[Amelia]TINULUNGAN niya magluto si Pearl. Hindi niya mapigilan ang hangaan 'to. Bawat galaw nito ay puno ng pag iingat.Dalagang Pilipina talaga."Lutuan mo si Damon ng ganito dalawang beses sa isang buwan. Paborito niya kasi ang Kare-kare. Wag na wag kang maglalagay ng Chili sa kahit anong pagkain niya, dahil hindi niya gusto ang mga maanghang na pagkain."Habang nagsasalita si Pearl ay nakikinig lang siya. Ang dami nitong alam tungkol sa amo niya. Ganito ba kalapit ang dalawa sa isa't isa?"Amelia?" Natauhan siya at tumingin kay Pearl. "Sorry po, ano nga po ulit 'yon?"Nilagay ni Pearl ang buhok sa likod ng tenga. "Tinatanong ko kung ilang taon ka na?" "Eighteen po." Bakit nagtanong nito? Tumango-tango si Pearl. "Nasa tamang edad ka na, pero masyado ka pa palang bata." Halata na may pagkaalangan sa mukha nito. "Handa ka na ba magka-boyfriend?"Natigilan siya. "Wag mo na pansinin ang tanong ko. Ganito talaga ko minsan, mapagtanong." Sabi nalang ni Pearl ng mapansin ang pagkailang
[Amelia]HINDI NA SIYA MAGPAPA-APEKTO. Ito ang sinabi niya kagabi pero mukhang hindi mangyayari ang sinabi niya.Hindi niya magawang ngumiti habang pilit na sinusubuan ni Pearl ang amo niya!Masama ang tingin niya ngayon sa amo niya. Naku, kapag ito talaga ngumanga at nagpasubo kay Pearl, lalagyan niya ng sili ang pagkain nito sa loob ng isang linggo.Nag iwas niya ng tingin ng makitang nakatingin sa kanya ang amo niya. Nakita pa niya ang bahagyang pagngiti nito.Anong kangiti-ngiti ngayon? Porke sinubuan lang, ngingiti-ngiti na?"Hmm, it's delicious, Pearl. You cooked all of this?" Halatang nasarapan sa niluto niya ang amo niya."Yes, Love! Ako ang nagluto lahat ng 'to!" Muntik na niyang maibuga ang kinakain. Ano daw?! "Eh ako ang nagluto ng lahat ng nakahain!" Sigaw ng utak niya. Bakit nagsinungaling ito?!"I'm so glad that you like all of this food. Akala ko kasi ay hindi mo nagugustuhan dahil akala ko ay matabang." Nakanguso pa na sabi ni Pearl na halatang nagpapa-cute.Lukot na l
[Amelia]NAPALUNOK siya sa sariling tanong sa sarili. Puro siya tanggi... Pero bakit parang nagsisinungaling lang siya sa sarili niya? Kung hindi pa siya hulog, bakit nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon? Bakit siya nagseselos kung wala siyang pake at nararamdaman?Hinawakan niya ang dibdib.Bakit tumitibok 'to ng mabilis dahil sa amo niya? Tumingin siya sa amo niya at kay Pearl. Kinagat niya ang labi at nagyuko ng ulo.Kumpirmado. Hulog na nga siya....Hulog na hulog na!Malungkot siyang napangiti. Pasabi-sabi pa siya na hindi siya mahuhulog sa binata pero heto siya ngayon... nasasaktan.Pasabi-sabi pa siya na hindi sila pwede dahil maraming dahilan, pero bakit gusto niyang bawiin lang ng sinabi niyang 'yon?Wala naman siyang laban kay Pearl. Maganda na ito, mayaman pa. Eh siya? Ganda lang ang meron.Saka hindi naman talaga siya gusto ng amo niya dahil TRIP lang naman talaga siya nito. Sino ba siya para magustuhan? Tulad nga ng sabi ng amo niya, isa lang siyang hampaslupa, boba, t
[Amelia]KAHIT sobrang sakit sa mata at sa dibdib ay pilit niyang kinaya. Bawat pagbubulungan ng dalawa ay naniningkit ang mata niya. Gusto niyang gumitna at paghiwalayin ang dalawa. Pero alam niyang hindi pwede! Sino ba siya, di'ba? Isa lang naman siyang kasambahay ng mahal niya.Tumigil sa paglakad ang dalawa at huminto sa isang Jewelry Store na tiyak siyang hindi afford ng gaya niya. Pang-sosyal at pang-mayaman.Masayang pumasok si Pearl sa store. Mukhang nanalo sa lotto ang mukha. Tumingin siya sa amo niya na katulad niya ay nasa labas pa ng Store. Nakatingin na 'to sa kanya ngayon.Gusto niya 'tong irapan pero nagpigil siya. Kahit anong sakit ng damdamin niya ngayon ay amo pa rin niya 'to."Sumunod ka, Amelia." Utos nito at saka sumunod na kay Pearl sa loob.Saka siya umirap ng nakatalikod na 'to. Katulad ng utos nito ay sumunod siya rito. "Love, di'ba kahit ano pwede kong piliin, right?" Nagniningning ang mga mata na tanong ni Pearl sa binata.Tumango si Damon. "Give her ever
[Amelia]PAREHO sila ng kalagayan.Mahal niya ang amo niya pero hindi siya mahal. Mahal siya ni Nelson pero hindi naman niya ito mahal.Kung pwede lang turuan ang puso ay gagawin niya. Syempre do'n siya sa lalaking mahal siya at hindi siya sasaktan, pero hindi natuturuan ang puso.Pumasok siya sa kwarto at do'n pinakawalan ang luha niya. Dati palagi niyang sinasabi na hindi siya magmamahal ng maaga dahil ayaw niya magaya sa nanay niya.Nagmahal ng maaga at maling lalaki ang pinili.Pero heto siya ngayon. Nagmahal ng maling lalaki....Sabagay, kung mamahalin din siya ng amo niya ay maling babae din siya para rito.Umiyak siya ng umiyak hanggang sa makatulog siya.Dumilat siya. Ramdam niya ang panlalagkit ng mukha niya dahil sa luha. Kumukulo ang tiyan niya dahil sa gutom. Hindi pa nga pala siya kumakain. Alas dyis na ng gabi.Humihikab na tumayo siya at nagpunta sa kusina. Natigilan siya ng mapansin na may bawas na ang mga niluto niya.Ibig sabihin ay kumain ang amo niya? Akalq niya ay
[Amelia]HALOS tumalon ang puso niya sa sobrang tuwa. Mahal din siya ang amo niya!Ang tuwa na nararamdaman niya ay agad na napawi. Naalala niya na ikakasal na ito kay Pearl. Mahal man niya ito ay hindi niya kayang manakit ng kapwa niya babae."Do you love me, Amelia?" Tanong nito at saka bumitaw ng yakap sa kanya. Inangat nito ang mukha niya at yumuko sa kanya. "I want to hear in your lips that you love me too." "Mahal kita, Sir.... Pero-" "No buts." Sinakop nito ang labi niya. Hindi niya magawang tumutol. Pumikit nalang siya at ninamnam ang malambot na labi nito.Ngayon lang 'to. Last na halik na 'to. Dahil hindi sila pwedeng magpatuloy dahil malapit na itong ikasal kay Pearl. Kailangan na rin siguro niyang lumayo rito. Hindi naman niya kayang makita araw-araw ang lalaking mahal niya na bumubuo ng pamilya sa ibang babae.Binuka niya ang labi para makapasok ang mapusok na dila nito sa loob ng bibig niya. Ginalugod ng dila nito ang loob ng bibig niya na tila naghahanap. Napa-ungòl si
[Amelia]HINAWAKAN nito ang kamay niya at hinila siya sa tapat ng pinto. Ito ang pintuan na bawal pasukin, may nakalagay pa na 'DO NOT DISTURB THE PRINCESS OF THIS HOUSE. Naalala niya noon ng mapunta siya rito, katakot - takot na Damon ang nakaharap niya ng panahon na 'yon."Babe, meet my sister, Daisy." Kinuha ni Damon ang isang picture frame kung saan may magandang babae na sa tingin niya ay nasa disi-sais anyos palang. Tumingin si Damon ng nakangiti sa picture ng kapatid. "Daisy, meet my girlfriend, Amelia."Kita ang magkahalong emosyon sa mata ng binata. Pangungulila, pagmamahal, sakit at galit."My parents were dead including my little sister." Hindi maitago ang sakit sa boses ni Damon. "Simula noon nabuhay ang halimaw sa puso ko. Bakit nawala sila ng gano'n kadali sa akin? Bakit iniwan nila ako?" Tumalikod ito para itago ang luha sa mata. "Binabangungot ako gabi-gabi dahil sinisisi ko ang sarili ko, kung hindi ko sila sinama para tingnan ang property na binili ko ay hindi sila ma
[Amelia]"BABE?" Untag ni Damon sa kanya.Agad na ngumiti siya at pilit na inalis sa isip ang mapait at masakit na mga alaala kaugnay sa tatay niya.Maang na tumingin siya kay Damon ng makita ang singsing na sinuot nito sa daliri niya."P-Papakasalan mo na agad ako?" Tanong niya ng may hindi makapaniwala na ekspresyon sa mukha.Natawa ng malakas si Damon. "Bakit gusto mo ba?" Namula siya. Iniwas niya ang tingin at saka ngumuso. Malay ba niya na inaalok na pala siya ng kasal nito, at hindi lang niya narinig dahil lumilipad ang isip niya."This ring is a symbol of my undying love for you, Amelia. Binili ko 'yan dahil sabi ni Pearl ay sigurado na magugustuhan mo 'yan." Dinala ni Damon ang kamay niya sa labi nito. Hinalikan nito ang likod ng palad niya. "Date natin 'to pero bakit parang ang layo ng iniisip mo?" Nag iwas siya ng tingin. Kung dati ay walang emosyon ang kulay itim na mata nito, ngayon ay hindi na.May halo ba itong pagmamahal.Wala siyang nagawa kundi tingnan si Damon sa ma