[Amelia]NAPATIGIL siya sa paglakad ng harangin siya ng isa sa mga driver ni Damon. "Ma'am, hindi ho kayo pwedeng umalis ng hindi ko kayo hinahatid. Iyon ho ang bilin ni Sir." Ani ng matanda. Sumenyas pa ito sa mga guard na huwag siyang pagbuksan ng tarangkahan."Magta-taxi nalang ako." Giit niya. Kapag nagpapahatid kasi siya ay pakiramdam niya ay nagpapabigat lang siya sa mga trabaho ng mga driver ni Damon."Ma'am, pasensya ka na ho. Pero trabaho namin ang ipag-drive ka saan ka man magpunta. Kami ho ang pagagalitan ni Sir sa oras na hayaan ka uli namin na umalis mag isa." Magalang na ani ng matanda.Napabuga siya ng hangin bago sumakay ng kotse. Mas mabuti na ito kesa ang pagalitan ito ni Damon. Alam naman niya na takot pa rin ang karamihan ng tauhan ng binata rito. Hindi na nakapagtataka ang bagay na 'yon. Nakakatakot naman talaga ito.Pero noon iyon at hindi na ngayon.Pagkarating nila sa building na pag aari ni Damon ay agad na bumaba siya ng kotse. "Manong, huwag mo na akong hint
[Amelia]NAG-IPON siya ng lakas ng loob bago lakas loob na nagtanong. "S-Sino... S-Sino ang babaeng 'yon?" Hindi tumitingin sa nobyo na tanong niya.Kapag naaalala niya ang pagkapit ng babae sa braso ni Damon noong nakaraan ay kumikirot ang dibdib niya."One of my mother's friend's daughter.""S-Sino siya para sa'yo? Bakit mo siya iniiwasan? At bakit... sinabi niya na hindi mo siya pwedeng iwasan palagi?" Hindi niya alam kung tama pa ba ang mga tinatanong niya.E, hindi naman siya asawa kundi nobya lang.Umupo si Damon sa kama. Hinawakan nito ang mukha niya at iniharap rito. "She's just a friend, babe. Wala kang dapat ikaselos."Kaibigan lang daw!Pinigilan niya ang mapangiti. "Ako nagseselos? Hindi, no! Bakit naman ako magseselos? Nagtatanong lang naman, e!" Magkakasunod na dahilan niya.Malakas na natawa si Damon. "Hindi pala, huh? Kaya pala naiiyak ka na." Napalabi siya. Mahina n'ya itong sinuntok sa dibdib. "Hindi sabi ako nagseselos, e! Hindi ako selosa!"Sige lang. Magdahilan ka
[Amelia]HINDI na niya kaya!Nagmamadali siyang magbihis at bumaba ng kwarto. Mababaliw siya kung hindi niya pupuntahan si Damon."Amelia, saan ang punta mo, iha?" Tanong ni Aling Marta ng makita siya."Pupuntahan ko lang po si Damon, Aling Marta." Sagot niya bago nagmamadaling lumabas.Habang sakay ng kotse na minamaneho ng driver ni Damon ay panay ang buntong hininga niya. Hindi niya alam kung tama ba 'tong ginagawa niya. Dahil ba bata pa siya at bagong pasok sa relasyon kaya ganito ang nararamdaman niya? Kinakain siya ng selos? Tama... Selos ang tawag dito.Pagkarating ay agad na bumaba siya ng kotse. Natigilan siya at bahagyang nabigla. Paano ay nakita niya ang babae na pasakay ng kotse—Kotse ni Damon!Dahil nakatalikod sa gawi niya si Damon ay hindi siya nakita nito. Pero si Cassandra ay sigurado siyang nakita siya.Gumuhit ang nang aasar na ngiti sa labi ni Cassandra habang nakatingin sa kanya.Katulad no'ng nakaraan ay hindi niya magawang gumalaw sa kinatatayuan. Nakaalis nal
[Amelia]UMIIYAK na nagyuko siya ng ulo. Sobrang saya niya... At the same time ay nakokonsensya siya.Paano niya nagawang mag isip ng kung ano-ano gayong mahal na mahal siya ni Damon?"Hindi kita mamadaliin na pakasalan ako. Kaya kong maghintay kung kailan ka magiging handa—wait, hindi pala." Nagkamot sa ulo si Damon. "Hanggang five years lang ako maghihintay, then after that, pakakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo." Mahinang hinampas ng malaya n'yang kamay ang dibdib nito. "Maghihintay daw, pero five years lang? Dapat ten years!" Biro niya sa huling sinabi."Ten years? Damn no!" Hinawakan ni Damon ang mukha niya at saka pinugpog siya ng halik. "Dapat sa gano'n katagal ay may pito o anim na tayong anak."Natawa nalang siya. Mukhang balak talaga nito na anakan siya ng anakan. Napatili siya ng buhatin siya nito papasok. "Ano ba, Damon! Baka may makakita—" Hinalikan siya nito. "I don't care." Nakangising sambit nito.Pupungas pungas na tumayo siya. Wala na sa tabi niya si Damon ng
[Damon]"A-AYOS lang ako. S-Sige maiwan ko na kayo." Nginig ang boses na sambit ni Amelia.Hinawakan niya ang mukha ng nobya na bahagyang namumutla. "Babe." Nag aalalang tawag niya rito. Paano ay tulala ito habang nanginginig ang katawan. "I will take to the hospital kung hindi maganda ang pakiramdam mo—""A-Ayos lang ako. Ano ka ba. Sige, maiwan ko na kayo." Iwas ang tingin na paalam nito saka nagmamadaling umalis."Mukhang wala ka naman balak ipahanap ang pamilya ng taong 'yon. Pero kung sakali na magbago ang isip mo, just call me." Tumayo si Zandro. "I have to go, may kukulitin pa akong tao." Pagkaalis ni Zandro ay agad na sinundan niya si Amelia. Nag aalala siya para sa nobya. Kita niya kung paano ito namutla kanina.Natigil siya sa paghakbang ng may makitang maliit na kapiraso ng papel sa ibaba ng hagdan."Nasaan na ba kasi 'yon." Boses 'yon ni Amelia.Dinampot niya ang papel at tumingin sa itaas ng hagdan kung nasaan si Amelia.Mukhang ito ang hinahanap ng nobya—Kumunot ang no
[Amelia]"D-Damon... Mahal na mahal kita... Totoo lahat ng pinakita ko sa'yo." Tinabig ni Damon ang kamay niya ng hahawak sana siya sa laylayan ng suot nitong tshirt.Wala na siyang makitang pagmamahal sa mukha ni Damon... Puro pagkamuhi nalang...Napahagulhol siya at napaluhod. Hindi siya papayag! Mahal niya si Damon ng sobra. Hindi mapuputol dito ang relasyon nila!"P-Patawad... Patawad dahil anak ako ng taong kinamumuhian mo." Tumingala siya habang patuloy na umiiyak. "Patawad dahil isa akong anak ng kriminal... I-Inihihingi ko ng tawad ng mga 'yon... P-Pero maniwala ka, wala akong ibang intensyon na masama... Lahat ng pinakita at pinaramdam ko sayo na pagmamahal ay tunay at walang halong kasinungalingan... Mahal na mahal kita, Damon." Sobrang sakit makita na ang lalaking puno ng pagmamahal kung tumingin sa kanya noon, ngayon ay wala na...Blangko ang mukha nito... Walang emosyon... "Diyos ko! Ano ang nangyayari rito?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni aling Marta na kararating la
[Amelia]GUTOM na gutom siya, kaya agad n'yang nilantakan ang binigay ni Miss Neil na sandwich. Katulad ni Miss Neil ay nakatingin din sa kanya si Aling Martha ng may awa sa mata."Pumasok ka muna at maligo, Amelia. Aba, ang baho mo na." Hindi mapigilang sabi ni Miss Neil.Hinila niya pabalik ang kamay ng hawakan siya ng matanda sa kamay. "Ayoko po, Miss Neil, baka mamaya ay magalit si Damon sa inyo at madamay kayo sa galit niya sa akin." "Naku, Neil, ilang beses ko ng sinabihan 'yang si Amelia na pumasok pero ang tigas ng ulo." Ani ni Aling Martha."Paano ka kakausapin ni Sir kung ang baho mo?" Napayuko nalang siya ng ulo sa sinabi nito. "Tayo na." Wala siyang nagawa ng hilahin siya ni Miss Neil papasok, pero hindi pa man siya nakakapasok ng makaramdam siya ng pagkirot ng tiyan at matinding pagkahilo.Huminto siya sa paghakbang at humawak siya sa tiyan. "M-Masakit..." D***g niya bago bumagsak ang katawan."Diyos ko!" Naibulalas ni Aling Martha.Boses ng dalawang matanda ang narinig
[Amelia]"A-ANO?" Dinadaya lang siya ng pandinig niya.Tama!Hindi totoo ang narinig niya! Hindi magagawang sabihin ni Damon ang bagay na 'yon!"I don't care if you're pregnant, Amelia. Get rid of that child and your problem is solve." Umawang ang labi niya na ngayon ay nanginginig na dahil sa labis na pag iyak. "P-Problema lang ang tingin mo sa anak natin?" Lumapit siya sa binata at kumapit sa damit nito. "Hindi mo yata naiintindihan ang sinabi ko, Damon. Ang sabi ko buntis ako—""So what? Do you really think that you can use that child to fool me even more?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Damon, sa lamig no'n ay tila nanagad 'yon sa kanyang kalamnan. "Hindi ko gustong magkaanak sa isang may dugong kriminal kaya ipalaglag mo ang batang 'yan—"Malakas n'ya itong sinampal. Hilam ng luha ang kanyang mukha sa sobrang sakit at galit."N-Napakasama mo..." Pinagsusuntok niya ito sa dibdib. "P-Paano mo 'yan nasasabi sa anak natin, Damon? Paano?" Alam niya na anak siya ng kriminal, pero bak