“Nandito na si Papa,” Wika ni Carlo. At nang makita siya ng dalawang bata, ay bumalik rin ito sa pagtulog.Nang matapos siyang maligo ng malamig na tubig, ay lumabas na rin ito ng banyo. At ng biglang tumunog ang doorbell.Isang matalinong robot sa hotel ang nagpadala ng isang mangkok ng hangover soup. Ang kanyang mga mata ay parang may mga alon ng lungkot at pagka dismaya na dumadaloy sa kanyang puso, walang kahit na anong emosyon niyang isinara ang pinto ng kwarto.Nakita iyon ni Thessa, at nakahinga ng maluwag sa kabilang banda. Kahit hindi kinain ni Carlo ang hangover soup na ibinigay, ay nakita niyang maayos na ang itsura nito, napanatag si Thessa na ma-alagan niya ng maayos ang mga bata. Habang yakap-yakap ang anak na babae na masarap at malambot, ay natulog narin sila hanggang mag umaga.Kinabukasan.Dinala ni Thessa ang anak na Babae upang hanapin ang kanyang dalawang kapatid, ngunit ilang oras din ang nakalipas ay walang nagbukas ng pinto.Nang magtanong ito sa harap ng mesa
Si Thessa ay nanatiling nakatayo at walang anumang emosyon.Bahagyang nag-vibrate ang kanyang telepono, at sinagot ang tawag. Lalo pang huminahon ang kanyang mga kilay.“Kailan ba ang iyong pagbabalik?” tanong nang isang boses matanda.“Yan din ang iyong sinabi noong nakaraang pagkakataon. Lubos na kaming nanabik ni Bella sa iyong pagbabalik.” Aantayin na lamang nito ang kanyang pagpasok sa tahanan.May bahagyang siwang ang nakabukas na bintana sa likurang upuan ng kotse, at ang isang lalaki na naka pwesto sa loob ay nagpapakita ng marangal na awra.Isang malamig na hangin ang dumaloy, dala ang isang mahinang pagtawa na nagpaparamdam kay Thessa, na para bang niloloko siya. Pagkatapos maligo, ay tiningnan muli ang kotse sa baba, at wala na ito, nanlumo at naisip na ilusyon lamang iyon.Tumingala sa kalangitan, walang kahit na isang bituin, at puno ng pag-iisip. Ang payo ng abogado sa kanya ay unahin ang mga bata.Alam ng lahat kung gaano kalakas ang pamilyang Davilla, at walang ibang
Nang marinig ang pagpayag ng kanilang ama, lumapit sina Kenzo at Kerby at yumakap sa binti niya, at ang dalawang bata ay masayang humawak sa magkabilaang kamay ni Thessa at agad sumakay sa sasakyan.Dinala ni Thessa ang mga bata ayon sa kanyang kagustuhan, habang si Trixie na nakatayo sa likuran, ay namumula ang mga pisngi at may mga mata na puno ng kagalakan.Naisip ni Trixie na tama lang na dinala ni Thessa ang mga bata, nang sa gayon ay makasama niya ng mag-isa si Carlo upang makapag usap sila ng maayos kasama ang kanyang ama.Naniniwala siyang dahil natikman na siya ni Carlo ay hindi na ito malilimutan, sa ganoon paraan, kung kukulitin niya pa ito ng ilang beses hanggang sa siya ay ma bontis, wala na itong dahilan pa na sundin ang ang kagustuhan ng dalawang bata.Naisip ni Trixie na kumuha pa sila ng mga litrato upang mas malapit na itong mapabilang sa listahan ng pagiging isang asawa ng presidente ng Davilla's Group.“Carlo, halika na bumalik na tayo at mag hapunan.” Wika ni Trix
Ang maliit na bata ay puno ng malalaking luha ang nag niningning sa kanyang mga mata. Suminghot siya at tumitig ng malalim.Bella: “ngumiti na po kayo tito.” Masiglang boses ng bata.Iniwas ni Carlo ang tingin, “Ayaw ko ng ngumiti.” Sagot naman ng lalaki.Nanlupaypay ang magandang mukha ng bata dahil sa pagka dismaya, at kita sa kanyang mamasa-masang nagniningning na mga mata ang kalungkutan, kinagat niya ang kanyang labi at napayuko.Nang makita ni Carlo na malapit na namang umiyak ang bata, napilitan ito na ngumiti. At ang batang si Bella ay agad tumawa.Ngumiti rin ito ng pagkalapad-lapad sa kanyang Ina na nasa tabi niya at inilapit ang kanyang mukha.“Nay, punasan mo nga.” Angal ng bata.Napailing si Thessa, hindi niya mawari kung bakit hindi takot ang anak niya kay Carlo na ang mukha nito ay kasing dilim ng uling! Habang nakangiti, pinunasan naman ni Thessa ang luha sa mukha ni Bella at masayang sinabi, “Oh ayan ha, malinis na.” biro pa ni Thessa.Bigla siyang napailing ng malak
Matangkad na matangkad ang lalaki, mas mataas pa ito sa kanya. Kakatapos lang niyang buhatin ang bata nang Matagal, kaya medyo na gusot na ang plantsadong pantalon niya, may pagka relax at kaswal ang dating.“Sa tingin mo ba, basta-basta lang akong nagtatapon ng gamit ng bata?” Malamig na tanong ni Carlo, ang kilay niya ay nakakunot.Masyado siyang malapit, kaya't naamoy ni Thessa ang mabangong shower gel sa katawan niya, parang pamilyar sa kanya ang amoy na iyon, parang yung ginagamit nila noong kasal pa sila.Umatras ng dalawang hakbang si Thessa palayo sa kanya.Naningkit ang malinaw na mga mata ng lalaki, at ang kanyang marangal at tahimik na ugali ay biglang naging malamig. Ang kanyang makapangyarihang awra ay nagpahirap sa mga tao na umatras.Tumingin si Thessa sa oras at mahinang sinabi, “Bella Anak, uuwi na ang mga kuya mo, magpaalam kana sa kanila.” Ngunit ang dalawang magkapatid ay parehong may ayaw na umalis.“Tay, pwede po bang dito nalang muna tayo magpalipas ng gabi?” D
Biglang kumirot ang puso ni Carlo. Nag-ingay ang kanyang mga tainga at tahimik ang mundo.Hindi niya marinig ang boses ni Thessa, o kahit boses ng mga bata. Parang nahulog siya sa isang bulkan patungo sa glacier sa isang iglap, at ang kanyang mga paa’y walang lakas.Lumipas ang ilang sandali.Humarap siya, huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Bumalik siya sa dating ayos, pero mas malamig ang kanyang tono ng pananalita kaysa kanina.“Hindi ko ibibigay sa iyo ang kustodiya ng bata.” Matigas niyang wika sa babae.Naalala ni Thessa yung pag-uwi nila ni Trixie galing sa mga magulang niya. Limang taon na pala silang kasal noon, mula ng isilang ni Thessa ang anak nila, nagmamakaawa pa ito na samahan siya sa kanila upang dalawin ang lola niya, pero ayaw na ayaw niya. Ang laki ng pinagbago…Aba oo nga naman, halata ang kawalan ng pagmamahal nito.Pinigilan ni Thessa ang pagkirot ng kanyang puso. Para sa anak, hindi niya pwedeng palalain pa ang sitwasyon ni Carlo ngayon. Diretsahan
Pag pasok palang nila Kenzo st Kerby ay umiiyak na sila at sumisigaw, “Tatay..”Malungkot na hinawakan ni Carlo ang mga mukha ng mga bata habang pinagmamasdan ang takot na takot nilang mga itsura, “Pasensya na, tinakot kayo ni tatay.” Tumingala si Kerby sa kanyang ina at umiiyak parin ito habang nagtatanong, “Nay, maayos na po ba si Tatay?” Si Thessa naman ay marahan na tumango at pinunasan ang mga luha ng bata at malumanay niyang sinabi, “Kailangan muna ni Tatay magpahinga, si Kerby naman ay dadalhin niya ang kapatid niya sa kwarto ng higaan, okay?” Mas malambing pa ng tatlong puntos si Carlo sa harap ng dalawa niyang anak.Hinawakan niya ang mga ulo nito at mahinahon niyang sinabi, “Matulog na kayo, ayos na si Tatay sumama na muna kayo kay nanay.” Habang naglalakad ang dalawang bata papasok sa kwarto, paulit-ulit itong lumingon sa kanilang Ama.Inilabas ni Thessa ang mga ito mula sa silid ng mga bisita at iniwan si Dylan para alagaan muna siya.Nang isasara na ni Thessa ang pint
Kinabukasan.Pagkatapos maghilamos ay agad na nagtungo sina Kenzo at Kerby sa silid ng kanilang ama.Si Carlo ay bihira lamang magpuyat, ngunit kagabi ay hindi siya makatulog. Para may iniisip siya habang nakatitig sa abo ng insenso na nasa mesa katabi ng kanyang hinihigaan na kama.Pagpasok na mga bata, ay saktong katatapos lang din niyang maligo sa banyo, at nag bihis ng malinis na damit na dinala ng sekretarya kaninang umaga.Hawak ng dalawang bata ang tag-iisang binti ng kanilang ama, tumingala ito sa kanya at nakahinga ng maluwag ng makita na maayos na siya. Naiwan si Bella, nakita niya ang dalawang pendant sa dalawang binti ng tito niya at napakagat sa kanyang labi, saglit na napaisip ang bata na dalawa lang ang binti ng tito niya at wala siyang mahawakan.Lumapit si Bella kay Carlo, maputi at namumula ang mukha niya, na kaliligo lang at amoy pabango pa, ang lambot at kinis ay kapansin-pansin.“Tito, buhat mo ako.” ang lambing na sabi niya.Dalawang segundo naisip ni Carlo, at
"Anong ginagawa niyong tatlo dito?" tanong ni Carlo.Walang pag-aalinlangan namang sumagot si Kenzo, "Tay, iniisip namin kung kailan mo susuyuin si Nanay." sabi pa nito.Tumingin naman si Kerby sa kanyang ama at dahan-dahan niyang sinabi, "Tay, matagal na rin tayong hindi nagkita, sobrang namiss ka namin." malambing na boses ng bata.Ngumiti naman si Bella ng kasing liwanag ng sikat ng araw, ang kanyang ngiti ay nakapagdulot ng kagalakan at pag-asa. Maaring ang pangunahing tema ay hindi niya maintindihan, ngunit nagawa parin nitong magpa kyut.Bahagyang natunaw ang matigas na kalasag na nakapalibot sa puso ni Carlo dahil sa mga salitang binitawan ng kanyang dalawang anak. Lumuhod si Carlo at marahang hinaplos niya ang mga ulo ng tatlong musmos. Ang mga bata ay mukhang masaya at mapayapa sa kanilang kinaroroonan.Matagal na rin niyang pinasuri ang mga detalye ng laboratoryo. Kahit hindi niya alam ang pagkakakilanlan ng nagtatag, ang lahat ng mga tao roon ay nahuhumaling sa pananaliksi
Ang katahimikan ni Thessa ay nagdulot ng kaunting pagkabigo sa puso ni Carlo.Mula sa pagiging isang batang henyo hanggang sa pagiging isang alamat sa negosyo, mahigpit na sinasabi na wala pa itong nakakalaban.Sa loob ng maikling dalawampung taon, nakamit na niya ang taas hindi kailanman maabot ng ibang tao sa buong buhay nila. May marangal na pinagmulan at walang kapantay na kagandahan, ang buhay ni Carlo ay masasabi mong napakaayos.Ang maikling limang taong pag-aasawa ni Thessa sa kanya ay ang tanging lugar na may "pulang krus" sa perpektong papel ng eksamen sa buhay ni Carlo. "Bakit hindi ka nagsasalita?" namamaos na boses ang tanong ng lalaki.Ang lalaking nasa harapan niya ay parang matinding hangin ng taglamig. At isang pagtingin lang sa kanya ng mga tao ay tila hindi na ito makakalakad sa sobrang lamig.Isinandal ni Thessa ang kanyang likod sa pader, at ang lamig na nararamdaman niya ay nagdulot ng bahagyang pang-uuyam sa kanyang mga matang hugis almendras."Kung hindi ka na
Kusa namang hinila ng dalawang bata ang kanyang mga kamay at naglakad patungo sa retawran. Habang ang munting si Bella ay masayang nasa bisig ng kanyang ina.Habang nakaupo si Mark sa kanyang wheelchair, pinagmamasdan niya ang likuran ng limang taong naglalakad palayo. Maraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon, kahit hindi nagsasalita si Thessa, batid niyang anak ni Carlo ang musmos na si Bella. Alam niya ito sa kanyang puso, batid sa kanyang kaalaman tungkol sa babae.Mula sa panahon ng kanilang paghihiwalay hanggang sa edad ng bata, para bang lahat ay nagtutugma. Isang palaisipan na unti-unting nabuo, at mas nagbibigay linaw na sagot.Pero parang hindi alam ni Carlo na anak niya ang batang si Bella, napagtanto iyon ni Mark. Parang isang bulkan na naghihintay ng pagsabog, ang mga damdaming matagal nang nakabaon sa kanyang puso ay handa nang sumambulat.Sandaling sinulyapan ni Mark ang kanyang mga binti, at hindi sinasadyang humigpit ang pagkakahawak niya sa kontrol ng kanya
Mula nang umalis si Carlo, katahimikan ang namayani sa buhay ni Thessa. Abala siya sa trabaho sa umaga, at sa mga anak naman sa hapon ay naglalaro sila. Mapayapa at mainit ang mga araw.Simula ng ipinanganak ang batang si Bella, kinakailangan niyang manatili sa J's laboratory na aabot sa kalahating buwan kada tatlong buwan, dahil nga sa kanyang kalagayan.Si Bella ay isang kaibig-ibig at masunurin na bata, paborito ng lahat, tunay na alaga ng isang grupo. Palagi niyang kasama ang kanyang dalawang kapatid sa mga lakad, habang merong mga bodyguards naman na nakasunod at nakabantay sa kanila, kaya naman panatag ang loob ni Thessa. Subalit, ang lugar kung saan niya nakikita ay iba-iba sa bawat pagkakataon. At sa pagkakataong iyon, nasa maliit na hardin na sila sa labas kung saan malapit sa kwarto ni Mark Roa.Tinuruan pa nito ang tatlong bata na maglaro ng mga larong may kinalaman sa matematika. Sina Kenzo at Kerby ay parehong matalino, at agad nilang natutunan ito matapos marinig nang i
Ang antidote na gamot ay dinisenyo upang maibalik ang pagkalalaki. Para sa mga lalaking hindi na makakapag-anak, hindi na kailangan ng panlaban.Sa katunayan, kagawian na ni Thessa ang pag-inom ng gamot at ang paghahanap ng kaukulang panlunas. Isang di inaasahang pangyayari na magagamit niya ito ngayon mismo kay Carlo.Nadama ni Thessa ang init sa katawan ng lalaki na dumampi sa katawan niya, sa kabila ng may nakaharang na damit.Ang matitipunong braso ng lalaki ay nagsilbing hadlang, habang ang matinding amoy ng kanyang katawan ay unti-unting nagpapagulo sa kanyang isip. Sa sandaling ito, para bang nakulong siya sa isang malagkit na bitag ng kanyang presensya.Lumapit ang lalaki sa kanyang tenga, ang boses niya ay mahina ngunit may dahilan, at tinanong siya tungkol sa mga bagay na hindi niya namamalayan na nag-aalala siya. Hindi niya inaasahan ang ganitong uri ng pag-aalala."Thessa, totoo bang nag-asawa ka ulit?" mahinang tanong ng lalaki.Kung titignan niyang mabuti, makikita niya
Isang matalim na titig ang sumalubong kay Thessa mula sa lalaking nakaupo sa sofa nang marinig ang kanyang sinabi. Ang mga madilim na mata nito ay nakatuon sa ngiti sa labi ni Thessa, puno ng isang intensidad na tila nagbabadya ng di maipaliwanag.Mula sa mga mata, pababa sa ilong, at hanggang sa mapupula nitong mga labi, isang mensahe ang ipinapahiwatig ni Carlo gamit ang kanyang mga nakakaakit na mata. Isang mensahi na nagpapatuyo ng kanyang lalamunan."Hayaan niyo siyang maghanap ng babae, ano naman ang gagawin nito sa kanya?" mapang-asar pang sabi ni Thessa.Si Carlo ang panganay at pinuno ng mayamang angkan ng mga Davilla, isang tao na pinagkalooban ng lahat ng pinakamahusay na mapagkukunan sa mundo mula pa nang siya'y isilang. Kinahiligan lamang niya ang pinakamahuhusay at pinakamagagandang bagay. Kahit gaano pa kaganda ang isang babae, sa mga nata niya'y isa lamang itong walang-halagang anyo na hindi kayang magdulot ng kahit kaunting pag-aalburoto sa kanyang puso. Ngunit iisa
Mabilis siyang humarap kay Carlo at sinabi, “Boss, hinihingi ninyo na malaman ko ang impormasyon tungkol sa iyong dating asawa, at may balita na po ako.” Bago umalis ng Barangay Payapa, hiniling ni Carlo kay Dylan na alamin ang isang impormasyon tungkol sa kasalukuyang asawa ni Thessa, ngunit wala siyang nakitang anumang kaugnay.Wala silang natanggap na anumang balita tungkol sa “Ama ni Bella” kahit na matapos nilang bisitahin yung ngayon.Ang lalaking si Richard Riverra ay ginamit lang pala niyang panangga, ngunit ang katotohanan ay sobrang mahal na mahal ng lalaki ang kanyang asawa't anak.Nang malaman ng lalaki na kaunting oras na lamang ang natitira para sa kanyang asawa, nais niya na lamang magpakamatay bilang patunay ng kanyang pagmamahal, imposible para sa kanya na magkaroon ng hindi malinaw na relasyon kay Thessa.Matapos ang paulit-ulit na pagsisiyasat, napag-alaman din na hindi mag-asawa sina Thessa at ang lalaking kilala bilang “Wiliiam.”Masasabi nating lahat ng mga nasa
Sa loob ng sala, nakatayo ang dalawang lalaki na sina Julius at Carlo, parehong nakatingin sa isat-isa ang dalawa na may malamig na titig. Ang aura ni Carlo ay nangingibabaw, tila naglalabas ng isang malamig na hangin na nagpapakitang mas lamang siya.Sa tabi nila ay nakaluhod ang tatlong supling na sina Bella, Kenzo at Kerby. Ang kanilang mga mata'y puno ng pagtataka habang nakatingala sa kanila at iniisip kung bakit sila naroroon, hindi nila mawari ang dahilan ng malamig na tensyon sa pagitan ng dalawa.Ang munting si Bella ay bahagyang iniikot-ikot ang kanyang malaking mata, at pagkatapos ay mahinhing sinundot ang braso ni Kerby, “Kuya, ang tahimik ng iyong Tatay.” bulong niya.Tumango si Kerby at sinabi, “Tahimik rin ang tito mo.” aniya.Habang si Kenzo naman ay naguguluhang nagtanong, “Naglalaro ba sila ng uno, dos, tres, estatwa?” biro pa nito.Nang bumaba si Thessa, hindi niya pinansin sina Julius at Carlo. Dinala niya na lamang ang tatlong supling pabalik sa hapag-kainan at pi
Naamoy niya ang isang jasmine na pabango ang hindi pamilyar sa kanya noon.Isang matinding pagkabalisa ang naramdaman ni Trixie. Patuloy niyang binubuo sa isipan ang mga babaeng nakapaligid kay Carlo, ngunit wala siyang mahagilap.“Carlo, hindi ka ba babalik para man lang sa pinagsamahan natin noong mga bata pa tayo, hindi ba pwedeng bumisita ka man lang?” malungkot na boses ang tanong niya sa lalaki.Punong-puno ng pagmamakaawa ang tinig ng babae. Karamihan sa mga lalaki ay matagal nang sumuko sa kanyang mga luha at hinaing, pero si Carlo ay hindi ordinaryong tao.“Ingatan mo ang sugat mo, bisitahin nalang kita kapag may bakanteng oras na ako.” sagot ni Carlo.Isang malamig at wala man lang pag-aarugang tono ang boses ni Carlo, hindi katulad ng inaasahan ng isang taong umaaliw sa kanyang minamahal. May bahid pa ng pagkairita ang ekspresyon ng kanyang mukha.Hindi naman mapigilan ni Thessa na mapabuntong hininga.May bahid kaya ng pagkairita sa kalmadong pananalita ni Carlo ng yayain