Nang makasakay si Carlo sa elevator.Agad na nakapansin si Antonio, para bang nakakita ito ng multo. Isang sulyap kay Thessa ang sumunod.Alam ni Antonio na balak ng kapatid niyang babae na pakasalan si Carlo pagkatapos nito sa kolehiyo. Narinig niya itong binanggit ng dalawang beses. Sa isang biglaang kilos, lumapit siya at tumayo sa harapan ni Thessa.Walang pakialam na sinalubong ni Carlo ang tingin ni Antonio Reyes. Tumayo siya ng matiwasay, tila hindi man lang pinapansin ang presensya ng binata. Mas lalong lumamig ang ekspresyon niya, parang isang nagyeyelong hangin na dumadampi sa mukha ni Antonio.Hindi inaasahan ni Thessa na makikita niya si Carlo sa lugar na iyon. Parang kailan lang, tatlong oras pa lamang ang nakalipas mula ng umalis siya sa bahay niya.Mabilis na sinapit ni Thessa ang manggas ni Antonio at hinila niya palayo sa paningin ni Carlo.Nahagip ng mga mata ni Carlo ang ginawa ni Thessa. Parag ipinagtatanggol niya ang gwapong binata na lalaki, nagbigay siya rito ng
Kumuyom ang kamao niya sa gilid ng kanyang pantalon, ang mga ugat sa braso ay tila sasabog sa sobrang pagpipigil, at bawat salitang binitawan niya ay puno ng nag-aalab na galit.Ebidensya? Anong ebidensya? Bahagyang tanong ng lalaki.Napa balik siya sa realidad dahil sa mga sinabi ng lalaki, pero naguguluhan parin si Thessa, hindi niya mawari kung ano ang tinutukoy nito.Nagtataka siyang tumingin kay Carlo, parang nagtatanong kung anong klaseng istorya ang nasa isip nito.Tumagal bago na unawaan ni Carlo ang ibig sabihin ni Thessa. Napako siya sa kanyang kinatatayuan, parang nabingi sa biglaang pag-unawa. Ang katahimikan ay unti-unting nag-uumapaw mula sa kanyang puso, at nagpapakita sa kanyang mga mata bilang luha.Kung naisip lang sana nang mabuti, dapat ay nagpatunay muna ito bago mag-akusa. Alam sana nito na hindi pa siya muling nag-asawa.Ngunit hindi naman nag-imbestiga si Carlo at basta-basta na lamang siyang inakusahan ng “Kasalanan.” Napaka pamilyar ng ganitong eksena para s
Sa labas ng pinto, naroon ang babaeng katulong ni Dylan.Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Carlo na karga-karga ang isang napakagandang munting bata.“President, Carlo!” sambit niya, halata ang pagkagulat sa boses.Hindi man lang natakot ang munting batang babae sa estranghero. Ngumiti siya at kumaway sa babaeng katulong. Ang kanyang malambot at kaibig-ibig na itsura ay agad na nagpatunaw sa puso ng babae.Sa loob ng wala pang isang oras…Kumalat sa buong Davilla's Group ang balita na dumating ang Presidente kasama ang isang batang babae na mahigit isang taong gulang pa. Lahat ng mga grupo ng mga tsismosa sa loob ng kumpanya ay nag-uusap tungkol dito.[Sino ba ang nakakita sa bata? Kamukha niya ba niya si Mr. President?] bulungan pa nila.[“Nakita ko na siya! (Wika ng isang tauhan) para siyang isang anghel, napakaganda at sobrang puti ng balat nito. At ang mga mata niya, parang makinang na itim na ubas! Mahinahon pa siyang magsalita, tapos ang lambing niya, tinawag niya akong a
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa silid ng kumperensya. Para bang nakakapit ang bawat tao sa kanilang mga upuan, nag-aabang sa susunod na mangyayari.Walang naglakas loob na huminga, bawat tao ay nakatitig sa harap, habang ang kanilang mga mata ay naglalaman ng kaba at pag-aalala.Biglaang pagkatok ang sumira sa nakakapanghinang katahimikan.Isang babaeng katulong, ang pumasok hawak-hawak ang munting batang babae, walang suot na sapatos at ang mga mata'y namumula. Halata sa babaeng katulong ang takot at pagkabalisa, habang nanginginig ang boses niya.“Mr. President, nagising po ang dalagita, at tumakbo palabas ng silid-pahingahan, umiiyak habang hinahanap po kayo.” Wika ng katulong.Walang pag-aalinlangan na tinawag ng katulong na “dalagita” ang munting si Bella, parang natural na itinuturing itong totoong anak ng lalaki, hindi naman ito iniwasto ni Carlo.Nabasag ang nakakabinging katahimikan sa silid ng kumperensya. Ang maliit na batang babae, ang mga matang puno ng luha,
Nag-aalab ang balita tungkol sa isang malaking iskandalo na kinasasangkutan ng asawa ng Presidente ng Davilla's Group. Sinasabing nagkaroon ito ng isang lihim na relasyon sa isang lalaki.Samantala lumabas din sa balita tungkol sa dating asawa ni Carlo. Nakatanggap ng impormasyon ang publiko na palihim na nagkita ang dating asawa ni Carlo sa isang lalaking hindi niya asawa. Marami ang nag-isip kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang relasyon. Ang mga pangyayaring ito ay nagdulot ng pag-uusap sa publiko, lalo na sa mga social media. Marami ang nagpahayag sa kanilang opinyon at haka-haka tungkol sa mga kaganapan.Napako ang mga mata ng lahat sa tatlong sunod-sunod na trending topics. Isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa silid, walang sinuman ang nagtangkang magsalita.Nang kumatok at pumasok si Dylan, nadatnan niyang mahinahong pinapakain ni Carlo si Bella. Nakangiting kumaway naman ang munting bata, puno ng sigla.Nang mapansin ang pagkabalisa at panlulumo sa
Pagkaraan ng apat na taon, isang di-inaasahang pagbabalik ng isang umiikot na baril ang naghihintay sa kanya.Higit na kinaiinisan ni Thessa ang pagbubunyag ng kanyang lihim na pag-aasawa kay Carlo, kumpara sa tsismis na “Panliligaw sa may asawa.”Kaya simula sa araw na iyon, “Dating kasintahan” na ang nagiging lebel niya o tinatawag sa kanya saan man siya magpunta.Bumalik si Thessa sa kanyang silid para makapagpahinga.Dahil nasa laboratoryo na rin naman siya, naisipan niyang tignan ang kalagayan nina Mark Dee at ng dalaga para mapabilis ang pag-aayos ng plano ng kanilang paggamot.Sa kabilang banda. Parang binagsakan ng langit ang sekretaryang si Dylan.Kakausap palang niya sa public relations team patungkol sa isang trending topics, pero biglang nawala ang lahat ng balita tungkol kina Thessa at Carlo sa internet!Nangilabot si Dylan sa biglaang pagka bura ng balita, at maging ang pangalan ni Thessa ay hindi na mahanap sa buong internet! Misteryoso ang pagkawala nito, para bang isa
Sumunod ang munting si Bella kay Carlo papasok sa kanyang pinagtatrabahuhan. Maya-maya lang ay nakaramdam na ito ng pagka pagod.Sa byahe patungo sa pagkuha ng dalawang kapatid niya, mahimbing na nakatulog si Bella sa mga bisig ng Tito Carlo niya. Ang pakiramdam ng seguridad at kaligtasan ay tila ba bumabalot sa kanya, lalo na kapag mahigpit niyang hinahawakan ang damit ni Carlo.Maingat na ibinaba ni Carlo ang kanyang mga mata, at sa kanyang mga matang puno ng kumplikadong emosyon, tinignan niya ang babaeng musmos, na nasa kanyang mga bisig.Para siyang isang maliit na bersyon ni Thessa, taglay niya ang mapuputing balat at maamong mukha. Tiyak na magiging kasing ganda niya ito paglaki.Ni mismo si Carlo ay hindi niya maipaliwanag ng malinaw kung saan nagmula ang likas na pagiging malapit niya sa bata.Sa una palang niya itong nakita, ay agad na niya itong nagustuhan.Pagkarating nila sa Kindergarten.“Mr. Carlo, ang dalawang bata po ay kanina pa sinundo ng kanilang Ina.” wika ng guro
At gaya ng inaasahan, may natuklasan silang mahalagang impormasyon. Isang malaking ginhawa para kay Thessa ang malaman na ligtas ang anak niyang babae at kasama ito ni Carlo.Dinala ni Thessa ang kanyang mga tauhan papunta mismo sa tahanan nila Carlo. Dahil magkakilala na niya ang mga katiwala at mga bodyguard, walang kahirap-hirap siyang nakapasok.Nang makita ang hindi magandang ekspresyon ng mukha ni Thessa, dali-daling lumapit ang katiwala.“Madam, wala po ngayon sa bahay ang mga bata. May maitutulong po ba ako?” mahinahong tanong ng katiwala.“Nasaan si Trixie?” malamig na sinabi ni Thessa.“Si Miss Trixie po ay nagpapahinga sa silid, nais niyo pong tawagin ko…” sagot ng katiwala.Pinigilan ni Thessa ang katiwala sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kamay, at diretso nilang tinungo ang silid na tinutukoy nito kasama ang mga tauhan maging si William papunta sa gusaling tinitirhan ng mga katulong.Hindi inaasahan ni Thessa na ang babae pala ay nakatira kasama ang mga kasambahay.S
Kung kaya mang ibigay ni Thessa ang sapat na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak, paano kung ang munting bata ay naghahangad din ng pagmamahal ng isang ama sa kanyang puso?May isang sandali ng pagkabigla sa kanyang mga mata, at napahinto ang kanyang paghinga.Mahinahong sumagot si Thessa, "Yan ay... Hintayin muna natin ang resulta bago mo husgahan kung karapat-dapat kang mangialam." aniya.Isinara niya ang pinto ng silid-aklatan at iniwan ni Thessa ang lalaking nakatayo roon, ang likod ay isang larawan ng walang pakialam.Sa katahimikan ng silid-aklatan, si Carlo na lamang ang natira. Nagtikom ang kanyang mga labi, at dahan-dahang umakyat ang kanyang mga mata sa isang larawan sa may ibabaw ng mesa. Isang polaroid, kuha nina Thessa at ng tatlong mga bata.Sa araw ding iyon, sa tahanan ng mga Santiago. Nagtungo si Carlo upang sunduin ang mga bata, at nasaksihan niya ang kanilang pagkuha ng mga larawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pa siya sumingit nun sa kuha. Maaari na
Ang maliwanag at magandang mga nata ni Thessa ay may bahid ng pagdududa. Tumingin siya kay Carlo na puno ng may hindi pagkakaunawa, para bang siya'y sinasapian."Bakit ngayon ka biglang naging mabait kay Bella?" pagtatakang tanong ni Thessa.Sa harap ng mga matang puno ng pagdududa, parang iniipit si Carlo sa isang nakakasakal na silid. Nanghihina ang hangin, bawat paghinga'y tila pagsuong sa makapal na putik, unti-unting nauubusan siya ng lakas. "Thessa, nais ko lang bilhan ng mga laruan ang mga bata." giit pa nito.Sa isang tinig na walang bahid ng pagmamadali, ibinaon niya ang katotohanan: ang bagay na di masusukat ang halaga ay ginagawa niyang parang mga mumurahing paninda sa bangketa, walang saysay na banggitin."Milyon-milyong mga branded ang kasuotang pambihira, mga laruan lang ba talaga iyon sa paningin mo?" Malamig na usal ni Thessa, halos walang awang bumulwak mula sa kanyang bibig."Carlo, ginugulo mo ang lahat sa pagtatanghal mo, ano ba talaga ang pakay mo!" Dagdag pa niy
"Sige po Mr. Carlo!" masiglang boses ng tauhan.Para sa isang taong may mataas na posisyon katulad ni Carlo na kumikita ng bilyon-bilyon sa isang iglap, ang oras ay pera, pero handa siyang maglaan ng napakaraming oras kasama ang kanyang anak para pumili ng damit. Ang kanyang mga mata ay nakatuon, na para bang nag-aayos siya ng isang proyekto ng kooperasyon na nakakahalaga ng daan-daang milyong piso.Ang mga tauhan na nagbebenta ay nag bubulong-bulongan sa kanilang isipan; Sobrang saya ni Mr. Carlo magkaroon ng anak na babae! ani nila, ang saya'y tila ba isang lihim na kayamanan.Simula sa araw na ito, isang bagong kabanata ang nagbukas. Isang mahiwagang mensahe, isang bulong sa dilim, ang dumapo sa bawat taong bahagi sa kanilang mundo. Si Carlo ang Presidente ng Davilla's Group, ay may isang maliit na prinsesa matapos ang dalawang pinakamamahal na anak na lalaki. Isang karagdagan sa kanilang pamilya na nagdudulot ng matinding kagalakan, ngunit sa likod ng matamis na kagalakan, isang
"Ilipat niyo ang mga hilera roon," boses ng isang batang babae, ang boses ay may bahid ng awtoridad ngunit may pagpipigil din upang hindi masyadong mahigpit. Ang kanyang mga mata ay mapanuri, sinusuri ang bawat galaw ng mga taong nag-aayos ng mga mamahaling tela, "At ang mga hilera naman dito." aniya.Isang daing ang sumabog mula sa gitna ng mga nagtatrabaho. "Aray! Dahan-dahan lang! Mag-ingat kayo baka masabit ang mga diyamante sa mga palda!" matigas nitong sabi."Ayusin ninyo ang mga maliit na lobo ayon sa laki, saka ninyo ipasok!" sumunod nitong wika.Habang nakaupo, ang mga mata ni Carlo ay bahagyang nakatitig sa orasan, hinihintay ang resulta ng pagpapahalaga. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkabalisa, napansin niya ang batang babae. Kitang-kita niya ang pagkagusto ng bata sa mga alahas.Hindi pa man lumamig ang mga salitang binitawan niya, isang alon ng pagkilos ang sumunod. Sa isang iglap, ang mga pangunahing brand, mga pangalang kilala sa mundo ay nag-uumpisang magpadala ng mga k
Lalo na kapag sumasabay sa ngiti ang kanyang mga mata, tila ba para itong mga gasuklay ng buwan, eksaktong talaga namang kapareha ng kanyang ina. Ang batang si Bella ay mas maliit na bersyon ni Thessa.Ang tanging pagkakahawig ay ang maliit na nunal sa pagitan ng kanyang mga kilay, iaang marka na tila minana, isang bakas ng isang hindi inaasahang ugnayan.Ngunit posible nga ba? Ang ideya ay gumuhit ng matinding pag-aalala sa puso ni Carlo. Maaari kayang si Bella... ang kanyang anak? anito sa sariling isip.Mahigipit na nakayakap ang batang babae sa leeg ni Carlo, ang mga maliit na braso nito ay tila mga sanga ng isang punong kahoy na mahigpit ang pagkakapit. Sa salamin, nakikita niya ang repleksyon ng kanilang dalawa- ang maliit na mukha ni Bella na halos kopya ng kanyang repleksyon, ay paminsan-minsang nagpapalabas ng mga nakakatawang ekspresyon, sinasadya upang mapatawa siya."Tito, ang gwapo niyo naman po!" malambing na usal ng musmos.Bagamat alam ng batang babae sa kanyang puso n
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot kay Carlo matapos ang gabing iyon. Ang sagot na kanyang inaasam ay nanitiling isang anino, isang palaisipan na tila nagpapabigat sa kanyang dibdib.Sa hapag-kainan, habang ang amoy ng mainit na kanin at almusal ay pumupuno sa silid, panay ang tingin niya kina Thessa at Bella, may kutob siyang may kinalaman sila sa palisipan niya.Ang una'y nagkukunwari pa itong walang nakikita, habang ang munting si Bella ay napaisip na baka nais lang nitong tikman ang lugaw niya, kaya't buong-loob na kumuha siya ng malaking kutsara at inilagay sa mangkok ng tito niya.Mula sa maliit na upuang pambata, maingat na kinuha ng batang babae ang kutsarang may lamang lugaw, sa isang galaw na puno ng pag-aalaga, iniharap niya ito sa bibig ni Carlo. "Tito, tikman mo ito." malambing na usal ni Bella.Natunaw ang puso ni Carlo sa ginawa ng bata, hinawakan niya ang maliit na ulo nito at malumanay niyang sinabi, "Hindi kumakain si Tito, ikaw nalang ang kumain niyan." malum
Orihinal na nais niyang sabihin ang tungkol kay Bella, ngunit nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Carlo, malinaw na hindi nito alam na ang munting batang babae ay kanyang anak.Hindi inaasahan ni Mark na si Carlo, ang may isang malaking pangalan sa mundo ng negosyo at kinatatakutan pa ng mga kalaban, ay ganoon nalang pala kaduwag pagdating sa pag-ibig. Hindi lamang niya nakikita ang kanyang tunay na damdamin, kundi lalo pa nitong tinutulak ang mga taong malapit sa kanya.Ngunit naisip pa rin ni Mark na mas mabuti na rin 'yon, upang sa gayon ay makahanap siya ng pagkakataong suyuin si Thessa, at mabigyan ng pag-asa ang kanilang di-maipaliwanag at nakatagong pag-ibig noon.Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlo sa kanyang panga, ang manipis niyang mga labi ay halos magkasalubong na, at ang mga daliri ay mahigpit na nakakuyom sa kanyang palad. Isang nakakatakot na lamig ng aura ang kanyang pinapakita.Nang mga oras na iyon, nakalayo na si Mark sakay ng kanyang sasakyan.Bumalik si Carlo,
Gumapang ang takot sa puso ng musmos na bata. Mahigpit na napayakap siya sa leeg ni Carlo, ang mukha'y binaon sa matipuno nitong balikat. Para bang ang pamilyar na kapanatagan ng isang ama ang nararamdaman niya, isang seguridad na hindi niya namalayan na hinahangad niya nang mga sandaling iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, mahigpit na niyakap ng munting bata ang leeg ni Carlo, ang kanyang maliit na braso ay nakapulupot nang mahigpit, at halos ayaw ng bumitaw."Tito, natatakot po ako." nanginginig na boses ng bata.Ang lambing at pag-asa sa tinig ng bata ang gumuhit ng lambot sa puso ni Carlo. Dahil dito, bahagyang lumiwanag ang kanyang tinig. "Huwag kang matakot, nandito si Tito." malumanay na boses ni Carlo.Mahirap ipaliwanag ang kakaibang pag-alala at pagmamahal na kanyang nadarama para sa batang babaeng yakap-yakap niya ng mga sandaling iyon. Isang damdamin na higit pa sa pagiging isang tiyuhin.May iba rin namang mga pamangkin si Carlo na mas bata pa kina Kenzo at Kerby, nguni
Napangiwi si Carlo, naaawa sa dalawang batang kanina pa nakaupo. "Bakit nga ba nandito si Mr. Mark?" tanong niya sa lalaking nakaupo sa wheelchair na para bang wala lang."Naparito ako para magpasalamat." sagot ni Mark, ang mga labi'y bahagyang nakangiti. Ang mga mata niya'y malumanay na nakatuon kay Thessa, taos-puso ang pasasalamat sa kanyang tinig.Magalang namang ngumit si Thessa, isang "walang anuman" ang sinabi niya sa lalaki.Kinuyom ni Carlo ang kanyang mga kamao. Sa likod ng kanyang kalmadong mukha, ang puso niya ay matagal nang sinasalanta ng apoy ng selos at kawalan ng pag-asa.Malamig ngunit matalas ang kanyang mga kilay habang nagtatama ang kanilang mga tingin ni Mark sa ere. Isang di-maipaliwanag na tensyon ang bahagyang bumabalot sa pagitan ng dalawa."Tay, sumama ka na rin sa pangingisda, mag-uunahan tayo!" sigaw ni Kenzo.Nabasag ng masiglang boses ni Kenzo ang nakakabigat na katahimikan. Kumuha siya ng panibagong pamingwit ng mga bata mula sa gilid at inabot iyon ka