Si Thessa ay nanatiling nakatayo at walang anumang emosyon.Bahagyang nag-vibrate ang kanyang telepono, at sinagot ang tawag. Lalo pang huminahon ang kanyang mga kilay.“Kailan ba ang iyong pagbabalik?” tanong nang isang boses matanda.“Yan din ang iyong sinabi noong nakaraang pagkakataon. Lubos na kaming nanabik ni Bella sa iyong pagbabalik.” Aantayin na lamang nito ang kanyang pagpasok sa tahanan.May bahagyang siwang ang nakabukas na bintana sa likurang upuan ng kotse, at ang isang lalaki na naka pwesto sa loob ay nagpapakita ng marangal na awra.Isang malamig na hangin ang dumaloy, dala ang isang mahinang pagtawa na nagpaparamdam kay Thessa, na para bang niloloko siya. Pagkatapos maligo, ay tiningnan muli ang kotse sa baba, at wala na ito, nanlumo at naisip na ilusyon lamang iyon.Tumingala sa kalangitan, walang kahit na isang bituin, at puno ng pag-iisip. Ang payo ng abogado sa kanya ay unahin ang mga bata.Alam ng lahat kung gaano kalakas ang pamilyang Davilla, at walang ibang
Nang marinig ang pagpayag ng kanilang ama, lumapit sina Kenzo at Kerby at yumakap sa binti niya, at ang dalawang bata ay masayang humawak sa magkabilaang kamay ni Thessa at agad sumakay sa sasakyan.Dinala ni Thessa ang mga bata ayon sa kanyang kagustuhan, habang si Trixie na nakatayo sa likuran, ay namumula ang mga pisngi at may mga mata na puno ng kagalakan.Naisip ni Trixie na tama lang na dinala ni Thessa ang mga bata, nang sa gayon ay makasama niya ng mag-isa si Carlo upang makapag usap sila ng maayos kasama ang kanyang ama.Naniniwala siyang dahil natikman na siya ni Carlo ay hindi na ito malilimutan, sa ganoon paraan, kung kukulitin niya pa ito ng ilang beses hanggang sa siya ay ma bontis, wala na itong dahilan pa na sundin ang ang kagustuhan ng dalawang bata.Naisip ni Trixie na kumuha pa sila ng mga litrato upang mas malapit na itong mapabilang sa listahan ng pagiging isang asawa ng presidente ng Davilla's Group.“Carlo, halika na bumalik na tayo at mag hapunan.” Wika ni Trix
Ang maliit na bata ay puno ng malalaking luha ang nag niningning sa kanyang mga mata. Suminghot siya at tumitig ng malalim.Bella: “ngumiti na po kayo tito.” Masiglang boses ng bata.Iniwas ni Carlo ang tingin, “Ayaw ko ng ngumiti.” Sagot naman ng lalaki.Nanlupaypay ang magandang mukha ng bata dahil sa pagka dismaya, at kita sa kanyang mamasa-masang nagniningning na mga mata ang kalungkutan, kinagat niya ang kanyang labi at napayuko.Nang makita ni Carlo na malapit na namang umiyak ang bata, napilitan ito na ngumiti. At ang batang si Bella ay agad tumawa.Ngumiti rin ito ng pagkalapad-lapad sa kanyang Ina na nasa tabi niya at inilapit ang kanyang mukha.“Nay, punasan mo nga.” Angal ng bata.Napailing si Thessa, hindi niya mawari kung bakit hindi takot ang anak niya kay Carlo na ang mukha nito ay kasing dilim ng uling! Habang nakangiti, pinunasan naman ni Thessa ang luha sa mukha ni Bella at masayang sinabi, “Oh ayan ha, malinis na.” biro pa ni Thessa.Bigla siyang napailing ng malak
Matangkad na matangkad ang lalaki, mas mataas pa ito sa kanya. Kakatapos lang niyang buhatin ang bata nang Matagal, kaya medyo na gusot na ang plantsadong pantalon niya, may pagka relax at kaswal ang dating.“Sa tingin mo ba, basta-basta lang akong nagtatapon ng gamit ng bata?” Malamig na tanong ni Carlo, ang kilay niya ay nakakunot.Masyado siyang malapit, kaya't naamoy ni Thessa ang mabangong shower gel sa katawan niya, parang pamilyar sa kanya ang amoy na iyon, parang yung ginagamit nila noong kasal pa sila.Umatras ng dalawang hakbang si Thessa palayo sa kanya.Naningkit ang malinaw na mga mata ng lalaki, at ang kanyang marangal at tahimik na ugali ay biglang naging malamig. Ang kanyang makapangyarihang awra ay nagpahirap sa mga tao na umatras.Tumingin si Thessa sa oras at mahinang sinabi, “Bella Anak, uuwi na ang mga kuya mo, magpaalam kana sa kanila.” Ngunit ang dalawang magkapatid ay parehong may ayaw na umalis.“Tay, pwede po bang dito nalang muna tayo magpalipas ng gabi?” D
Biglang kumirot ang puso ni Carlo. Nag-ingay ang kanyang mga tainga at tahimik ang mundo.Hindi niya marinig ang boses ni Thessa, o kahit boses ng mga bata. Parang nahulog siya sa isang bulkan patungo sa glacier sa isang iglap, at ang kanyang mga paa’y walang lakas.Lumipas ang ilang sandali.Humarap siya, huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Bumalik siya sa dating ayos, pero mas malamig ang kanyang tono ng pananalita kaysa kanina.“Hindi ko ibibigay sa iyo ang kustodiya ng bata.” Matigas niyang wika sa babae.Naalala ni Thessa yung pag-uwi nila ni Trixie galing sa mga magulang niya. Limang taon na pala silang kasal noon, mula ng isilang ni Thessa ang anak nila, nagmamakaawa pa ito na samahan siya sa kanila upang dalawin ang lola niya, pero ayaw na ayaw niya. Ang laki ng pinagbago…Aba oo nga naman, halata ang kawalan ng pagmamahal nito.Pinigilan ni Thessa ang pagkirot ng kanyang puso. Para sa anak, hindi niya pwedeng palalain pa ang sitwasyon ni Carlo ngayon. Diretsahan
Pag pasok palang nila Kenzo st Kerby ay umiiyak na sila at sumisigaw, “Tatay..”Malungkot na hinawakan ni Carlo ang mga mukha ng mga bata habang pinagmamasdan ang takot na takot nilang mga itsura, “Pasensya na, tinakot kayo ni tatay.” Tumingala si Kerby sa kanyang ina at umiiyak parin ito habang nagtatanong, “Nay, maayos na po ba si Tatay?” Si Thessa naman ay marahan na tumango at pinunasan ang mga luha ng bata at malumanay niyang sinabi, “Kailangan muna ni Tatay magpahinga, si Kerby naman ay dadalhin niya ang kapatid niya sa kwarto ng higaan, okay?” Mas malambing pa ng tatlong puntos si Carlo sa harap ng dalawa niyang anak.Hinawakan niya ang mga ulo nito at mahinahon niyang sinabi, “Matulog na kayo, ayos na si Tatay sumama na muna kayo kay nanay.” Habang naglalakad ang dalawang bata papasok sa kwarto, paulit-ulit itong lumingon sa kanilang Ama.Inilabas ni Thessa ang mga ito mula sa silid ng mga bisita at iniwan si Dylan para alagaan muna siya.Nang isasara na ni Thessa ang pint
Kinabukasan.Pagkatapos maghilamos ay agad na nagtungo sina Kenzo at Kerby sa silid ng kanilang ama.Si Carlo ay bihira lamang magpuyat, ngunit kagabi ay hindi siya makatulog. Para may iniisip siya habang nakatitig sa abo ng insenso na nasa mesa katabi ng kanyang hinihigaan na kama.Pagpasok na mga bata, ay saktong katatapos lang din niyang maligo sa banyo, at nag bihis ng malinis na damit na dinala ng sekretarya kaninang umaga.Hawak ng dalawang bata ang tag-iisang binti ng kanilang ama, tumingala ito sa kanya at nakahinga ng maluwag ng makita na maayos na siya. Naiwan si Bella, nakita niya ang dalawang pendant sa dalawang binti ng tito niya at napakagat sa kanyang labi, saglit na napaisip ang bata na dalawa lang ang binti ng tito niya at wala siyang mahawakan.Lumapit si Bella kay Carlo, maputi at namumula ang mukha niya, na kaliligo lang at amoy pabango pa, ang lambot at kinis ay kapansin-pansin.“Tito, buhat mo ako.” ang lambing na sabi niya.Dalawang segundo naisip ni Carlo, at
Sumandal siya sa upuan at natulala ng ilang sandali bago na tauhan. Nawala ang lamig sa mga mata niya at napalitan ng init.Agad niyang ibinalik ang kendi sa kanyang bulsa at halata ang saya na hindi maitatago sa kanyang mga mata.Ang oras ay kasingbilis ng kidlat..Pagtunog ng bell sa eskwelahan, paglalabas ay agad na tumakbo ng sabay sina Kenzo at Kerby palabas ng kindergarten dala ang mga bag nila. Si Thessa ay nag iwan ng numero ng impormasyon at litrato kaninang umaga bago nga ito umalis, kaya't alam ng guro nila na siya ang nanay ng dalawang bata. Binitawan ni Bella ang kamay ng kanyang ina at tumakbo patungo sa dalawa nitong kapatid pagkakakita. Sa pagkakataong iyon, niyakap niya ang kapatid niyang si Kenzo na siyang ikinagulat nito. Tiningnan siya nito ng may galak sa kanyang mukha, “Bella.” Itinaas ni Bella ang kanyang mga mata, at ang kanyang mga ngiti ay kasing sikat ng mirasol, “Kuya” Nakaramdam ng tuwa ang nakakatandang kapatid nila dahil sa magandang relasyon ng dal
Halos mabuwal siya, ang kanyang maliit na katawan ay tila lumulutang sa hangin.Napatayo si Thessa at William, parehong nag-aalala. Sa isang iglap, sabay nilang inangat si Bella at dinala siya sa kama.Mabilis na hinubad ng munting bata ang kanyang suot na sapatos at agad na sumiksik sa bisig ng kanyang Ina. Nakasuot ng medyas, humihingi ng yakap.Kinuha ni William ang hindi pa tapos na pagkain sa kama. Ang kanyang mga galaw ay mahusay at natural lang, nakatingin siya sa isang Ina at munting batang babae ng may malumay at mainit na mga mata.“Bella, magpakabait ka, may sakit pa si Nanay mo, hindi pa kita mahahawakan anumang oras. Dadalhin ka ni Tito mo pabalik sa kwarto mamaya para magpahinga, okay?” mahinahong sabi ni Thessa, ang boses niya ay may bahid ng pagod at lambing.Tumango ng masunurin ang munting si Bella, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-unawa. Mabilis siyang lumayo sa mga bisig ng kanyang Ina.Niyakap ni Thessa ang kanyang munting supling at hinalikan, ang kanyang bose
Nais sanang bulalas ni Thessa: Nagdadalang tao ako sayo! Ngunit ang matinding pagdurusang nararamdaman niya sa kanyang sinapupunan ang nagpahina sa kanyang mga bisig upang bumagsak.Ang pagod na kanyang dinanas sa nakalipas na dalawang araw ay nagdulot ng kanyang kawalan ng malay.Naramdaman niyang bumagsak siya sa isang malamig na yakap. May naririnig siyang mahinang bulong na puno ng pag-aalala at kaba, tila boses ni Carlo, ngunit hindi niya mawari.Ang kanyang utak ay nag-aalinlangan, napaka imposible ng kanyang iniisip. Dahil sa hindi siya gusto ni Carlo, at kinasusuklaman siya nito. Tanging si Trixie lamang ang nasa puso ng lalaki.“Propesor Thessa, gising na po kayo!” boses ng isang assistant.Ngunit ang kanyang isip ay naguguluhan pa rin. Paanong…Ang katulong na nagbabantay sa tabi ni Thessa, ay nakahinga na rin ng maluwag matapos magkamalay ni Thessa. Sa gilid, naroon ang ilang doktor na nakasuot ng uniporme.Tunay at talagang makikita sa kanilang mga mata ang pag-aalala ni
Ang mga hibla ng buhok sa kanyang noo ay bahagyang basa pa rin, at dahan-dahang dumudulas ito sa kanyang kwelyo, sumusunod sa kanyang malumanay na mga kurba.Nang lumabas siya, handa ng magtungo sa kanyang silid si Thessa upang magpalit ng damit, ngunit nahinto dahil sa lalaki nag-aabang na nakaharang. Malalim at matatag ang kanyang tinig, “Kilala mo ba si Propesor T?” Tanong ni Carlo.Tiningnan siya ni Thessa ng hindi tumatanggi.Sa ilalim ng malabong liwanag ng silid, ang pares ng kanyang mga mata ay nagniningning ng kakaibang liwanag, lubos na naiiba sa liwanag ni Propesor T, animo'y sumasalamin sa sinag ng buwan sa labas ng bintana.Lumapit si Carlo sa kanya ng dahan-dahan, ang kanyang magagandang mga mata ay bahagyang naglalaman ng mga luha, at titig na titig ito sa kanya.“Ang sugat sa mukha ni Trixie ay lubhang malalim.” Panimula ng lalaki.“Narinig kong ang bagong gamot pangpaganda ni Propesor T ay mabilis na nakakapagpagaling ng balat. Maari kabang…” ang huling bahagi ng kan
Naglakad si Carlo sa mahabang pasilyo ng ospital, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa isang puntong hindi niya alam kung saan. Ang kanyang isip ay abala sa pag-iisip kung nasaan si Propesor T.Ang pangalang Propesor T ay palayaw ni Thessa, at tanging ang mga taong nasa kompanya ang nakakaalam kung sino si Propesor T. At yun nga ay si Thessa.“Nauna pa si Mr. Carlo kaninang umaga para magtanong tungkol sa oras ng konsultasyon ni Propesor T. Gusto niyang humingi ng tulong rito para gamutin ang isang pasyente.”“Ito ang impormasyon ng pasyente.” “Ang pasyente ay nagtamo ng pinsala sa mukha na nag-iwan ng peklat. Maraming cosmetic procedures ang kanyang sinubukan, pero hindi parin siya naka recover, kaya pumunta siya sa ating laboratoryo.”Inabot ng assistant ang isang dokumento.Siya lang ang iilang tao na nakakaalam sa tunay na relasyon nina Thessa at Carlo.Nang buklatin ni Thessa ang file. Hindi na siya nagulat pa nang makita niya ang pangalan ni Trixie.Naisip ni Thessa na dahil sa
Tumango si Thessa at maingat niyang inilagay si Kerby sa kama sa kaliwa. Sunod naman ay si Carlo na maingat ding inilagay si Kenzo sa kabilang kama.At agad na dinala ang dalawang bata sa pagsusuri.Sumulyap ang katulong sa lalaki, at sa harap niya mismo ay tinawag niya si Thessa at sinabing, “Ginang Thess, gusto kang makita ng Propesor sa opisina niya.” Anito.Nanatili si Carlo sa labas ng silid ng pagsusuri.Matapos magpalit ng damit, personal na sinuri ni Thessa ang dalawa niyang anak.Kilala ng lahat sina Kenzo at Kerby. Pagkatapos ng nakaraang nangyari sa kanila, kakaalis lang nila sa laboratoryong iyon, ngunit ilang sandali lang ang nakalipas sa hindi inaasahan, ay agad silang babalik.“Propesor Thess, nakuha na ang data ng gamot sa katawan ng mga bata!” wika ng katulong.“Propesor Thess, ito ang pinakabagong gamot sa dementia, imbento ito mula sa lungsod ng Moldova. Sabi nila espesyal ang gamot na ito.” Dagdag pa niya.Nang marinig iyon, agad na naglaho ang mga ngiti sa mukha
Napako ang tingin ni Carlo sa dalawang bata, ang kanyang puso ay nabalot ng pagka bahala. Naramdaman niya ang mabigat na pakiramdam sa mukha ni Thessa, at hindi niya maiwasang matakot.Hindi nakaramdam ng galit si Carlo sa pang-aasar ni Thessa. Sa halip ay nababahala siyang nagtanong, “Mabuti b ang kalagayan ng dalawang bata?” Aniya.Napako ang tingin ni Thessa sa kamay ng lalaki na nasa palad niya, nararamdaman ang init nito na dumadaloy patungo sa kanya. Ibinaba niya ang kanyang tingin at nagsalita ng walang pag-aalinlangan.“Kung pipigilan mo pa ako, hindi mo na magugustuhan ang mangyayari.” anito sa lalaki.Tumama ang tingin ng lalaki sa helikopter, ang kanyang mga mata ay tila naninigas.Ang helikopter na sasakyan nila ay ginagamit ng J's Laboratory para sunduin ang mga pasyente. Mayroon itong maraming pribilehiyo.Nagulat ang lalaki ng malaman niyang may kakayahan pala si Thessa igalaw ang helikopter, hindi niya ito inaasahan.Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ni Thessa, hi
“Ms. Joan, hindi ako si Antonio, hindi ako ganun ka-bobo. Sa tingin mo ba, mapapatawad ka lang dahil sa drama mong ‘yan, sa paghihirap mo sa sarili mo?” Ang boses ni Thessa ay malamig at matalim, walang bakas ng awa o simpatya.Biglang natigilan ang babae. Ang pekeng pag-iyak niya ay biglang huminto, parang pinutol ng isang matalim na kutsilyo. “Ikaw ay isang ulila, kinuha ka ng isang mag-asawang walang anak sa Tree Village. Binigyan ka nila ng pagkain, tirahan, at edukasyon. At ano ang ginawa mo pagkatapos mong maka graduate? Kinuha mo ang perang ginamit ng iyong ama-ama na para sana sa kanyang gamot, para lang magpanggap na mayaman ka.” ang bawat salita ni Thessa ay parang mga patalim na tumutusok sa puso ni Joan.“Namatay ang aking ama-ama dahil sa sakit. At ang aking ina-ama… binenta mo siya pamilya nila Trixie ng sampung libong dolyar. Ngayon, hindi ko alam kung saan siya nakatira, sa buhay ng isang biyuda sa gitna ng bundok at kagubatan. Wala na akong balita sa kanya.” Ang bose
Natuklasan ni Thessa na ang kotse na may pekeng plaka ay pag-aari pala ni Antonio Reyes.Natagpuan nina Thessa si Antonio sa isang bar, nakahandusay at himbing na himbing ang tulog sa kalasingan. Walang pagaalinlangan, nagpadala si Thessa ng isang timba ng malamig na tubig para pukawin ang lalaki.“Thessa…Ate Thessa?” Ang boses ay halos pabulong, ang mukha'y bahagyang namumutla. Ang imahe ng babaeng nakahiga sa kama ng ospital ay unang sumagi sa kanyang isipan. “May nangyari po ba kay Fatima?” aniya, ang boses ay puno ng pagkabahala.Walang ekspresyon ang mukha ni Thessa nang ihampas niya ang litrato sa mukha ng lalaki, “Antonio Reyes, sa'yo ang kotse na ito, hindi ba?” Matigas na boses ni Thessa.Pilit na itinuon ni Antonio, ang kanyang mga mata ay nanlalabo sa kalasingan, ang tingin sa litrato. Tumango siya ng dahan-dahan. “Sa akin nga iyan, ngunit matagal ko ng ibinigay…” aniya.“Ibinigay mo ‘yan sa iyong querida kamakailan lang, hindi ba? Kalmadong tanong ni Thessa.Diretso at ma
Nais niyang hawakan ang braso ni Carlo, ngunit naunahan na siya ng lalaki. Nilapitan ni Carlo si Thessa at mariing tinanong, “At anong patunay ang hawak mo?” Aniya.Bumungad sa kanya ang matinding halimuyak ng mga pheromones. Napangiwi si Thessa at umatras ng dalawang hakbang, ang mga mata'y nakataas sa gwapong lalaking nasa harapan niya. May ibang karisma ang lalaki na nagpapabigat sa kanyang paghinga.Binuksan ni Thessa ang kanyang cellphone at pinatugtog ang recording.[Maghanap ka ng maaasahang tao para damputin ang dalawang anak ng pamilyang Davilla, at mapaniwala ang lalaki na si Thessa ang may gawa.][Huwag kang mag-alala, hindi siya magdududa. Buong-buo ang tiwala niya sa akin. Tandaan, kailangan mong maghanap ng taong mahigpit ang bibig, isang taong hindi magsasalita ng kahit na ano.][Ipaalam mo sa matandang babae na e benta ang anak na babae ni Thessa. Ilagay ito sa isang lugar na mahihirapan siyang hanapin pa!][Ingatan mo ang dalawang bata, huwag mong hayaang mahanap sila