Share

CHAPTER 6

"Let me go" Umubo ako para iparating na hindi ako komportable sa posisyon naming dalawa. Si Karen at Samuel ay lumayo ng slight para bigyan kami ng privacy na dalawa.

Dahan dahan din naman siyang bumitaw. His brows furrowed while looking at me.

"Why are you leaving without telling me?"

Tumaas ang kilay ko. "Tulog ka"

"I thought you leave again"

I looked away, I suddenly remember what he said earlier. I don't know how to react about that. Hindi ko nga inaasahan na sasambitin niya iyon eh.

I cleared my throat before speaking. "Bakit naman ako aalis? May habol akong annulment sayo"

Siya naman ngayon ang umiwas ng tingin. He slightly scratch the side of his neck before looking at me again. "Why are you here?"

"May bwisita kasing nagrereklamo sa banig. Nasagot na ba no'n ang tanong mo?"

Unti-unting umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko. Kita ko din ang pagtago niya ng ngiti sa mukha!

"Thanks"

I shrugged. "Hindi libre iyon. Ang mahal ng kutsyon isang linggo mo lang gagamitin"

"Want me to extend my stay so that I can use the foam longer?"

"Huwag na!" Kaagad kong tanggi. Aba hihirit pa. Tama na ang isang linggo.

"Tss" may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Wallet niya iyon at binigay niya sa akin. "Let's eat and buy groceries. Kunin mo na din ang nagastos mo kanina"

Hindi na ako tumanggi. Talaga namang sisingilin ko siya at hindi naman big deal sa kaniya ang pera. Naandito naman na din kami sa bayan tsaka para narin kay Karen at Samuel. Nakakahiya at naabala namin sila.

Nauna akong maglakad at lumapit kina Karen at Samuel at sumunod lang si Sheehan.

Karen automatically looked at Sheehan. Muntikan pa maglaway kung hindi siniko ni Samuel.

"Si Karen at Samuel nga pala Sheehan" pagpapakilala ko sa dalawa.

"Hello, I'm Sheehan her husband"

"Soon to be ex-husband" pagcorrect ko pa.

Wala namang sinabi si Sheehan. Matipid lang itong ngumiti kay Karen at inilahad ang kaniyang kamay.

Pabebe naman iyong inabot ni Karen. "Hello din." Aniya na may palagay pa ng takas na buhok sa tainga.

Pumunta naman ang tingin niya kay Samuel na napatayo ng tuwid.

Bakit ba takot na takot siya kay Sheehan? Tumango lang si Sheehan sa kaniya. Ngumiwi naman si Samuel.

"Can we stay a little bit longer? I'll just buy groceries and I'll treat you after"

"Oh Yes! Opkors!" Sagot ni Karen na pilit na pilit magenglish.

Hindi mapigilang matawa ni Samuel na nauwi sa ubo matapos sikuhin ni Karen.

"Good. Let's go" mahugong na ani ni Sheehan.

Nag-text kami kay Tiyo Kiko na matatagalan kami. Okay lang naman daw. Mayroon naman daw siyang kamag-anak na may pwesto dito. Doon muna daw siya.

"Sinong naghatid sa inyo?" Tanong ko kay Samuel at medyo nauna kami ng lakad.

Papunta na kami ngayon ng department store dito sa loob ng mall.

"Ako nagdrive. Hiniram ko yung tricycle ni Jojo." Sagot niya.

I nodded and I glance again at him. "Okay ka lang ba?"

Kanina ko pa siyang napapansin na stiff.

"O-oo naman" utal niyang sagot.

"May ginawa ba si Sheehan sayo?"

Umiling agad siya tapos ngumiwi. "Nakakailang siyang kasama. Amoy mamahalin kasi tapos english ng english, kaunti na lang dudugo na ang ilong ko tsaka ang sama ng tingin sa akin Mari—este Frahnss. Para akong kakainin ng buhay. Dapat talaga hindi ko ginawa iyon—"

"Okay lang bang mas lalo kang pag-initan?"

Namumutla at gulat ang titig niya sa akin. "Bakit mo sinasabi 'yan? Ang sama mo naman sa kaibigan mo kung ganoon—"

"Tulungan mo na lang ako. Kailangan kita eh"

Kunot ang noo niya. "Ha? Saan? Para saan?"

"Para sa annulment na inaasam ko"

Mas lalo pa ata siyang naguluhan. "Bakit naman ako madadamay?"

Tinapik ko ang balikat niya. Lumapit ako ng kaunti at bumulong. "Wala ka namang gagawin. Ako na bahala do—"

"Hindi ba Maria--este Frahnss? Magaling ka magluto?" Singit ni Karen sa pagitan naming dalawa ni Samuel kaya nagkalayo kami.

"Bakit mo tinatanong?"

"Nagkwekwentuhan kami nung englishero mong asawa. Ayaw maniwala na marunong kang magluto."

Hindi naman kasi talaga ako marunong magluto non. Naalala ko pa na simpleng itlog nasusunog ko pa. Pero siyempre dahil nga lumayas ako, wala naman akong tiga-lutong aasahan.

Napalingon ako kay Sheehan. Nakatingin siya ng malamig kay Samuel habang si Samuel ay napakamot na lang ng ulo.

Kaagad namang lumingon sa akin si Sheehan. Lumipat siya sa tabi ko habang patuloy kami sa paglalakad. "Is it true?" Tanong niya saken.

"Oo." Matipid kong sagot.

"Sabi ko na sayo e!" Singit pa ni Karen.

"Cook for me then" bulong niya na may kaunting ngiti sa labi.

"Malamang. Anong kakainin natin sa bahay?" Pagsusuplada ko. Iyan naman gusto niya diba? Maging masama ang trato sa kaniya?

Nakapasok na kami ng department store. Kumuha na agad si Sheehan ng isang stroller. Pinakuha niya din si Karen at Samuel.

"Nako nakakahiya" nahihiya pang sabi ni Karen.

"Wow ah? Hiya daw" Sarkistong sabat ni Samuel.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Karen bago nahihiyang tumingin ulit kay Sheehan.

"You don't have to. Just go, gather the needs of your family. I won't mind" He insisted.

"Tanggapin niyo na. Sayang ang blessing" pangungumbinsi ko pa.

Tsaka makakatulong naman iyon sa kanilang dalawa.

Nagkaniyang kuha si Karen ng stroller. Basket lang kinuha ni Samuel.

"Bakit basket lang? Damihan mo na" udyok ko.

"Mag-isa lang naman ako" matipid siyang ngumiti.

Sabagay....

Nagkahiwalay na kaming apat. Magkasama si Karen at Samuel at kami naman ni Sheehan ang magkasama.

"Anong gusto mong iluto ko sayo mamaya?" Tanong ko sa kaniya habang naglalagay ng mga delata sa stroller. Nasa tabi ko lang siya at ramdam kong pinagmamasdan niya ako.

"Anything you want to cook for me. I won't mind"

"Sige lutuan kitang tuyo ah?" Pamimilosopo ko pa.

"What's tuyo?"

"Dried fish"

"Inenglish mo lang" matabang niyang sambit.

"Ano nga kasi gusto mo?"

"I want you back. That's what I want"

Natigilan ako bago tumingin sa kaniya. Seryoso ang mga mata niya habang tinatantya at pilit na hinahanap ang emosyon sa aking mata.

"I don't want to go back" seryoso ko ring tugon at itinulak ang stroller ko para lumipat ng ibang station.

Sa pagluluto yung tinatanong ko tapos bumabanat ng gano'n!

Pagkatapos kong bumili ng mga delata,snacks,shampoo, hygiene products, at iba pa, nagpunta kami ng meat section. Naisip ko na lang na magluto ng pork sizzling sisig.

"Akala ko nawala na kayo!" Bungad sa amin ni Karen habang papunta kami sa counter. Puno na ang dala dala niyang cart. Si Samuel ay ganoon din na nakasunod lang.

"Bakit naman kami mawawala?"

"Natatakot kasi si Karen. Baka daw walang magbayad" natatawang ani ni Samuel.

"Gagi. Ako bahala sa inyo. Nasa akin ang wallet" inilabas ko pa yung wallet niyang makapal.

Sheehan just huskily chuckled. Kinuha niya ang cart sa akin at siya na ang nagtulak non papuntang counter.

"Ang gwapo ng asawa mo! Grabe! Bulong sa akin ni Karen na may pakurot pa sa tagiliran.

Wala akong comment. Totoo naman.

Pagkatapos bayaran ay dala dala namin ang mga stroller namin palabas dahil may mga kabigatan ang mga iyon.

Nagugutom na si Sheehan kaya bago umuwi ay nagyaya siyang kumain. Doon na kami sa pinakamalapit na fastfood resto dito sa loob. Inilagay muna namin sa isang tabi ang mga stroller na puno ng pinamili namin bago kami naghanap ng table. Mabuti na lang may malapit na vacant table sa stroller namin para hindi namin alalahanin. Baka kasi mawala.

"Salamat ng marami Sheehan ah?" Masayang sabi ni Karen kay Sheehan.

"No problem"

"Ang bait ng asawa mo Frahnss" baling pa sa akin ni Karen.

"Siya lang naman masama" he whispered but I still heard him. Hindi ko na lang pinansin.

Ako na ang umorder sa aming lahat. Habang nasa pila ay nakikita kong nag-uusap ang tatlo. Masaya si Karen pero mukhang seryoso naman si Sheehan na nakacross arm at nakikinig.

After kong mabayaran lahat ng order, binigyan lang nila ako ng number para sa order namin. Bumalik ako ng table at umupo sa tabi ni Sheehan.

"Anong pinaguusapan niyo?" Tanong ko kay Karen.

"Nagtatanong lang siya tungkol sayo"

Pinaningkitan ko ng mata si Sheehan na ngumisi lang.

"Katulad ng?"

"Sabi ko wala ka pang naging boyfriend pero maraming manliligaw. Wala ka ring sinagot!"

Lumingon ako kay Sheehan. He slightly lean on me and whispered.

"So this guy is not your boyfriend" turo niya pa kay Samuel.

Nagtataka namang tumingin sa akin si Samuel. Nginitian ko lang siya at umiling para sabihin sa kaniyang wala lang iyon.

"Wala naman akong sinabi." Pagdepensa ko agad.

Wala naman talaga akong sinabing boyfriend ko si Samuel eh.

"Thank you for being faithful to your husband" muli niyang bulong bago umayos ng tayo.

Palihim akong tumingin sa kaniya. Tuwang tuwa pa ata! Hindi iyon nakikita sa mukha niya pero yung mata niya punong puno ng saya.

Hindi naman kasi ako umalis para magkaroon ng lovelife. Isa pa, I don't want to feel guilty. Iniwan ko na nga, lolokohin ko pa? Tsaka alam kong kasal ako. I know my limitation.

At tsaka gawain ko naman na iyon noon. Noong nag-aaral pa ako, kapag may nagtangkang manligaw sa akin nilalayuan ko na.

Kaya siguro nakasanayan ko na.

"Hay! Kaya nga pala hilig niyang mangbusted, mayroon na palang asawa." Dagdag pa niya.

Dumating na ang order kaya kumain na kami. Nitext na namin si Tiyo Kiko na maghintay sa labas ng mall. Nauna namang umalis si Samuel para kunin ang tricycle.

Nagintay lang kami sa labas hanggang makarating sina Tiyo Kiko at Samuel.

"Aba'y sino iyang gwapong kasama mo Maria?" Salubong ni Tiyo Kiko na kinuha ang aming dalahin para ilagay sa likod at ilan ay sa loob.

"Asawa niya ho" magalang na sagot ni Sheehan.

Gulat na tumingin sa akin si Tiyo Kiko. "Ano kako? Maria! Kinasal ka na? Kailan pa?"

Napabuntong hininga ako at napakamot ng ulo.

"Ano kasi Tiyo—"

"10 years ago sir" Sheehan cut me off.

"Ano? Ay matagal na pala kayong magasawa? Bakit hindi ko nakikita ang binatang ito sa atin?"

Mariin akong pumikit. "Mahabang istorya po Tiyo"

"Ay sige, hindi na ako magtatanong pero ang gandang lalaki ng iyong asawa Frahnss."

"Thank you sir" magalang na sambit ni Sheehan.

Matapos iayos ang lahat ng mga pinamili sa loob at likod ng tricycle ay pumasok na kami ni Sheehan sa loob. Si Karen at Samuel naman sa isang tricycle.

"Anong ginagawa m-mo?" Gulat kong tanong dito sa katabi ko nang biglang ipatong ang kaniyang ulo sa aking balikat pagsakay namin.

"I'm sleepy" mahina at may pagkahusky niyang sambit habang nakapikit ang kaniyang mata.

Hindi ko naigalaw ang balikat ko dahil doon. Mukha naman talaga siyang inaantok. Wala naman kasi talaga siyang tulog.

Itinuon ko na lang ang tingin ko sa daan at nagisip ng mga plano para tuluyan na siyang pakawalan ako.

Walang ginawa si Sheehan. Mabait siyang tao. Mabuti ang kaniyang kalooban at sinsero ang kaniyang intensyon.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na naandito na siya at gusto niyang bumalik ako sa kaniya.

Hindi ba dapat galit siya sa akin?

Paano niya nagawang baliwalain iyon?

Habang ako naman ay hiyang hiya sa kaniya. Sa sobrang hiya ay hindi ko kayang bumalik sa kaniya.

I think it's not the right thing to do after all what I've did.

And I'm not worth it to wait for.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status