Share

39. TLBAHM

[Amelia]

TINULUNGAN niya magluto si Pearl. Hindi niya mapigilan ang hangaan 'to. Bawat galaw nito ay puno ng pag iingat.

Dalagang Pilipina talaga.

"Lutuan mo si Damon ng ganito dalawang beses sa isang buwan. Paborito niya kasi ang Kare-kare. Wag na wag kang maglalagay ng Chili sa kahit anong pagkain niya, dahil hindi niya gusto ang mga maanghang na pagkain."

Habang nagsasalita si Pearl ay nakikinig lang siya. Ang dami nitong alam tungkol sa amo niya. Ganito ba kalapit ang dalawa sa isa't isa?

"Amelia?"

Natauhan siya at tumingin kay Pearl. "Sorry po, ano nga po ulit 'yon?"

Nilagay ni Pearl ang buhok sa likod ng tenga. "Tinatanong ko kung ilang taon ka na?"

"Eighteen po." Bakit nagtanong nito?

Tumango-tango si Pearl. "Nasa tamang edad ka na, pero masyado ka pa palang bata." Halata na may pagkaalangan sa mukha nito. "Handa ka na ba magka-boyfriend?"

Natigilan siya.

"Wag mo na pansinin ang tanong ko. Ganito talaga ko minsan, mapagtanong." Sabi nalang ni Pearl ng mapansin ang pagkailang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
hahaha,, ito talaga si Damon may nagmamayari na Pala hahaha
goodnovel comment avatar
Bessie Ocampo Dela Sala
more update plss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status