Share

CHAPTER 5

Ngayong araw ay linggo kaya wala kaming tinda day off kumbaga.Iyon ang isa pinagkakakitaan ko. Tuwing surfing season,mayroon akong surfing classes sa lahat ng mga gustong matuto magsurf for beginners at minsan ay nagbebenta din ako ng commission surfboard. That's how I survive my everyday needs.

Babalik sana ako sa pagtulog dahil naalala ko wala akong gagawin ngayong araw pero nang maalalang mayroon nga pala akong kasama sa bahay ay naudlot ang aking balak na pagtulog.

I sighed and forced myself to get up. Inipit ko ang buhok into messy bun bago lumabas ng kwarto.Paglabas ko ng kwarto, hindi ko expected na gising si Sheehan na agad ding napatingin sa akin paglabas ko ng kwarto.

Nakatiklop na ang banig na inilatag ko sa kaniya kagabi. Nakaupo siya sa plastic kong bangkuan at nakadekwatrong pangbabae. Straight ang kaniyang tindig, may hawak na libro ang kaniyang kamay at nakareading glasses pa.

Kahit napakapangit ng plastic kong bangkuan ay nagmukha iyong trono dahil sa kaelegantihan ng bisita ko sa bahay. .

Este bwisita!

At para pa siyang kumikinang dahil sa maputing balat.

Isinara niya ang librong hawak niya at ibinaba iyon sa kaniyang hita.

"Are you free today? No work?" He suddenly asked.

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"Let's buy new bed mattress. I can't sleep on a hard mat." Halatang may pagrereklamo sa boses niya. He look frustated now.

Kaya pala ang aga nagising, hindi pala natulog.

Napasapo ako ng noo ko. Ito na nga ba ang sinabi ko. Hindi talagang pwede manirahan ang binata dito sa bahay.

"Sinabi ko na sayo, huwag ka na dito manatili tapos magrereklamo ka" pagsusungit ko pa.

"Hindi ako nagrereklamo" nagtiim ang bagang niya. "Bakit kasi naglatag ka ng banig lang?The floor is cold. I might get pneumonia and I can't sleep properly because it's hard!"

Aba! Hindi ba pagrereklamo iyan?

"Tss. That's all I have Sheehan. Hindi ko naman pinilit na dito ka tumira. Masiyado ka lang talagang maarte. Ang dami mong demand kahit pwede naman naibigay mo na lang ang annulment papers nang mapirmahan at maprocess na agad para hindi ka na nagtatagal sa maliit kong bahay. Hindi ko naman gusto na naandito ka"

Hindi na siya nakaimik. Tinamaan ang gago.

Huwag niya akong inisin. Kakagising ko lang!

Inirapan ko siya bago nagpunta sa likod ng pinto para kunin ang jacket at sumbrero ko. Bibili ako ng pandesal at kape para sa umagahan.

Sheehan is now in deep thoughts. Nagbabasa ito ng libro halatang distracted.Kita rin ang maga niyang eye bags dahil hindi nakatulog.

Tahimik lang siya hanggang makalabas ako ng bahay. Madilim pa pero marami na namang tao, karamihan ay mga mangingisda na papalaot.

"Goodmorning Maria!" Bati sa akin ni Mang Carding, isang mangingisda.

Kung sino nung mga unang taon ko dito ay hindi ako sanay sa tawag na Maria sa akin. Naalala ko tuloy kung bakit iyon ang binigay kong pangalan. Iyon kasi ang unang pumasok sa isipan ko at ang dahilan kung bakit ko pinaltan ang pangalan ko ay dahil ayoko nga mahanap.

Pasimple akong ngumiti. "Magandang umaga din. Ingat po sa pagpalaot"

Buti bukas si Aling eba kaya nakabili ako ng benteng pandesal. Sinamahan ko na din ng one fourth na keso para sa palaman. Sakto at may tindang kape din si Aling eba kaya hindi na ako naghanap ng iba pang tindahan.

Pagkatapos ko bumili pumunta ako kay Tiyo Kiko.Papunta ko sana sa bahay nila pero nakita naabutan ko siyang inilalabas na ang trycicle.

"Tiyo Kiko!" Tawag ko.

"Oh Maria,bakit?"

Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng ngiti. "Pupunta po akong bayan mamaya"

"Sige lang. Sabihan mo lang ako Maria,walang problema"

Nagpasalamat ako bago umuwi na. Pagdating ko ng bahay,nakita ko si Sheehan nakasilip sa bintana. Nakakunot ang noo niya nang tumama ang mata niya sa akin.

"Where have you been?" Salubong niya pagpasok ko.

Binigyan ko siya ng mataray na tingin bago ipinakita sa kaniya ang dala dala kong supot ng pandesal at kape.

"Breakfast" tipid kong sagot.

Dumiretsyo ako sa kusina para ilapag sa maliit kong kahoy na mesa ang supot ng pandesal at sachet ng kape.

Narinig ko naman ang footstep ni Sheehan kaya alam kong lumapit siya pero wala akong pake. Dedma kung baga.

"You shouldn't go out when it is still dark Frahnss" mahugong nitong pagkakasabi na may halong pagkakadiin.

"Marami ng tao sa labas dahil maaga gumising ang mga tao dito and for your information,usual routine ko na ito pero buong buo pa din ako"

"Still .." pagmamatigas niya.

Pasimple akong tumingin sa kaniya. Umupo siya sa isa sa mga bangko sa mesa at pasimpleng sinilip ang pandesal sa supot.

Mukha siyang curious kung anong laman ng supot na iyon na para bang ngayon niya lang iyon makikita.

Hinubad ko naman ang suot kong jacket at sumbrero at isinabit iyon sa likod ng pinto ng kwarto ko.

Bumalik ulit ako sa kusina at pinuno na ng tubig ang takure at binuksan ang kalan para maginit ng tubig.

"Matulog ka muna." Aking sabi nang mapansin ang kaniyang pag hikab.

"Later" he lazily said.

Umupo naman ako sa tapat niya dala dala ang dalawang cup at isang maliit na plato at kutsara. Nilagay ko na ang powder na kape sa dalawang tasa at hinihintay ko na lang na uminit ang tubig.

Pinanood niya ang ginagawa ko.Kinuha ko ang bili kong cheese at inilagay sa pinggan. Kumuha ako ng isang piraso pandesal at hinati iyon sa gitna at kumuha ng kapiraso ng cheese at nilagay iyon sa loob bago ko iyon inabot sa kaniya.

Tinanggap niya pero nagaalinlangan pa siyang hawakan iyon at hindi ko maiwasang ngumiwi nang pasimple niya iyong amuyin.

"Tinapay lang iyan na may cheese." Hindi ko maiwasang matawa. Sinong hindi matatawa sa sobrang kaignorantehan niya?

Natigilan siya bago napatingin sa akin. Hawak hawak parin niya ang pandesal sa kaniyang kamay. His eyes soften as he escape a light smile on his lips.

"You're beautiful when smiling"

I fake a cough. Pinilit kong tumigil sa pagtawa tsaka ko siya mapaglarong tiningnan. "Gusto mo bang masaya ako araw araw?"

"Yeah..." Tamad itong tumango.

Mas lalong lumapad ang ngiti. Umipod din ako ng kaunti palapit sa mesa at itinukod ang siko para mangalumababa."Totoo?"

He chuckled with a husky tone before nodding his head.

Ngumisi ako."Kung talaga namang gusto mo ng happy ako,ibigay mo na ang annulment papers"

Kaagad nawala ang ang mapusyaw na ngiti sa mukha niya. Mabilis itong naging blanko.

"We have a deal" matigas niyang saad.

Padabog akong tumayo para patayin ang stove. Nakakainis naman!Talagang ipinagpipilitan niya iyong deal. Paano ko naman gagawin iyon? Gusto talaga niya akong pagkonsensiyahin?

Nilagyan ko ng mainit na tubig ang aming mga baso at hinalo ng ayos bago ibigay sa kaniya ang isa.

"Alam mo Sheehan! Pwede naman na maging maayos ang pamamaalam nating dalawa diba? Bakit kailangan mo pa iyang deal deal na iyon? We can be friends in one week"

"I don't want you to be my friend.You're my wife" nagsimula na siyang kumain at hinahalo ang kape niya.

"Edi magpanggap na lang tayo na magasawa talaga for one week?Yung kunware isa akong butihing asawa ganon"

Tiningnan niya ako ng weird look. "I don't like that. Are you going to make yourself stupid? What are you? An actress? Wala ako sa movie. Nasa realidad tayo. Pretending is suck Frahnss. It's like I'm fooling myself"

Bumagsak ang aking balikat. "Ikaw lang kilala kong ganiyan ang hiniling"

Kumuha siya ng panibagong pandesal at ginaya niya ang kaninang ginawa ko. Kumuha siya ng kapirasong cheese at nilagay iyon sa loob ng pandesal.

"It's only my way to let you go Frahnss. That's the only way...." hirap na hirap niya iyong sinambit bago tinuon ang atensyon sa kapeng mausok usok pa.

Napatuwid ako ng tayo. Napalunok tuloy ako ng laway dahil sa guilt na nararamdaman ko pero agad ko iyong pinagsawalang bahala. Kung ito talaga ang gusto niya bahala siya.

"Fine. I'll be the worst wife you ever had"

We had a quiet breakfast after that. Kumuha ako ng pandesal at imbis na lagyan iyon ng keso,isinawsaw ko lang iyon sa kape ko. Hindi ko sinasadyang mapatingin nang ginaya niya ang ginagawa ko.

I ghost of smile appeared on my lips.

Ang cute lang tingnan.

After breakfast,pinatulog ko muna siya sa kwarto ko. Wala naman siyang nagawa dahil antok na antok na ito. Basta na lang siya sumalampak at nakatulog. Pero ang laki ng katawan niya kumpara sa maliit kong kama.

Siguro ako na lang ang pupunta ng bayan. Papasama na lang ako kay Karen.

Mabuti na lang at walang ginagawa si Karen kaya mabilis ko siyang nahigit papuntang bayan.

Malayo ang bayan sa Isla. Ilang oras din bago ka makarating. Meron kaming maliit na palengke at tiyangge pero wala namang tindahan ng mga kutsyon. Tsaka kung meron man,wala akong mapagpipilian kaya sa bayan na agad.

"Ano bang gagawin natin sa bayan? Kung alam ko lang,nakapagipon sana ako ng malaki." Ani ni Karen pagkababa namin sa tricycle

"Kutsyon. Hindi makatulog si Sheehan sa banig" sagot ko naman.

Nagpaalam muna kami kay Tiyo Kiko bago lumarga. Itetext na lang namin siya kapag uuwi na kami.

"Ang sama mo naman. Bakit sa banig mo pinatulog? Laveny iyon!"

Masama na agad?Buti nga pinaglatag!

"Edi saan ko naman patutulugin iyon?"

"Malamang sa tabi mo. Parang hindi kayo magasawa"

Buti na lang hindi ako kumakain dahil mabubulunan ako sa sinasabi niya.

"Para lang alam mo Karen,matagal na kami nagkahiwalay. Naandito siya kasi nahanap niya ako at tsaka para sa annulment."

"Sayang naman. Ang pogi pa naman. Bakit mo pinapakawalan?"

Hindi ko namalayan na nasa bilihan na pala kami. Hindi ko na siya sinagot. Bakit ko pa sasagutin ang tanong na obvious naman ang sagot.

Pinakapakawalan ko dahil dapat lang. Ang kapal naman ng mukha ko pagkatapos kong iwan diba?

Pinili ko iyong mahal at pinakakomportable para sa kaniya. Mabuti na lang may pera akong naitago. Nakalimutan kong manghingi sa kaniya. Sabihin ko na lang mamaya. Bumili na din ako ng bedsheet at unan para sa kaniya.

Buti na lang at may tumulong sa amin dalhin iyong kutson sa tricycle ni Tiyo Kiko. Medyo may kabigatan kasi iyon. Inilagay naman iyon ni Tiyo Kiko sa itaas ng kaniyang tricycle at tinalian para hindi mahulog.

"Oy teka lang tiyo Kiko,tumatawag si Samuel" Lumayo muna saglit si Karen habang ako ay pumasok sa loob ng tricycle.

Ilang segundo lang naman ang itinagal noon bago lumapit sa akin si Karen.

"Sabi ni Samuel huwag muna daw tayo umalis"

Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?"

"Punta daw sila dito"

"Daw? Sinong kasama?"

"Walang sinabi kung sino kasama. Basta daw dito lang muna daw tayo sa bayan. Papunta daw sila"

"Ano namang gagawin nila dito?"

"Aba'y ewan ko sa lalaking iyon! Parang kinakabahan pa habang nagsasalita!"

Katulad ng sabi ni Samuel, nagstay kami sa bayan. Okay lang naman daw kay Tiyo Kiko ang maghintay. Siya din ay mamamasyal muna habang wala kami.

May mga maliliit na mall dito kaya naisipan muna naming mamasyal ni Karen. Puro reklamo siya at wala daw siyang hawak na sobrang pera kaya puro tingin lang kami sa loob.

Tumingin na din ako ng art materials at mahilig akong magdesign ng mga skateboards.

"Nasa mall kami" narinig kong ani ni Karen habang nakaupo kami sa sa gilid ng hagdan para magpahinga.

"Ano na daw?" tanong ko pagkatapos ng tawag.

"Papunta na daw sila"

Hinintay namin sila hanggang tumunog na naman ang cellphone niya.

"Naandito kami sa hagdan. Nasaan na ba kayo?Ah ge ge. Bilisan niyo! Nakakaantok!"

Sumandal na lang ako sa balikat ni Karen habang naghihintay at pumikit saglit.

"Karen!"

Napamulat ako nang marinig ang pagtawag ng pangalan ni Karen. Si Samuel iyon na mabilis na tumakbo palapit sa amin at katulad ng sinasabi niya,may kasama nga siya.

Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kung sino kasama niya.

"Sheehan?" Gulat kong ani.

Hindi ba't natutulog siya?

Para siyang nakahinga ng maluwag nang makita ako. Agad siyang lumapit sa akin para yakapin ako.

Sa gulat ko hindi na ako nakalayo pa. Suminghap pa si Karen habang si Samuel ay nagtago sa likudan ni Karen.

"I thought you leave again!I thought I lost you again." He whispered in my ears as he tightened his hug.

Hindi ko alam ang gagawin. Nanigas lang ako sa kinatatayuan habang ramdam na ramdam ko ang takot niya.

"I regret sleeping...just like what happened that night."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status