Parang nabalot ng kawalang-kaya si Thessa, ang kanyang kaluluwa’y tila naglalayag sa dagat ng kawalan. Bago siya umalis, nagbigay siya ng payo sa lalaki, na magpatingin ito sa doktor.Patindi ng patindi ang sakit ng kanyang ulo, tila ba parang isang bulkan na malapit ng sumabog. Kung magpapatuloy siya sa ganitong kalagayan, madali siyang malilito sa pag-iisip.Tahimik na pinapanood ng lalaki ang pag-alis ni Thessa.Ang silid ay nanatili pang amoy-gatas mula sa inumin ng batang babae, at may banayad na halimuyak din ng sabon na ginagamit ng dalawang anak niyang lalaki, na kasing bango ng kanilang Ina.Bagama't isang silid panauhin iyon, ay nakaramdam siya ng antok, isang pakiramdam na matagal na niyang inaasam. Unti-unting nanakop sa isipan niya, hanggang sa tuluyan siyang makatulog.Kinabukasan, iyon ang unang beses sa mahabang panahon na nakatulog si Carlo ng mahimbing.Pagbaba niya, abala na sina Kenzo, Kerby at Bella sa agahan, maayos at tahimik na kumakain ang tatlong mga bata, a
Bihira lamang maglambing sa kanya ang batang si Kenzo, kaya't napayuko si Thessa at tinanong siya, “Bakit, anong problema?”“May sakit si Tatay, pwede po bang hindi na muna ako pumasok ngayon? Dito nalang ako at samahan siya.” Paglalambing na boses niya sa Ina.“Gusto ni Kenzo na alagaan ang kanyang Tatay,” sabi ni Thessa habang bahagyang nakagat ang labi.“Masaya si Nanay, ngunit kailangan mong pumasok sa klase, aalagaan naman si Tatay ng mga kasambahay pag-uwi niya sa bahay.” Mahinahong wika ni Thessa.Kung sakaling may hindi inaasahan, naroon naman si Trixie para tumulong.Napayuko si Kenzo dahil sa pagkadismaya. Mahinang bulong niya, “Pero gusto kong makasama sina Bella at Nanay, at gusto ko rin alagaan si Tatay.” aniya.Mula sa pagyuko. nag angat ng tingin si Kenzo, puno ng pag-asa ang nasa kanyang mga mata. “Nanay, hindi ba talaga pwedeng dito na lang si Tatay?” mapait na tanong niya sa Ina.Nang marinig iyon ni Carlo, lumingon ito sa kanila.Banayad na sinag ng umaga ang bumaba
Bakit nga ba siya matutulog? Tanong ni Thessa sa sarili nang may pagtataka.Ganap na nagulantang si Thessa sa mga sinabi nito kaya't sandali siya natigilan.Nang maihatid ni Dylan ang mga gamit ng lalaki, mabilis siyang umikot at tumakbo nang mas mabilis pa sa isang kuneho.Batid ng Diyos kung gaano halos sumabog ang puso niya nang tawagan siya ng kanyang “Maliit na Amo” para humingi ng pahintulot na umalis! Ang amo at ang sekretarya ay sabay na humihingi ng pahintulot para umalis?“Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, ipinagmamalaki ko ito habang buhay!” wika ng masayahing si Dylan.Kalmadong dinala ni Carlo ang kanyang maleta sa silid, at hindi niya nakalimutang tumango at bumati kay Thessa bago niya isinara ang pinto.“???” Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Thessa.Pagkalabas ni Carlo ng banyo, nang kunin niya ang kanyang damit na pantulog, natagpuan niyang dala pala ni Dylan ang itim na pantulog na binili para sa kanya noon ni Thessa.Sandaling natigilan ang kany
Nais sana ni Thessa na iwaksi ang mga kamay ng lalaki, ngunit wala siyang sapat na lakas.Hindi naman malakas ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang mga kamay, ngunit bahagya parin itong namumula.Napakunot noo si Carlo sa kahinaan ng babae, at bahagya niyang binitawan ang pagkakahawak.Kinamtan ni Thessa ang pagkakataon para makawala sa pagkakahawak nito.“Oo nga! Mahilig akong magpaligoy-ligoy kapag nagsasalita, pero hindi ako marunong magmura. Kung gusto mong subukan, wala akong problema na tulungan ka!” matigas na boses ni Thessa.Marahas na hinila ni Thessa ang kwelyo ng nightgown ng lalaki, inihayag ang pamumulang marka sa balat nito. Parang mga haplos ng apoy, pula at bahagyang namamaga. “Tulad ng inaasahan ko.” Bulong niya sa sarili.May mga pagdududa nga si Thessa, ngunit ang mga ito'y isang marka ng allergy.Ngunit sa loob ng limang taon nilang pagsasama, palagi namang malusog ang lalaki ayon sa mga resulta ng kanyang taunang medical check-up. Walang kahit isang menor de edad
Sa puntong ito, na pilitan na lamang si Trixie na sumuko sa lalaki.Naramdaman niya ang kawalang kibo sa bawat salitang lumalabas mismo sa bibig ng lalaki, kaya't pansamantala niyang binago ang kanyang diskarte, siyay nagkukunwaring nagpapahinga.“Carlo, mas mabuti kung wala ka ngang nararamdaman para sakin!” aniya.“Lagi kitang itinuturing kong matalik na kaibigan, ngunit sabi ng mga karamihan na sobrang mo daw akong alaga dahil may gusto ka sa akin, at halos mapaniwala na rin ako.” sunod niya pa.“Napadali ang aking pagkilos kanina, at batid kong hindi angkop ang aking nagawa. Magkakaibigan pa rin naman tayo sa hinaharap at hindi mo rin ako iiwan, hindi ba? Tanong niya sa lalaki.Nag-alinlangan si Trixie na sabihin ang huling katanungan na nasa kabilang linya, kinakabahan siya habang tinatanong ito sa lalaki at baka palayasin siya sa pamamahay nila at putulin ang kanilang ugnayan.Muli naman siyang sinagot ng lalaki, sa walang pagbabagong malamig nitong boses. “Oo.” Aniya.Napahinga
Ang umiinog na restaurant sa tuktok ng gusali ay isa sa mga sikat sa White House. Karamihan sa mga bisita nito ay mga kilala sa bansa. Katulad na lamang ng mga bosses, mga malalaking personalidad sa larangan ng industriya at ang mga kabataang laki sa layaw o mas kilala sa kasalukuyang henerasyon bilang ‘rich kids’. Pagdating ni Thessa, naroon na rin si Antonio Reyes. Ang kapatid nitong si Maxine Reyes ay dating kaklase niya sa kolehiyo. Malaki ang utang na loob niya rito dahil sa isang tulong na ibinigay. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay pumanaw na dahil sa sakit na kanser. Bago ito namatay, may huling pabor ito na hiniling kay Thessa.Kung sakaling humingi ang kapatid nitong lalaki balang araw, sana'y tulungan niya ito para sa ikabubuti nito. Iyon ang nais nitong kapalit ng tulong nito. Alam din ito ni Antonio.Iyon din ang isa sa mga dahilan ng pagpunta ni Thessa.Parang isang multo at halos payat na payat na itong si Antonio, halata sa mga mukha ang pagod at ilang araw ng hind
Nang makasakay si Carlo sa elevator.Agad na nakapansin si Antonio, para bang nakakita ito ng multo. Isang sulyap kay Thessa ang sumunod.Alam ni Antonio na balak ng kapatid niyang babae na pakasalan si Carlo pagkatapos nito sa kolehiyo. Narinig niya itong binanggit ng dalawang beses. Sa isang biglaang kilos, lumapit siya at tumayo sa harapan ni Thessa.Walang pakialam na sinalubong ni Carlo ang tingin ni Antonio Reyes. Tumayo siya ng matiwasay, tila hindi man lang pinapansin ang presensya ng binata. Mas lalong lumamig ang ekspresyon niya, parang isang nagyeyelong hangin na dumadampi sa mukha ni Antonio.Hindi inaasahan ni Thessa na makikita niya si Carlo sa lugar na iyon. Parang kailan lang, tatlong oras pa lamang ang nakalipas mula ng umalis siya sa bahay niya.Mabilis na sinapit ni Thessa ang manggas ni Antonio at hinila niya palayo sa paningin ni Carlo.Nahagip ng mga mata ni Carlo ang ginawa ni Thessa. Parag ipinagtatanggol niya ang gwapong binata na lalaki, nagbigay siya rito ng
Kumuyom ang kamao niya sa gilid ng kanyang pantalon, ang mga ugat sa braso ay tila sasabog sa sobrang pagpipigil, at bawat salitang binitawan niya ay puno ng nag-aalab na galit.Ebidensya? Anong ebidensya? Bahagyang tanong ng lalaki.Napa balik siya sa realidad dahil sa mga sinabi ng lalaki, pero naguguluhan parin si Thessa, hindi niya mawari kung ano ang tinutukoy nito.Nagtataka siyang tumingin kay Carlo, parang nagtatanong kung anong klaseng istorya ang nasa isip nito.Tumagal bago na unawaan ni Carlo ang ibig sabihin ni Thessa. Napako siya sa kanyang kinatatayuan, parang nabingi sa biglaang pag-unawa. Ang katahimikan ay unti-unting nag-uumapaw mula sa kanyang puso, at nagpapakita sa kanyang mga mata bilang luha.Kung naisip lang sana nang mabuti, dapat ay nagpatunay muna ito bago mag-akusa. Alam sana nito na hindi pa siya muling nag-asawa.Ngunit hindi naman nag-imbestiga si Carlo at basta-basta na lamang siyang inakusahan ng “Kasalanan.” Napaka pamilyar ng ganitong eksena para s
Bahagyang pinaikot-ikot ng Binata ang kanyang matulis na mga mata, sinasadyang magsalita ng may kahulugan.“Ang salitang “minamahal” ay masyadong payak. Hindi nito maipapahayag ang lalim ng aming pagmamahalan. Mas tama na sabihing ako ang kanyang paborito.” Wika ng Binata.Siya lamang ang nag-iisang pinaka bata na itinuturing kapatid ni thessa, paano naman siya hindi magiging paborito? Bawat salita ay parang nababalot ng matamis at nakakaakit na asukal, tila lahat ng sinabi niya ay parang makatotohanan.Pagkatapos magsalita ng binata. Tiyak na magiging kasing dilim ng tinta ang mukha ni Carlo.Sa sandaling iyon, sino pa kaya ang makakaalala na humingi ng gamot para tanggalin ang peklat ni Green Tea? Tila nawala na isipan ang pangunahing layunin ng kanilang pagpunta.Unti-unting inayos at naka relax si Carlo.Hindi niya pinalampas ang katalinuhan sa mga mata ng Binata. At sinundan niya ang mga sinabi nito para maipakita ang kanyang nararamdaman. Tamuyo si Carlo.“Dahil ayaw namang ma
“Talaga bang seryoso ka sa huling katanungan?” Nagtataka at bahagyang nanggigil ang boses ni Thessa.Ang tatlong tanong na ibinato ng kanyang nakababatang kapatid sa kabilang linya ng telepono ay isang malinaw na pagkakaiba sa karaniwang pananalita nito. Ngunit ang nagtanong ay hindi nakakita ng anumang mali sa kanyang tanong.“Bakit parang nahihirapan kang sagutin?” Patuloy na tanong ng Binata, nang makita niyang hindi pa ito sumasagot.Tumitig ang matatalim at malinaw niyang mga mata sa mga mata ng lalaking nasa harapan niya. Parang sumi-simula ang galit at pagkadismaya sa mga mata nito, na para bang ibunubuhos ang lahat para kay Thessa.Ang binata ay may mukhang mala anghel, perpekto at kaakit-akit. Ang kanyang mga tampok ay tila hinuhubog ng mga Diyos, na may mga mata na nagniningning ng pagkamausisa at isang ilong na matayog na parang tuktok ng bundok. Nag tutugma ito sa mga panlasa ng mga babae sa panahon ngayon.Kahit na ito'y hindi na bata, ang kanyang mukha ay nag niningning
Ang mga abalang araw na nagdaan ay naglagay ng malalim na gulo sa kanyang mga kaisipan. Si Thessa ay naglalakbay sa pagitan ng kasalukuyan at nakaraan, na parang isang bangka na naglalayag sa dagat ng kanyang mga sariling alaala. Naisip niyang nanaginip na naman siya. Isang panaginip na puno ng mga alaala. Napanaginipan niya ang limang taong ng nakaraan ng pagsasama nila ni Carlo… “Asawa ko, bakit hating gabi kana nakauwi? Nakatulog na ako sa kakahintay.” mahinang bulong ni Thessa. Ngunit hindi siya lubos na nagkakamalay. Ang kanyang boses ay malambing at maamo, ay tila naglalakbay sa pagitan ng panaginip at ng katotohanan. Nakahiga si Thessa at nakatulog agad nang dumampi ang kanyang ulo sa unan. Ang katawan ay tila hinahanap ang kaligtasan ng tulog, Naiwan si Carlo na nakatayo, ang kanyang katawan ay tila nag-uukit sa bawat paggalaw ni Thessa. Naningkit ang kanyang mga mata, at tumingin sa babaeng nakahiga sa kama. Ang kanyang isip ay naglakbay pabalik sa nakaraan, nagtatano
“Isipin mo ng mabuti, at hihintayin ko ang sagot mo mamaya.” ito ang huling sinabi ni Thessa sa lalaki.Tahimik na sumandal si Carlo sa dingding, bahagyang nakayuko ang kanyang tuhod, at ang kanyang makapal at mahabang mga pilik mata na parang itim na mga pamaypay ay nagbigay ng mahinang anino, at tumingin siya sa lupa ng matagal.Nagmamadaling umalis si Thessa kasama ang babaeng katulong.Biglang lumala ang kalusugan ng babaeng si Fatima, at nagsimulang bumaba ang iba't-ibang mga taga pahiwatig ng kanyang kalagayan. Para bang nawalan na ito ng ganang mabuhay.Nang makabalik si Thessa sa ward ng dalawang kambal ay hating gabi na.Nadatnan niyang maagang natulog ang mga ito.Sa loob ng ward, wala nang bakas ni Carlo.Tinakpan ni Thessa ng kumot ang mga bata at akmang hihiga na siya sa sofa para magbantay nang marinig niya ang paggalaw mula sa balkonahe.Sa madilim na sulok, nakatayo ang isang lalaking manipis ang suot, at nakatingin sa kanya. Nakaramdam ng takot si Thessa at malakas an
Halos mabuwal siya, ang kanyang maliit na katawan ay tila lumulutang sa hangin.Napatayo si Thessa at William, parehong nag-aalala. Sa isang iglap, sabay nilang inangat si Bella at dinala siya sa kama.Mabilis na hinubad ng munting bata ang kanyang suot na sapatos at agad na sumiksik sa bisig ng kanyang Ina. Nakasuot ng medyas, humihingi ng yakap.Kinuha ni William ang hindi pa tapos na pagkain sa kama. Ang kanyang mga galaw ay mahusay at natural lang, nakatingin siya sa isang Ina at munting batang babae ng may malumay at mainit na mga mata.“Bella, magpakabait ka, may sakit pa si Nanay mo, hindi pa kita mahahawakan anumang oras. Dadalhin ka ni Tito mo pabalik sa kwarto mamaya para magpahinga, okay?” mahinahong sabi ni Thessa, ang boses niya ay may bahid ng pagod at lambing.Tumango ng masunurin ang munting si Bella, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa. Mabilis siyang lumayo sa mga bisig ng kanyang Ina.Niyakap ni Thessa ang kanyang munting supling at hinalikan, ang kanyang bose
Nais sanang bulalas ni Thessa: Nagdadalang tao ako sayo! Ngunit ang matinding pagdurusang nararamdaman niya sa kanyang sinapupunan ang nagpahina sa kanyang mga bisig upang bumagsak.Ang pagod na kanyang dinanas sa nakalipas na dalawang araw ay nagdulot ng kanyang kawalan ng malay.Naramdaman niyang bumagsak siya sa isang malamig na yakap. May naririnig siyang mahinang bulong na puno ng pag-aalala at kaba, tila boses ni Carlo, ngunit hindi niya mawari.Ang kanyang utak ay nag-aalinlangan, napaka imposible ng kanyang iniisip. Dahil sa hindi siya gusto ni Carlo, at kinasusuklaman siya nito. Tanging si Trixie lamang ang nasa puso ng lalaki.“Propesor Thessa, gising na po kayo!” boses ng isang assistant.Ngunit ang kanyang isip ay naguguluhan pa rin. Paanong…Ang katulong na nagbabantay sa tabi ni Thessa, ay nakahinga na rin ng maluwag matapos magkamalay ni Thessa. Sa gilid, naroon ang ilang doktor na nakasuot ng uniporme.Tunay at talagang makikita sa kanilang mga mata ang pag-aalala ni
Ang mga hibla ng buhok sa kanyang noo ay bahagyang basa pa rin, at dahan-dahang dumudulas ito sa kanyang kwelyo, sumusunod sa kanyang malumanay na mga kurba.Nang lumabas siya, handa ng magtungo sa kanyang silid si Thessa upang magpalit ng damit, ngunit nahinto dahil sa lalaki nag-aabang na nakaharang. Malalim at matatag ang kanyang tinig, “Kilala mo ba si Propesor T?” Tanong ni Carlo.Tiningnan siya ni Thessa ng hindi tumatanggi.Sa ilalim ng malabong liwanag ng silid, ang pares ng kanyang mga mata ay nagniningning ng kakaibang liwanag, lubos na naiiba sa liwanag ni Propesor T, animo'y sumasalamin sa sinag ng buwan sa labas ng bintana.Lumapit si Carlo sa kanya ng dahan-dahan, ang kanyang magagandang mga mata ay bahagyang naglalaman ng mga luha, at titig na titig ito sa kanya.“Ang sugat sa mukha ni Trixie ay lubhang malalim.” Panimula ng lalaki.“Narinig kong ang bagong gamot pangpaganda ni Propesor T ay mabilis na nakakapagpagaling ng balat. Maari kabang…” ang huling bahagi ng kan
Naglakad si Carlo sa mahabang pasilyo ng ospital, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang puntong hindi niya alam kung saan. Ang kanyang isip ay abala sa pag-iisip kung nasaan si Propesor T.Ang pangalang Propesor T ay palayaw ni Thessa, at tanging ang mga taong nasa kompanya ang nakakaalam kung sino si Propesor T. At yun nga ay si Thessa.“Nauna pa si Mr. Carlo kaninang umaga para magtanong tungkol sa oras ng konsultasyon ni Propesor T. Gusto niyang humingi ng tulong rito para gamutin ang isang pasyente.”“Ito ang impormasyon ng pasyente.” “Ang pasyente ay nagtamo ng pinsala sa mukha na nag-iwan ng peklat. Maraming cosmetic procedures ang kanyang sinubukan, pero hindi parin siya naka recover, kaya pumunta siya sa ating laboratoryo.”Inabot ng assistant ang isang dokumento.Siya lang ang iilang tao na nakakaalam sa tunay na relasyon nina Thessa at Carlo.Nang buklatin ni Thessa ang file. Hindi na siya nagulat pa nang makita niya ang pangalan ni Trixie.Naisip ni Thessa na dahil sa
Tumango si Thessa at maingat niyang inilagay si Kerby sa kama sa kaliwa. Sunod naman ay si Carlo na maingat ding inilagay si Kenzo sa kabilang kama.At agad na dinala ang dalawang bata sa pagsusuri.Sumulyap ang katulong sa lalaki, at sa harap niya mismo ay tinawag niya si Thessa at sinabing, “Ginang Thess, gusto kang makita ng Propesor sa opisina niya.” Anito.Nanatili si Carlo sa labas ng silid ng pagsusuri.Matapos magpalit ng damit, personal na sinuri ni Thessa ang dalawa niyang anak.Kilala ng lahat sina Kenzo at Kerby. Pagkatapos ng nakaraang nangyari sa kanila, kakaalis lang nila sa laboratoryong iyon, ngunit ilang sandali lang ang nakalipas sa hindi inaasahan, ay agad silang babalik.“Propesor Thess, nakuha na ang data ng gamot sa katawan ng mga bata!” wika ng katulong.“Propesor Thess, ito ang pinakabagong gamot sa dementia, imbento ito mula sa lungsod ng Moldova. Sabi nila espesyal ang gamot na ito.” Dagdag pa niya.Nang marinig iyon, agad na naglaho ang mga ngiti sa mukha