Share

Chapter Five

Author: Loveinyoung
last update Huling Na-update: 2023-07-17 19:11:01

Muntik nang mapasubsob si Rose sa dibdib ni Carlos nang bigla siya nitong hilahin.

"Ano ba! Nasasaktan ako Carlos!" galit na sigaw niya sa binata habang pilit na inaalis ang mga kamay nitong nakaharang sa kanyang harapan.

Itinukod nito sa pader ang dalawang kamay sa magkabila niyang braso at idiniin nito ang mukha sa kanya. Nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito at parang nawala agad ang inis na nararamdaman niya kanina rito. Pero nang biglang hawakan nito ang kanyang baba at tinignan siya ng masama sa mga mata ay muling nabuhay ulit ang pagkainis niya sa binata.

Kung noon ay sobrang hinangaan niya ito dahil sa kabaitang nakikita niya ngayon ay sobra ang pag-sisisi niya kung bakit tinanggap niya ang tulong nito. Sobrang nasasakal na siya sa ugali nitong hindi niya halos maintindihan.

Minsan mabait at minsan naman hindi.

"B-bitiwan mo ako Carlos, nasasaktan na ako!"

"Ilang beses na ba kitang binalaan na huwag na huwag kang makipaglandian sa Markus na iyon. Hindi mo kilala ang tao na iyon Rose kaya huwag kang basta-bastang magtiwala," galit na sabi nito sa kanya na mas hinigpitan pa ang pagkahawak sa kanya baba.

Mas malakas ang binata sa kanya kaya hindi niya basta-basta maiaalis ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Hindi kita maintindihan Carlos, ano bang gusto mong sabihin?" nahihirapang sabi niya dahil sa higpit na pagkahawak nito sa kanya.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa Rose alam kong alam mo ang ibig kong sabihin."

"Eh, ano ngayon kung makikipaglapit ako kay Markus wala naman atang problema hindi ba? Unless kung may gurang na magagalit diyan sa tabi-tabi," pasipol na saad niya.

Nakita niya ang pag-iba sa ekspresiyon ng mga mata ng binata. Nang muli niyang tanggalin ang mga kamay nito ay nagpaubaya naman ito.

"Hindi ko gustong pareho ninyong pagsisihan ito sa bandang huli."

"Bakit natatakot ka ba na papatulan ko si Markus?" natatawang saad niya sa binata na halatang hindi na halos maipinta ang galit sa mga mata nito.

"Oo! Natatakot akong masaktan mo siya! Rose alam naman natin pareho na hindi pwede diba? Na walang kasiguraduhan ang lahat ng ito hanggat hindi mo pa naaalala ang iyong nakaraan! Paano nga ba kung may pamilya Kang naghihintay sa'yong pagbabalik? Paano kung may pamilya ka na pala at may mga anak na? Hindi ba mas masakit iyon?!"

Hindi siya nakaimik sa sinabing iyon ng binata.

Oo nga pala.

Bakit hindi niya iyon naisip agad?

"P-pero paano kapag wala?"

"Sana nga..wala," mahinang usal nito na hindi niya halos marinig.

"A-anong sabi mo?"

"Nothing..layuan mo si Markus iyon lang!"

"Rose where are you going?" sigaw ni Markus sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkos ay binilisan niya ang mga hakbang para hindi siya nito maabutan pero heto at magkasabay na silang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Papunta sana siya sa bayan para mamili ng mga beeds na gagawin niyang palamuti.

"Rose," tawag ulit nito sa kanyang pangalan.

Kabago-bago lang nilang nag-usap ni Carlos kanina na layuan niya ang engot na Markus na ito subalit kahit anong pilit niyang pag-iwas ay heto at humabol pa talaga sa kanya.

"Bakit ka ba sumama? May pupuntahan lang ako mas mabuti pa ay umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Carlos ngayon," simpleng pagtataboy niya rito.

"Actually ikaw naman talaga ang sadya ko Rose kung bakit nakapag desisyon akong mag stay muna rito ng ilang araw."

Napahinto siyang bigla sa sinabing iyon ng binata.

"A-ako? B- bakit naman?"

"G-gusto ko lang makasiguro na okay ka na," mahinang sabi nito pero sapat na iyon para marinig niya.

" Markus," tawag niya rito at tumingin naman ito pabalik sa kanya. Nagulat siya nang makitang may luha ito sa gilid ng mga mata habang malungkot na nakatitig sa kanya.

Parang may munting kamay na humaplos sa puso niya ng sandaling iyon. Nakaramdam agad siya ng kunting pangungulila sa mga mata nito.

"K-kung alam mo lang sana Rose na sobra ang saya na nararamdaman ko nang makita kit ulit dito. Hindi mo lang alam kung gaano mo kami pinag-aalala," malungkot na saad nito.

"A-anong ibig mong sabihin? Kilala mo ba ako Markus?"

Hindi ito sumagot kaya tinanong niya ulit ito subalit ngumiti lamang si Markus.

"Biro... lang ikaw naman kasi masyado kang malambot. May naalala lang kasi akong isang matalik na kaibigan kasing edad mo rin siya, kasing tangkad at kasing ganda."

"T-talaga?"

"Yeah," tatango-tangong sagot nito.

"Pero bigla siyang nawala."

"Huh? Bakit saan ba siya nagpunta?" interesadong tanong niya rito.

" Mahabang kwento Rose..."

"Hindi mo ba siya hinanap?"

"Iyon nga ang pinakamasakit sa parte ko wala ako noong time na nangyari ang insidenteng iyon. Nasa abroad ako noon nag-aaral ng Phycologist at siya naman ay kumukuha ng culinary arts sa UP. Nabigla nga ako nang balitaan ako ni mommy na nawala raw ang best friend ko. Sobra akong nalungkot dahil hindi ko man lang siya nagawang ipaglaban. Pero alam mo ba kung anong mas masakit? Iyong muling pinagtagpo ang landas namin pero hindi na niya ako nakilala."

"B-bakit ano bang nangyari sa kanya?"

Gusto pa sana niyang marinig ang kwento ng binata tungkol sa tinatawag nitong kaibigan subalit inunahan siya nito ng lakad at pumara ng isang pedicab. Wala siyang nagawa at sinundan na lamang niya ito. Tahimik silang pareho sa loob ng pedicab wala silang imikan hanggang sa makarating sila sa maliit na shopping center sa bayan.

Namili siya ng mga beeds para sa gagawin niyang palamuti. Napansin din niyang namili Rin ito.

Nakakatuwa nga si Markus eh dahil parang alam na alam niya ang mga gustong kulay ng mga beeds na kinakailanganin niya

"Paano mo na laman na paborito ko ang mga beeds na ito?"

"Ahhmmm.. because I'm a psychologist at nababasa ko sa mga mata ng mga tao ang gusto nila."

"Talaga."

"Yes."

"Ahh..Miss dalawang box nitong kulay purple at isang box naman nitong peach at ito pa..pakisali na rin nitong dalawang dosenang designs."

Agad namang tumalima ang saleslady na naka assign sa counter.

"560 pesos lahat po maam."

Pagkatapos niyang magbayad sa counter ay napansin niya si Markus na may tinitignang maliit na papel.

"Ohh..may bibilhin ka ba?"

"Nope..pero may gusto akong puntahan," nakangiting sabi nito at hinila siya nito papunta sa kabilang side na building. Nakita niyang maraming mga pumipila doon at kadalasan ay mga kabataan.

"A-anong gagawin natin dito?" takang tanong niya sa katabi.

"Relax manunuod tayo ng Cine, Rose I know gusto mo ito hindi ba?"

"Ahhmm...—"

"Ticket for 2 please."

Nakita niyang maliit lamang ang mga nanunuod sa loob. Umupo siya sa bandang unahan at sumunod naman si Markus may bitbit na itong dalawang popcorn at dalawang drinks. Nakangisi itong ibinigay sa kanya ang popcorn.

"X-Men ang palabas ngayon kaya manuod muna tayo bago umuwi. Nababagot na kasi ako sa bahay ni Carlos at saka masyadong nakakaumay ang mga pagkaing niluluto ni Nay Celia."

Hindi niya talaga mapigilang mapatawa sa sinabing iyon ni Markus. May pagka attitude talaga ang engot na ito halatang maarte pagdating sa pagkain. Paano ba kasi eh puro gulay ang niluluto ni Nay Celia at pabalik-balik lage ang recipes nito kaya nga nakapag desisyon siyang magluto ng bagong putahe.

"Kaya pala..na paggising ko kaninang umaga ay ikaw na ang nagluto sa kusina."

"Yes... nagulat nga si Nay Celia eh kasi magkasing lasa lang daw ang luto nating adobo," sabi nito habang titig na titig sa kanya.

Napakurap siya nang biglang may naalala. Hindi lang niya matandaan kung sino ang nagtanong kung saan niya raw ba natutunan ang recipes na iyon.

" Ahmm..siyanga pala kumusta naman ang pakikitungo sa'yo ni Carlos?"

Napalingon siya sa katabi habang titig na titig ito sa palabas na X-Men.

Marami pa itong mga tanong sa kanya subalit masyado siyang abala sa pag-iisip tungkol sa mga sinabi nito.

"Okay naman talaga si Carlos iyon nga lang kapag sinusumpong ay napakasuplado pero okay naman talaga ang engot na iyon masyadong maalaga at maasikaso."

Ito naman ngayon ang napahinto at napatitig sa kanyang mukha. Bigla siyang kinabahan nang maalalang muli ang pinag-usapan nila ni Carlos.

" W-wala ka bang nakitang kunting hinala sa mga kilos na ipinapakita niya sa'yo?"

"Huh? A-anong ibig mong sabihin?"

"Wala Rose..I just trying to warn you about Carlos huwag ka dapat magtiwala sa kanya. I knew him more than you know

Kaugnay na kabanata

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 6

    Hating gabi na nang umuwi sila ni Markus sa mansion at sobra ang kasiyahan na nararamdaman ni Rose ngayon. Masayang masaya siya dahil masarap pala kasama ito bukod kasi sa matabil ito at mapagbiro ay may sense of humor talaga itong ka date. Kaya hindi na nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok siya sa loob ng kanyang silid. Hinubad niya ang kanyang suot na dollshoes at inilagay na rin niya sa cabinet ang mga pinamili niyang beeds para sa gagawin niyang palamuti.Gusto kasi niyang gawan ng bracelet si Carlos para naman makabawi siya sa mga utang niya rito. At baka sakali ay muling bumalik ang dating Carlos na nakilala niya noon. Iyong laging nakangiti, maalagain at masarap kausap. Hindi katulad ngayon na halos hindi man lang siya kayang tignan kahit sa malapitan man lang. Kung noon ay puring puri nito ang kagandahan niya, kahit sa simpleng pananamit lamang at simpleng kilos ay lagi niyang nakikita sa mga mata nito ang paghanga. Ngayon ay wala na siyang makitang galak sa mga mata ni

    Huling Na-update : 2023-07-21
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 7

    Pasado alas dose na nang madaling araw lumipat sa kabilang silid si Carlos. Marami pa kasi silang pinag-usapan ni Rose kaya inabot sila ng madaling araw.Nakangiti siya habang kumakaway sa dalaga mula sa veranda ng silid nito. Sumenyas naman ang dalaga na matutulog na kaya tinanguan lamang niya ito. Hindi pa siya dinalaw ng antok kaya bumaba siya sa kusina para mag templa ng kape. Naratnan niyang gising pa ang tiyahin niya nakatayo ito habang tahimik na pinagmamasdan ang mga larawan na nakadikit sa dingding. Larawan iyon ng buong pamilyang Montenegro.Namis siguro nito ang mga kapatid at ang yumaong mga magulang. Si Nay Celia kasi ang panganay sa magkakapatid kaya halos buong oras ay ginugol nito sa mga kapatid. Nanalaytay talaga sa dugo nito ang maging mapagmahal sa kapwa kaya lahat ng mga pamangkin nito ay sa kanya agad tatakbo kung may problema. Hindi rin naman lihim sa kanya ang kabaitan ng matanda dahil kahit siya ay ito na ang nagpalaki. "Gising pa pala kayo Nay Celia," sabi n

    Huling Na-update : 2023-07-22
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 8

    "Bakit mo ginawa iyon?" galit na mungkahi ni Rose sa binata.Sinundan niya ito papalabas ng bahay. Ang sarap lang batuhin ng lalaking ito kung hindi lang siya nakapagtimpi ay baka nasampal na niya ito mismo sa harapan ni Markus."Hintayin mo nga ako! Kinakausap pa kita!" galit na sigaw niya rito habang sinusundan parin ang binata."Bakit ba nagagalit ka?" tanong nito sa kanya. "Bakit ako nagagalit? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagagalit? Eh, sino ba ang hindi magagalit sa ginagawa mo? Walang kasalanang ginawa iyong tao tapos kwenilyuhan mo? Ganyan ba dapat makipag-usap?""That's what he got !" "What did you say?" inis na tanong niya sa binata."Ilang beses ko na siyang binawalan na huwag kang pakialaman! Na huwag kaniyang lapitan! Pero ang tigas din, eh!" Huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit at kitang kita pa niya kung paano ito manggigil sa inis."Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng lumapit sa kanya! Gawin mo at huwag

    Huling Na-update : 2023-07-25
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 9

    Magdadalawang linggo na simula nang umalis si Carlos sa Tagaytay at magdadalawang linggo na ring naiinip si Rose sa paghihintay kung kailan babalik ang binata.Nasa terrace siya ng bahay habang pinapanuod ang mga hardenero na nagtatanim ng mga bagong binhi ng bulaklak sa harden.Nakaramdam siya ng boredom kaya nakapag isip siyang babalik na lamang sa kanyang silid sa itaas para gumawa ng mga palamuti nang makarinig siya nang usapan ng mga katulong mula sa kusina. Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ng binata kaya dahan-dahan siyang tumungo doon at palihim na nakikinig sa mga usapan. Nakita niyang nagbabalat ng mangga si Manang Fe at naghuhugas naman ng pinggan si Minda."Kailan ba raw babalik si Sir Carlos?" tanong ni Minda kay Manang Fe."Sabi niya sa susunod na linggo na raw sila luluwas rito dahil masyadong busy sa opisina. Nagsabi nga iyon na pakilinisan daw ang isang guest room sa itaas.""Ohhh? May Kasama ba siya?" tanong naman ulit ni Minda kay Manang Fe.Nagkibi

    Huling Na-update : 2023-07-26
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 10

    Pababa ng hagdan si nang tawagin siya ni Nay Celia para mag-agahan ayaw pa sana niyang kumain subalit baka magdaramdam na naman ang ginang kaya tumuloy siya sa kusina.Hindi na siya nagulat nang madatnang naroon na si Carlos at ang babaeng bisita nito. Sa katabing upuan siya umupo kay Nay Celia at nasa harapan naman nila ang dalawa.Chicken adobo, sinangag na kanin, bacon at fresh veggies ang niluto ni Nay Celia pero kahit gaano pa ata kasarap ang niluto ay nakakawalang gana parin kapag kaharap niya ang dalawa." Siyanga pala Carlos kailan daw ba bibisita ang mommy mo rito?" tanong ni Nay Celia sa pamangkin." Nextweek po bibisita sila rito Nay Celia.""Ganoon ba... mabuti naman kung ganoon. Anyway I really thought na next week ka pa uuwi rito," sabi ni Nay Celia."Actually po Tita ako po talaga ang nag anyaya sa kanya eh, kasi nga ayaw pa raw niyang umuwi," singit naman ng babaeng katabi ni Carlos.Lihim siyang napasulyap sa babae. Maamo ang mukha nito, maputi, makinis at laging dark

    Huling Na-update : 2023-07-29
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 11

    Alas dos na nang madaling araw nang makarinig si Rose ng tinig ng sasakyan at pagkatapos nito ay mga naglalakihang boses na ang narinig niya sa labas. Dahan-dahan siyang bumangon at sumilip siya sa bintana nakita niyang may dalawang sasakyan ang nakahinto sa labas ng bahay ni Mang Celso at kilala niya ang nagmamay-ari ng kotseng iyon kaya dali-dali siyang kumubli sa kurtina. Nakaramdam agad siya ng kaba nang mapagsino ang may-ari ng kotseng nasa labas. Paano nalaman ni Carlos na nandito ako Kay Mang Celso?Hindi pwedeng makita niya ako rito.Pero kung tatakas siya baka si Mang Celso na naman ang pagbuntunan niya ng galit at tanggalin ito sa trabaho.Ilang minuto rin siyang nakatayo sa gilid ng bintana bago siya makarinig ng mga sunud-sunod na katok mula sa labas ng kanyang silid."Rose..." malakas na tawag sa kanya ni Arthur.Hindi siya sumagot."Rose buksan mo ang pinto." Malakas ulit na tawag ng binata sa kanyang pangalan pero dahil siguro sa takot ay hindi agad siya gumalaw para

    Huling Na-update : 2023-08-11
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter One

    Lakad-takbo ang kanyang ginawa upang hindi maabutan ng mga taong naghahabol sa kanya. Hindi siya lumilingon at mas binilisan pa niya ang pagtakbo nang makarinig ng mga tinig ng sapatos na paparating sa kanya ay nagmamadali siyang nagtago sa mga puno at baging."Hanapin ninyo siya!""Hindi pa iyon nakakalayo maghiwalay kayo ng daan!"Pigil ang hininga niya habang tinatakpan nang sariling kamay ang kanyang bibig sa takot na marinig nito ang kanyang hininga dahil ilang hibla na lamang ng baging ang nakapagitan sa kanila ng lalaking isa sa humahabol sa kanya. Halos manginig ang kanyang buong katawan nang makita ang bitbit nitong baril sa kaliwang kamay at kadena naman sa kanang kamay nito.Nakakubli siya sa lilim ng isang malaking puno na natatabunan ng mga makakapal na baging. Hindi na niya inisip kung may ahas ba sa loob ng malaking punong iyon. Bahala na kung makagat man siya ng ahas di baleng mamatay siya sa kamandang huwag lamang siyang maabutan ng buhay ng mga hayoo na iyon dahil ba

    Huling Na-update : 2023-07-17
  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter Two

    Mataas na ang sikat ng araw kaya medyo mahapdi na kapag natatamaran nito ang iyong balat. Pero baliwala lamang ang init na hatid ng haring araw kay Rose mas gusto pa nga niyang magbilad para naman ay magkaroon naman ng buhay ang kanyang mapusyaw na balat. Napangiti siya habang inaalis ang tsinelas sa kanyang paa. Gusto niyang maramdaman muli ang magaspang na Bermuda sa kanyang paa medyo matagal-tagal narin kasi simula nang magising siya sa lugar na ito. Masyado na siyang bored sa hospital dahil kung hindi mga pader na puti ang nakikita niya ay mga gamot naman ang inaatupag niya. Kung nakakalakad nga lang siya ay matagal na siyang tumakas sa lugar na ito. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapat sa kanyang mga paa sa Bermuda at nakailang hakbang narin siya. Sobra ang tuwa na nararamdaman niya sa sarili dahil sa wakas ay makakalakad na siyang muli. Hindi na tulad noong mga nakaraang araw na hindi man lang siya halos makatayo at sa tuwing pinipilit niya ang sarili na makalakad ay lagi

    Huling Na-update : 2023-07-17

Pinakabagong kabanata

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 11

    Alas dos na nang madaling araw nang makarinig si Rose ng tinig ng sasakyan at pagkatapos nito ay mga naglalakihang boses na ang narinig niya sa labas. Dahan-dahan siyang bumangon at sumilip siya sa bintana nakita niyang may dalawang sasakyan ang nakahinto sa labas ng bahay ni Mang Celso at kilala niya ang nagmamay-ari ng kotseng iyon kaya dali-dali siyang kumubli sa kurtina. Nakaramdam agad siya ng kaba nang mapagsino ang may-ari ng kotseng nasa labas. Paano nalaman ni Carlos na nandito ako Kay Mang Celso?Hindi pwedeng makita niya ako rito.Pero kung tatakas siya baka si Mang Celso na naman ang pagbuntunan niya ng galit at tanggalin ito sa trabaho.Ilang minuto rin siyang nakatayo sa gilid ng bintana bago siya makarinig ng mga sunud-sunod na katok mula sa labas ng kanyang silid."Rose..." malakas na tawag sa kanya ni Arthur.Hindi siya sumagot."Rose buksan mo ang pinto." Malakas ulit na tawag ng binata sa kanyang pangalan pero dahil siguro sa takot ay hindi agad siya gumalaw para

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 10

    Pababa ng hagdan si nang tawagin siya ni Nay Celia para mag-agahan ayaw pa sana niyang kumain subalit baka magdaramdam na naman ang ginang kaya tumuloy siya sa kusina.Hindi na siya nagulat nang madatnang naroon na si Carlos at ang babaeng bisita nito. Sa katabing upuan siya umupo kay Nay Celia at nasa harapan naman nila ang dalawa.Chicken adobo, sinangag na kanin, bacon at fresh veggies ang niluto ni Nay Celia pero kahit gaano pa ata kasarap ang niluto ay nakakawalang gana parin kapag kaharap niya ang dalawa." Siyanga pala Carlos kailan daw ba bibisita ang mommy mo rito?" tanong ni Nay Celia sa pamangkin." Nextweek po bibisita sila rito Nay Celia.""Ganoon ba... mabuti naman kung ganoon. Anyway I really thought na next week ka pa uuwi rito," sabi ni Nay Celia."Actually po Tita ako po talaga ang nag anyaya sa kanya eh, kasi nga ayaw pa raw niyang umuwi," singit naman ng babaeng katabi ni Carlos.Lihim siyang napasulyap sa babae. Maamo ang mukha nito, maputi, makinis at laging dark

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 9

    Magdadalawang linggo na simula nang umalis si Carlos sa Tagaytay at magdadalawang linggo na ring naiinip si Rose sa paghihintay kung kailan babalik ang binata.Nasa terrace siya ng bahay habang pinapanuod ang mga hardenero na nagtatanim ng mga bagong binhi ng bulaklak sa harden.Nakaramdam siya ng boredom kaya nakapag isip siyang babalik na lamang sa kanyang silid sa itaas para gumawa ng mga palamuti nang makarinig siya nang usapan ng mga katulong mula sa kusina. Napakunot ang noo niya nang marinig ang pangalan ng binata kaya dahan-dahan siyang tumungo doon at palihim na nakikinig sa mga usapan. Nakita niyang nagbabalat ng mangga si Manang Fe at naghuhugas naman ng pinggan si Minda."Kailan ba raw babalik si Sir Carlos?" tanong ni Minda kay Manang Fe."Sabi niya sa susunod na linggo na raw sila luluwas rito dahil masyadong busy sa opisina. Nagsabi nga iyon na pakilinisan daw ang isang guest room sa itaas.""Ohhh? May Kasama ba siya?" tanong naman ulit ni Minda kay Manang Fe.Nagkibi

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 8

    "Bakit mo ginawa iyon?" galit na mungkahi ni Rose sa binata.Sinundan niya ito papalabas ng bahay. Ang sarap lang batuhin ng lalaking ito kung hindi lang siya nakapagtimpi ay baka nasampal na niya ito mismo sa harapan ni Markus."Hintayin mo nga ako! Kinakausap pa kita!" galit na sigaw niya rito habang sinusundan parin ang binata."Bakit ba nagagalit ka?" tanong nito sa kanya. "Bakit ako nagagalit? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagagalit? Eh, sino ba ang hindi magagalit sa ginagawa mo? Walang kasalanang ginawa iyong tao tapos kwenilyuhan mo? Ganyan ba dapat makipag-usap?""That's what he got !" "What did you say?" inis na tanong niya sa binata."Ilang beses ko na siyang binawalan na huwag kang pakialaman! Na huwag kaniyang lapitan! Pero ang tigas din, eh!" Huminto ito sa paglalakad at nakapamaywang na humarap sa kanya. Namumula ang mukha nito sa galit at kitang kita pa niya kung paano ito manggigil sa inis."Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng lumapit sa kanya! Gawin mo at huwag

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 7

    Pasado alas dose na nang madaling araw lumipat sa kabilang silid si Carlos. Marami pa kasi silang pinag-usapan ni Rose kaya inabot sila ng madaling araw.Nakangiti siya habang kumakaway sa dalaga mula sa veranda ng silid nito. Sumenyas naman ang dalaga na matutulog na kaya tinanguan lamang niya ito. Hindi pa siya dinalaw ng antok kaya bumaba siya sa kusina para mag templa ng kape. Naratnan niyang gising pa ang tiyahin niya nakatayo ito habang tahimik na pinagmamasdan ang mga larawan na nakadikit sa dingding. Larawan iyon ng buong pamilyang Montenegro.Namis siguro nito ang mga kapatid at ang yumaong mga magulang. Si Nay Celia kasi ang panganay sa magkakapatid kaya halos buong oras ay ginugol nito sa mga kapatid. Nanalaytay talaga sa dugo nito ang maging mapagmahal sa kapwa kaya lahat ng mga pamangkin nito ay sa kanya agad tatakbo kung may problema. Hindi rin naman lihim sa kanya ang kabaitan ng matanda dahil kahit siya ay ito na ang nagpalaki. "Gising pa pala kayo Nay Celia," sabi n

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter 6

    Hating gabi na nang umuwi sila ni Markus sa mansion at sobra ang kasiyahan na nararamdaman ni Rose ngayon. Masayang masaya siya dahil masarap pala kasama ito bukod kasi sa matabil ito at mapagbiro ay may sense of humor talaga itong ka date. Kaya hindi na nawala ang ngiti sa labi niya nang pumasok siya sa loob ng kanyang silid. Hinubad niya ang kanyang suot na dollshoes at inilagay na rin niya sa cabinet ang mga pinamili niyang beeds para sa gagawin niyang palamuti.Gusto kasi niyang gawan ng bracelet si Carlos para naman makabawi siya sa mga utang niya rito. At baka sakali ay muling bumalik ang dating Carlos na nakilala niya noon. Iyong laging nakangiti, maalagain at masarap kausap. Hindi katulad ngayon na halos hindi man lang siya kayang tignan kahit sa malapitan man lang. Kung noon ay puring puri nito ang kagandahan niya, kahit sa simpleng pananamit lamang at simpleng kilos ay lagi niyang nakikita sa mga mata nito ang paghanga. Ngayon ay wala na siyang makitang galak sa mga mata ni

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter Five

    Muntik nang mapasubsob si Rose sa dibdib ni Carlos nang bigla siya nitong hilahin. "Ano ba! Nasasaktan ako Carlos!" galit na sigaw niya sa binata habang pilit na inaalis ang mga kamay nitong nakaharang sa kanyang harapan. Itinukod nito sa pader ang dalawang kamay sa magkabila niyang braso at idiniin nito ang mukha sa kanya. Nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito at parang nawala agad ang inis na nararamdaman niya kanina rito. Pero nang biglang hawakan nito ang kanyang baba at tinignan siya ng masama sa mga mata ay muling nabuhay ulit ang pagkainis niya sa binata.Kung noon ay sobrang hinangaan niya ito dahil sa kabaitang nakikita niya ngayon ay sobra ang pag-sisisi niya kung bakit tinanggap niya ang tulong nito. Sobrang nasasakal na siya sa ugali nitong hindi niya halos maintindihan.Minsan mabait at minsan naman hindi."B-bitiwan mo ako Carlos, nasasaktan na ako!""Ilang beses na ba kitang binalaan na huwag na huwag kang makipaglandian sa Markus na iyon. Hindi mo kilala ang

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter Four

    Dahan-dahang inilapat ni Carlos sa kama ang dalaga sa pag-aalala na baka magising niya ito. Hindi na niya pinatawag pa si Nay Celia para alagaan ang dalaga at siya na mismo ang gumawa niyon. Kumuha siya ng panyo at binasa iyon saka pinunas sa dalaga. May mga pangalan itong binubulong kanina pero nang muli niya itong gisingin ay hindi naman ito sumagot. Maingat niyang tinanggal ang suot nitong roba at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang may makitang peklat sa bandang dibdib parang paso iyon gawa ng sigarliyu. Hindi siya halos makapaniwala sa kanyang nasaksihan at mas lalong nadagdagan pa ang mga katanungang iyon na nais niya ng kasagutan subalit paano ba iyon mabibigay kung hanggang ngayon ay hindi parin maalala ng dalaga ang sarili. Hinaplos-haplos niya ang maamong mukha nito mula sa perpektong hugis ng ilong nito at maging sa manipis nitong mga labi na kay sarap halikan. MAHIGPIT NA NAKAYAKAP SI ROSE SA BATOK NG BINATANA habang ninanamnam ang masarap na halik nito. Nakapik

  • THE SECRET LIES OF SWEETHEARTS   Chapter Three

    "Bili na po kayo, 25 pesos lang po..." "Ate bili na po kayo, 25 lang po ito."Tumingin ang ginang. "Naku, hija. Lanta na iyang binebenta mong gulay, wala ng bibili niyan," saad nito.Totoo naman, pero wala siyang magagawa kung wala siyang mabenta kahit isa nito. Katiting na pera na nga lang ang makukuha niya rito kung kunti pa ang mabebenta niya ay parang sinayang niya lang ang lakas niya sa pagtitinda.Kumakalam na ang kanyang sikmura dahil sa gutom, paano ba kasi kagabi pa siya walang kain, may magulang nga siya pero hindi siya naalagaan nang mabuti dahil puro pagsusugal ang inaatupag. Sa murang edad niya ay natuto na siyang maghanap-buhay. Siya ang nagtatrabaho para may makain sila araw-araw. Sana'y pinaampon na lang siya ng mga magulang niya kung hindi rin naman siya aalagaan."Ate, bili na po kayo para makauwi na po ako," saad niya ngunit parang walang narinig ang babaeng dumaan sa kanyang harapan.Simula kaninang tanghali pa siya rito pero limang piraso pa lang ang naibibenta

DMCA.com Protection Status