natahimik naman ito at nagkibit ng balikat. Tumayo si Nay Celia at binuksan ang makapal na kurtinang nakaharang sa magandang tanawin mula sa bintana ng kanyang silid." Alam mo bang sa tuwing may pinagdadaanan ang alaga ko ay dito agad siya sa Hacienda umuuwi?" Pag -iiba nito sa kanilang usapan."Tumayo ka riyan ija at pagmasdan mo ang kagandahan sa buong sakop ng Hacienda."Sinunod naman niya ang utos ng ginang. Tumabi siya rito at pinagmasdan ang magandang tanawin sa buong Hacienda na nasasakupan nito. Kitang-kita mula sa kanilang kinaroroonan ang kulay asul na dagat. Kumikinang ang tubig dahil sa tama nang sinag ng haring araw. Ipinikit niya ang mga mata habang sinasamyo ang malamig na simoy ng sariwang hanging habagat.Sa kaliwang bahagi naman ng Hacienda ay natatanaw niya ang mga magsasaka na nagtatanim ng mga punla at nag-aani ng mga gulay. Sa kabilang panig naman nito ay taniman ng mga bulaklak tulad ng tulip at sunflowers."Ang ganda pala ng lugar ninyo rito totoong nakakagaan ng ginhawa," nakangiting sabi niya habang pinagmamasdan lamang siya ng ginang." Alam mo ba iha nang makita kitang kasama ni Carlos kahapon ay nakaramdam ako ng kunting pagkairita? "Napalingon siya sa sinabing iyon ng ginang."Inakala ko kasi na nobya ka ni Carlos. Dinamdam ko kaagad iyon dahil inakala ko na ipinagpalit na niya si Angie sa'yo." Medyo may himig na lungkot ang boses nito habang nagsasalita. " Sabagay.. maganda ka iha kaya hindi ako magtataka kung liligawan ka ni Carlos.""Po? Eh..paano Po mangyayari iyon gayong may nobya na po ang pamangkin ninyo," pabirong saad niya kay Nay Celia.Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing napag-uusapan nila ang nobya ni Carlos ay nararamdaman niya ang mabigat na nararamdaman ng ginang. Napaisip tuloy siya kung nasaan ang dalaga. Bakit hindi niya ito nakikita na kasama ni Carlos?" Malimit na magbakasyon si Angielyn dito kahit hindi niya kasama si Carlos. Masarap kasama ang batang iyon dahil bukod sa mabait ay lagi iyong nakangiti.""Ahh..n-nasaan na po ba siya Nay Celia? Gusto ko sana siyang makilala ng personal upang makapagpasalamat narin dahil sa mga tulong na ginawa ni Carlos sa akin," nakangiti niyang tugon subalit lubos ang kanyang pagtataka nang mapansin niyang nanunubig ang mga mata ng ginang."N-nay Celia..b-bakit po..k-kayo umiiyak? M-may nasabi po ba akong hindi ninyo nagustuhan?" nagtatakang tanong niya rito subalit nandoon parin ang kaba sa kaniyang dibdib.Umiiling-iling ang ginang at pasimple nitong pinahid ang luha sa mata nito."H-hindi ko po kayo naiintindihan Nay Celia kung bakit kayo Umiiyak ngayon."Tahimik nitong kinuha ang kanyang dalawang kamay at ginagap iyon ng ginang."S-sana iha pwede pang ibalik ang dati...sana pwede pa nating balikan iyong mga nakakapanghinayang na panahon para maitama natin ang mga nagawa nating mali noon. "Nalibot na ni Rose ang buong bahay ay hindi parin niya nakikita ang binata simula nang nahimatay siya noong nakaraang araw. Ang sabi sa kanya ni Nay Celia ay may nilakad lang daw na importante ang binata at babalik din naman iyon. Imposible naman kasing ipinagbilin na siya ng binata sa ginang na walang pasabi o pagpapaalam naman sa kanya.Pero baka nga ay umalis na ito at hindi na nag-abalang magpaalam. Sino ba naman kasi siya para pag-aksayahan ng panahon?Nang makaramdam siya ng pagkainip sa bahay ay napagpasiyahan niyang maglakad-lakad muna. Nilibot niya ang buong bahay mula sa harden ng mansion, sa pool at hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa kuwadra ng mga kabayo kung saan doon niya laging nakikitang tumatambay si Carlos. Napatitig siya sa isang kulay itim para sa kanya ito na ang kabayong pinakamaganda sa kanyang paningin halatang alagang-alaga ito ng may-ari dahil bukod sa malinis ay napakakinis ng buhok nito at hindi malangsa ang amoy tulad ng ibang mga kabayo kaya walang pag-aalinlangang nilapitan niya ito. Hinimas-himas niya ang kabayo , noong una ay mailap ito pero nang kalaunan ay napaamo naman niya. Napangiti siya at binuksan ang kuwadra, mahigpit niyang hinawakan ang lubid nito at umakyat sa ibabaw ng kabayo na tila ba ay sanay na sanay na siya sa pagpapatakbo ng kabayo.Nakarinig siya ng mga pagtawag sa kanyang pangalan pero naka focus siya sa pagpapatakbo ng kabayo kaya hindi na niya nilingon pa ang sinumang tumatawag sa kanyang pangalan."Hiya!" malakas niyang utos sa kabayo na agad namang tumalima at bumilis ang pagpapatkabo.Nilibot niya ang buong sakop ng Hacienda na matagal na niyang gustong gawin. Nakarating sila sa may batis at tumawid patungo sa tuktok ng burol kung saan ay kitang kita rito ang kabuoang sakop ng buong Hacienda. Maingat siyang bumaba at itinali ang lubid nito sa lilim ng punong mangga.Tumungo siya sa unahan at inilibot ang paningin sa buong paligid nito. Medyo may kalakasan ang hangin dito sa tuktok ng burol. Inilipad ng hangin ang kanyang malambot at medyo maalon na buhok. Napapikit ang dalaga at ninamnam pansamantala ang katahimikang hatid ng kapaligiran. Sobra siyang nagandahan sa lugar at ngayon lang niya naalala na nakalimutan niya pansamantala ang kanyang problema. Hindi naman siguro masama kung lulubusin niya ang pagkakataong ibinigay sa kanya ni Carlos ang mag-enjoy sa lugar nito. Para kasi itong paraiso na kahit sinuman ay maaakit sa natural na ganda na gawa ng kalikasan.Pinagpag niya ang dalang jacket na ipinahiram sa kanya ni Nay Celia at maingat na nilagay sa malinis na damo ng carabao grass. Humiga siya roon habang nakipagtitigan sa kulay pulang papalubog na araw. Biglang bumigat ang kanyang mga talukap kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog at dalawin ng isang panaginip...."Bili na po kayo, 25 pesos lang po..." "Ate bili na po kayo, 25 lang po ito."Tumingin ang ginang. "Naku, hija. Lanta na iyang binebenta mong gulay, wala ng bibili niyan," saad nito.Totoo naman, pero wala siyang magagawa kung wala siyang mabenta kahit isa nito. Katiting na pera na nga lang ang makukuha niya rito kung kunti pa ang mabebenta niya ay parang sinayang niya lang ang lakas niya sa pagtitinda.Kumakalam na ang kanyang sikmura dahil sa gutom, paano ba kasi kagabi pa siya walang kain, may magulang nga siya pero hindi siya naalagaan nang mabuti dahil puro pagsusugal ang inaatupag. Sa murang edad niya ay natuto na siyang maghanap-buhay. Siya ang nagtatrabaho para may makain sila araw-araw. Sana'y pinaampon na lang siya ng mga magulang niya kung hindi rin naman siya aalagaan."Ate, bili na po kayo para makauwi na po ako," saad niya ngunit parang walang narinig ang babaeng dumaan sa kanyang harapan.Simula kaninang tanghali pa siya rito pero limang piraso pa lang ang naibibenta
Dahan-dahang inilapat ni Carlos sa kama ang dalaga sa pag-aalala na baka magising niya ito. Hindi na niya pinatawag pa si Nay Celia para alagaan ang dalaga at siya na mismo ang gumawa niyon. Kumuha siya ng panyo at binasa iyon saka pinunas sa dalaga. May mga pangalan itong binubulong kanina pero nang muli niya itong gisingin ay hindi naman ito sumagot. Maingat niyang tinanggal ang suot nitong roba at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang may makitang peklat sa bandang dibdib parang paso iyon gawa ng sigarliyu. Hindi siya halos makapaniwala sa kanyang nasaksihan at mas lalong nadagdagan pa ang mga katanungang iyon na nais niya ng kasagutan subalit paano ba iyon mabibigay kung hanggang ngayon ay hindi parin maalala ng dalaga ang sarili. Hinaplos-haplos niya ang maamong mukha nito mula sa perpektong hugis ng ilong nito at maging sa manipis nitong mga labi na kay sarap halikan. MAHIGPIT NA NAKAYAKAP SI ROSE SA BATOK NG BINATANA habang ninanamnam ang masarap na halik nito. Nakapik
Muntik nang mapasubsob si Rose sa dibdib ni Carlos nang bigla siya nitong hilahin. "Ano ba! Nasasaktan ako Carlos!" galit na sigaw niya sa binata habang pilit na inaalis ang mga kamay nitong nakaharang sa kanyang harapan. Itinukod nito sa pader ang dalawang kamay sa magkabila niyang braso at idiniin nito ang mukha sa kanya. Nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito at parang nawala agad ang inis na nararamdaman niya kanina rito. Pero nang biglang hawakan nito ang kanyang baba at tinignan siya ng masama sa mga mata ay muling nabuhay ulit ang pagkainis niya sa binata.Kung noon ay sobrang hinangaan niya ito dahil sa kabaitang nakikita niya ngayon ay sobra ang pag-sisisi niya kung bakit tinanggap niya ang tulong nito. Sobrang nasasakal na siya sa ugali nitong hindi niya halos maintindihan.Minsan mabait at minsan naman hindi."B-bitiwan mo ako Carlos, nasasaktan na ako!""Ilang beses na ba kitang binalaan na huwag na huwag kang makipaglandian sa Markus na iyon. Hindi mo kilala ang
Hating gabi na nang umuwi sila ni Markus sa mansion at sobra ang kasiyahan na nararamdaman ni Rose ngayon. Masayang masaya siya dahil masarap pala kasama ito bukod kasi sa matabil ito at mapagbiro ay may sense of humor talaga itong ka date. Kaya hindi na nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok siya sa loob ng kanyang silid. Hinubad niya ang kanyang suot na dollshoes at inilagay na rin niya sa cabinet ang mga pinamili niyang beeds para sa gagawin niyang palamuti.Gusto kasi niyang gawan ng bracelet si Carlos para naman makabawi siya sa mga utang niya rito. At baka sakali ay muling bumalik ang dating Carlos na nakilala niya noon. Iyong laging nakangiti, maalagain at masarap kausap. Hindi katulad ngayon na halos hindi man lang siya kayang tignan kahit sa malapitan man lang. Kung noon ay puring puri nito ang kagandahan niya, kahit sa simpleng pananamit lamang at simpleng kilos ay lagi niyang nakikita sa mga mata nito ang paghanga. Ngayon ay wala na siyang makitang galak sa mga mata ni
Pasado alas dose na nang madaling araw lumipat sa kabilang silid si Carlos. Marami pa kasi silang pinag-usapan ni Rose kaya inabot sila ng madaling araw.Nakangiti siya habang kumakaway sa dalaga mula sa veranda ng silid nito. Sumenyas naman ang dalaga na matutulog na kaya tinanguan lamang niya ito. Hindi pa siya dinalaw ng antok kaya bumaba siya sa kusina para mag templa ng kape. Naratnan niyang gising pa ang tiyahin niya nakatayo ito habang tahimik na pinagmamasdan ang mga larawan na nakadikit sa dingding. Larawan iyon ng buong pamilyang Montenegro.Namis siguro nito ang mga kapatid at ang yumaong mga magulang. Si Nay Celia kasi ang panganay sa magkakapatid kaya halos buong oras ay ginugol nito sa mga kapatid. Nanalaytay talaga sa dugo nito ang maging mapagmahal sa kapwa kaya lahat ng mga pamangkin nito ay sa kanya agad tatakbo kung may problema. Hindi rin naman lihim sa kanya ang kabaitan ng matanda dahil kahit siya ay ito na ang nagpalaki. "Gising pa pala kayo Nay Celia," sabi n
"Bakit mo ginawa iyon?" galit na mungkahi ni Rose sa binata.Sinundan niya ito papalabas ng bahay. Ang sarap lang batuhin ng lalaking ito kung hindi lang siya nakapagtimpi ay baka nasampal na niya ito mismo sa harapan ni Markus."Hintayin mo nga ako! Kinakausap pa kita!" galit na sigaw niya rito habang sinusundan parin ang binata."Bakit ba nagagalit ka?" tanong nito sa kanya. "Bakit ako nagagalit? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagagalit? Eh, sino ba ang hindi magagalit sa ginagawa mo? Walang kasalanang ginawa iyong tao tapos kwenilyuhan mo? Ganyan ba dapat makipag-usap?""That's what he got !" "What did you say?" inis na tanong niya sa binata."Ilang beses ko na siyang binawalan na huwag kang pakialaman! Na huwag kaniyang lapitan! Pero ang tigas din, eh!" Huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit at kitang kita pa niya kung paano ito manggigil sa inis."Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng lumapit sa kanya! Gawin mo at huwag
Magdadalawang linggo na simula nang umalis si Carlos sa Tagaytay at magdadalawang linggo na ring naiinip si Rose sa paghihintay kung kailan babalik ang binata.Nasa terrace siya ng bahay habang pinapanuod ang mga hardenero na nagtatanim ng mga bagong binhi ng bulaklak sa harden.Nakaramdam siya ng boredom kaya nakapag isip siyang babalik na lamang sa kanyang silid sa itaas para gumawa ng mga palamuti nang makarinig siya nang usapan ng mga katulong mula sa kusina. Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ng binata kaya dahan-dahan siyang tumungo doon at palihim na nakikinig sa mga usapan. Nakita niyang nagbabalat ng mangga si Manang Fe at naghuhugas naman ng pinggan si Minda."Kailan ba raw babalik si Sir Carlos?" tanong ni Minda kay Manang Fe."Sabi niya sa susunod na linggo na raw sila luluwas rito dahil masyadong busy sa opisina. Nagsabi nga iyon na pakilinisan daw ang isang guest room sa itaas.""Ohhh? May Kasama ba siya?" tanong naman ulit ni Minda kay Manang Fe.Nagkibi
Pababa ng hagdan si nang tawagin siya ni Nay Celia para mag-agahan ayaw pa sana niyang kumain subalit baka magdaramdam na naman ang ginang kaya tumuloy siya sa kusina.Hindi na siya nagulat nang madatnang naroon na si Carlos at ang babaeng bisita nito. Sa katabing upuan siya umupo kay Nay Celia at nasa harapan naman nila ang dalawa.Chicken adobo, sinangag na kanin, bacon at fresh veggies ang niluto ni Nay Celia pero kahit gaano pa ata kasarap ang niluto ay nakakawalang gana parin kapag kaharap niya ang dalawa." Siyanga pala Carlos kailan daw ba bibisita ang mommy mo rito?" tanong ni Nay Celia sa pamangkin." Nextweek po bibisita sila rito Nay Celia.""Ganoon ba... mabuti naman kung ganoon. Anyway I really thought na next week ka pa uuwi rito," sabi ni Nay Celia."Actually po Tita ako po talaga ang nag anyaya sa kanya eh, kasi nga ayaw pa raw niyang umuwi," singit naman ng babaeng katabi ni Carlos.Lihim siyang napasulyap sa babae. Maamo ang mukha nito, maputi, makinis at laging dark
Alas dos na nang madaling araw nang makarinig si Rose ng tinig ng sasakyan at pagkatapos nito ay mga naglalakihang boses na ang narinig niya sa labas. Dahan-dahan siyang bumangon at sumilip siya sa bintana nakita niyang may dalawang sasakyan ang nakahinto sa labas ng bahay ni Mang Celso at kilala niya ang nagmamay-ari ng kotseng iyon kaya dali-dali siyang kumubli sa kurtina. Nakaramdam agad siya ng kaba nang mapagsino ang may-ari ng kotseng nasa labas. Paano nalaman ni Carlos na nandito ako Kay Mang Celso?Hindi pwedeng makita niya ako rito.Pero kung tatakas siya baka si Mang Celso na naman ang pagbuntunan niya ng galit at tanggalin ito sa trabaho.Ilang minuto rin siyang nakatayo sa gilid ng bintana bago siya makarinig ng mga sunud-sunod na katok mula sa labas ng kanyang silid."Rose..." malakas na tawag sa kanya ni Arthur.Hindi siya sumagot."Rose buksan mo ang pinto." Malakas ulit na tawag ng binata sa kanyang pangalan pero dahil siguro sa takot ay hindi agad siya gumalaw para
Pababa ng hagdan si nang tawagin siya ni Nay Celia para mag-agahan ayaw pa sana niyang kumain subalit baka magdaramdam na naman ang ginang kaya tumuloy siya sa kusina.Hindi na siya nagulat nang madatnang naroon na si Carlos at ang babaeng bisita nito. Sa katabing upuan siya umupo kay Nay Celia at nasa harapan naman nila ang dalawa.Chicken adobo, sinangag na kanin, bacon at fresh veggies ang niluto ni Nay Celia pero kahit gaano pa ata kasarap ang niluto ay nakakawalang gana parin kapag kaharap niya ang dalawa." Siyanga pala Carlos kailan daw ba bibisita ang mommy mo rito?" tanong ni Nay Celia sa pamangkin." Nextweek po bibisita sila rito Nay Celia.""Ganoon ba... mabuti naman kung ganoon. Anyway I really thought na next week ka pa uuwi rito," sabi ni Nay Celia."Actually po Tita ako po talaga ang nag anyaya sa kanya eh, kasi nga ayaw pa raw niyang umuwi," singit naman ng babaeng katabi ni Carlos.Lihim siyang napasulyap sa babae. Maamo ang mukha nito, maputi, makinis at laging dark
Magdadalawang linggo na simula nang umalis si Carlos sa Tagaytay at magdadalawang linggo na ring naiinip si Rose sa paghihintay kung kailan babalik ang binata.Nasa terrace siya ng bahay habang pinapanuod ang mga hardenero na nagtatanim ng mga bagong binhi ng bulaklak sa harden.Nakaramdam siya ng boredom kaya nakapag isip siyang babalik na lamang sa kanyang silid sa itaas para gumawa ng mga palamuti nang makarinig siya nang usapan ng mga katulong mula sa kusina. Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ng binata kaya dahan-dahan siyang tumungo doon at palihim na nakikinig sa mga usapan. Nakita niyang nagbabalat ng mangga si Manang Fe at naghuhugas naman ng pinggan si Minda."Kailan ba raw babalik si Sir Carlos?" tanong ni Minda kay Manang Fe."Sabi niya sa susunod na linggo na raw sila luluwas rito dahil masyadong busy sa opisina. Nagsabi nga iyon na pakilinisan daw ang isang guest room sa itaas.""Ohhh? May Kasama ba siya?" tanong naman ulit ni Minda kay Manang Fe.Nagkibi
"Bakit mo ginawa iyon?" galit na mungkahi ni Rose sa binata.Sinundan niya ito papalabas ng bahay. Ang sarap lang batuhin ng lalaking ito kung hindi lang siya nakapagtimpi ay baka nasampal na niya ito mismo sa harapan ni Markus."Hintayin mo nga ako! Kinakausap pa kita!" galit na sigaw niya rito habang sinusundan parin ang binata."Bakit ba nagagalit ka?" tanong nito sa kanya. "Bakit ako nagagalit? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagagalit? Eh, sino ba ang hindi magagalit sa ginagawa mo? Walang kasalanang ginawa iyong tao tapos kwenilyuhan mo? Ganyan ba dapat makipag-usap?""That's what he got !" "What did you say?" inis na tanong niya sa binata."Ilang beses ko na siyang binawalan na huwag kang pakialaman! Na huwag kaniyang lapitan! Pero ang tigas din, eh!" Huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit at kitang kita pa niya kung paano ito manggigil sa inis."Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng lumapit sa kanya! Gawin mo at huwag
Pasado alas dose na nang madaling araw lumipat sa kabilang silid si Carlos. Marami pa kasi silang pinag-usapan ni Rose kaya inabot sila ng madaling araw.Nakangiti siya habang kumakaway sa dalaga mula sa veranda ng silid nito. Sumenyas naman ang dalaga na matutulog na kaya tinanguan lamang niya ito. Hindi pa siya dinalaw ng antok kaya bumaba siya sa kusina para mag templa ng kape. Naratnan niyang gising pa ang tiyahin niya nakatayo ito habang tahimik na pinagmamasdan ang mga larawan na nakadikit sa dingding. Larawan iyon ng buong pamilyang Montenegro.Namis siguro nito ang mga kapatid at ang yumaong mga magulang. Si Nay Celia kasi ang panganay sa magkakapatid kaya halos buong oras ay ginugol nito sa mga kapatid. Nanalaytay talaga sa dugo nito ang maging mapagmahal sa kapwa kaya lahat ng mga pamangkin nito ay sa kanya agad tatakbo kung may problema. Hindi rin naman lihim sa kanya ang kabaitan ng matanda dahil kahit siya ay ito na ang nagpalaki. "Gising pa pala kayo Nay Celia," sabi n
Hating gabi na nang umuwi sila ni Markus sa mansion at sobra ang kasiyahan na nararamdaman ni Rose ngayon. Masayang masaya siya dahil masarap pala kasama ito bukod kasi sa matabil ito at mapagbiro ay may sense of humor talaga itong ka date. Kaya hindi na nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok siya sa loob ng kanyang silid. Hinubad niya ang kanyang suot na dollshoes at inilagay na rin niya sa cabinet ang mga pinamili niyang beeds para sa gagawin niyang palamuti.Gusto kasi niyang gawan ng bracelet si Carlos para naman makabawi siya sa mga utang niya rito. At baka sakali ay muling bumalik ang dating Carlos na nakilala niya noon. Iyong laging nakangiti, maalagain at masarap kausap. Hindi katulad ngayon na halos hindi man lang siya kayang tignan kahit sa malapitan man lang. Kung noon ay puring puri nito ang kagandahan niya, kahit sa simpleng pananamit lamang at simpleng kilos ay lagi niyang nakikita sa mga mata nito ang paghanga. Ngayon ay wala na siyang makitang galak sa mga mata ni
Muntik nang mapasubsob si Rose sa dibdib ni Carlos nang bigla siya nitong hilahin. "Ano ba! Nasasaktan ako Carlos!" galit na sigaw niya sa binata habang pilit na inaalis ang mga kamay nitong nakaharang sa kanyang harapan. Itinukod nito sa pader ang dalawang kamay sa magkabila niyang braso at idiniin nito ang mukha sa kanya. Nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito at parang nawala agad ang inis na nararamdaman niya kanina rito. Pero nang biglang hawakan nito ang kanyang baba at tinignan siya ng masama sa mga mata ay muling nabuhay ulit ang pagkainis niya sa binata.Kung noon ay sobrang hinangaan niya ito dahil sa kabaitang nakikita niya ngayon ay sobra ang pag-sisisi niya kung bakit tinanggap niya ang tulong nito. Sobrang nasasakal na siya sa ugali nitong hindi niya halos maintindihan.Minsan mabait at minsan naman hindi."B-bitiwan mo ako Carlos, nasasaktan na ako!""Ilang beses na ba kitang binalaan na huwag na huwag kang makipaglandian sa Markus na iyon. Hindi mo kilala ang
Dahan-dahang inilapat ni Carlos sa kama ang dalaga sa pag-aalala na baka magising niya ito. Hindi na niya pinatawag pa si Nay Celia para alagaan ang dalaga at siya na mismo ang gumawa niyon. Kumuha siya ng panyo at binasa iyon saka pinunas sa dalaga. May mga pangalan itong binubulong kanina pero nang muli niya itong gisingin ay hindi naman ito sumagot. Maingat niyang tinanggal ang suot nitong roba at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang may makitang peklat sa bandang dibdib parang paso iyon gawa ng sigarliyu. Hindi siya halos makapaniwala sa kanyang nasaksihan at mas lalong nadagdagan pa ang mga katanungang iyon na nais niya ng kasagutan subalit paano ba iyon mabibigay kung hanggang ngayon ay hindi parin maalala ng dalaga ang sarili. Hinaplos-haplos niya ang maamong mukha nito mula sa perpektong hugis ng ilong nito at maging sa manipis nitong mga labi na kay sarap halikan. MAHIGPIT NA NAKAYAKAP SI ROSE SA BATOK NG BINATANA habang ninanamnam ang masarap na halik nito. Nakapik
"Bili na po kayo, 25 pesos lang po..." "Ate bili na po kayo, 25 lang po ito."Tumingin ang ginang. "Naku, hija. Lanta na iyang binebenta mong gulay, wala ng bibili niyan," saad nito.Totoo naman, pero wala siyang magagawa kung wala siyang mabenta kahit isa nito. Katiting na pera na nga lang ang makukuha niya rito kung kunti pa ang mabebenta niya ay parang sinayang niya lang ang lakas niya sa pagtitinda.Kumakalam na ang kanyang sikmura dahil sa gutom, paano ba kasi kagabi pa siya walang kain, may magulang nga siya pero hindi siya naalagaan nang mabuti dahil puro pagsusugal ang inaatupag. Sa murang edad niya ay natuto na siyang maghanap-buhay. Siya ang nagtatrabaho para may makain sila araw-araw. Sana'y pinaampon na lang siya ng mga magulang niya kung hindi rin naman siya aalagaan."Ate, bili na po kayo para makauwi na po ako," saad niya ngunit parang walang narinig ang babaeng dumaan sa kanyang harapan.Simula kaninang tanghali pa siya rito pero limang piraso pa lang ang naibibenta