[Amelia]"ALAM mo ba ang pinapasok mo, Amelia?" Agad na tanong ng nanay niya ng makapasok sila sa maliit nilang kusina. Dahil wala silang upuan ay sa lapag sila naupo, kaya ngayon ay magkaharap sila. "Anak naman, alam natin pareho na kamumuhian ka ng lalaking 'yon sa oras na malaman n'yang ang ama mo ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya niya—""Pero hindi naman niya alam, nay—" Isang sampal ang dumapo sa pisngi niya.Nagyuko siya ng ulo at mahinang napaiyak."Pinayagan kitang magtrabaho do'n dahil ang sabi mo ay gusto mo lang malaman kung ano na ang naging buhay ng kaisa-isang anak na naiwan ng pamilyang 'yon. H-Hindi ko sinabi sa'yo na mahalin mo siya." Nagsimula ng manginig ang boses ng nanay niya. Katulad ng mga nakaraang taon... Nagdurusa rin ang nanay niya sa nagawa ng tatay niya. Ilang taon itong umiyak at humingi ng tawad sa kasalanan na hindi naman nito ginawa."P-Patawad, Nay... Patawad po dahil... dahil hindi ko napigilan."Tumalikod ang nanay niya sa kanya at kita niya kung
[Amelia]KUMIKINANG ang mga mata na humarap siya sa nobyo ng maramdaman ang yakap nito sa likuran niya."Akala ko ba libro ang narito? Ikaw ha, namimihasa ka na. Wala ka ng ginawa kundi pakiligin ako." Ang layo nito sa Damon na una n'yang nakilala."Masanay ka na, dahil pakikiligin kita hanggang sa pagtanda natin." Hinaplos ni Damon ang pisngi niya at tumingin ng puno ng pagmamahal sa kanya. "Palagi ko namang sinasabi sayo, di'ba? Hindi ako magsasawa na iparamdam sa'yo kung gaano ka kahalaga sa akin." Tumingkayad siya at hinalikan ang nobyo sa labi. "Thank you for that, babe." Aniya.Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. "Sabay na tayong maligo—""Tse!" Aniya sabay irap. "Mahirap kang kasabay maligo, Damon! Inaabot tayo ng oras!"Kumalat ang malakas na halakhak nito sa kwarto dahil sa sinabi niya.Pagkatapos magbihis ay agad na pinatuyo niya ang buhok gamit ang blower. Hindi na siya naglagay ng lipstick sa labi, tanging polbo lang. Sigurado kasi siya na hahalikan siya ni Damon hangg
[Amelia]KANINA pa nakaalis si Damon. Siya naman ay patuloy sa pagbabasa ng mga librong binili nito para sa kanya.Tumayo siya at ibinagsak ang libro. Mabuti pa na umalis siya para bumili ng regalo para sa kapatid. Bakit ba hindi niya naisip na isang businessman ang nobyo niya? Marami itong inaasikaso at malamang ba busy ito.Mabilis siyang naligo at nag ayos. "Aling Marta, aalis lang po ako. May bibilhin lang." Paalam niya sa bagong kasambahay na pumalit sa kanya."Ma'am —""Aling Marta naman, sabi ko naman sa inyo, di'ba na Amelia lang ang itawag niyo sa akin?" Napakamot ang matanda sa ulo. "Pasensya na po, Ma'am — Amelia pala. Nakakahiya naman po kase.""Aling Marta naman, Amelia nga ang tawag mo sa'kin, pero nag-Po ka naman." Napailing siya. Mabait si Aling Marta. Kung si Miss Neil ay mukhang instrikta, ito naman ay hindi. Kapag wala siyang ginagawa ay palagi din siyang tumutulong dito para matapos agad nito ang gawain. Mabagal na rin kasi ang kilos nito dala ng katandaan.Hindi n
[Damon]TUMINGIN siya sa relong nasa bisig at napatiim-bagang.Siya man ang dahilan kung bakit nasa hospital ang ama ni Cassandra ay hindi niya magawang magtagal sa hospital lalo pa't hindi maalis sa isip niya si Amelia.Pilit na inalis niya ang pagkakayakap sa kanya ni Cassandra. "I'm sorry, Cassandra, but I have to go." Muli siyang tumingin sa relo. Damn! Hindi siya aabot sa dinner!"Damon!" He stopped walking when Cassandra shouted his name."I would never accept your reason. I'm your fiance and no one can break that even you. Sigurado ako na kahit si Tita ay gano'n ang gusto." Cassandra bravely looks at him with determination seen in her face.He frowned. "I don't care if you can't accept it, Cassandra. Marrying you is not part of my plan." Tumingin siya seryoso sa dalaga. "Actually, it will never be, even if my mother was alive.""Bumakas ang sakit sa mata ni Cassandra. Pero wala siyang pakialam.Yes. Cassandra was his fiance before. Ang mommy lang niya ang may gusto na pakasala
[Amelia]"WALA man sila ngayon dito, alam ko naman na masaya sila para sa akin." Nakatingin sa lapida ng ina na sambit ni Damon. "I'm sure magugustuhan ka ni Daisy kung nabubuhay siya ngayon."Gusto n'yang hilain ang kamay kay Damon at tumakbo palayo para pakawalan ang luha na kanina pa nagbabadyang mahulog mula sa mga mata niya."I'm grateful to have you in my life. If it wasn't for you. I might still be in the dark... Lonely and suffering..." Tumingala si Damon at ilang beses na bumuga ng hangin.Alam niya. Ramdam niya. Nagpipigil ng pag iyak ang nobyo niya."You're the reason why I'm sane, Amelia. You are the light in my dark and lonely world. You are the reason why I want to live in this damn world. You're the only reason for me in everything..."Hindi na niya kaya!Hinila niya ang kamay at tumakbo palayo kay Damon habang umaagos ang masaganang luha sa kanyang pisngi."Babe!"Hindi niya pinakinggan ang paulit-ulit na pagtawag ni Damon sa pangalan niya.Nang may nakita siyang puno a
[Amelia] SPG!!!HINDI niya alam kung ano ang pumasok sa katawan niya at pinantay niya ang mukha sa harap ng mataba at mahabang pagkalalaki nito.She touched his length."F-Fùck!" Damon growled when he felt the warmth of her hand. "Babe—ohhh!" Napatingala ang binata ng tuluyan n'yang ipasok ang kahabaan nito sa loob ng makipot n'yang bibig.Sa laki ng alaga nito ay kalahati lang ang nasubo niya! Ilang beses pa siyang naduwal dahil sa pagpilit niya na masubo ito ng buo.Wala siyang maramdaman na pandidiri. Lalo na't nakikita niya na sobrang nasasarapan si Damon sa ginagawa niya. Niluwa niya ang kahabaan nito na puno na ng laway niya. Tumingin siya rito habang iniikot ang dila sa mamula-mulang ulo ng pagkalalaki nito na tila ba isang kabute. Hindi nagtagal ay muli niya itong isinubo habang nakatingin sa reaksyon ng nobyo. Pulang-pula ang mukha nito habang nakapikit. Ang kamay nito ngayon ay nakahawak na sa likod ng kanyang ulo."Ohhh, babe! Ohh, you're so good—fùcķ!" Gusto n'yang itulak
[Amelia]NAPATIGIL siya sa paglakad ng harangin siya ng isa sa mga driver ni Damon. "Ma'am, hindi ho kayo pwedeng umalis ng hindi ko kayo hinahatid. Iyon ho ang bilin ni Sir." Ani ng matanda. Sumenyas pa ito sa mga guard na huwag siyang pagbuksan ng tarangkahan."Magta-taxi nalang ako." Giit niya. Kapag nagpapahatid kasi siya ay pakiramdam niya ay nagpapabigat lang siya sa mga trabaho ng mga driver ni Damon."Ma'am, pasensya ka na ho. Pero trabaho namin ang ipag-drive ka saan ka man magpunta. Kami ho ang pagagalitan ni Sir sa oras na hayaan ka uli namin na umalis mag isa." Magalang na ani ng matanda.Napabuga siya ng hangin bago sumakay ng kotse. Mas mabuti na ito kesa ang pagalitan ito ni Damon. Alam naman niya na takot pa rin ang karamihan ng tauhan ng binata rito. Hindi na nakapagtataka ang bagay na 'yon. Nakakatakot naman talaga ito.Pero noon iyon at hindi na ngayon.Pagkarating nila sa building na pag aari ni Damon ay agad na bumaba siya ng kotse. "Manong, huwag mo na akong hint
[Amelia]NAG-IPON siya ng lakas ng loob bago lakas loob na nagtanong. "S-Sino... S-Sino ang babaeng 'yon?" Hindi tumitingin sa nobyo na tanong niya.Kapag naaalala niya ang pagkapit ng babae sa braso ni Damon noong nakaraan ay kumikirot ang dibdib niya."One of my mother's friend's daughter.""S-Sino siya para sa'yo? Bakit mo siya iniiwasan? At bakit... sinabi niya na hindi mo siya pwedeng iwasan palagi?" Hindi niya alam kung tama pa ba ang mga tinatanong niya.E, hindi naman siya asawa kundi nobya lang.Umupo si Damon sa kama. Hinawakan nito ang mukha niya at iniharap rito. "She's just a friend, babe. Wala kang dapat ikaselos."Kaibigan lang daw!Pinigilan niya ang mapangiti. "Ako nagseselos? Hindi, no! Bakit naman ako magseselos? Nagtatanong lang naman, e!" Magkakasunod na dahilan niya.Malakas na natawa si Damon. "Hindi pala, huh? Kaya pala naiiyak ka na." Napalabi siya. Mahina n'ya itong sinuntok sa dibdib. "Hindi sabi ako nagseselos, e! Hindi ako selosa!"Sige lang. Magdahilan ka
[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito.Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita.Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito.Parang bata na napahagulhol siya ng iyak. Ma
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak
[Amelia]HINAWAKAN niya mukha ni Amon at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Kailangan na niyang kumilos. Marahan ang kilos na lumabas sila sa ilalim ng mesa. Sumagap muna siya ng hangin bago nagpasya na sumilip, pero agad na bumalik siya sa pagkakatago ng makita ang isa sa hinihinala niyang tauhan ni Cassandra."Hanapin niyo ang dalawa. Tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga 'yon—putanģ ina! Ano 'yon?!" Malakas na mura ng lalaki ng makarinig ng sunod-sunod na pagputok.Tinakpan niya ang tenga ng anak. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng mga yabag. Mabilis na hinila niya si Amon upang bumalik sa ilalim ng mesa.Sobra ang kaba niya ng makita ang anim na pares ng paa na nakatayo malapit sa pwesto nila. Mabuti nalang at may kahabaan ang mantel ng mesa kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Halos takpan niya ng maigi ang bibig ni Amon huwag lang itong makapag ingay.Nanlaki ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses."Dennis, nasaan na sila Mando?!" Tanong ni Cassandra sa tauhan."Wala na
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant